CHAPTER THIRTY-THREE

ANGELA'S POV:

Umaga na at sa tingin ko'y nasa baba na ang lahat at kumakain, napatingin ako sa wall clock at nakumpirmang alas otso na nga.

Napagod yata talaga siguro ako sa byahe kasi kahit napaaga ako sa pagtulog kagabi ay late naman akong nagising.

Bumangon ako at inalala ang maikling kaganapan kagabi, sabay kaming kumain ng step mom ko kahit labag sa loob ko, hindi man lang ako kumibo habang kaharap siya sa pagkain pero minsan ay napapatingin ako sa kanya 'pag nilalagyan niya ng ulam ang plato ko na akala niya'y ikinababait niya.

Hindi na ako tumutol sa ginawa niyang iyon at nagpasalamat na lamang, kahit paano naman ay may kabaitan naman ako at nagpapasalamat pa rin ako sa kanya kahit papa'no sa pag-aalaga niya kay Dad. 

Dali-dali akong pumunta sa banyo at inayos ang mukha ko at nagmumog na rin. Bago lumabas sa banyo ay napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin at pilit na ngumiti, ang pangit!

Hindi ako kundi ang ngiti ko ngayon, when will I ever get ugly? No exact date, just forever gorgeous.

Lumabas na ako ng kwarto at binati ang mga nakakasalubong kong kasambahay namin, naabutan ko sa hagdan iyong ka-edad kong kasambahay na siyang tumulong sa akin kahapon.

Nginitian ko ito at tinanong, "Uhm, kumain na ba kayo?"

Agad itong napailing at sinuklian ako ng ngiti, "Nasa baba na po sina Ma'am Lori at si Sir, sumabay na po kayo roon, Miss."

Napakunot naman ang aking noo dahil sa kanyang sinabi, "Hindi ba kayo pinapasabay ni Lori 'pag kumakain sila?"

Nag-aalinlangan itong napapailing sa aking tanong kaya napabuntong hininga ako at napatango saka nagpasalamat na rito.

Gusto ko sana silang sumabay sa amin, gustong-gusto ko kaso nga lang maarte itong si Lori at baka kung ano pa ang masabi nito kay Dad at ang kahihinatnan lang ay mag-aaway ulit kami.

Pagkababa na pagkababa ko ay agad kong narinig ang samut-saring tawa na paniguradong nanggagaling sa dining area namin.

Pamilyar ang boses ng isa habang ito'y nakikipagkwentuhan kay Lori at kay Dad, pagkalapit ko ay nanlaki ang aking mga mata pagkakita kung sino iyon.

"Kylie!?" malakas kong bulalas dito kaya nakuha ko ang atensyon ng lahat. "Bakit hindi mo sinasagot ang mga texts at tawag namin?"

"Sorry, Gel. Nagdead-batt ang cellphone ko eh at hindi ko na naicharge ang powerbank ko dahil biglaan ang pagpunta namin dito." Pagpapaliwanag nito, lumapit na ako sa aking upuan na katapat ng upuan ni Lori.

"Good morning po," bati ko kay Dad na ngayon ay ibinaba na ang dyaryong hawak at nginitian ako.

"Good morning din, anak. Pinapatawag ko lamang sila rito dahil may importante kaming pag-uusapan." Wika nito at sumimsim sa kanyang kape.

"Pinasama ko na rin si Kylie dear dito since sembreak niyo rin naman," nakangiting wika ni Lori na nakapagpaikot ng aking mga mata sa aking isip-isipan. Ang plastic talaga nito!

Pagkatapos kong magdasal ay kumain na ako, kumuha ako ng dalawang sliced bread, corned beef at itlog saka nagsimula ng kumain.

Minsan ay nakikita kong nagnanakaw ng tingin si Kylie sa akin at tinaasan ko lamang ito ng isa kong kilay.

I'm not mad at her, siguro konti noong hindi ko pa nalaman ang dahilan kung bakit hindi siya nakakapagreply pero ngayon ay maayos naman na.

"How was school?" paninimula ngayon ni Lori, napatingin ako sa kanya nang sabihin niya iyon habang umiinom ako ng tubig.

Napabalik-balik ang tingin nito sa amin ni Kylie and I know, it would be really rude kung 'di namin siya sasagutin.

"We were busy po pero last week hindi naman masyado since naging busy na ang aming mga guro for computing our grades," sagot naman ni Kylie sa kanya. Binaba ko na ang inumin ko at sinimulan ulit na kainin iyong tinapay.

"Nga pala, Dad." Pagkukuha ko ng pansin kay Dad kaya napatingin ito sa akin at nagtaka ako nang napatingin din ito sa direksyon nina Lori at ni Kylie.

"This Sunday, pwede bang ikaw ang kumuha ng card ko? Card giving na naming for the first semester po and required talaga na kayo ang pumunta." Dagdag ko pa.

Nakita kong napaisip ito sagit na para bang may inaalala, "Sure, anak. Kapag hindi ako available sa linggo ay pwede bang si Lori na lamang ang kukuha?"

Napatingin naman ako sa ngayo'y nakangisi ng malapad na si Lori at hinawakan pa nito ang kamay na nasa mesa ni Dad at nagsalita, "I would love to, dear! But I think tutol itong si Angela 'pag ako man ang kukuha?"

Alright, dahil sa sinabi ni Lori ay naging hot seat agad ako. Nakatingin ang lahat sa akin at naghihintay sa kung ano mang isasagot ko. Kahit kailan talaga!

Pilit akong napangiti na tinignan si Dad at si Lori, "Nah, I don't really mind."

Napapalakpak naman si Lori at nagsimula ulit magkwento ng kung ano habang ako'y nagpatuloy na lamang sa pagkain at binilisan pa nang makitang papatapos na si Dad.

Gusto ko pa namang sundan ito habang hindi pa tapos si Lori sa pagkain at sa pagdaldal.

Ayokong makisali pa itong si Lori dahil hindi ko pa masyadong kilala ito, kung may mga balak man ito sa amin ni Dad o sa emperyo.

Sapat na iyong nakakapagtataka niyang pagpapakita kay Dad sa mga panahong hindi maayos ang relasyon namin, nakakapagtaka ang lahat ng kilos at galaw niya, period.

NANG matapos na si Dad at tumayo na ay napainom ako sa aking tubig at agad ding tumayo saka sinundan si dad.

Narinig ko pa ang pagtawag ni Lori pero hindi ko na ito pinansin pa, nang nasa may hagdanan na si Dad ay roon ko lamang tinawag at kinuha ang pansin nito.

"Dad," tawag ko rito at napahinto agad ito sa kanyang hakbang at agad tumalikod sa akin.

"Yes, anak?" tanong nito kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at diretso nang sinabi ang gusto kong sasabihin.

"Can we talk about the things I'm curious about?" tanong ko rito na ikinataas ng isang kilay nito at ang ngiti nito'y biglang napawi.

"About what, Angela?" napabuntong-hininga pa ako bago siya sinagot.

"About my twin, about the organization you went in to for help and about everything you know. Please po? I'm dying to know the answers, please Dad..." tinignan ko pa ito na nagsusumanong mga mata.

Hinintay ko ng ilang saglit ang sasabihin ni Dad pero napako pa rin siya sa kanyang kinatatayuan, napatitig ako sa kanyang mga mata na hindi pala nakadirekta sa akin, kundi sa likuran ko.

Nakita ko ang kakarating na si Lori na ngayo'y sobrang laki ng ngisi na iginawad sa aming dalawa.

Napabuntong hininga ito at binulong ang kanyang sagot, "Let's talk some other time, I promise you that I'll answer all your questions. 'Wag lang ngayon, Lori is here."

Tinapik-tapik ni Dad ang balikat ko bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa itaas.

Kabit-balikat kong nilingon si Lori na ngayo'y hindi pa rin matanggal-tanggal ang ngisi sa kanyang mukha.

"Hm, I wonder what you two are talking about..." sabi pa nito na umaasksyong nag-iisip habang hawak-hawak ang kanyang baba.

Kahit kailan talaga ang epal nitong si Lori! And what's worse, sobrang hate ko ang guts nitong babaeng ito.

Kung kailan ko na sana malalaman ang mga katotohanan ay siya namang pagsulpot niya na parang tuko.

"Ang chismosa mo naman," saad ko sa kanya at nagsimula nang maglakad at nilagpasan siya.

Bago pa man ako makalayo ay nahigit na niya ng sobrang lakas ang aking braso kaya napadaing ko.

"Tandaan mong ako na ang masusunod sa bahay na ito, kahit respeto man lang ay 'di mo makayang ibigay? Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo? Aba, buti na lang pala at hindi ako ang naging nanay mo!" singhal pa nito sa akin kaya agad kong hinawi ang kanyang pagkakahawak at agad lumapit sa kanya saka marahas na hinawakan ang kanyang baba.

"Wala kung sino man ang magdidikta sa kung anong gusto kong gawin, kahit ikaw man na bagong asawa ni Dad ay walang karapatan para pasunurin ako. Tandaan mo, pangalawa ka lang at tandaan mo rin na kahit kailan ay hindi ko gugustuhing maging ina. Ayusin mo muna kamo ang sarili mo," nagpupumiglas ito habang hawak ko ang baba niya kaya binitawan ko na rin ito.

Dinuraan pa ako nito sa mukha at ngumisi kalaunan kaya napapikit na lamang ako sa aking mga mata, kinokontrol ang sarili sa kung ano mang maaari kong gawin.

Pinahiran ko ang laway nito sa may pisngi ko bago magsalita, "Lori, huwag na huwag mong masali-sali ang nanay ko rito kundi!"

"Hm? Ano? Anong gagawin mo? Ano nga ba ang kaya mong gawin?" pagpuputol nito sa aking sinabi na lalong nakapagpakulo sa aking dugo.

"Kundi ipapameet-up ko kayo ni kamatayan," pagpapatuloy ko at tinalikuran na siya, ngayo'y tinungo ko na ang hagdan at tinungo ang aking kwarto.

Badtrip! Walang pinipiling oras talaga iyong si Lori! Kung wala lang si Dad at kung wala akong kailangan kay Dad ay matagal ko na sana siyang nasampal!

Argh! Nanggigigil pa rin ako hanggang ngayon!

Padabog akong pumasok sa aking kwarto at padabog din na sinara ang pintuan.

Kailan kaya matatahimik ang buhay ko rito sa mansyon ano? Ilang taon na paghihirap pa ba ang mararanasan ko? Ilang taong pagtitiis pa ba?

Tangina, naiisip ko lang ang mga mangyayari sa hinaharap ay lalo lamang akong nanggigigil!

Napahilata ulit ako sa aking higaan at sinubsob ang mukha sa unan at napapasuntok-suntok pa.

Ilang sandali lang ay napahinto ako sa aking ginagawa dahil sa tunog na katok mula sa aking pintuan.

"Open," walang gana kong sabi rito, iniluwa naman agad ng pintuan ko si Kylie na ngayo'y nakangiti sa akin. Umupo ito sa kama ko at hinarap ako.

"Si Lori na naman ba?" tanong nito pero wala itong nakuhang sagot mula sa akin. "Okay, silence means yes."

Maya-maya lang, nang mahimasmasan na ng kaonti ay napaupo ako sa higaan at tinignan siya.

Nahagip naman bigla ng aking mata ang suot-suot niyang relo at tinitigan iyon nang maigi dahil sobrang pamilyar iyon.

"A-ah? Ito?" tinuro niya naman ang relo niya kaya napatango ako.

"It's familiar," maikling wika ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Same brand and style as yours pero magkaibang kulay nga lang," sagot nito. Ah, oo nga pala!

Nagtataka pa rin akong nakatingin sa kanya kaya nginitian niya ako ng may pag-aalinlangan, "Sabay raw kasi yatang bumili sina Dad at Tito nito, Gel. Binilhan na rin ako ni Dad since limited edition daw ito."

Napapatango ako sa sinabi nito kahit sa katotohana'y nagtataka rin ako, so magkasabay rin na nagpadala si Tito Luke saka si Dad? Lol.

Inilihis ko na lamang ang isipan ko sa ibang bagay at napunta ulit ito sa walang hiyang si Lori.

"May sinabi ba si Lori sa'yo?" tanong ko na ikinailing nito agad.

"Chismosa pa naman no'n. Baka may tinanong siya sa'yo?" tanong ko pa ulit na nakapagpailing nito ulit.

"Gel, I'm sorry for asking this pero ano pala ang nangyari sa'yo? Sa inyo ni Lori kanina?" nag-aalala nitong tanong at naalala ko ulit ang mga sinabi ni Lori na siyang nakapagpasakit ng aking dibdib, ang sakit lang na pagsalitaan niya ako pati na rin si Mom ng gano'n.

"She just interrupted sa usapan naming ni Dad and then asked kung ano raw iyong pinag-uusapan naming. Like, I won't ever gonna tell her! Sinira niya pa ang pinakahihintay kong moment, hindi na tuloy kami makakapag-usap ni Dad dahil nandyan siya." Paliwanag ko sa ngayong tutok na tutok na si Kylie.

"Since I'll be staying here together with you for days then I should help you!" nanlaki ang mga matang napahawak ako sa mga kamay ni Kylie at nginitian siya.

"Please!" natatawang napatango ito habang ang puso ko'y tumatalon-talon sa saya.

Then all we have to do now is to plan kung paano palalabasin ng ilang oras itong si Lori sa aming bahay. Sana gagana ang kahit ano mang plano ang magagawa namin!

——————————
A/N: Count-off naman tayo ryan sa mga nasa part na ito. Anyone?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top