CHAPTER THIRTY-FOUR
ANGELA'S POV:
Dito na sa mansyon namin natulog sina Kylie since isang linggo rin ang stay nila rito.
Sabi ni Dad na pinapatawag din kasi sila Kylie at si Tita Ariane ni Tito Luke lalo na't may pag-uusapan din sila rito since hindi naman daw makakauwi si tito sa bahay nila so sila na mismo ang pumunta rito.
Buti na lamang at hindi na ako umiyak pa magdamag dahil kinausap at kinausap lang ako ni Kylie hanggang sa antukin ako, tinawagan pa nga kami ng aming mga kaibigan sa messenger namin kaya lalong nawala ang lungkot na nararamdaman ko.
"Good morning, Gel. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" bungad na tanong ng katabi kong si Kylie at nakitang kinukusot-kusot nito ang kanyang mga mata.
Napakamot ako sa aking ulo at saka siya tinanong, "Ano'ng ibig mong sabihin, Ky?"
Dahan-dahan itong tumayo at katulad ko'y nakaupo na rin siya sa kama saka ako hinarap.
"Nilagnat ka kasi kaninang madaling araw, buti at sobrang bait ni Sofia para tulungan akong bantayan at asikasuhin ka," bigla naman itong lumapit sa akin at nilapat ang palad niya sa noo ko.
Kaya pala napaupo ako kaninang madaling araw at uminom ng kung ano, nilalagnat pala ako!
Hindi ko na masyadong maalala pa ang nangyari dahil sobrang pagoda ng naramdaman ko at nakatulog na lamang pagkatapos kong uminom ng gamot, lalo rin akong nasarapan sa aking tulog dahil sa sobrang ginaw na naramdaman ko.
"Paano ka? I mean, nakatulog ka ba ng maayos?" nag-aalala kong tanong dito na ikinangiti niya.
Tinuro niya naman ang babaeng nakahiga sa sofa na malapit sa bintana ko na ngayo'y natutulog ng sobrang himbing.
"Siya iyong hindi, binantayan ka niyan magdamag. Kinulit pa ako na mauna na raw akong matulog kahit ayaw ko pa, nagpatulong din kami ni manang bago ako natulog. Sabi ni manang na hayaan ka na lamang na matulog dahil bababa lang din naman ang lagnat mo but then she insisted na bantayan ka pa rin," mahaba nitong litanya na katulad ko'y nakatitig lamang sa babae.
So Sofia pala ang pangalan niya? I was too rude not asking for her name, geez!
Ngayo'y sobrang nahihiya akong harapin siya lalo na't utang na loob ko sa kanya ang pagtulong sa akin na bantayan ako.
We just stayed on our position at hindi pa namin napag-isipan na bumaba lalo na't ayaw naming iwanan si Sofia na mag-isa rito, habang si Kylie ay kinakalikot ang cellphone ay napatingin lamang ako sa dalaga na prenteng nakahiga sa sofa ng kwarto at ngayo'y naalimpungutan panigurado sa sinag ng araw.
Kita kong nimulat nito ang kanyang mga mata at agad napabangon, nanlaki ang mga matang napatitig ito sa direksyon namin nang mapagtantong nasa kwarto ko siya na nakatulog.
Kinukusot-kusot niya agad ang kanyang mata at sinisiguradong walang muta pati ang gilid ng kanyang labi kung may panis na laway ba sa mukha niya.
Agaran din itong napatayo na nakapagpakuha ng atensyon ni Kylie, "Good morning, Sofia!"
Napakamot si Sofia sa kanyang batok at nahihiyang napangiti sa amin ni Kylie, "Pasensya na po! Nakaidlip po ako sa sofa niyo!"
Aaksyon na sana itong lalabas sa kwarto ko pero tinawag ko agad ang atensyon nito, "Wait! Uhm, dito ka muna."
Kunot-noong napatango ito at napaupo sa may paanan ng higaan ko at ngayo'y nagtataka pa ring nakatingin sa akin.
Nginitian ko ito bago magsalita, "Thank you nga pala ng marami Sofia for taking care of me at pasensya na sa abala. Napagod ka tuloy."
Napailing ito habang napangiti dahil sa narinig niya galing sa akin bago sumagot, "Wala po iyon, ma'am! Nag-aalala lang po ako lalo na po't ayaw mong ipatawag pa namin sina Ma'am Lori at ang Dad niyo."
"Huh? Paano mo nalaman?" takang tanong ko sa sinabi niya.
Sanay na kasi akong mapag-isa rito sa bahay, kahit noong wala pa si Lori at kami lamang dalawa ni Dad.
Nag-iisa ako minsan kapag nilalagnat ako dahil minsan wala si dad sa bahay at laging nasa trabaho, nadadatnan naman ako ni Manang kapag hindi pa ako lumalabas ng kwarto ko at hindi kumakain kaya natutulungan ako nito lagi.
Natatawa akong tinignan ni Kylie kaya tinaasan ko ito ng isa kong kilay, "Nagpupumiglas ka kasi kagabi, tinanong ka namin kung tatawagin ba namin si Tito pero tumatanggi ka."
Napapatango-tango ako sa sinabi nito dahil posibleng iyon talaga ang sasagutin ko since ayaw ko rin naman talagang malaman pa ni Dad dahil tiyak tatawagin agad nito ang family doctor at magagambala pa ang mga tao sa bahay at rereklamo na naman iyong si Lori.
"Anong oras na pala? Nakatulog ba kayo ng maayos?" sunod-sunod kong tanong sa mga kasama ko.
Napapatango naman sila at nakita kong tinignan muna ni Kylie ang cellphone niya bago ako sinagot, "Tanghali na, alas dose to be exact. At oo, nakatulog kami ng maayos, 'di ba Sofia?"
Nakangiting tumango si Sofia kay Kylie pero agad silang napatingin sa aking direksyon nang bumaba ako sa higaan at agad tumayo, tinungo ko agad ang banyo at papasok n asana pero napahinto ako saglit nang tawagin ako ni Kylie.
"Ba't nagmamadali ka, Gel? May pupuntahan ka ba?" tanong nito sa akin, hinarap ko siya at napailing.
"Nakalimutan mo na ba iyong tungkol sa pinag-usapan natin kagabi?" nakita kong litong-lito ang mukha ni Sofia ngayon pero binalewala ko na lamang siya at itinuon ang pansin kay Kylie dahil hindi ko alam kung nakalimutan niya ba o sinasadya niyang hindi alalahanin.
Nag-aalinlangan siyang napangiti sa akin at napakamot sa kanyang ulo, "I was just worried, syempre nagkasakit ka kaninang madaling-araw, kaya sinong matino pa ang itutuloy ang plano kung hindi naman maayos ang pakiramdam mo?"
I rolled my eyes because of what she said, kinuha ko rin ang kanyang kamay at nilagay ang palad nito sa aking noo, "I'm perfectly fine, okay? Please, Ky! Atat na atat na akong makausap si Dad! The only purpose why I went here without any doubts is because this trip could benefit me and my brother. Kaya, please?"
Napabuntong hininga ito at tinitigan ako ng ilang saglit bago ako sinagot, "Oo, okay ka na nga pero baka mabinat ka."
Napahinto ito sandali at napakibit-balikat bago ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin, "At dahil sobrang tigas ng ulo mo, alam kong kukulitin mo pa ako na tulungan ka at kahit hindi mo man ako kukulitin, you'll insist to do it by yourself. Kilala na kita, uy!"
Napatawa ako dahil sa sinabi nito, tumpak na tumpak lang kasi. Napatingin ako kay Sofia dahil sobrang naguguluhan ito sa aming pinag-usapan.
Nginitian ko naman ito bago siya tinanong, "Sofia, what do you think of Lori?"
Namataan kong nag-aalinlangan itong sumagot so I said something to reassure her na walang lalabas na kahit ano mang sasabihin niya rito, "Don't worry, it's not our nature na ipangalandakan ang iyong sasabihin tungkol sa ibang tao. I was just curious, kasi baka 'pag nagustuhan ko ang sagot mo... we will tell you what we were talking about."
Parang ang nonsense lang pakinggan ng sinabi ko! But, masisisi niyo ba ako kung gaano na talaga ako ka-desperada na maging busy iyong si Lori sa labas para ma-solo ko si Dad at makausap ko na ng masinsinan.
Kunot-noong napapatango-tango na lamang si Sofia at nagsalita, "Mabait naman po si Ma'am Lori, minsan. Madalas ang taray-taray niya po at kung ituring niya kami minsan ay parang germs na nakapaligid sa kanya kaya nakakainis po siya minsan."
Nakangiti ng malapad na napapatango-tango rin ako sa sinabi ni Sofia at sa tingin ko'y hindi ito tatanggi sa pakikiusap ko at sa hihingin kong tulong dito.
Napahagikhik naman si Kylie nang makita ang reaksyon ko kaya napasimangot ako.
"Uhm, may favor sana kami sa iyo, Sofia," paninimula ko at ngayo'y napatingin kay Kylie at tinanguan ito.
Nagpaalam na ako sa kanila na maliligo muna ako at si Kylie na muna ang magsasabi sa kanya sa pakikiusap namin, hindi naman sila tumutol pa kaya agad akong pumunta sa banyo at naligo na.
HINDI na ako nagtagal pa sa pagligo dahil gusto pa naming makasabay si Lori sa hapagkainan at para na rin masimulan ang aming plano, pagkalabas ko ng banyo at nang makabihis na ay nagmamadaling pumasok at naligo si Kylie sa banyo.
Nadatnan ko si Sofia na kakapasok lang sa kwarto, napa-thumbs up siya nang makita ako na siyang ikinataka ko.
"Ano'ng nangyari?" takang tanong ko rito.
Umupo muna ito sa paanan ng kama ko bago ako sinagot, "Kasi si Ma'am Lori po pinapaayos na ang hapag, kakain na raw kasi siya. Makakaabot pa po tayo, Miss Angela!"
Nanlaki ang mga mata ko at napangiti sa kanyang balitang dinala, "Maraming salamat, Sofia! Hindi mo na ako kailangang tawagin ng ganyan, sobrang formal kasi at since magka-edad naman tayo, Angela na lang ang itawag mo sa'kin."
Napatitig ito ng ilang saglit sa akin at pilit akong nginitian, "Sure po ba kayo, Mi—Angela?"
Tinanguan ko ito at napaupo rin sa aking kama saka kinuha ang cellphone ko mula sa aking side table at tinignan ang mga messages na natanggap ko mula sa aking mga kaibigan pati na rin kay James.
Nagpaalam si Sofia na mauna na muna siyang bumaba dahil baka hinahanap na siya ni Lori, pinapatawag na raw kasi kami ni Lori at siya na ang nagrepresentang tawagin kami rito.
Ilang minute ang nakalipas ay nakalabas na rin si Kylie at naka-tuwalya pa ito, kinuha niya ang bag niya na naglalaman ng mga bihisan niya na nakalapag sa mumunting foldable chair na katabi ng sofa namin at pumasok na ulit sa banyo.
Pagkatapos magbihis at maghanda ni Kylie ay lumabas na kami sa aming kwarto at bumaba na, nakita namin si Sofia na papaakyat na sana pero napahinto rin nang makita kami.
"Tatawagin ko sana kayo," wika nito.
Nginitian ko ito nang kaharap na namin siya ni Kylie at nang tuluyan na kaming nakababa.
"Pasensya ka na, sobrang tagal natapos nitong si Kylie eh," untag ko na nakapagpalingon kay Kylie sa akin na parehong nakakunot ang kilay.
Napakibit-balikat ako na nagsimula ulit na maglakad at nilagpasan si Sofia.
"Sofia, sumabay na kayo ni manang sa amin," aya ko rito.
Tatanggi na sana ito pero agad akong napailing na ikinabuntong-hininga niya, "Tapos na po sina manang pati na rin si Sir Albert, late na rin kasi tayong kakain. Angela, paano si Ma'am Lori?"
Sinagot ko siya habang tinutungo namin ang dining area, "Don't worry, hindi iyan makakatanggi at mag-iinarte si Lori since wala si Dad."
NANG makarating na ay napatingin si Lori sa amin at saka kami nginitian at binati, "How was your sleep, my dears? Balita ko'y nilagnat ka kaninang madaling araw, Angela? Buti't nawala agad at buti't hindi ka natuluyan."
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa kanyang sinabi pero tumawa lang ang gaga!
"Hindi naman ako mamamatay sa lagnat lang, Lori. Don't tell me that you're concerned? You don't need to; I don't need your plasticity."
Natatawang napapailing na lamang si Lori at nagpatuloy sa pagkain ng kanyang kinakain, "Sofia is going to be eating with us."
Isang tango lang din ang isinagot nito sa akin kaya't napaupo na kami, wala sanang tatabi kay Lori pero naglakas loob si Kylie na umikot sa mesa at tabihan si Lori sa kanyang pwesto habang si Sofia ay katabi ko. Si Lori ang kaharap ko habang ang kaharap naman ni Sofia ay si Kylie.
Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain, tinulungan ko naman si Sofia sa pagkuha ng mga gusto nitong aabutin na 'di niya kayang abutin.
Kumuha lang ako ng mumunting kanin pati na rin ng ulam, I saw Kylie stealing glances to me kaya I signaled her using my brows.
She then broke the silence, "Tita Lori? Magiging busy ka po ba mamaya?"
Napahinto naman si Lori sa kanyang ginagawa, may tinitignan kasi yata itong importanteng message sa kanyang cellphone.
Nakangiting nilingon nito si Kylie at nagsalita, "May gagawin ako, a meeting kasama ang ibang tauhan dito together with Alberto. Why, dear?"
Nahihiyang napapailing si Kylie kay Lori at sinagot ang babae, "Wala po, magpapasama po sana ako sa pagpasyal dito sa emperyo. Balita ko raw po kasi magaganda ang field sa kabilang bahay."
Kumain ng pork steak si Lori mula sa kanyang tinidor at ngumunguya-nguya habang pinapakinggan si Kylie, napatingin naman si Lori kalaunan sa akin kaya napataas ako ng isa kong kilay.
"Why don't you go with her then, Angela?"
"Uhm tita, kasi Angela still needs to rest," napapatango-tango naman si Lori dahil sa sinabi ni Kylie at ibinaba ang tinidor at napabaling ulit kay Kylie.
"I'm really sorry, dear. Hectic ang schedule ko ngayon, why don't we go visit the fields tomorrow?" alok nito, mabilis namang tumango ang kaibigan ko na akala mo'y gustong-gusto talaga, na animo'y parang bata na sobrang interesado. Hahaha!
Makalipas ang ilang sandali ay nagpaalam na si Lori na mauuna na raw siya since may kakausapin pa raw siya.
Tantiya nami'y lumabas ito ng bahay at parang may kakausapin do'n.
Nagmadali rin kami at nang matapos na ay iniwanan na namin ang aming pinagkainan sa hapag, nagrepresenta si Sofia na tutulungan niya raw sina manang na maghigpit at kami na lang daw muna ang magsasama sa aming gagawin.
Agad kaming umakyat sa ikalawang palapag ng bahay at tinungo ang aming balcony, tanaw mula sa aming balcony ang mga tao at paligid sa ilalim ng bahay.
Nakita namin si Lori na may kausap na lalake at hindi namin mamukhaan kung sino iyon since nakatagilid ang lalake.
"Sa tingin ko'y hindi matutuloy ang plano ngayon," untag ko na nakapagpasang-ayon sa aking kaibigan.
"We'll have to wait for tomorrow, then?" I shrugged my shoulders at napaupo sa sahig para 'di kami mapansin ng mga nag-uusap sa ibaba.
Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kung sino iyong kausap ni Lori, unti-unti kasi itong napapaharap sa direksyon namin kaya napayuko kami and thankfully natatakpan kami nitong tanim na naka-display.
"Kilala mo?" tanong naman ni Kylie na siyang tinanguan ko.
Hindi naman nakakapanibago ang pag-uusap ng dalawa since sa tingin ko'y tungkol sa emperyo ang kanilang pinag-uusapan.
Ang siyang nakakapanibago ay ang kung gaanong nag-iiba ang emosyon ni Lori sa tuwing nagsasalita at sinasagot niya ang kanyang kausap na para bang hindi siya si Lori na mataray at maldita.
"Ang kanang kamay ni Dad, si Mikael."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top