CHAPTER THIRTY-FIVE
ANGELA'S POV:
Hindi na nga natuloy ang aming binabalak kahapon dahil na rin sa sobrang busy ni Lori, pagkatapos no'ng kahina-hinala nilang pag-uusap ni Mika ay may pinuntahan pa ito sa sinabi nitong pagme-meetingan nila ng mga tauhan sa kabilang lupain dito lang din sa'min.
No choice na rin kami nina Sofia at Kylie kundi maghintay na lamang sa araw na ito.
Alas singko pa lamang ng umaga ay gising na kami, ginising kasi kami ni Sofia as to what we've also planned last night.
Nagsimula na kaming mag-ayos ni Kylie at natapos bandang alas sais imedya, pinuntahan ulit kami ni Sofia rito sa kwarto at pinapababa na dahil pinapatawag na raw kami ni Dad at pinapasalo na ro'n sa baba.
Nagkatitigan kami ni Kylie at napangisi, tinanguan namin pareho si Sofia at pinauna na ito.
Nagthumbs-up naman ito kaya nginitian namin siya at naghanda na ng kung anong sasabihin namin mamaya.
Napatingin si Kylie sa akin at tinuro ako, "Ano, ready na ba iyong palusot at explanation mo?"
Tumatangong napatawa ako dahil sa tinanong nito sa akin. "Ikaw ba, ready na iyang acting mo?"
"Ako pa ba? Syempre laging handa 'to! Girl Scout ito, girl!" natatawang napapailing na lamang ako na lumabas sa kwarto.
Napahagikhik din itong sumunod sa akin. Bumaba na kami at ngayo'y nasa tabi ko na siya habang naglalakad pababa ng hagdan, ngayo'y nadatnan ulit namin si Sofia na naghihintay sa hulihan ng hagdan kaya napataas ang aking kilay nang makita siya.
"Oh, eh ba't hindi ka pa sumabay ro'n?" tanong ko rito na nakapagpangiti rito ng matamlay kaya napakunot ako sa aking noo.
"Nahihiya po kasi ako, nakakatakot din ang reaksyon ni Ma'am Lori. Pinapasalo naman ako ni Dad mo pero sabi ko na hihintayin ko na lang muna kayo," inakbayan kaming dalawa ni Kylie at nagsimula itong maglakad kaya nagpatianod na lamang ako.
Nang makarating sa dining area ay napasulyap si Lori sa amin habang sumisimsim sa hawak niyang tasa ng kape.
Napataas ang isang kilay nito pagkakita ng aming mga posisyon ngayon.
Ngayon lang yata 'to nakakita ng mga magagandang nilalang na magkadikit.
Narinig ko ang pagtawa ni Dad kaya napabaling ang atensyon ko sa kanya, "Buti naman at nagkamabutihan kayo nitong si Pia. Sabagay at magka-edad naman kayo."
Pia? So ito ang tawag nila Dad kay Sofia rito sa kanya?
"Magsi- upo na kayo at kumain! May pupuntahan yata kayo?" dagdag ni Dad at sinunod pa ang kanyang tanong nang mapansin na bihis na bihis kami.
Sobrang halata pala!
"Kasi tito may napag-usapan kasi kami ni Tita Lori tungkol sa pagpapasyal ko rito, nagvolunteer po si tita na samahan ako," ngiting pagpapaliwanag ni Kylie at umupo sa upuang katabi ni Lori at napapasulyap sa kanya nang sabihin niya iyon.
Agad namang napalingon si Lori sa direksyon ko kaya tinaasan ko rin siya ng isa kong kilay, inirapan ako nito at ngiti-ngiting binalingan si Dad.
"How about, Angela?" tanong nito kay Dad kahit naman pwedeng-pwede niya akong tanungin. Trip nito?
Napatingin ulit si Dad sa akin hawak-hawak ang kanyang tubig kaya napaiwas ako ng tingin at nagsimulang kumuha ng makakain, gano'n din ang ginawa ng katabi kong si Sofia.
Habang kumukuha ng makakain ang nagsalita ako na 'di tinitignan si Dad, "Dad, 'di po muna ako makakasama sa kanila."
"And why is that?" mataray na tanong ni Lori sa akin. Huh! May pa-english pa 'to.
Nginitian ko siya at sinagot, "Tatapusin ko po muna ang last project na pinapa-submit ng guro namin kaya sa tingin ko'y bukas na ako makakapagliwaliw kasama niyo kung may susunod man." Magalang ko ring untag sa kanya kahit walang bahid na katotohanan ang sinabi ko.
Napakibit balikat na lang siya at nagpatuloy ulit sa pagkain. Napapatango si Dad at hindi na umimik pa, binalingan ulit nito ang newspaper at nagbasa.
Napakindat naman ng mabilisan si Kylie sa akin nang binalingan ko siya at isang tipid na ngiti ang aking sinukli.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami na pupunta muna kami sa itaas at may gagawin, ang palusot naman ni Kylie ay maghahanda na siya para sa lakad nila mamaya.
"Sasama ka diba?" tanong ulit ni Kylie sa katabing si Sofia na 'di na mabilang kung ilang beses na niya itong tinanong para makasigurado.
Napahiga ako sa aking kama at tinignan ang dalawa na ngayon ay magkaharap at nakaupo sa may paanan banda ng aking kama.
Napatawa na naiiling si Sofia kay Kylie, "Oo nga! Kapag hindi ako sasama, mapapadali ang uwi ni Ma'am nyan."
Napatango-tango ako sa sinabi ni Sofia, "Oo nga, oo nga."
Napatingin si Kylie sa akin at sinamaan ako ng tingin kaya tinaasan ko lamang ito ng kilay at napangiwi naman ito.
"Maghanda na nga kayo!" utos ko sa kanila na agad din naman nilang sinunod, nanghiram sila ng paying sa akin at naghanda na ng dadalhin katulad ng sling bag at ano pa.
Inabot ko ang cellphone ko na nakalagay sa side table at nagulat dahil sa bumabahang texts galing kay James.
James:
Hey.
You alright?
Kumusta?
Any news?
Can I call you later?
I miss you, Elise.
Napasubsob ako sa aking unan dahil sa mga nababasa. Walang hiyang, James! Argh!
"Problema mo 'te?" 'di ko namalayan na sobra na pala itong reaksyon ko at nakalimutan kong nandito pa pala sina Kylie at Sofia.
Umiling lang ako at ibinalik ang atensyon sa cellphone.
May mga texts galing kina Nicole pero mas una kong binuksan at replyan si James.
Angela:
Hello! I'm fine and bored. Hbu?
Plan's on-going and hopefully would work well.
You can pero I still need to talk to Dad. I miss you too, James.
"Gel, pinapatawag na kami sa baba. Sino ba 'yang kausap mo? Ba't natutulala ka ryan?" agad kong ibinalik sa side table ang cellphone at napaupo sa kama.
Binalewala ko ang tanong ni Kylie at napa- head to foot sa kanila.
Both are wearing skinny jeans and boots while t-shirt ang sinuot sa pang-itaas.
"Hm, good luck then?" sagot ko na nagpadabog kay Kylie. Problema nito?
"Anong good luck ka dyan? Ayusin mo rin kamo ang gagawin mo!" I rolled my eyes upon hearing her say those. "Opo, noted po lahat ma."
"Baliw!" natatawang saad nito at tinuro ang pintuan, tinanguan ko lamang sila.
Kumaway rin si Sofia sa akin kaya nginitian ko rin siya at napakaway pabalik and mouthed 'thank you'.
Hinintay ko muna ang ilang saglit bago tumayo at pumunta sa glass window nitong aking kwarto at napasilib sa labas, nakita kong kausap ngayon ni Lori ang driver at ang isa ay si Mika. So they're really close huh?
Napahinga ako ng matiwasay nang makita ang kararating lang na sina Kylie at Sofia sa pwesto nila Lori, napatago ako lalo sa kurtina nitong bintana ko dahil tumalikod pa si Lori at napabaling sa direksyon ng mga papalapit na sina Kylie.
Ilang minute pa bago sila kumilos at pumasok sa van na sa tingin ko'y siyang gagamitin nila papunta sa kabilang field na may plantation ng mga bulaklak na siyang pinamamahalaan ni Lori.
Nang makita ang papalayong sasakyan ay agad akong bumaba at hinanap si Dad, napapunta pa ako sa kusina at nakita si Manang na may nililinis, napaangat ang kanyang tingin sa akin nang maramdaman akong papalapit.
Nginitian ko si Manang bago siya diretsahang tinanong, "Manang, nakita niyo po ba si Dad?"
Napahugas si Manang sa kanyang mga kamay at dali-daling pinunasan ito bago ako sinagot, "Anong oras na ba ngayon, iha?"
Napatingin naman ako sa likuran ko at tiningnan ang wall clock, "Alas nuwebe imedya na po manang."
Napatango-tango ito sa aking sagot at tinuro ang itaas na siyang pinanggalingan ko kanina, "Madalas siyang nasa study room o 'di kaya sa opisina niya sa mga oras na ito iha, tingnan mo na lang."
Nagpasalamat ako kay Manang pagkatapos at tinungo na ang hagdanan pataas.
Una kong tinungo ang kwarto nila ni Lori na siyang connected lamang sa opisina niya pero nang binuksan koi to ay walang tao.
Sa susunod ay ang study room kung saan ilang librong ginamit namin nina Mommy at ng kapatid ko ay naroon.
Nadatnan ko agad si Dad na nakaupo sa swivel chair niya sa isang mumunting mesa na sapat lamang sa kanya. Nakalimutan ko pala'ng pagkatok!
Hindi rin naman ako napansin ni Dad kaya kinatok ko na lamang ang nakabukas na pintuan at napatingala naman siya agad pagkarinig ng katok. Tinanggal niya ang kanyang salamin at seryoso akong tinitigan.
"Dad..." paninimula ko. Napaayos siya sa kanyang pagkakaupo at tinuro ang sofa na malapit sa kanyang mesa, sinarado at ni-lock ko muna ang pintuan bago sinunod ang kanyang kagustuhan.
"Is this about the other day?" taas kilay nitong tanong sa akin na agad kong tinanguan.
Napabuntong-hininga ito bago tumayo at tinungo ang sofa na katapat ko, "Then I have no other choice but to tell you and satisfy you then. Ano-ano ang gusto mong malaman anak?"
"Lahat, Dad. Pero unang-una gusto kong malaman kung nasaan ang kakambal ko at kung bakit mo nilihim sa akin ang kinaroroonan niya."
Narinig kong muli ang kanyang sobrang lalim na hiningang hinugot niya at napabuga ito ng hangin pagkatapos.
"Anak, I hope you'd understand me. Ngayon ko lamang gustong sabihin at aminin sa'yo ito dahil alam ko kung ano ang gagawin mo, at delikadong-delikado sila at pati na rin ang iyong gagawin."
"What do you mean po?" kunot-noo kong tanong.
"Ang iyong kakambal ay nasa kamay ng kalaban," parang nagslow-mo nang sabihin iyon ni Dad, ayaw kong maniwala at hindi ako makapanila.
Fuck? Totoo ba talaga ito? Totoo ba ang narinig ko?
"Dad, are you really sure about this? I mean, totoo ba iyang mga pinagsasabi mo? How?" sunod-sunod kong tanong, napasandal siya sa kanyang upuan at ipinatong ang baba sa nakakuyom na kamao.
"Why would I utter nonsense and lies to you, anak? Why will I lie if nakasalalay rin dito ang buhay ng isang anak ko? They totally brainwashed him anak, I know your brother is smart and alam kong makakalabas na siya roon sa lungga nila kung kailan niya gusto." Napahinto ito at minamasahe ang kanyang sentido.
"If ayaw niya roon, matagal n asana siyang nakatakas at nakabalik sa atin. The only thing that comes across my mind is that He has been brainwashed." Dagdag ni Dad na nakapagpainit ng aking ulo.
"Can I go there, Dad? Do you know the location? Please... tell me," pagmamakaawa ko pero umiling lamang ito sa akin.
"I know you are very impulsive kaya hindi ko kaagad sinabi sa iyo. Please calm down, anak. I am also doing things to get your brother but sa oras muna ito, huminahon ka," he authoritatively said kaya napatikom ako sa aking bibig.
"Let's think things carefully and wisely, you can do your own things and I can do mine. Sa makalawa ay ibibigay ko sayo ang mga dokumento patungkol sa organisasyong kinaroroonan ng iyong kapatid and that means..." naputol ang kanyang sasabihin at seryoso akong tinitigan.
"That means?"
"You'll be going home and have your preparations." Nanlaki ang aking mga mata pagkarinig na pagkarinig ng kanyang sinabi.
"Sasalakay po tayo? Why not talk to them thoroughly? Bakit naman nila kinidnap ang kakambal ko at ano ang makukuha nila rito sa kambal ko?" napatihimik lamang si Dad at hindi na umimik.
Maya-maya lang nang ma-realize niya ang kanyang pagkatulala ay napatikhim ito kaya napatingin ako sa kanya.
"Sa susunod na linggo na tayo kikilos. Please anak... huwag kang padalos-dalos."
Napapikit ako at itinatak sa isipan ang sinabi ni Dad, na hindi ako magpapadalos-dalos lalo na't sa tono pa lamang ni Dad ay mahirap itong makakalaban namin.
"Pero kailan ako luluwas dad at babalik sa bayan?" tanong ko rito.
"Anytime you want, anak." Sagot nito na nakapagpangisi sa akin.
"Alright! I'll be waiting for the files at hihingi na rin ako ng mga gagamitin namin sa mangyayaring pagsugod." Nakuha naman kaagad ng aking ama ang gusto kong iparating at napangisi naman ito.
Nagpaalam na ako pagkatapos pa naming mag-usap tungkol sa mga nangyari, pagkatapos ay pumasok na ako sa aking kwarto at agad humilata sa kama at napatitig sa kisame.
Sana'y magtatagumpay kami sa aming mga gagawin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top