CHAPTER THIRTY
ANGELA'S POV:
Naghanda na ako para sa pagpasok namin mamaya sa school, sabi ng mga kaklase namin sa group chat ng section namin noong nagtanong si Bea kung maayos ba ang klase'y sabi naman nila ay hindi kasi busy ang aming mga guro sa pagcompute ng aming mga grades ngayong semester.
Bumaba na ako pagkatapos kong ayusan ang sarili ko at saka dumiretso sa van na nakaparada sa harap ng bahay ng aking mga kaibigan at sumandal sa hood nito.
Hinintay ko ng ilang sandali ang aking mga kaibigan at agad silang sinalubong pagkalabas nila at kinuha mula kay Nicole ang susi ng sasakyan.
"Ayos! Pwede tayong lumabas since hindi naman maayos ang klase, paniguradong walang mga guro ang papasok ngayon!" masayang saad ni Bea at agad pumasok sa loob ng van at pumwesto na.
"Wala namang sinabing hindi sila papasok, like duh! Baka may ipagawa ulit habang wala sila, baka utak mo wala hihi." Napahagikhik si Tiffany pagkatapos iyong sabihin at agad umikot para pumwesto sa tabi kong upuan.
Napapailing na lamang akong pumasok sa driver's seat habang ang dalawa kong kaibigan ay tinawanan si Bea nang sabihin iyon ni Tiffany. Si Bea nama'y napairap na lamang at tinignan kami ng masama.
Nang makaupo na ang lahat ay saka ko lang pinaandar ang sasakyan at pinaharurot na ito.
Habang tinatahak namin ang daanan papunta sa aming paaralan ay napahinto kami ng ilang mga minuto dahil sa traffic.
Sa tingin ko naman kasi na sa mga oras na ito ay nagsisilabasan na ang mga tao na may trabaho upang kumain o 'di kaya'y bumalik na sa kanya-kanyang pinagtra-trabahuan.
1:10 pm na noong lumuwag na ulit ang traffic at alam na talaga namin na late na kami, napatampal na lamang ako sa aking noo dahil sa pagiging tamad namin sa semester naming ito.
Sa tingin ko'y sobra na kaming bad influence sa kaka-late at kaka-absent naming ito pero wala na kaming magagawa pa dahil nangyari na iyon.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa aming paaralan, pinasok ko na ang van sa parking lot at pinarada ito sa isang bakanteng pwesto at pinahinto ito nang matapos na.
Nagsilabasan na kami at dali-daling naglakad papunta sa aming room dahil ayaw naming mas lalong ma-late.
Sobrang tahimik sa bawat hallways na dinaraanan namin pero walang guro kaming nakitang palaboy-laboy sa hallway at tantya namin ay nasa mga opisina na nila.
Nanlaki ang aming mga matang napatingin sa isa't-isa nang madatnan ang aming guro sa oras na ito na nakatayo at may kung anong sinsabi, since glass door naman ay kitang-kita talaga rito sa labas.
Napakatok si Bea sa glass door kaya napahinto ang guro namin sa pagsasalita at ngayo'y nakuha na namin ang pansin ng lahat.
Nakita ko naman ang nakangising si James nang makita kami.
"Good morning, m-ma'am!" napakamot sa ulo si Bea nang batiin ang aming guro, sunod din kaming bumati at pumasok ng tuluyan sa loob.
"We're really sorry for being late. ma'am. Traffic po kasi habang papunta kami rito." I explained at nakita kong nakangiti lamang na tumango ang aming guro at tinuro ang aming mga upuan.
Nakayuko naming tinungo ang aming pwesto para 'di maabala ang mga kaklase naming nasa likuran.
Nang makaupo na ay 'di na naming pa pinansin ang mga lalake na nasa likuran at nakinig na ng masinsinan sa aming guro na ngayo'y nagsisimula ng magsalita sa harapan.
"So as what I've said, hindi muna ako makakapagbigay ng activities ngayon and this time would serve as your free time. Hindi kayo pwedeng mag-ingay dahil may ibang guro mula sa lower levels ang pumasok at namigay ng activities." Napatango-tango kami dahil sa sinabi ng aming guro at binalingan si Lance na siyang classroom president namin.
"Mr. Dizon, as the president of the class sana'y magampanan mo ng maayos ang iyong task and please monitor your classmates. I will be leaving after this since magiging busy ako for computing your grades. Do you follow?"
"Yes, Ma'am!" sabay naming sagot at masaya naman itong napatango at lumapit naman ito kay Lance at may kung anong sinabi.
Nang lumabas na ng tuluyan ang aming guro ay narinig namin ang mga nagsitayuang mga lalake sa aming likod kaya napalingon kami sa kanilang direksyon.
Tinaasan ako ng kilay ni James nang mahagip nitong nakatingin ako sa kanya, agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at binalingan naman ang nagsasalitang si Liam.
"Girls, punta kaming tambayan. Tara, sama kayo!" aya nito sa amin, tinignan naman ako ng apat at dahil wala akong choice dahil gusto ng mga ito na lumabas ay napatango na lamang ako.
Tumayo na kami at sinundan ang ngayo'y nasa unahan naming mga lalake, bago pa man kami makalabas ay tinawag kami ni Lance at sinabihan na huwag masyadong magtatagal dahil baka raw makita kami ng aming principal, tinanguan at pinagpasalamatan namin ito saka lumabas na.
"Maayos ka na, Liam? Naparami diba 'yong inom mo ng alak kagabi?" sabay kaming magkakaibigan na napatitig sa direksyon ni Bea nang simulant niya iyon habang naglalakad kami pababa.
She just rolled her eyes nang makita kaming mapang-asar na tinitigan siya at tinignan ulit ang kinausap na si Liam.
Nakita ko namang napangisi rin si Liam at sinagot ang aking kaibigan.
"Ako? Hindi magiging maayos? I have a high tolerance in alcohol, dear." Mayabang nitong sagot at may tono pa ito sa huli na parang pang-arabo.
"Yabang!" natawa naman kami nang sabihin iyon ni Bea at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nang makarating na sa tambayan namin sa ilalim ng punuan ng manga kung saan may mga mesa ay nagsiupuan na agad kami at napalingon kay Kylie na ngayo'y katabi ko sa kanan ko habang si Nicole naman ang katabi ko sa aking kaliwa.
"Kumusta na iyong nagbigay sa regalo mo, Gel?" pinanliitan ko ito ng mata at nanlaki ang mga mata nito at bumulong sa akin. "Sorry..."
Napabuntong hininga ako at sinalubong ang sari-saring mga nakakunot noong limang lalake sa aming harapan ngayon.
"Sino'ng nagbigay?" seryosong tanong ni James sa akin.
Sinamaan ko ng tingin si Kylie at binigyan lamang ako nito ng isang ngiti at napahagikhik sa ginawa.
"May nagbigay kasi sa akin ng regalo kaninang umaga, hindi namin alam kung kanino galing." Sagot ko rito at seryoso pa rin akong tinitignan nito habang hawak-hawak ang kanyang baba.
"Anong laman?" tanong ulit nito, tinignan ko ang aking mga katabi at nginisihan lamang ako ng mga ito habang ang mga kaibigan naman ni James ay mapang-asar kaming tinignan.
Parang mga timang.
"A necklace na may pendant na letter C." sagot ko rin na ngayo'y nakapagpataas ng kanyang isang kilay at sa tingin ko'y hindi magandang pag-usapan pa ito.
Nanaig ang katahimikan sa aming lahat at ilang sandali lang ay laking pasasalamat ko na binasag ni Jimmy ang sobrang nakakabinging katahimikan.
"Next week na raw ang sembreak, guys! Anong plano niyo?" malawak itong nakangiti sa amin ngayon.
"Hindi pa namin alam kung may gagawin kami ng fam ko, kayo ba?" nakangiti rin itong sinagot ni Tiffany. Gusto ko sanang makisali sa kanilang pinag-uusapan pero sobrang uncomfortable ako ngayon sa pwesto ko lalo na dahil may patuloy pa ring nakatitig sa akin.
Naiilang naman ako kung titigan ko pabalik si James dahil sa tingin ko nama'y umiba ang timpla ng kanyang mukha nang pag-usapan namin iyong tungkol sa nagbigay ng regalo sa akin.
Hindi ko na lamang pinansin pa ang paninitig ni James at nakinig na at nakisali na sa usapan ng aking mga kaibigan.
"Sa tingin ko'y gagala kami, may bagong bukas na resort kasi sa lugar namin. Baka gusto niyong pumunta? Sagot ko na lahat!"
Napapalakpak ang aking mga kaibigan nang sabihin iyon ni Rain.
"Kailan naman? Gawa tayong group chat?" tanong ko sa kanila at napakamot sa aking ulo nang tinawanan nila ako.
"Nakagawa na kami, Gel! Add ka na lang namin! Ginawa namin itong group chat before birthday mo." Natatawang sagot naman ni Bea at kinuha ang kanyang cellphone upang gawin ang kanyang sinabi.
Ilang saglit lang ay tumunog ang cellphone ko at sa tingin ko'y nasa group chat na nga ako.
Hindi ko na tinignan pa ang aking cellphone at napag-isipan na mamaya ko na iyon i-check.
"Guys?" pagkukuha pansin ko sa lahat at napakagat sa aking labi nang napatingin sa direksyon ko si James na sobrang seryoso pa rin.
Parang mas malaki pa ang problema nito keysa sa akin, ah! Geez.
"Paano kung samahan niyo ako mamaya sa shop na binilhan nitong nagregalo ko sa regalo ko sa akin?" I suggested.
"Mabibigo ka lang, Gel. Diba sabi ko na kanina na 'di iyon sila namimigay ng mga infos sa kanilang mga buyer?" napalukot ang mukha ko nang maalala ko iyon nang banggitin ulit iyon ni Kylie.
"Wala namang mawawala kung subukan natin diba? Malay mo mabait pala iyong may-ari." Napasang-ayon na lamang ang aking mga kaibigan sa gusto kong mangyari at pati ang mga kaibigan ni James ay gustong sumama.
Kahit kaonting porsyento lang ang sa tingin ko'y mangyayari ang gusto kong mangyari ay aasa pa rin ako sa natitirang porsyento na baka mangyayari talaga at baka pahihintulutan kami na malaman kung sino talaga ang bumili noong niregalo sa akin.
"What shop is it?" tanong naman ni James kaya dali-dali ko itong sinagot.
"Bea said that it is from Frailan Accessories."
"Familiar." He just said at tumahimik ulit. Ang arte naman nito ngayon, kagigil!
After dismissal ay agad kaming pumunta sa shop na sinabi ni Bea, siya na rin ang nagmaneho since alam naman nito ang lokasyon ng shop na iyon habang sina James naman ay nakasunod lang sa likuran namin.
Pagkarating ay agad naming tinanong ang babae na siyang nagtitinda sa may kwintas banda at pinakita sa kanya iyong kwintas na natanggap ko, we requested na tawagin ang manager nila pero ilang iling at eksplenasyon ang natanggap namin at napagdesisyunan na lamang na umuwi.
Bigo kaming umuwi at hindi na kami pa nakapag-usap ni James dahil sobrang lalim ng iniisip nito at ayaw ko na itong inisin pa lalo.
Nang makauwi at makaupo sa sofa habang nilalaro-laro ang kwintas ay biglang tumunog ang aking cellphone.
Pagkakita ko sa screen ay nakumpirma kong si Dad ito, agad ko itong sinagot at bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ako nito.
"When are you free?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top