CHAPTER TEN

ANGELA'S POV:

"Gel, there are 2 bodyguards sa may main door at may kakarating lang din na sasakyan. I'm now checking the owner through its plate number." Biglang saad ni Kylie na nasa kabilang linya ng earpiece namin.

Alas onse pa lamang ay nandito na kami, nakaabang 'di kalayuan sa villa pero sina Kylie ay nasa kotse pa habang kaming apat ay naglalakad ng diretso papunta sa kinaroroonan ng main door ng villa.

"Kay Harry Ramirez, Gel." Dagdag nito ilang saglit ang makalipas. Nakita naman namin si Harry na lumabas ng kotse niya at kinausap nito ang mga bodyguard, nang matugunan kami nito ay saka lamang siya humarap at ginawaran kami ng isang malaking ngiti.

"Glad to see you girls, again!" salita nito at kumindat pa. Nakasuot ito ng white long-sleeve polo sa ilalim ng tuxedo niya at kitang-kita mo agad ang kumikislap nitong hikaw sa magkabilang tenga nito, pati pamorma parang adik na.

Lumapit kami sa kanya at nginitian din siya, "We're glad to be here, Mr. Ramirez. It was said you're selling those candies in a lower price? Aren't you in a disadvantage state with that?" tanong ko rito at kinuha pa niya ang kamay ko saka ito ginawaran ng halik.

"If that's what makes my customers happy then why not?" sagot nito at pumasok nang buksan ng mga guards niya ang pintuan.

Agad namang sumalubong sa amin ang isang malakas na tugtugin at ang iba't-ibang kulay ng ilaw mula sa disco lights.

"Then we'll be recommending you to our friends! Malipay gyud tu sila!" sigaw na pasabi ni Tiffany dahil hindi na masyado marinig ang boses naming dahil sa tugtog. (Masasayahan talaga yun sila!)

May banda rin na ngayon ay naghahanda sa maliit na stage ng open space na sala nila pero imbes na maging sala ang appearance, ang makikita rito ay puro round table, mga fainting couch at bar stool sa parang bar counter.

Marami-rami na rin ang mga taong nandito at bawat taong nadadaanan nitong si Harry ay kaagad siyang binabati.

"I'll be leaving you girls, may kakausapin muna ako. So, enjoy?" napatango kami at nagpasalamat dito.

Heck, ang hirap makipagplastikan sa isang mamamatay tao baka 'pag malaman pa nito agad ang totoong intension namin ay baka isasali pa kami sa mga naging biktima. But I know, it won't happen. 

Nagkatinginan kaming tatlo ni Nicole at Tiffany at napagkasunduan na magkahiwa-hiwalay, si Bea naman ay kikilos na rin mamaya-maya.

Pumuwesto ako malapit sa table ng pinuntahan ni Harry at kumuha ng isang glass ng isang Non Alcoholic Mimosa na inumin at napapatingin-tingin sa paligid.

Nakita ko si Tiffany na ngayon ay nakaupo sa stool at may nakausap na lalake pero kalaunan ay napapatingin-tingin na rin ito sa mga taong nasa paligid, si Nicole naman ay nakaupo sa isang fainting couch tulad ko pero malapit ang table nito sa stage kung nasaan ang banda.

"Bunch of bodyguards are entering the place. Chini-check din nila ang lugar at sa tingin ko'y tatambay ang iba dyan, Miss Angela." Rinig kong salita ni Dustin mula sa aking earpiece.

"Miss Angela, paki-check ang nasa may 10 o'clock mo. They're armed at parang may binabantayan din."

Napatingin naman ako sa 12 o'clock ko na ang stage at pasimpleng tumitig sa 10 o'clock ko which is ang katabi nitong doorway ilang metro lang ang pagitan.

May mga nagsilabasang mga lalakeng puro nakaitim at ang isa'y may kausap sa cellphone habang yung ibang kasamahan nito ay patingin-tingin din sa lugar.

Yung lalakeng may kausap sa cellphone ay biglang napatagilid kaya nakita ko ang palapulsuhan nitong may tattoo nang masinagan ng liwanag sa disco lights. That tattoo is fcking familiar!

"Kylie, are you seeing the wrist of the man holding the phone?" pinindot ko ang earpiece nang magsalita ako at titig na titig pa rin sa lalakeng iyon para makita rin ni Kylie.

My contact lenses are connected to the computer they're facing right now and all of the devices we're bringing are high-tec.

"Wait, I'm zooming it in." sagot nito mula sa kabilang linya. "Gel, that tattoo indicates na isa sila sa Mungiki Org! I think that right hand is already there."

Binawi ko na ang tingin ko mula sa lalakeng aking tinitigan at napapatingin ulit sa paligid.

Tumunog naman ulit ang earpiece ko, " Gel, 6 o'clock, tignan mo yung nasa likod mo. Kakarating nga lang ni Arturo." Wika ni Tiffany na ngayo'y ngumuso na tignan ang nasa likuran ko.

Pasimple akong sumulyap sa aking likuran kung saan ito nakipag-usap sa mga kakilala at agad namang tumayo si Harry at sinalubong ito.

Arturo Fernandez, ang kanang kamay ng boss ng Lider ng Mungiki Organization, isang taong maimpluwensya at kilala sa imperyo ng mga Mafia at Gangsters dahil sa dami nitong koneksyon.

Maaaring siya ang makakatulong sa'kin sa paghahanap sa aking kakambal kaya kailangan namin siyang makausap at all cost.

Umupo sila agad sa pwesto kanina ni Harry at may pinag-usapan, tumagilid ako para hindi mamukhaan ni Arturo.

Nakita kong may isang waitress ang lumapit sa kanila at binigyan sila ng tig-iisang inumin at pampulutan.

Ibang-iba ang get up ni Bea ngayon kaya alam kong hindi siya mamukhaan ni Arturo at Harry, mismo akong kaibigan niya ay hindi nga siya mamukhaan how much more sa dalawang iyon?

Sobrang iksi ng suot nitong black and white na above the knee tube dress na backless pa talaga, nakuha naman ni Bea ang atensyon ni Harry kaya pinaupo siya nito kasama nila at pinatabi sa kanya.

Pasimpleng ngumiti si Bea at inipit ang ilang hibla ng buhok niya sa tenga at agad naipress ang earpiece para mapakinggan naming ang usapan ng dalawa.

Nakita ko rin na mas lalong lumapit si Bea kay Harry at yumakap sa braso nito na halatang nakapagpasaya sa lalake.

"We've got here a naughty waitress, huh. By the way, nalinis na ba ang tungkol sa babaeng iyon? Wala bang problema?" pagsisimula ni Harry at kitang-kita ko ang pasimpleng paghawak nito sa hita ni Bea nang i-zoom in ni Kylie ang lenses.

"Gago." Sabay naming wika ni Kylie. "Tiis ganda muna, 'te." Wika ni Kylie para marinig ni Bea.

"Are you recording what they're talking, Kylie?" tanong ko at sumagot ang kabila ng 'oo'.

Pasimple naman akong tumingin kay Nicole na ngayon ay napapunta na ng ikalawang palapag para isagawa ang isa sa aming nagawang plano, ang paglilinis.

"Dong, mabuti at nalusutan natin ang pamilyang Bazin kasi kung hindi ay talagang malalagot tayo! Ang pamilyang Bazin ang siyang isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa France, ang Organisasyon din nila ang may pinakamaraming tauhan kaya laking pasasalamat kong naniwala naman sila na iba ang pumatay dito. Nakahithit din at may naging kaso na rin itong drug ecstasy."

Bingo! That fcking statement is all we need for the evidence, na makulong ang dalawang ito. Bago man ipakulong itong si Arturo, sisiguraduhin muna naming mapapasakamay naming siya at alamin ang mga dapat malaman.

"Mabuti naman kung gano'n, tito. Job well done! Kung hindi rin kasi ako sinugod noong babaeng iyon at dinaplisan, hindi sana mapapaaga ang pagsasakabilang buhay niya. Mabuti't natikman ko ang langit bago siya mapunta sa literal na langit! Hahaha!" tawa nito na nakapagpatawa rin kay Arturo.

"Nasaan na ba ang supplier nitong mga droga mo, iho? Kailan mo ako ipakilala nang sa gayon ay makapagbenta rin ako." Kumindat pa ito na nakapagpatawa ulit sa kausap.

Kita kong nasa bewang na ni Bea ang kamay ni Harry at hinahaplos-haplos ang bandang walang saplot dahil nga backless ang suot ni Bea.

Ang landi ng kumag! Buti natitiis pa ni Bea ang kalagkitan ng Harry'ng yun.

"Tito, papunta na rin yun. Galing pa yung Manila ah, mapagkakatiwalaan po si Mr. Monteverde 'wag kang mag-alala." Paninigurado ni Harry.

My jaw dropped hearing what he said, please don't tell me it's him. Please...

"Kylie, you have to focus. Let's just hope na hindi ang papa mo ang tinutukoy nila." Pinindot ko ang earpiece bago sabihin iyon.

Tumunog din naman ito agad pabalik, "I really don't mind, Gel. It's his business anyways." Walang ganang untag ni Kylie at hindi na muli pang nagsalita.

Tito Luke Monteverde, isa sa kaibigan ni Dad at ang tatay ni Kylie. Kylie never mentioned anything basta regarding sa tatay niya, I don't know why but I just don't wanna ask.

Gusto kong kusa siyang magkwento, hindi yung uusisa pa ako. What if hindi pala sila magkasundo diba? Just like me and my dad, I may be gentle towards him but... nothing.

Nahinto lamang ang pag-uusap ng dalawa nang biglaang tumayo si Bea, "Excuse me, sir. I need to go to the restroom." Pamamaalam nito.

Pipigilan na sana siya ni Harry pero tumango na lamang ito kapagkuwan.

Napasulyap si Bea sa kinaroroonan ko at sinenyasan akong sundan siya, "Saan mo nilagay ang mga baril na gagamitin natin, Bea?" tanong ko rito mula sa earpiece.

Hindi ako sumama sa kanya sa paglalakad at nagpahuli lamang.

"Nasa restroom, Gel. Don't worry kasi binutasan ko yung kisame at doon nilagay ang bag." Kunwari pa itong may katawag sa cellphone habang sumasagot.

Nang makarating sa restroom ay kunwari akong pumunta sa isang cubicle dahil may babaeng naghuhugas ng kamay at si Bea naman ay kunwaring nagreretouch.

Lumabas agad ako nang marinig ang papasirang pintuan at nang nakalabas na ng tuluyan ang babae ay agad koi tong ni-lock.

Pumatong si Bea sa may lababo para maabot ang wooden lang na kisame, dahan-dahan niyang inalis ang takip at kinuha kaagad ang bag saka ito inabot sa akin. Pagkatapos ay inayos niya na ito na akala mo'y hindi ito binutasan.

Bumaba rin agad si Bea pero nagulat kami pareho sa isang katok, napabuntong hininga ako at binigay kay Bea ang bag saka tinuro ang cubicle. Nakuha niya naman agad ang gusto kong iparating at pumasok sa cubicle.

Dali-dali kong in-unlock ang pintuan at dalawang babae ang sumalubong sa'kin.

"Pasensya na, nalock ko yata. Alam niyo na nakasanayan sa bahay." Maikling paliwanag ko at tinawanan lamang nila ako.

Pumasok ako sa katabing cubicle na pinasukan ni Kylie at nilahad ang kamay ko sa ilalim ng pader na nakapagitan sa amin na may butas kung saan makikita mo ang paa ng taong nasa kabila.

Napaupo muna ako sa bowl, inabot din naman agad ni Bea ang isang baril, isang Glock 19 na pistol.

Nilagay ko kaagad ito sa tagiliran ko at nilahad ulit ang kamay ko at agad din inabot ni Bea ang dalawa pang baril, pareho itong CZ 75B na klase ng pistol.

Ang isa'y nilagay ko sa kabilang tagiliran at ang isa ay nilagay ko sa boots ng kanan kong paa, inabot din ni Bea ang mga bala na agad kong nilagay sa magkabilang bulsa ng dress na suot ko.

Hindi makikita ang mga baril na nilagay ko sa tagiliran ko since natatakpan pa ito ng tela ng dress.

Nagflush pa ako at agad ding lumabas, naabutan ko pa ang dalawang babae na hanggang ngayon ay inaayos pa rin ang kanilang mukha.

Hinugsasan ko ang aking kamay at pagkatapos ay lumabas din agad, nakita ko si Tiffany na ngayon ay kinakausap ang mga tauhang lalake ni Arturo at dinidistract ang mga ito.

"Tif, we're heading upstairs." Salita ko sa earpiece. Kaya na ni Nicole ang sarili niya dahil may dagger naman siyang dala at hindi maririnig ang kung ano mang ingay sa itaas dahil na rin sa maingay na tugtog.

Malapit na kami sa hagdan nang makitang may papababang bodyguard ni Harry.

"Bea, na sayo ba ang silencer?" tanong ko mula sa earpiece na siya namang nakapagpalapit kay Bea at binigay ang silencer sa baril.

Mabuti at hindi kita masyado dito sa may hagdan at malaya kong gawin ang gusto kong gawin, umakyat ako sa hagdan at ilang tapak na lamang ay malapit na ako sa lalakeng pababa, nang matamaan niya akong nakatitig sa kanya ng diretso habang patuloy sa pag-akyat ay napapaatras siya ng napaatras hanggang sa mapabalik siya sa ikalawang palapag.

Napangisi naman ako dahil sa katangahan na ginawa ng bodyguard na ito, dali-dali ko siyang nilapitan at siniko ang kanyang batok na nakapagpatumba sa kanya.

Kinuha ko agad ang baril mula sa aking tagiliran at mabilisang inilagay ang silencer at binaril ang bodyguard sa ulo, agad tumulo ang dugo mula sa ulo nito at pati ang kamay ko'y nabahiran din ng dugo.

May kakaonting ilaw dito sa ikalawang palapag at nakitang may malawak pala itong espasyo at kitang-kita mula rito ang mga nangyayari sa ilalim.

Nakita kong napahinto si Nicole at pati ang tatlong bodyguards na nakaharap nito at napatingin sa direksyon ko at sa lalakeng nawalan na ng buhay.

Hinagis ko ang baril na ginamit ko na may silencer kay Nicole na agad niyang nasalo, itinaas ko ang dress ko hanggang sa makita ang shorts ko kung saan nakasabit ang shear ko na may dagger.

Lumapit sa akin si Bea at inabot sa akin ang isa pang silencer, kinuha ko naman ang baril na nasa boots ko para makagalaw ako ng maayos at agad itong nilagyan ng silencer. Nasa kanang kamay ko ang dagger at sa kaliwang kamay ko naman ang baril.

"Cool! Tig-isa tayo guys!" puri ni Bea sa akin at saka sumugod sa isang bodyguard na nasa malapit lamang ni Nicole na parang hindi pa nairehistro sa kanyang utak ang mga nangyayari.

Sumugod naman ang isang bodyguard din sakin at nakatanggap ako ng suntok sa tiyan mula rito na nakapagpaubo sa akin ng dugo, what the?

Tiningala ko siya at sinipa ang kanyang binti na nakapagpaluhod sa kanya, sinipa ko rin ng kalakas-lakas ang kanyang panga na nakapagpatumba sa kanya.

Tatayo na sana siya pero napigilan ko siya at tinapakan ang kanyang dibdib na nakapagpadaing sa kanya at tinutok sa kanya ang baril.

"A-ayaw, m-malo-oy k-ka..." Napapailing-iling nitong saad na parang nagmamakaawa. (Huwag, maawa ka.)

"Pasensiya." At binaril siya. Pinindot ko ang earpiece at nagsalita, "Kylie, maayos ba ang lahat dyan?"

"Miss Angela, maayos naman pero may ano kasi, may dalawang van ang pumagitna sa van natin." Si Dustin naman ang narinig kong sumagot.

"Kakampi ang mga yan, mga back-up galing sa mga Bazin." Wika ko at agad hinagis ang dagger ko sa sumasakal kay Nicole na sapul sa dibdib nito.

Shit, wrong move. Nahulog ang bodyguard mula sa mala-balcony glass at agad naman naming narinig ang sigawan ng mga tao sa baba na dahilan ng paghinto ng tugtugin.

"Kylie, if something happens to me, you already know what to do. Tawagan mo agad ang pulis." Huling sinabi ko at agad bumaba sa hagdan, sumunod naman si Nicole at Bea sa akin.

"Stop saying that, Gel. Walang mangyayari sayo."sagot ni Kylie.

Magsasalita na sana ako pero natigilan ako at naagaw ang aking atensyon sa sinabi ni Tiffany.

"Gel, nagkakagulo na rito! Arturo's men are heading to your direction now!" Tiffany mula sa kabilang linya na maririnig mo na humahangos pa. "I can't locate, Harry. Shit!" mura nito dahil sa frustration.

There's only one thing left to do. Tinanggal ko ang silencer mula sa baril at tinutok ito sa kisame at pinaputok ng dalawang beses na nakapagpahiyaw at sigaw lalo ng mga tao, ito'y isang signal para sa back-up.

"Tiffany! Hanapin mo si Arturo, sigurado akong andito pa yun." Pasigaw na wika ko kay Tiffany. "Roger, Gel!"

Nang makababa na at makarating sa kung saan nagkukumpulan ang mga tao ay siya namang pag-ilaw ng mga puting bulbs at nakita ko ang mga tauhan ni Arturo na papunta sa pwesto namin.

Ngumisi akong tinakbo ang pagitan namin at sumunod din naman si Bea at Nicole sa akin.

Nakailag ako sa ginawang atake ng lalakeng nakalaban ko at saka sinuntok ang kanyang tiyan, hinampas ko rin ang baril na hawak ko sa kaliwang kamay sa kanyang likuran na nakapagpadaing sa kanya.

Hinablot naman nito ang aking hita na nakapagpatumba sa akin, pumaibabaw siya sa akin pero tinadyakan ko kaagad ang kanyang ari saka bumangon.

Kinasa ko ang aking baril at tinutok sa kanya, gano'n din ang ginawa niya pero pasimple kong kinuha ang baril na nasa kabilang tagiliran ko at nang naikasa'y binaril ko agad ito.

Napalinga- linga ako sa paligid, sobrang gulo. Lahat ay nagsialisan sa lugar habang sina Nicole at Bea naman ay patuloy sa pakikipaglaban, pero ang nakaagaw sa aking pansin ay ang isang lalake na nakatayo sa may stage at ngayo'y may baril na nakatutok sa nakatalikod na si Bea.

Walang pag-alinlanga'y tinakbo ko ang pagitan namin ni Bea at tinulak siya.

"Angela!" sigaw niya nang kalakas-lakas at saka ko naramdaman na may tumama sa bandang tiyan ko.

Hinawakan ko ito at nakita ko ang dugo ko sa aking kamay, dahan-dahan akong napaluhod at nakita ko ngayon ang bumaril na siyang napatumba rin.

"Angela!" kakaibang boses naman ngayon ang aking narinig, boses lalake. Naramdaman kong lumapit ito sa amin ni Bea at agad akong kinarga.

"Tito... Luke" tawag ko rito at napapaubo na ng likido na sa tingin ko'y dugo.

"Huwag ka ng magsalita pa, iha." Nagsimula itong maglakad at huminto sa kung saan.

"Hanapin niyo si Arturo, siguraduhin niyong walang ni isa sa mga kasamahan nito ang lumabas dito." Bilin nito sa kausap.

"Angela, papunta na ang pulis dyan. Please... wag kang pumikit." Rinig ko mula sa aking earpeace.

"W-what... the herck arsh you... doing here, Tito?" tanong ko at di ko na alam kung maiintindihan pa ba niya ang sinabi ko.

"Wag nang magmatigas pa, iha. Huwag kang mag-alala, di ito makakaabot sa Daddy mo."

Iyon ang huling narinig ko bago ako tuluyang nahila ng kadiliman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top