CHAPTER SIXTEEN
JAMES' POV:
Bukas na ang gaganaping opening ng Intramurals at nandito kaming lahat sa gym parehong abala sa practice.
Naaninag ko naman ang paparating kong mga kaibigan na parehong nakangisi sa akin.
"Tol, ang ganda ng tanawin dito ah." Taas- babang kilay na wika ni Liam habang nakatingin sa stage.
Pinagpahinga muna kaming male participants at todo practice ngayon ang mga babae sa paglalakad na suot ang kani-kanilang mga sapatos na may takong.
"Boss, kamukha niya ba?" biglaang tanong ni Rain na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko.
Nasa bleachers kami ngayon at parehong nakaharap sa stage, tinignan ko panandalian ang babaeng nakakuha ng pansin ko sa stage at binalingan ang nagtanong.
"Kamukhang-kamukha." Sagot ko rito at binalik ulit ang tingin ko sa kanya sa stage. Narinig ko naman ang tawa ng mga kaibigan ko.
"Ba't 'di ka niya matandaan, tol? Baka hindi talaga siya 'yan." Dagdag ni Rain na ngayo'y umiinom na ng dala niyang milktea. Kinunotan ko siya ng noo at napakunot din ang aking kilay.
Nakalimutan na niya ako panigurado, sino ba'ng gustong maalala ang taong nang-iwan? Sinong tao ang gustong maalala ang isang masakit na pangyayari at alaala?
Kaya hindi ko siya masisisi kung tuluyan niya na akong nakalimutan.
"Shut up, Ulan." Inis kong untag dito na tinawanan niya lamang. "Pikon ka naman, tol. Ba't 'di ka kasi nagparamdam malamang hinintay ka no'n."
Hindi ko na ito sinagot at itinuon na lamang ang pansin sa stage at inabot ang tubig na nasa may paa-nan ko at ininom ito.
Ilang sandali lang ay nabasag ang katahimikang namamagitan sa aming lima nang biglaang tumunog ang cellphone ng isa sa amin kaya napatingin ako bawat-isa sa kanila at nakitang mula iyon kay Kairo.
"Hello? Nakuha niyo na ba? Sabi ni boss dyan na muna 'yan, ichecheck namin iyan sa susunod na linggo." Sagot nito.
Patuloy pa rin ang paninitig ko rito at napagtanto na isa sa mga tauhan namin ang kausap niya.
"Salamat, Jason. Nasa paaralan pa kami, busy masyado rito kaya sa susunod na kami makakapunta riyan. Hindi naman nagmamadali 'yon, diba?" makalipas ang ilang sandaling pag-uusap nila ay saka ito binaba ni Kairo at napabaling sa akin.
"Nasa bahay mo na raw ang tatlong bag ng pera, boss. Rain din pala ang pangalan no'ng kumuha ng sandamakmak na baril sa atin."
Tumango-tango ako rito at napangisi dahil sa sinabi niya. Ang baduy ng pangalan na ginawa ng isang iyon hahaha!
"Kilala mo, tol? Saang organisasyon?" tanong ni Jimmy na ngayo'y may hawak na chichirya kaya kumuha ako rito at hindi naman ito umangal. "Mafia King." Maikli kong sagot na ikinagulat nilang apat.
"Ang Hari? Seryoso ba 'yan tol? Ba't naman sa atin sila kumuha? Eh diba dapat sa mas kilalang Mafia Boss iyon kukuha?" sunod-sunod na tanong ni Jimmy at mas lalong inilapit ang mukha sa akin, pumikit-pikit pa ito.
Agad kong inilayo ang mukha ko at tumingin sa stage habang nakade-kwatro ang paa at nagkibit balikat.
"Huwag niyo nang alamin, ang importante ay patok ang serbisyo natin sa kanila."
"Hindi ba nag-eexport 'yan sila ng mga marijuana at cocaine?" tanong naman ni Kairo kaya napapatango-tango ako.
"Maraming koneksyon ang mga 'yan kaya hindi pa nahuhuli hanggang ngayon." Sagot ko rito.
"Kapit pera pa rin 'yang mga matataas ang posisyon sa pulisya hanggang ngayon!" natatawang sumbat ni Jimmy kaya napapailing na lamang kami.
Tumayo na ako at nagpaalam na sa kanila nang kinamayan ako ng instructor namin kaya bumaba na ako sa bleachers at tinungo na ang stage.
Nadatnan ko sa stage si Angela na nakaupo sa isang upuan kung saan may naka-pile na iba pang upuan, hinihimas-himas pa nito ang kanyang paa.
Nilapitan ko siya at inabot sa kanya ang dala-dala kong bottled water, napatingala ito nang makita ang ginawa kong pag-abot sa kanya.
Walang pag-aalinlangang tinanggap niya ito at agarang binuksan at ininom kaya napahagikhik ako.
"Salamat." Parang nahihiya nitong sabi dahil hindi ito makatingin sa akin ng diretso. Cute.
Napa-squat ako at tinignan ang paa niya na namumula, she suddenly moved her feet kaya napatingin ako sa kanya.
"Okay lang ako, pagod lang." napatango ako dahil sa sinabi niya saka rin ulit tumayo, inayos niya na rin ang suot niyang heels kaya inabot ko sa kanya ang aking kamay.
Pinatong niya naman agad ang kanyang kamay at inalalayan ko siya papunta sa pwesto namin, nagpasalamat naman siya ulit.
Itong gagawin daw namin ay sa entrance para sa opening naman ng pageant, may kaonting pasayaw-sayaw pa ito.
Marami kami since by section ito, hindi ko kilala ang karamihan sa mga nandito at wala rin akong pake sa kanila. Nang matapos ang pasayaw-sayaw ay tatawagin naman every participant every grade, so bale kung sa grade level namin, apat ang section ay apat din kaming participants ang mai-introduce.
Basta gano'n.
Napatingin ako sa direksyon ni Angela nang makita kong nakatitig ito sa akin, "Do you have anything to say?"
Napaiwas ito ng tingin at biglang binitawan ang aking kamay pero agad ko ring hinawakan ang kanyang kamay.
"Don't let go." Saad ko rito. Magkasalubong ang kilay itong tumingin sa akin kaya nginisihan ko ito.
"Namamasa na ang kamay ko, bitaw na muna." Pamimilit nito pero mas lalo ko lang hinigpitan ang paghawak sa kanyang kamay at narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "I won't."
She sighed again in defeat at hinayaan na lamang ang kamay naming magkahawak.
Ngayon ay mga lower grades pa ang gumawa ng kani-kanilang lakad o ano man ang tawag do'n.
"You okay?" tanong ko rito, mahirap na baka matulad pa ang nangyari sa kanya noong pinatawag kami ni Ms. Cordova.
"Oo, thank you nga pala. May tanong nga pala ako." Tinanguan ko lamang ulit ito at tinanong kung ano ang kanyang tatanungin. "Why are you like this?"
"What do you mean?" naguguluhan kong tanong dito na nakapagpatawa sa kanya. Huh?
"Why are you suddenly doing these kind of things, James?" magkasulobong ang kilay nito akong tinanong at tinignan.
"And why won't I, Angela?" pabalik kong tanong dito at tumingin sa mga taong may kanya-kanyang mundo sa stage.
"May mali ba sa ginagawa ko? Should I stop?" sunod-sunod at nakataas kilay kong tanong dito. Binitawan ko ang kamay niya at nakapamulsa na ngayon.
"Hindi naman sa gano'n, it's just that..." pinutol ko naman ang dapat niyang sasabihin.
"It's just what, Angela? Don't you know that I'm making things up here?" seryoso kong wika rito.
"It's just that I'm really no—What? Anong sinabi mo?" natawa ako nang hindi nito tinapos ang dapat sabihin. "I know you've heard it."
"Pero anong ibig sabihin no'ng making things up mo? Nag-away ba tayo?" tinawanan ko ulit ito at nilapitan siya saka bumulong sa kanyang tenga.
"It's for you to find out, Angela." Malambing kong pagkakasabi rito at binalik na ang atensyon sa stage since malapit na kami. "Tayo na ang susunod."
Narinig ko na lamang ang buntong hininga nito saka padabog na kinuha ang kamay ko saka hinawakan, napatawa ulit ako sa ginawa nito. "Dami ulit mapapatitig sa'yo nito. Damn it!" Bulong ko sapat lang para marinig niya.
Tinaasan naman ako nito ng kilay, "Problema mo ba sa kanila? It just proves how gorgeous I am. Period." Napapailing na lamang ako rito.
Nang maitawag na ang grade level namin ay may maraming nagsitilian, hindi ko alam kung bakit ang sunod kong napag-alaman ay dumami na ang taong nasa gym at pinapanuod kami.
Napatingin ako sa direksyon ng katabi ko nang kinalabit ako nito. "Ang daming tao oh, hindi ka ba kinakabahan?" umiling lamang ako rito kaya napabusangot ang kanyang mukha.
"You don't have to be nervous, beautiful." Hinapit ko ang bewang niya papalapit sa akin at saktong tinawag na kami. Binitawan ko rin agad nang maglakad na kami, I saw in my peripheral vision how uncomfortable she is right now.
Narinig ko ulit ang samot-saring tilian, walang emosyon lamang akong naglalakad at minsa'y napapangisi.
Nasa tabi ko pa si Angela since sa gitna naman kami magbubuwag, nang nasa gitna na ay huminto muna ako at nauna si Angela sa paglalakad.
Hinablot ko ang kanyang kamay nang makitang matatalisod sana siya at saka siya inilapit sa akin, napahawak ulit ako sa bewang niya at siya'y napahawak sa balikat ko.
Nagkatitigan kami na para bang kaming dalawa lang ang nasa mundong ginagalawan not minding others' screams and stares.
"I miss you." Nakita ko ang biglaang pamumula ng kanyang mukha at ang pagkagat ng kanyang labi kaya agad akong napahawak sa kanyang noo. Napalayo siya bigla na siyang ikinabigla ko rin.
"Your face is red. Are you sure you're okay?" mabilisan itong tumango at mabilisang naglakad pabalik sa pwesto namin kanina.
"Ciamco and Park, gawin niyo ulit ang pagrampa niyo. Ms. Ciamco, have control please!" sigaw ng instructor namin sa baba na nakatingin sa amin kaya tinanguan ko ito at sumunod kay Angela.
Ginawa ulit namin ang sinabi ng instructor at nagawa naman namin ito ng maayos ngayon. Bumaba na kami pagkatapos ng aming ginawang practice at ang mga binilin sa amin ng aming instructor.
Sinalubong ako ng mga kaibigan ko at tinatapik-tapik pa ang balikat ko, binangga ko naman ang mga balikat nila kaya napatawa ang mga ito. "Trip niyo?" tanong ko sa mga ito.
"Ikaw tol ah, parang ang lakas ng tama mo kanina." Natatawang sabi ni Rain habang naglalakad kami papalabas sa gym at nakipag-apiran pa ito sa katabing si Liam na nakangisi akong tinignan.
Mga gago talaga! Kung ano-ano na ang naiisip.
Bago kami tuluyang makalabas ay narinig namin ang tawag sa aming likuran kaya napalingon kami agad dito. Tinapik ako ng apat bago sila mamaalam at iniwan ako kasama si Angela.
"Tawag ka na ng bebe mo bro!" pahabol ni Kairo kaya pinakita ko sa kanya ang gitna kong daliri kaya natawa ito.
Binalingan ko agad ang ngayong nakaabang na si Angela na parang naiilang pa rin. "Mag-uusap daw tayo sabi ni Ms. Cordova, nasa may bleachers ang mga handler natin." Pagsisimula nito.
Nilibot ng aking mata ang buong gym at nahagilap nito ang mga nakaupong handler namin na nakilala namin last week, pareho itong nakaupo at kausap ang ngayo'y nakatayo na si Ms. Cordova.
"Okay, tara na." umuna na ako sa paglalakad at nasa likod ko lang siya, narinig kong nakipag-usap siya sa mga kaibigan niya at kalauna'y nagpaalam naman ang mga kaibigan niya sa kanya at sinabihan siyang maghihintay ang mga ito sa room namin.
"Ano raw ang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya at sinabayan na siya sa paglalakad. "We'll know when we get there." Seryosong sagot nito at siya naman ang nauna sa paglalakad ngayon.
Napakunot na lamang ako sa aking noo habang sinusundan siya. May nagawa ba ako?
NANG makarating kami sa kinaroroonan nila Ms. Cordova ay binate namin sila at agad-agad na silang nag-open up sa aming usapan. "Alas otso pa lang ay dapat tapos na kayo para hindi ma-late sa assembly time."
"Saan ba pwedeng magstay para sa gagawing make up, Miss? Para na rin sabay na kayong pumunta rito sa school niyo." Sabi pa ng isang bakla na nakalimutan ko na ang pangalan.
Napatingin naman sila sa akin kaya agad akong napailing, "Malayo ang bahay namin." Maikli kong sagot sa kanila.
"Sa amin na lang po." Pagre-representa ni Angela. "Bale alas sais magsisimula na po tayo?"
Tumango naman ang dalawang bakla at napapalapak pa. "Send us your address na lang babygirl at kami na ang pupunta sa bahay mo." Wika pa ng isang bakla.
"Ipapakuha ko na lang po kayo sa driver namin, pwede po kayong dito sa school magkikita-kita para sabay po kayong makarating sa amin." Napatango kami sa sinabi ni Angela at napagdesisyunan na rin na magkita na lamang dito.
Nag-usap pa kami ng ilang bagay sa gagawin namin bukas at pati na rin sa mga susuotin, pagkatapos ng usapan ay nagpaalam na kami sa isa't-isa at sinabayan ko na si Angela na ngayo'y palabas na ng gym.
"Samahan na kita." Sabi ko rito pero 'di man lang ito kumibo.
Napabuntong hininga ako at binilisan ang lakad para maabutan siya. "May nagawa ba ako? Hey, Angela!"
Napahinto na rin siya sa wakas nang hawakan ko ang kanyang balikat at pinaharap siya sa akin. Nakita ko ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa kanyang pisngi kaya tinitigan ko siya diretso sa kanyang mga mata at niyakap.
Shit. Ano ba talaga ang nagawa ko?
"I hate you! Hinintay kita! I fcking waited for you, Ja." Patuloy pa rin itong umiiyak at pumipiglas sa yakap ko pero kalauna'y napayakap na rin siya pabalik. I smiled secretly hearing those from her.
Hindi ako nagkakamali, ikaw nga 'siya'.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top