CHAPTER SEVENTEEN

ANGELA'S POV:

Alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay gising na ako, lumabas na ako ng bahay at kinatok ang bahay ng aking mga kaibigan na siya namang binuksan ni Tiffany na kinukusot-kusot pa ang mga mata at humihikab pa.

"Gising na ba ang tatlo?" tanong ko habang sinusuklay-suklay ang aking buhok na sobrang buhaghag.

Pinapasok ako nito at nakita ang mga kaibigan kong nakaupo na sa sofa sa sala habang si Bea naman ay nakasandal ang ulo sa balikat ni Nicole.

"Ang aga pa, Gel!" pagmamaktol ni Bea at dahan-dahang napaayos ng upo, para itong lasing dahil sa ayos nito.

Napapailing ako at isa-isa silang hinatak patayo, hindi na pumalag pa si Nicole at Kylie pero itong si Bea talaga ang sobrang tigas at bigat hatakin.

"Umayos ka nga, kabigat mo, oink!" pang-aasar ko rito na nakapasimangot sa kanya at padabog na umayos ng tayo at napakabit balikat.

"Ako na lamang ang susundo sa kanila since sobrang aga pa, ayusin niyo nga ang mga nakakalat dito! Tutulungan ko na kayo since mamayang alas singko pa ako lalarga papuntang school." Ma-otoridad kong saad sa kanila, dahan-dahan silang napatango at nagsikilos na.

Habang nililinis ang mga konting nakakalat ay biglang nagsalita si Tiffany, "Ba't kasi hindi sa bahay mo, Gel? Mas malaki naman 'yung sala mo roon eh."

Tinignan ko ito at nakita ko itong napangisi sa akin at napa-peace sign pa. I rolled my eyes at pinagpatuloy ang ginagawang pagliligpit dito sa sala at inayos ang nakusot na tela sa mga sofa.

"Hindi pwede, alam niyong maraming dapat ligpitin doon na kagamitan natin." Sagot ko rito na ikinatango-tango ng tatlo. "Yan kasi, Tiffany!" natatawang sabat ni Bea.

NANG tumapat na sa alas singko ang orasan ay kinuha ko ang susi ng van na aming madalas ginagamit at nagpaalam sa apat na lalarga na ako para kunin sina Ms. Cordova, James at ang handler namin.

Tinungo ko na ang garahe at pumasok agad sa van, automatic na bumukas ang parang gate ng garahe nang mag-backing ako at sumara ito nang tuluyan na akong makalabas.

Nagsimula na akong magdrive papuntang paaralan at biglang tumunog ang aking cellphone.

Malapit na ako sa traffic light kaya mamaya ko na bubuksan ang kung anong message iyon.

Nakapajama lang ako at naka-hooded jacket sa pang-itaas saka naka one-strap na tsinelas.

Wala naman akong pake sa suot ko lalong-lalo na't wala namang masyadong tao sa school ngayon at wala naman akong taong dapat i-impress like duh, simplicity is beauty.

Huminto ako nang makita ang stop light at saka agad kinuha ang cellphone na nasa katabi kong upuan at nakitang mula ito kay ate Tina.

Sabi rito na nandoon na raw sila pero wala pa raw doon ang partner ko which is James at sabi'y iba ang nandoon.

Hindi na ako nagreply at napakunot na lamang sa aking noo dahil sa sinabi nito na iba raw ang naroon.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho nang maging green light na ito, ilang kilometro na lamang ang tatahakin ay makakarating na ako since hindi nga kalayuan itong paaralan namin at napapabilis pa ako dahil hindi naman traffic.

Nakita ko hindi kalayuan ang gate ng aming paaralan at ang dalawa naming handler na nag-aabang, si Ms. Cordova at—anong ginagawa nila rito?

Binuksan ko ang bintana ng van nang natapat ito sa kanila, "Pakibuksan yung pintuan, pasok na rin po kayo." Bumati rin syempre ako sa kanila bago ko iyon sinabi. Bumati rin sila pabalik at binuksan na ang pintuan saka pumasok.

Lumabas muna ako at nakapamewang na tinignan ang mga kaibigan ni James, "Nasaan 'yung amo niyo?" mataray kong tanong sa kanila.

"Amo talaga, Angela?" nakasimangot akong inakbayan ni Liam pero agad koi tong hinawi kaya natatawang napapailing.

"Bagay talaga kayo." Dagdag pa nito na binalewala ko lamang nang makita ko iyong isa pa nilang kaibigan na lumapit sa likuran ng van at pinicture-an ang license plate nito.

Agad akong lumapit sa kanya at tinapik ang kanyang balikat kaya agad din itong napalingon sa akin. "Para saan 'yan?" tanong ko rito.

"Pinapicture-an ni James, susunod lang daw siya tas kami naman 'yung sasama sayo at sasakay dyan." Nakangiting sagot nito at tinuro pa ang van. Napabuntong hininga ako at tinignan ang oras sa cellphone at tinignan sila.

"Pasok na kayo, nag-aantay na sila Ms. Cordova sa loob." Bilin ko sa kanila na tinanguan nila, umikot ako at pumunta sa driver's seat.

Pumasok din naman sila at umupo sa likuran at nang makita akong nakatingin sa kanila ay kumaway pa ang mga ito. Napapailing naman ako at napaharap at pinaandar na ang sasakyan.

Naging maingay ang naging byahe naming dahil sa nagkasundo ang mga handler namin at ang mga kaibigan ni James, hiningian pa nga itong si Liam ng numero ni KenKen kaya napatawa kami ni Ms. Cordova nang binigay naman ito ni Liam.

Halata mo rito ang pagka-playboy at dumugin ng mga bakla pero sobrang friendly rin nito.

Ilang sandali ay nakarating na rin kami at bumaba na nang maiparada ko na ang sasakyan, narinig ko na may kausap si Kairo sa kanyang cellphone at sa tingin ko'y si James iyon.

Iginaya ko na sina sa bahay ng apat kong kaibigan at pinagbuksan naman agad kami ng mga ito nang kumatok ako't binati sina Ms. Cordova at nagulat din nang makita ang mga kaibigan ni James.

Pumasok na kami at pumwesto na, kumuha na rin ako ng stoll chair na para sa aming dalawa kaya umupo na ako rito at inilatag naman ni ate KenKen ang mga make-up nito sa maliit naming mesa sa sala.

Si ate Tina ang make-up artist ko at ang kay James naman ay si ate KenKen. Nakaligo na ako kagabi kaya naghalf bath na lamang ako kaninang madaling araw since sobrang tagal pa bago matuyo itong buhok ko.

Ang apat kong mga kaibigan ay nakaupo sa sofa at tinitignan ang ginagawa ng handler ko, ang mga kaibigan din ni James kasama si Ms. Cordova ay nakaupo sa katapat na sofa na inupuan nina Nicole.

"Nasaan na ba iyong si James, mga boys?" tanong ni ate KenKen na nasa tabi ko at tinutulungan si ate Tina sa pagitan ng pagbibigay nito sa mga susunod na brush na gagamitin.

Ngayo'y foundation pa lamang ang nilalagay, hindi na nakasagot pa ang mga kaibigan ni James nang biglaang tumunog ang doorbell kaya napatingin kami sa bawat-isa. Tumayo si Nicole at nagrepresintang tumayo at buksan ang pinto.

Makalipas ang ilang sandali ay napatingin ang lahat sa likuran ko pati ang mga handler ko kaya nalingon na rin ako, nakita ko ang papalapit na si James na humihikab pa, magulo ang buhok, nakabasketball shorts at simpleng t-shirt sa pang-itaas, nilalaro-laro rin nito ang susi sa kanyang kamay while approaching.

"Sorry, I'm late." Pagpapaumanhin nito at lumapit sa akin saka mabilisang lumapit sa aking tenga pero agad ding lumayo pagkatapos akong binulungan.

"Good morning, Elise." Bulong na bati nito sa akin na nakapagpatuod sa akin sa aking inuupuan. Umagang-umaga, James! Geez.

Hindi na ako nakasagot pa sa kanya dahil pinagpatuloy na ni ate Tina ang pagme-make up. "Kayo ha, mamaya na 'yan kasi lalanggamin kami nito mahirap na wala pa naman din kaming fafa. Kakainggit ganern."

Napatawa na lamang kami sa sinabi nito, nakita ko na pinaupo na rin si James sa kabilang upuan at sinimulan na ring lagyan ng hindi kakapalan na kolorete sa mukha at siguro'y pati ang buhok nito ay aayusin pagkatapos.

"Ano nga pala ang susuotin nila, 'te?" tanong ni Tiffany na ngayo'y nakatayo at hawak ang sandamakmak na dutch mill saka binigyan ang bawat-isa rito. Sa likod naman nito ay si Kylie na may dala-dalang plato na may mga egg sandwich at tuna sandwich.

"Sorry, 'yan lang ang maiinom na nasa ref namin. Mahilig kasi si Tiffany dyan." Rinig kong sabi ni Nicole. Naku naman talaga, kahit kape wala sila?

"Tennis player attire mga, beh!" sagot ni ate Tina na patuloy sa kanyang ginagawa sa harap ko.

MAKALIPAS ang ilang sandali o oras na yata ay natapos na rin si ate Tina sa paglalagay ng kolorete sa aking mukha at sinabihan akong magbihis na, nakasampay na raw sa banyo ang susuotin ko kaya agad akong tumungo sa banyo.

Pagkatapos ko raw magbihis ay kailangan kong bumalik agad doon para maayusan niya na ang buhok ko.

Nang makarating sa banyo ay nakita ko agad ang aking susuotin, isang sobrang above the knee na skirt at may sobrang ikli naman na short ito, yung pang itaas ay isang putting sleeveless top na terno sa green and white na skirt sa ilalim.

Agad ko itong sinuot at pagkatapos ay tinignan ang mukha sa salamin dito sa banyo, napanganga ako dahil sa itsura ko ngayon, a pinky-rosy cheeks, brown eyebrows, highlights of my jaw and collar bones, mahahabang pilik mata because of the extension and my red lips.

Ako ba 'to?

Lumabas ako pagkatapos at nakita ang lahat na nakaabang sa akin, napanganga sila at napakurap-kurap nang makita ako. Ang O.A ng mga expressions nila! Geez!

"Hey KenKen, ba't ka huminto?" narinig kong sabi ng nakapikit na si James pero napadilat nang wala siyang makuhang sagot mula sa handler niye.

Nahagilap niya agad ako since nakita niyang napatitig ang lahat sa akin, his jawdropped the moment his eyes set unto my direction.

Nahihiya akong lumapit kay ate Tina at 'di makatingin ng maayos sa kanila. "Ang ganda ganda mo, iha!" Ms. Cordova complimented kaya napangiti ako sa kanya at nagpasalamat dito.

Nakita ko namang napatango-tango ang mga kaibigan ko at ang mga kaibigan ni James na parehong nakatitig sa akin.

"Stop staring at her, you dickheads!" galit na untag ni James sa kanyang mga kaibigan, natawa naman ang lahat sa sinabi niya at napapailing naman ako.

"Ang seloso ni loverboy!" panunukso ni Rain na ikinabusangot nito.

Tumayo na rin ito at magbibihis na, binigay na ni ate KenKen sa kanya ang susuotin niya na nakabalot pa rin sa transparent na plastic.

"Fuck you, Lim." Binigyan pa nito ng malutong na mura si Rain bago siya pumasok sa banyo, sinita naman siya ni Ms. Cordova kaya napatawa ang lahat.

Pagkatapos ayusin ni ate Tina ang aking buhok ay binigay niya sa akin ang isang White Nike Swoosh Headband at sinuot agad ito.

Naka-high ponytail lang ako at bumagay talaga siya sa attire ko, natapos na rin si James at hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa kanya.

NANG makita nitong nakatitig ako sa kanya ay napataas ito ng kanyang kilay at napangisi kaya agad kong iniwas ang aking tingin at naupo sa sofa at kumuha ng isang tuna sandwich.

Nagpaalam ang mga kaibigan ko na maliligo na sila't magbibihis kaya umakyat na sila at pumunta sa kani-kanilang kwarto.

Sina Ms. Cordova naman at ang mga kaibigan ni James ay nakasuot na ng team t-shirt namin kaya wala na silang dapat problemahin pa.

Alas syete-imedya pa lamang kaya napaupo lang muna ako sa sofa at kumain ng kumain, sabi ni ate Tina na matagal naman daw matanggal itong lipstick na nilagay niya kaya free to lamon lang ako.

Nakita ko naman na tumabi sa akin si James at kumuha rin ng makakain. "Nakatulog ka naman ng maayos diba?" tanong nito kaya napalingon ako sa kanya habang kinagatan ang hawak kong sandwich.

"Oo, napagod din ako sa practice kahapon kaya nakatulog na ako pagkatapos kong maligo kagabi." Sagot ko rito kaya napapatango siya.

"Ikaw ba? Para namang hindi ka nakatulog ng maayos since natagalan ka sa pagpunta rito."

Napatawa ito kaya kinunutan ko siya ng noo. Mali ba yung sinabi ko?

"You're partially true since I've been thinking about you the whole night. I've been also reflecting about the mistakes I did in the past, I'm sorry." Hindi ako umimik sa sinabi nito at tinignan lamang ang kamay ko na hawak-hawak ang sandwich.

Napatingin naman ulit ako sa kanya nang bigla niyang hinawakan ang kaliwa kong kamay at pinisil ito.

"Let me explain. Hindi ko intension na iwan ka, hindi talaga." Pagsisimula nito at nakita ko ang ekspresyon mula sa kanyang mga mata, I saw his sincerity.

"Hindi ka man lang nagpaalam o nagparamdam. I was left there hanging, Ja. I waited for you and I even ignored my friends just because gusto ko na ikaw yung makasama ko imbes na sila and I've realized how bad I am to do those to them. I hate you, Ja. So much." Mahaba kong saad holding back the tears dahil syempre ayokong sirain ang pinaghirapan ni ate Tina.

Magsasalita na sana si James pero napahinto naman siya dahil biglaang nagsalita si Ms. Cordova.

"James and Angela, mauna na lang kayo since alas otso na. Nicole told us kanina na siya na raw ang magmamaneho ng van at sasabay na kaming lahat sa kanila kaya sige na gumayak na kayo."

"Pero Miss wala naman po kaming ibang masasakyan?" tanong ko rito pero nginitian niya lang ako at hindi na ako sinagot.

Hinablot ni James ang kamay ko at nagsimulang maglakad kaya napasunod na ako rito. He waved his hand at nagpaalam na sa kanila.

"Hey! Ang bastos mo talaga!" inis kong saad dito na nakapagpalingon nito sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Nagpaalam naman ako ah, problema mo?" tanong nito kaya inilingan ko na lang siya at una ng maglakad palabas at napanganga dahil sa nakita ko.

Napahagikhik ito nang makita ang mukha ko at pinagbuksan ako ng pinto sa nakaparadang kotse nito sa harapan ko. "A 2020 Porsche 911 for you, milady."

Kumindat pa ito sa akin tinignan ko lang siya at binigyan siya ng are-you-serious look at mukhang nakuha naman nito ang gusto kong iparating nang tumango siya.

Pumasok na ako at saka umupo ng maayos, sinara niya naman ang pintuan ko at umikot papunta sa driver's seat which is katabi ko syempre since two seats lang naman itong sports car niya.

"Black rubber shoes sana ang sinuot mo para hindi kita ang dumi 'pag nadumihan." Wika nito at napatingin sa sapatos ko o sa legs ko ba? Ewan ko rito!

"Di naman babagay yung itim na sapatos, magmaneho ka na nga, manyakis talaga." Binulong ko lamang ang huli kong sinabi para hindi niya na marinig.

Ginawa niya naman ang utos ko at pinaandar na ang sasakyan, his car made a loud seductive growl na feeling ko'y nagpahugis puso na ngayon ng aking mata. Heck, how I love the sound of sports cars!

Habang nasa byahe kami ay tutok na tutok lamang ito sa daanan at ako naman ay hindi na nakayanan ang katahimikan at ang awkward na atmosphere sa amin kaya nagsalita na ako.

"James, nasaan ka noong mga oras na nagtransfer ka? Bakit hindi mo man lang nagawang i-update ako?" sunod-sunod kong tanong sa kanya habang ginagalaw ang kambyo nitong sasakyan.

"Uh... actually ayokong sabihin sa'yo ito." Nag-aalangan pa ito kung sasagutin niya ang tanong ko o hindi pero kalauna'y dinugtungan niya naman ito not leaving his eyes on the road.

"Pero sa tingin ko'y dapat mo ng malaman ang katotohan tungkol sa akin na matagal ko nang ipinagkait sayo." Nakinig lamang ako sa sinabi niya, nang hindi ako sumagot ay ipinagpatuloy niya lang ang kanyang sasabihin.

"I was born to deal with a great responsibility, noong oras na bigla akong nawala ng walang paalam ay ang oras na ipinasa ni Dad sa akin ang pagiging boss niya, pagiging Mafia Boss. But before I earned that role, I was trained and even built a gang that consists of us five, with my friends. I am a gangster, Elise. A Mafia Boss, too."

Nagcrack pa ang boses nito nang banggitin niya ang mga huling kataga siguro dahil sa kadahilanang mabigat sa kanyang dibdib na aminin iyon sa akin.

Actually, hindi ako masyadong surprised and I will always accept him because it is already his fate.

Hinawakan ko ang kamay nito na nasa kambyo at nginitian siya kaya ito napatingin sa akin saglit. "It's alright, I accept you. I'm sorry, hindi ko alam na dinanas mo rin iyon."

Napahinto ang kanyang sasakyan bigla at nakitang stop light pala.

"What do you mean, Angela?" naguguluhan nitong tanong at napangiti ng lihim. Maybe it's already the time to also tell you everything.

"I've been there, too. Kaya hindi mo na ako nadatnan doon sa dating paaralan natin, I trained again for I was already trained my whole life. My dad... my Dad is the Mafia King, Ja."

"What? That impostor?" salubong ang kilay na tinignan ko siya kaya napapailing ito sa akin. "Nothing, don't mind what I've said."

Hindi na ito muling nagsalita pa kaya tinikom ko na rin ang bibig ko, nang makarating kami sa school ay kita na ang mga estudyanteng nagkukumpulan kahit nasa gate pa.

Bumusina si James kaya nagsitabi ang mga estudyante sa daan kaya nakadaan kami agad at hindi dumiretso si James sa parking lot, pinasok niya ito sa quadrangle ng school at hindi naman umangal ang guard na ikinataka ko.

"Let's talk pagkatapos ng lahat ng ito, we really have a lot of talking to discuss, Elise." Wika nito bago lumabas at umikot para pagbuksan ako ng pintuan.

Nilahad nito ang kanyang kamay kaya kinuha ko agad ito. "Ja, kinakabahan ako." Makatotohanang saad ko rito na ikinangiti niya.

"Don't be, let them stare at you as long as they want to. They are staring at a worthy person, so don't be nervous." Sabi nito na nakapagpangiti sa akin ng lihim.

Lumabas na ako at sinara niya naman ang pintuan, agad kong sinalubong ang mga tinginan at bulungan ng mga estudyante na ngayo'y nakapagpakaba sa akin lalo.

I composed myself at paulit-ulit na tinatak sa isipan na simula pa lang ito and I need to get used to this since mas marami ang manunuod sa pageant.

"Let's go?" aya ni James kaya tinanguan ko na siya at sumabay sa kanya papunta sa kinaroroonan ng mga kaklase namin.

Sana naman matapos na agad ito, how I hate the spotlight.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top