CHAPTER NINETEEN
ANGELA'S POV:
Pagkatapos ng sinalihan naming flag raising ni James ay pinuntahan ko ang mga kaibigan ko na kumakain ng burger sa bleachers, inabutan naman ako ni Tiffany pagkarating ko kaya tinanggap ko ito at kumagat na rin.
"Ang bagal niyo, 'te!" pagkokomento ni Tiffany sa pagtali namin ni James noong flag sa lubid.
"Atleast second place, Tif. Naku ka, 'di ka kasi makontento!" natatawang sagot ni Bea rito na ikinagalit ni Tiffany.
Seryoso lamang akong nakatingin sa mga bata na ngayo'y naglalaro na ng dodge ball.
Half of the gym was occupied by the elementary habang ang kabilang half naman ay pinapaassemble pa ng mga guro ang JHS at SHS department na sasali sa larong iyon.
"How was Arturo?"
I opened up the topic since wala na akong balita tungkol dito kasi pagkatapos ng naging usapan namin kahapon ay bumalik kami sa room at pinapractice ng handler sa paglalakad kasama si James kaya noong makarating kami sa room ay naiset-aside namin ang mga upuan at saka hindi na napag-usapan ang tungkol kay Arturo kahit sobrang kinabahan ako noong malaman ko ang balitang hindi binanggit ni Kylie sa akin habang nasa room kaming dalawa.
Noong makarating ako sa bahay ay wala rin akong imik dahil sa kapaguran kahit minsa'y nababanggit nila iyong si Arturo na ngayo'y hawak na daw ulit ni Tito Luke pero hindi pa rin ako makampante at 'di makapaniwalang everything is already under control kasi sa tingin ko'y sinasabi lamang nila iyon para hindi ako lalong mai-stress.
"Dinala na siya nina Dad sa abandoned property niya, malayo-layo nga lang dito." Mahinang sagot ni Kylie pero sapat na iyon para marinig ko, nilingon ko siya at tinaasan siya ng kilay. I still couldn't get over about her not telling that incident to me.
"Are you sure? Hindi ka nagsisinungaling?" paniniguro ko na ikinatango niya.
"But Gel, what if nanawagan ng back-up iyong si Arturo noong nakatakas ito?" tama si Nicole, napahilamos ako sa aking mukha at nagpakawala ng ilang malalim na buntong hininga.
"Dad said na imposible raw since nakita siya sa may rice field at wala namang masyadong kabahayan doon." Saad ni Kylie.
"We don't know, Ky. No one knows kung ano'ng nangyari sa kanya roon, we don't exactly know the possibilities." Natahimik sila dahil sa sinabi ko.
Naging tahimik lang kami pagkatapos noon at tumutok na sa laro ng aming mg aka-batch at schoolmates pero bigla kaming napatingin sa direksyon ni Kylie nang magsalita ito. "Gel, I'm sorry."
Nakayuko lang ito nang sabihin iyon kaya tumayo ako't lumapit dito saka siya tinapik sa balikat. "It's alright, baba na tayo." Pero nakita ko ang tutol sa mukha nito nang sabihin ko iyon at napapailing.
"It's not okay, Gel. Maling-mali ako, I should've told you sooner! Nag-alala lang kasi ako na baka mabagabag ka lang 'pag sabihin ko iyon, may pageant ka pa naman." She explained na nakapagpangiti sa akin.
Nagalit man o nainis man ako sa kanya ay wala ng makakapagbago sa nangyari kung ipagpatuloy ko lang itong galit ko. Wala na eh, I can't stop what already happened.
"Forget about it, tara na sali tayo sa susunod na laro." Pag-aaya ko sa kanila na siyang sinang-ayunan nila.
Bumaba na nga kami at nakita ang nakapamewang na mga advisers ng section ng department namin at todo hiyaw pa yung iba sa kanila kapag may natatamaan noong maliit na bola.
Nilapitan namin si Ms. Cordova at kinalabit siya sa kanyang likuran kaya napalingon ito sa direksyon namin at nginitian kami.
"Miss, anong laro ang susunod nito?" tanong ko na nakapagpatingin din ng ibang adviser sa gilid niya pero bumalik naman ulit ang atensyon ng mga ito sa laro.
"Major games na yata like volleyball, nakalista na ang mga sasali. Nagvolunteer ang mga kaibigan mo na sasali raw kayo." Pagkasabi noon ni Ms. Cordova ay nilingon ko ang mga kaibigan ko na nagsiiwasan ng tingin nang isa-isa ko silang tinignan.
Napabuntong hininga na lang ako at napatango sa guro namin at nagpasalamat dito pagkatapos.
Sabi'y tatawagin daw ang unang maglalaban pagkatapos nito at batid naman namin na hindi kami ang unang lalaro kaya lumabas na muna kami sa gym at tinungo ang mga stall ng mga pagkain.
"Gel, punta tayo roon sa freedom wall oh!" aya ni Bea at hinawakan ang braso ko saka kinaladkad ako.
Sumunod naman ang dalawa maliban kay Tiffany na pupunta raw ito sa food stall kung saan iyong Japanese cake yata iyon.
Nang makarating kami sa freedom wall ay nakita naming may dalawang SSG officer ang nagbabantay rito at binati kami ng mga ito nang mamukhaan kami kaya bumati rin kami pabalik.
Puro lower grades ang major officers ng SSG ngayon dahil walang ni isang naglakas loob sa amin na sumali since sobrang busy ng SHS life.
May iba ring nakasali pero House of Representative lamang bale sila yung taga-disseminate ng mga announcement mula sa SSG papunta sa aming mga kaklase niya.
Binigyan kami ng tig-isang sticker paper noong babaeng officer pagkatapos makabayad ni Nicole, nagtingin-tingin muna kami sa mga nakalagay na sa freedom wall at napapatawa sa mga cringe lines na sinusulat ng ibang estudyante, mga rants nila sa buhay at may nilalagay pa talaga silang cellphone number nila.
"Anong ilalagay natin nito?" tanong ni Bea kaya napakabit balikat lamang ako. "This is your idea kaya akala ko may ilalagay ka na." napakamot lamang ito sa kanyang noo saka napangisi ng mapaglaro.
"Alam ko na!" napapailing na lamang akong tinignan siyang nagsulat ng kung ano.
Napaisip-isip ako sa aking isusulat habang patuloy na binabasa ang ibang nakapaskil dito sa freedom wall at nagulat sa nakita sa isang papel.
"I miss you, Elise." Basa ko ng kalakas-lakas at parang nawala ako sa aking sarili dahil binasa ko pa talaga ng malakas.
Napalapit ang mga kaibigan ko at sinundot-sundot ang tagiliran kaya napaiwas ako sa direksyon nila at napahinto sa pagtawa ng malakas.
"Uy, ano 'to? Lumelevel-up kayo, ah!" pang-aasar ni Bea at sinusundot-sundot ang aking tagiliran, sinasapak ko naman ang kamay niya kaya natatawang napataas siya ng kanyang dalawang kamay palatandaang sumusuko na siya.
"Hanapin mon a, Gel. Miss ka na raw oh." Sumabay pa talaga si Nicole saka ako kinindatan.
I rolled my eyes to them at binalewala na ang pangungutya nila saka nagsimula ng magsulat sa papel at dali-daling pinaskil kung saan 'di makikita ng aking mga kaibigan.
Iniba ko rin ang sulat-kamay para 'di nila mahalata. Lumapit si Kylie sa akin at binangga ang aking balikat kaya binangga ko rin ang kanya kaya napatawa siya. "Saan mo nilagay 'yong sayo, ha?"
"Secret." Nakangisi kong sagot at tinalikuran siya saka sinauli sa babae ang ballpen, sumunod din silang tatlo.
Inakbayan naman ako ni Bea at kinurot ang aking tagiliran kaya napadaing ako saka sinamaan siya ng tingin. Ang hilig talaga nito manundot at mangurot! Kakagigil.
"Ano ba nilagay mo sa papel mo, Gel?" tanong pa nito. "Usisa!" sagot ko na lang at una ng naglakad at nasa likod ko naman sila.
Papunta na kami ngayon sa food stall na pinagpaalam ni Tiffany sa amin since nagugutom na rin kami.
Habang tinatahak namin ang daan papunta sa kinakainan ni Tiffany ay may iilang lalake ang bumabati sa akin, sa amin.
Kunot-noo kong tinignan ang mga kaibigan ko sa likod at pati rin pala sila'y naguguluhan sa ginagawang pagbati ng ibang lalake na nakakasalubong namin.
"Nakahithit yata ang mga 'yon, Gel." Napapailing na wika ni Bea pero kalauna'y napangising nakatingin sa aking likuran kaya pati ako ay napalingon at tinignan ang aking likuran.
Laking gulat ko nang makitang sobrang lapit pala nito sa akin kaya napaatras ako ng kaonti saka siya tinignan na sobrang lapit sa mukha ko, nakapamulsa kasi itong nagcrouch down para magka-level kami since mas matangkad ito ng kaonti.
"I've been looking for you." Saad nito pero nilapit ko lamang ang hintuturo ko sa noo niya at nilayo ang mukha niya sa akin. "Well, I haven't." maikling sagot ko rito at naglakad na saka nilagpasan siya.
Nagsitawanan naman ang kanyang mga kaibigan na nasa likuran lamang niya, nilagpasan ko lang silang lahat at nakita sa 'di kalayuan si Tiffany na nakaupo sa may 'di kahabaang table.
Narinig ko pang nag-'sorry' si Bea kay James at napalingon ako ng kaonti at nakitang may binulong ito. Ano kaya iyon?
Umupo agad ako sa harapan ni Tiffany at saka naman siya napatingin sa akin at isusubo na sana ang Japanese cake pero nahinto siya.
Nakita kong nakalapit na sina Bea sa amin at tumabi si Nicole sa akin at nakita kong nilapit ng mga kaibigan ni James ang isa pang mesa at naiconnect ito sa mesa namin.
"Ang sungit mo ngayon ah." Wika ng taong nasa likod ko. Umusog si Nicole roon sa isa pang upuan kaya ngayo'y ang katabi ko na ay si James. "Hindi pwede?" mataray kong tanong dito na nakapagpatawa kay Bea.
"James, madaming lalake ang bumabati dyan kanina." Sumbong ni Bea kaya nilakihan ko siya ng mata at ngumisi lamang ito sa akin. Hindi lang naman sa akin ngumisi ang mga lalakeng yun, aba!
"Ano naman ang ginawa mo?" lumingon ito sa akin at seryoso akong tinignan. "Syempre I greeted them back, 'di naman kasi ako ma-attitude. May kabaitan din naman ako konti." Napatango-tango lamang ito at hindi na umimik kaya ngayo'y nilapit ko ang mukha ko sa kanya at sinundot-sundot ang pisngi niya.
"What?" parang galit ang tono nito kaya tinawanan ko siya na mas lalong ikinainis niya, very evident sa pinapakita ng kanyang mukha.
Sabay-sabay na tumayo ang mga kaibigan ko at mga kaibigan ni James kaya tinignan ko sila, "Tol, may bibilhin lang kami. Nilalanggam na kami sa sobrang ka-sweetan dito eh." Natatawang sabi ni Rain na tinanguan lamang ni James.
Pati ang mga kaibigan ko ay tumayo pero napaupo pa si Tiffany, mukhang 'di yata na-gets yung sinabi ni Rain kaya kinaladkad na siya patayo ng mga kaibigan ko. Napapailing-iling na lamang ako.
Tinignan ko ulit si James at nakatingin din pala ito sa akin, "Ah about nga pala do'n sa napag-usapan natin sa kotse mo." Tinaasan ako nito ng kilay at mas lalong nilapit ang sarili nito sa akin pero umusog ako kasi ayokong lumandi ito at nasa public place kami.
Sobrang mali.
"What about it?" tanong nito. "Kasi may gusto akong malaman tungkol sa pagiging gangster mo." Sabi ko na nakapagpabuntong hininga nito at umiling pa.
"No, let's not talk about that today. Let's enjoy this event okay? Pag-usapan natin 'yan after we finally throw off the worries we are about to face during the pageant." Wika nito na ikinangiti at ikinatango ko, he mouthed a 'thank you' na nakapagpangiti lalo sa akin.
Nahinto lamang kami sa pag-uusap nang sumulpot si Jimmy at nakangisi kaming tinignan. "Boss, punta na raw tayo sa gym. Game na nina Miss Angela."
"What game?" naguguluhang tanong ni James sa akin. "Volleyball, well the girls also signed me for it, so why not?" I smiled at him at tumayo na sa pagkakaupo ko at inunahan na siya sa paglalakad.
Lumapit naman ang aking mga kaibigan sa akin at inabutan ako ng Chocolate flavored na Zagu kaya nagpasalamat ako sa kanila at tinungo na namin ang gym, bigla namang tumabi sa akin si Nicole sa paglalakad kaya napalingon ako sa kanya.
"James said na susunod lang daw sila." Napalingon ako sa likod at nahagilap ang titig ni James, he gestured na mauna na raw kami kaya tinanguan ko lang ito at pinagpatuloy na ang paglalakad at ang pag-inom mula sa maiinom ko.
Naabutan naman namin na nasa iisang lugar na ang mga sub players para sa laro ng section namin at isa na roon si Rachel, tinawag kami ni Ms. Cordova kaya agad kaming lumapit sa direksyon nila.
"Miss, dapat bang naka-attire sa laro?" tanong noong isang na mula sa kabilang section.
Napapailing naman si Ms. Cordova kaya napatingin ako sa makakalaban namin, nakavarsity shorts at shirt nga ito habang kami ay team t-shirt lamang at jeans yung iba naman ay naka p.e pants namin. Well, okay lang naman ito.
"Okay lang iyang suot niyo, karamihan kasi sa kanila Celine ay kasali sa Volleyball team talaga natin na nakalahok na sa division meet natin. Just always remember to have fun, last year niyo na ngayon as a senior highschool student kaya winning is never needed here, what's important is your experience and the fun you've felt."
Nakangiting pagpapaalala nito sa amin.
"The best ka talaga, Miss!" pagkokomplimento noong isa pang babae na nakapagpatawa sa aming guro.
"Oh siya sige na magsihanda na ang first six." Nagwarm-up muna kaming anim including Rachel, nagkwento pa ito nab aka hindi raw siya makapasok kapag siya na ang pinapaserve kaya nag sorry pa ito in advance.
"Let's just have some fun ang importante ay makapag-enjoy tayo rito." Nakipag-apir pa ito sa amin so we did the same.
Biglang pumito ang referee, pinapunta ang raw sa amin at pinapili kung heads o tails.
Kumuha ito ng piso sa kanyang bulsa, nagbato-bato- pic pa kami nitong grade 10 na makakalaban namin at ang nanalo ay siya kaya siya ang pipili kung heads o tails.
Tails ang napili niya kaya syempre heads yung akin, sinimulan ng itapon sa ere ng referee ang piso at saka niya nasalo ito at nang ibuka niya ang kanyang kamay ay napa-'yes' ako dahil heads iyon at kami ang una sa service.
Pumito ulit ang referee kaya agad akong pumunta sa pwesto na malayo sa may linya since baka magkaroon pa ako ng violation, ako yung magse-serve kaya nakahinga ako ng maluwag. Marunong ako pero hindi magaling.
Nang makita ko ang kamay ng referee na nasa amin at nang pumito ito ay hudyat na sa amin ang serve, binigay sa akin ng nasa may gilid ko ang bola.
Nagdribbling ako o kung ano ang tawag doon at saka tinapon ang bola sa ere sakto lang para sa paghampas ko, nang maihampas ko ito ay kita kong nakapasok ito sa net kaya naman ay lumapit na ako 'di kalayuan sa pwesto ni Nicole kasi malapit siya sa net at sa may likuran niya ako ngayon nakapwesto.
Nasalo ng kabila iyong serve ko kaya naka-in position agad ako at napabend ng aking legs since sobrang nakakatulong ito para makakilos kami ng maayos.
Naibalik kaagad sa amin ang bola at saktong tumapat ito sa setter namin which is Tiffany, sinet niya ang bola patungo kay Nicole na sobrang lapit sa net ngayon.
Mabilis ang pangyayaring iyon at naging mabilis din ang kilos ni Nicole, agad niyang naidrop ang bola sa kabilang net na hindi na nila nasalo kasi iyong katapat ni Nicole ay hindi masyadong malapit sa net at buti rin hindi nagka- line violation.
Naging tuloy-tuloy ang energy namin dahil sa isang puntos na iyon, ngayon ay 17-13 na ang score at kami ang nakakalamang. Hingal na hingal na kami pero kakayanin syempre.
"All Mr. and Ms. Intramurals participants, please proceed to the stage right now." Isang boses mula sa speaker nitong gym at narinig ko pa itong inulit kaya napatingin ako kay Ms. Cordova na ngayo'y nakatingin sa akin, nagrequest siya ng substitution kaya lumabas agad ako sa court at sinalubong siya at si James.
Inabutan ako ni James ng face towel at tubig kaya nagpasalamat ako rito. "Pumunta muna kayo roon sa stage, magpra-practice ulit yata kayo. Kapag free time niyo pwede na kayong makalaro, depends on you two."
Napatango lang kaming dalawa ni James sa kanya at naglakad na patungong stage kaya pinupunasan ko muna ang aking pawis at uminom na rin ng tubig.
Magpapaalam din muna ako sa instructor namin na magbibihis muna ako kasi sobrang basa na ng t-shirt ko dahil sa pawis.
"Ang galing mong maglaro ah." Biglaang salita ni James na nasa tabi ko.
Napatawa naman ako dahil sa compliment niya, "Ngayon mo lang alam 'yan?" napahinto muna ako saglit sa paglalakad at napalingon. Napatawa ito sa aking sinabi at napalingon din, gaya-gaya.
Nakita ko ang mga kaibigan ko na masayang naglalaro sa court kahit sobra na rin silang pinagpawisan. I just hope na ganito na lamang kami kasaya at kapayapa, na parang wala kaming problemang kinakaharap.
Napahugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago napalingon kay James at nginitian, "Let's go?" tumango lamang ito at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa naka-assemble na ngayon na mga participants.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top