CHAPTER NINE

ANGELA'S POV:

"Madame, wala po kaming kinalaman sa pagkamatay niya. Our only intention is the Mayor's son and the right hand of the Organization that we're chasing, that is all." Sagot ko sa nagtatanong na ginang mula sa kabilang linya.

"Miss Ciamco, this will be very important to us since this is a matter regarding of our daughter's death. How can you assure of the alliance with you would be successful?" seryoso nitong tanong na nakapagpabuntong hininga sa akin.

Bazin's are very dangerous, I maybe a daughter of the powerful Mafia King but I can't change the fact that their family's organization are one of the biggest among the world holding millions of connections and personnels.

"We've done missions a hundred times, Madame. Nous attendons avec impatience le soutien total de vos subalterns ici dans le pays." Magalang kong untag and spoke their language, French. (We look forward to the full support of your subordinates here in the country.)

Rinig ko ang tawa nito mula sa kabilang linya na nakapagpangisi sa akin.

"Bonte gracieuse! Just send a signal to them, then." Nagpasalamat ako sa kanya at agad naman niyang binaba ang tawag. (Goodness gracious!)

Binangga bigla ni Tiffany ang balikat ko habang naglalakad kami papuntang parking lot kaya napalingon ako sa kanya.

"Balita, 'te? Agree ba si mader Bazin?" tanong nito na pinabakla pa ang tono. Tumango ako na nakapagpa-yes sa apat.

Byernes ngayon at pauwi na kami, oo at ngayon na ang simula ng aming gagawing misyon since mamayang gabi rin naman yung flight namin papuntang Cebu.

Sa katotohanan ay masasabi kong kaya naming anim kasama si Dustin na tapusin itong misyon pero para naman mapadali ang pagsasagawa ng lahat at para mapanatag ang loob ng mga Bazin ay ibinahagi naming sa kanila ang aming plano.

Mamayang alas otso ng gabi na kami lalarga at naihanda na namin ang lahat ng aming kakailanganin sa gagawing misyon.

Since yung private airplane namin ang gagamitin ay safe na kami, we made sure na ang lahat ng aming kagamitan ay hindi made-detect ng kanilang system. That would be through Kylie and Dustin's help, of course.

Napahinto kami sa paglalakad nang makita ang grupo nina James na nakaabang sa harap ng nakapark naming van.

"What are you doing there?" diretsahang tanong ko at lumapit kay James na ngayon ay nakangising nakasandal sa hood ng van.

"I'm very curious." Maikling pagsisimula nito kaya tinaasan ko siya ng kilay at tinanong, "About what?"

Napatayo ito ng matuwid at inilagay ang kamay niya sa bulsa ng pantalon, dahan-dahang lumapit si James sa akin at tumitig sa mga mata ko ng mariin.

"About the five of you, my lady." Sagot nito at saka pinitik ang aking noo kaya napaatras ako ng kaonti. What the?

"There's nothing interesting about us, James. So please... stop bugging us now. We're not even close." Umirap ako pagkasabi ko noon. Tama naman talaga kasi ako! We're not close. Maybe not...

Nabaling ang atensyon ko sa kaibigan nitong napatawa bigla at inakbayan si James.

"Pagpasensiyahan niyo na itong kaibigan naming, Miss. Sadyang may hinahanap lang 'to and baka isa siya sa inyo at dapat niya lang kompirmahin." Amin nito.

"Imposible namang isa sa amin." Napatango yung umakbay kay James sa sinabi ni Nicole. "Mauna na kami, pasensiya na ulit sa inyo."

Agad din silang umalis at narinig ko pa ang tawanan ng mga ito dahil daw imposimble nga namang isa sa amin ang hinahanap nito.

Walang imik na pumasok kami kaagad sa van at ang nagdrive naman ay si Bea.

"Ano nang gagawin natin ngayon? I think they're interested in us." Pagbabasag ni Bea ng katahimikan habang pinaharurot na ang sasakyan.

"Syempre wala! Bahala sila mag-isip ng kung ano dyan kasi alam naman talaga nating mapapaisip talaga yun sila na imposible. Diba?" napatango naman kaming lahat sa sinagot ni Kylie.

MAKALIPAS ang ilang minuto at pasikot-sikot na aming nadaanan pauwi ay nakarating na rin kami.

Ipinark muna ni Bea ang van sa kanilang garahe saka kami lumabas, dumiretso sila papasok sa kanilang bahay habang ako naman ay nagpaalam na uuwi ako saglit sa bahay namin at kukunin ang aking bagahe.

Nang makarating ay itinapat ko ang aking hintuturo sa fingerprint scanner ng pintuan naming at saka ito agad bumukas. Itong bahay na ito ay talagang nirequest ko kay Dad na ipagawa at ipinangalan naman ito sa akin.

Walang ni isa ang nakapasok sa kwarto ko dahil hanggang sala lang naman ang nakakapasok dito, pati si Dad and I am very grateful na hindi na ito nagpumilit pa na pasukin ang pangalawang palapag.

Nagbihis lamang ako at agad na akong bumaba dala-dala ang kagamitan pagkatapos.

"Alexa, can you check the weather for tonight?" tanong ko sa virtual digital assistant na si Alexa.

"It's currently cloudy and 29 degrees in Manila City. Expect thunderstorms and cloudy skies starting tonight, continuing until 6am. Temperatures will range from a high of 29 degrees at 6pm to a low of 27 around 2am." Sagot nito.

Pinatay ko lahat ng ilaw at siniguradong sinara at ni-lock ko ng maayos ang mga pintuan, especially sa kwarto ko.

Mag-aalas syete na kaya agad akong pumunta sa bahay ng aking mga kaibigan, nakasabayan ko pa papasok si Dustin na dala-dala ang dalawa niyang backpack. Bumati ito sa akin at tinanguan ko lamang ito.

"Handa na ba ang lahat?" tanong ko at nakita sila na may dala-dala na ring bagahe.

"Yes!" malapad ang ngiting sinalubong ni Tiffany sa akin na animo'y mamamasyal kami sa kung saan saan dahil sa pagiging excited nito. Napapailing na lamang ako sa inasta ng kaibigan.

Naghintay kami ng ilang sandali sa labas ng bahay at nakita agad ang paparating na Toyota Super Grandia Elite na siyang pinasundo ni Dad sa amin papuntang airport.

Hindi naman aabot ng ilang oras ang flight naming sa Cebu kaya laking pasasalamat naming na hindi pa umuulan.

Pumasok na kami at pumuwesto na, buti nga at hindi traffic ngayon dahil siguradong matatagalan talaga kami sa pagpunta sa airport.

Nang makarating ay kita agad ang mga nagkukumpulang tao at yung iba nasa linya nila at yung iba naman ay nakaupo.

Dala-dala ang mga bagahe namin ay nagmamadali kaming pumunta sa Terminal 3 kung saan nakita naming naghihintay ang pinakapinagkakatiwalaan na Butler ni Dad na si Butler Choi. Tinulungan kami nito kasama ang mga kasamahan niya sa mga baggage namin.

Nakita rin namin ang pinagamit ni Dad na private plane at nakita rin ang nakaabang na crew at iginaya kami nito agad papasok sa eroplano nang makaakyat na sa airstair o boarding stairs.

Nagsiupuan kami at may sinabi pa yung crew na agad din naming sinunod, katabi ko si Nicole na ngayon ay nakaidlip na at sa kabila naman ay si Kylie.

"Ky, pagdating natin ng Cebu dapat niyo agad i-hack ang system ng airport hm." Bulong ko para 'di marinig ng crew na ngayon ay kausap ni Tiffany sa kabilang seat sa kadahilanang nanghihingi ito ng makakain.

Tumango si Kylie at kinausap din si Dustin patungkol sa sinabi ko.

Ilang minuto akong nagmumuni-muni at hindi namalayan na nakarating na rin pala kami.

Napabalik lamang ako sa ulirat nang magsalita ang pilot, ginising ko na rin si Nicole na nakasandal sa balikat ko.

Hindi umabot ng isang oras ang byahe at paniguradong maje-jet lag itong si Tiffany kahit sa kaonting oras lang ng byahe. Tinanggal na namin ang kanya-kanyang seatbelts at saka tumayo na.

Nakaboard kami sa Mactan-Cebu International Airport, nang makababa kami ay nadatnan naming kaagad ang mga nakaabang na mga alagad ng Tito ni Tiffany at saka kinuha ang mga kagamitan namin.

"Tito!" sigaw ni Tiffany at masayang lumapit sa tito niya at niyakap ito. Napatawa naman ang tito niya sa kanyang ginawa at yumakap pabalik.

"Iha! So glad na naisipan niyong bumisita dito kasama ang mga kaibigan mo!" nakangiti kaming tinignan ni Tito Leo.

"Nagtaligsik na ug sugod, mangadto na ta!" dagdag nito na hindi naming maintindihan kaya pareho kaming napalingon kay Tiffany na ngayon ay napapakamot sa kanyang ulo.

"Umaambon na daw kaya kailangan na natin tumuloy. Hehe..."

Sumunod kami kay Tito Leo papasok sa Terminal 1 na Domestic Departure. Naramdaman ko naman ang paglingon ni Kylie sa akin kaya agad ko siyang tinanguan hudyat na simulant na agad ang ipapagawa.

Nagkaroon ng security check sa mga bagahe namin kaya agad kinuha ni Kylie ang cellphone niya sa kanyang bulsa at pareho silang nagtulungan ni Dustin.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang natapat na ang scanner sa mga bagahe namin at agad akong napapikit at napamulat nang marinig ang pag-"ting" kung saan ito'y clear at walang kung anong kakaibang bagay ang nasa loob.

Agad akong napatingin kay Kylie at Dustin at pareho silang nginitian at pinasalamatan dahil sa ginawa nilang effort.

Iginaya na kami sa kotse ni tito Leo at saka agad pumasok, ang mga bagahe naman ay nasa compartment ng sasakyan. Nasa shotgun seat si tito Leo habang nasa likod naman kaming anim.

"Didiretso na tayo sa bahay ko sa Argao para doon na kayo makapagpahinga, maaga pa tayo bukas sa dadaluhan nating business meeting kasama ang Mayor ng Alcoy. You said that you're all here in behalf of your parents, right?" ngayon ay nasa amin na ang atensyon nito at napaikot pa siya para lang kausapin kami tungkol sa dadaluhan naming bukas.

"Yes, tito. We are very interested about investing in one of Alcoy's beautiful island. I think it was called as Sumilon Island? Yung may sandbar?" sagot ni Kylie.

She knows all about the island and we all know about it, too. Napatango-tango si tito Leo sa binanggit ni Kylie at nginitian kami.

"Right! I think we also have to discuss about that, too. As one of the island's investor, I am very thankful that you took interest about the island at kay daming mas magaganda pang isla maliban sa Sumilon, ba't ito ang inyong pinili?" he interrogated again, I think Tito Leo is really talkative and very inquisitive about matters like this.

"We've already done a lot of research tito and as what you say na mas marami pang mas maganda sa island na ito, yes tama ka po and natanong din namin sa isa't-isa ba't ito ang aming pinili but we've been to a lot of resorts pero there's something about Sumilon that you can't just stop going back. We were also very thankful knowing na isa ka po sa investors and that madali lang maiprocess ang gusto naming iinvest since Tiffany has a connection with you." Pagpapaliwanag ko kay tito na mas lalong nakapagpangiti nito.

"Magaling ka, iha! Oh siya magpahinga muna kayo at mahaba pa ang byahe natin pauwi. Iyang si Tif nakatulog na inunahan na kayo, iyang batang 'yan talaga ang kulit pa rin."

Napatawa kami sa sinabing katotohanan ni tito at nakita si Tiffany sa likod namin na nakatulog na sa balikat ni Kylie at nakanganga pa talaga! Hahaha!

Nakatulog nga kami ng higit isang oras at pagkagising ko ay gising na pala ang mga kasamahan ko maliban na lang sa akin. Tinignan ko ang aming dinadaanan at puro na lamang kahoy at mga street lights.

"Nasaan na tayo?" tanong ko sa kanila na ngayon ay nakatingin lang din sa daan.

"Malapit na tayo sa bahay ni tito, Gel. Excited na ulit ako makapasok sa bahay nila!" nasikislapan pa ang mga mata nito dahil sa saya at excitement.

"Bahay pa ba iyan? Mansion na 'yan, 'te!" singit ni Bea at katulad niya'y napatingin ako sa harapan kung saan tanaw na ang bahay na sinasabi ni Tiffany kahit na mansion na ang tawag nito sa sobrang laki.

Binuksan ng isa sa kanilang katulong ang pintuan ng sasakyan kaya agad kaming lumabas at napatitig sa Spanish style na Mansion na sa tingin ko ay may dalawang palapag pero pahaba ito kaya sa tingin ko'y marami ang kwarto na makikita sa loob nito.

Sinalubong naman kami ng asawa ni Tito Leo at tinulungan kami sa daanan papasok ng kanilang mansion.

May malaking double door sila at makikita mo agad ang malaking chandelier sa itaas at isang mahabang staircase papunta sa ikalawang palapag.

Pinakain nila kami at pagkatapos ay tinuro nila ang magiging kwarto naming, we insisted na matutulog na lang sa iisang kwarto maliban kay Dustin dahil siya lamang ang lalaki sa amin.

Tatanggi pa sana ang mag-asawa pero pinutol na sila ni Tiffany at pinilit ang kanyang tito at tita kaya sumang-ayon na lang din ito.

Wala namang problema sa kwarto dahil sobrang laki nito, may isang king-sized bed na naaayon sa disenyo ng mga dingding, kulay ash-gray at may mga berde pa na parang ugat o mga halaman na nakadikit na para bang mga dingding sa tore.

Isang old style pala ito sabi nga ni Tiffany dahil nakatayo na ang mansion na ito noong panahong sinakop ng mga Espanyol ang ating bansa, ancestral house raw dagdag ni Tiffany.

Naglinis kami ng katawan at naligo bago napahiga sa nakalatag na comforter sa sahig, kami ni Nicole at Kylie ang magkakatabi habang sina Tiffany at Bea naman ang nasa higaan, pareho kasi itong malilikot kaya walang ni isa sa aming tatlo ang gusto pang dumagdag at makisali pa sa higaan kahit may space pa man dahil sa sobrang likot ng dalawang iyon.

Nakatulog din kami agad at laking pasasalamat ko na walang ni isa sa aming ang namahay at mahimbing ang naging tulog naming dahil na rin siguro sa pagod.

Nagising kami ng alas syete at agad naligo at nag-ayos bago bumaba. Naabutan namin si Dustin na kakalabas lang din sa kwarto nito at nakapag-ayos na rin.

"Maayong buntag ninyo!" nakangiting bati nito sa amin, binate naming ito pabalik at sabay na kaming bumaba. (Good morning sa inyo!)

"Halina kayo, sabay na tayong kumain! Mabuti na lang at wala ang mga anak namin ngayon dahil siguradong maaga kaming kumain dahil na rin maaga ang mga lakad ng mga ito. Mag-aalas otso na pala, alas nuwebe daw yung meeting na dadaluhan niyo?" tanong ni Tita Rose sa amin habang tinuturo sa amin ang daan papuntang kusina.

Sobrang laki kasi ng mansion na ito at ang daming pasikot-sikot at sa tingin ko may tatlong sala pa sila, nang makarating sa mahabang dining table ay nadatnan namin si Tito Leo na nakaupo na pero may kausap ito sa cellphone.

Naupo rin kami agad at maya-maya pa ay binaba ni tito Leo ang kanyang cellphone at napatingin sa'min.

"Magandang umaga sa inyo mga iha at sa iyo rin iho, wala ka gaingon nga bisaya sad diay ka. Hahaha!" ngiting bati nito sa amin at napabaling din si tito kay Dustin at 'di ko na maintindihan ang kanilang pinag-uusapan pa. ('Di mo sinabing bisaya ka rin pala.)

Nagdasal muna kami bago kumain, nagkukuwentuhan sina tito at tita sa mga pinanggagawa nitong kaibigan namin na si Tiffany habang nasa Cebu pa ito at natatawa na lang kami kay Tiffany habang nakabusangot naman ang mukha nito.

Pagkatapos kumain ay niligpit na ng mga katulong nina tito Leo ang kinainan naming kaya dumiretso na kami sa labas ng Mansion at nakita ulit ang nakaparadang van na ginamit namin kagabi.

Naging madali lang naman ang byahe dahil hindi traffic sa probinsya at isa pa'y malapit-lapit lang din pala, hindi umabot ng tatlumpong minuto ang naging byahe namin papuntang City Hall ng Alcoy kung saan gaganapin ang meeting.

Lumabas na kami at nakita ang isang hindi katandaang babae na nag-aabang sa amin at lumapit ito agad kay tito Leo.

"Good morning, sir! Nasa conference room na po ang Mayor kasama ang anak nito at mga board." Napatango si tito sa babae at nagpasalamat kaagad dito saka naman siya bumaling sa amin.

"Tayo na lang yata ang hinihintay." Napakamot ito sa ulo at napatawa.

Nang makapasok kami sa conference hall ay nasalubong namin kaagad ang ginaw at hangin na dala ng aircon.

Tumayo ang Mayor at bumati sa'min kaya binate rin namin siya pabalik at naupo sa tinurong upuan ni tito Leo.

"Good morning sa lahat! I bet all of us already know what we're going to discuss since we all have visitors from Manila and really did a visit for this! Maraming salamat sa inyo, iha." Ngiting pagpapasalamat ng Mayor sa amin kaya nginitian din naming siya pabalik.

"It was really an overwhelming feeling na madami na ang turistang interesado sa isla natin and I'm hoping that through this project ay matutulungan niyo kami para mas pagandahin pa lalo ang tanawin at dagdagan ng mga equipments and additional na mga fun activities." Pagsisimula nito.

"Sir, we have a question!" taas-kamay na wika ni Tiffany kaya napataas ang kilay ko sa kanya. Ano naman kaya iyon?

"Since we'll be investing for this project, how can you assure us that the money we'll be providing won't be put into waste?" seryosong tanong ni Tiffany. Woah minsan lang 'to magseryoso ang kaibigan naming kaya lulubus-lubusin na. Hahaha!

"I am true to my words, iha and I'm not doing this project if hindi ko rin lang naman pala tatapusin at aayusin. To also prove na walang masasayang sa investments niyo ay magpro-provide kami ng lists ng mga materials na gagamitin at iba pa." sagot naman nito at napapatango na lamang kami.

Nakita ko rin naman ang isang lalakeng nasa gilid ng mayor na nakangisi kaming tinitigan.

Oo nga pala, hindi kami nakasuot noong mga salamin at nerdy attire kaya alam kong tutulo na ang laway nitong lalakeng 'to kakatitig sa kagandahan naming.

Of course, we're beautiful and we're legitimately made from the Philippines not from China. Just kidding.

Nagpatuloy lamang ang diskusyon hanggang sa tinanong kami kung nagtatrabaho na ba kami at sinagot naman naming ng maayos ang Mayor.

Natapos kami bandang alas onse na at nagsitayuan na kami para makipagkamayan kay Mayor Ramirez.

"It's an honor, mga iha. Thank you so much for this opportunity and help you're giving." Nakangiting pagpapasalamat nito at kinamayan ang bawat-isa sa amin.

Wala si Kylie at Dustin, nasa plano namin na hindi sila pasamahin dito sa loob para hindi rin naman sila makakasama sa pagpasok sa villa.

Nakipagkamayan din ang anak ng Mayor sa amin at nang matapat na sa akin ang kamay niya at nang magkamayan kaming dalawa ay mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay at lumapit lalo sa kanya.

Mabuti na rin at una ng naglakad ang Mayor at nakipag-usap pa saglit sa ibang kasamahan nito.

"Mr. Ramirez, we're interested..." bulong ko at nakita ko namang napangisi siya sa hindi kompletong pagkakasabi ko sa aming pakay. Ha! Assuming. "about making a deal with you." Pagtutuloy ko na nakapagpawala sa kanyang ngisi at ngayo'y seryosong nakatingin na sa akin.

"Oh, is it about the candy?" tanong nito na nakapagpatango sa aming apat. Finally got you, Ramirez.

----------

FYI: The 'candy' mentioned by Ramirez' son ay kadalasang ginagamit na pangalan ng mga drug dealers para hindi mabuking. This is a real info from Google.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top