CHAPTER FOURTEEN

ANGELA'S POV:

Martes na ngayon at ngayon ang araw kung saan kami sasabihan ni Ms. Cordova patungkol sa final events na magaganap sa Intramurals at kung pwede ba kami sumali sa mga palaro at syempre ang actual na magaganap sa pageant day.

Lakad takbo ang ginagaw ko ngaon papuntang classroom dahil sobrang late ko na sa unang asignatura na papasukan ko, nang matanaw ko na ang room ay natanaw ko rin si James sa may pintuan nakasandal at nakapamulsa pa.

Agad ko siyang nilapitan at napalingon naman siya sa direksyon ko nang makita ang kinalalagyan ko, huminto muna ako at hinahabol ang hininga ko at saka napangiwi ko siyang tiningala.

"Andyan na ba 'yong guro natin?" tanong ko rito at napatingin sa relo sa aking palapulsuhan at nakitang tatlumpong minuto na akong late. Napapikit ako at napasabunot sa buhok.

"Oo kanina lang, ba't ngayon ka lang?" usisa nitong tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"None of your business." Maikli kong sagot at pumasok na, nakita ko namang napahinto sa pagdi-discuss ang aming guro at napatingin sa akin, pati ang mga kaklase ko ay napatingin sa aking direksyon.

Badtrip! "Ms. Ciamco! Why are you late?" nakataas pa ang kilay nito nang tanungin ako.

"Ma'am, I'm sorry. I woke up late." Diretsahan kong sagot dito kaya pinapasok na niya ako na agad ko namang sinunod.

Yumuyuko akong pumunta sa aking upuan at bumati naman ang mga kaibigan ni James na siyang tinanguan ko lamang.

Nilapag ko sa aking upuan ang aking bag at hinarap ang aking mga kaibigan at sinalubong ang kanilang mga nakakunot na kilay.

"Bakit ka late ha?" tanong ni Kylie sa akin. "Alam niyo na ang dahilan saka sinabihan ko naman na kayo na hindi ako makakasabay sa inyo no'ng tumawag kayo kanina diba?" sagot ko rito pero nakakunot pa rin ang kanilang mga kilay, not satisfied with my answer.

"Anong pinaggagawa mo kagabi, Gel? Don't tell us na you stayed up late last night?" karagdagang tanong pa ni Bea. "None of your business, girls." Maikli kong sagot dito at napahikab pa.

"Ms. Ciamco, why are you still here?" bigla akong napatingin sa harap nang tanungin iyon ng guro naming. "Ma'am?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"How long are you going to let Mr. Park wait for you outside? Akala ko ba a pull out kayo ngayon dahil may pag-uusapan kayo ni Ms. Cordova?" sunod-sunod nitong tanong kaya napatayo ako at napalabas agad dahil sa kanyang sinabi. "I'm sorry, Ma'am"

Hinarap ko ang nakasandal pa na si James sa labas at sinamaan ito ng tingin. "Ba't di mo sinabi sa akin na pull out na pala tayo?" he shrugged his shoulders at naglakad na kaya sinundan ko naman ito.

"Hoy! Bingi ka ba?" pagkukuha ko sa atensyon nito. Aba! 'Di pa ako sinasagot ng maayos ah!

"Nagmamadali ka kasi and you said it's none of my business so..."

"So?" pagpuputol ko rito kaya napahinto siya seryoso akong hinarap.

"So I just waited until you're done talking with your friends but our teacher noticed so... bad for you." Nginisihan pa ako nito at nagpatuloy na sa paglalakad. Sumabay naman ako sa kanya at tumahimik na lamang.

"May tanong pala ako sa'yo." Pagbabasag ko sa katahimikang namamagitan sa amin habang pababa kami sa hagdan. "Ano iyon?" tanong nito at namangha saglit sa pagta-tagalog niya.

What the? Ano na ba ang nangyayari sa akin? Damn it! This is very unhealthy.

Bigla akong napahawak sa may dibdib ko at saktong napalingon si James sa aking dahil siguro sa katagalan ko sa pagsalita.

"Are you having some kind of a heart attack? Am I going to shout for help now?" naghy-hysterical nitong tanong nang makita ang ginagawa ko.

I rolled my eyes upon seeing his reaction. "Baliw!"

Napatawa lamang ito sa ginawang kalokohan at napalingon ulit sa akin.

"What are you going to ask to me, again?" tanong nito.

"Ah ano, kung dito ka ba nag-aaral simula elementary? Okay lang kung 'di mo sagutin, curious lang naman ako since super kilala kayo rito."

Napatango-tango lang siya at dahan-dahan na ang ginagawang hakbang pababa ng hagdan at tantiya ko'y nagdadalawang-isip pa ito sa sasabihin.

"Nope, I just transferred here pagtungtong ko ng highschool so basically bago lang din ako rito." Sagot nito kaya napatango na lamang ako.

"How about you? Why did you transfer here?" tanong niya rin na nakapagpabuntong hininga sa akin remembering the happenings that made me who I am right now.

"Dad's choice." Napatawa naman ito dahil sa sagot ko kaya napatingin ako sa kanya. Okay lang ba 'to? Ba't siya tumatawa?

"I'm sorry, it's just that my Dad also transferred me here. Lahat ay kagustuhan niya, ano ba ang magagawa ko? I just wanted him to be happy and be proud of me even if leaving my one and only love is the only solution." Napaiwas naman ako ng tingin nang sabihin niya iyon, korny.

"Wala ka ng magagawa ano kaya sinunod mo na lang ang Dad mo? Kaya iniwan mo iyong babae mong mahal dahil kahit anong hanap mo ng paraan eh wala na, finish na. Hahaha! How shit life is." Napapailing ko pang sabi na nakapagpatitig nito sa akin ng ilang minuto.

"Ano? May problema ba sa sinabi ko?" napapailing lang ito at napahinto dahil nakarating na pala kami sa faculty office. "I just remembered someone from the last line you said. But nah let's forget about it."

Kumatok muna siya at saka sumilip ng kaonti sa loob, nang makita kami ni Ms. Cordova ay nag gesture siya na pumasok kami kaya sinunod naming ang gusto niyang mangyari.

Pinaupo niya kami sa sofa at siya naman ay nasa harap naming, nakaupo rin.

"Good morning, Miss." Bati namin pareho. Nginitian niya naman kami at bumati pabalik pagkatapos ay nilabas niya na ang notebook niya na sa tingin ko ay notes niya mula sa naging meeting nila kahapon.

"So let me start with the opening for the Intramurals, it has been said that there would be an opening parade and dapat present kayo and kayo ang nasa unahan ng linya ng section niyo since kayong dalawa ang magdadala ng banner. Sports ang theme ng costume kaya it will be up to you two kung anong pagkakasunduan niyo basta ha magkaparehas kayo ng sports." Paliwanag nito at pareho lang kaming napapatango.

"Miss, what time would the parade start?" tanong ko na nakapagpatingala sa kanya. "Good question, Ms. Ciamco! 8:30 would be the assembly time and probably alas nuwebe ay magsisimula na."

"You can join any games na lalaruin as long as every call time sa inyo for the overall rehearsal together with the other sections and grade ay present kaagad kayo. I just suggest for you two na huwag sumali sa outdoor games since sobrang init and I bet that indoor games would be better." Bigla namang umeksaherada itong katabi ko sa narinig.

"Pero Miss my sport is soccer and basketball; how can I not join if I am in the team?" tanong pa ni James na ikinatingin ni Ms. Cordova sa kanyang notebook. "Mr. Park, those games would be held in the gym but I think it really depends sa schedule and we are still working on it right now."

Napatango-tango lang si James sa sinabi ni Ms. Cordova, may sinasabi pa ito at may pinag-usapan pa sila pero hindi ko na maituon pa ang aking pansin dahil biglang umikot ang aking paningin at para akong nahihilo.

Napapikit ako sa aking mga mata, pinipisil-pisil ko ang aking mga kamay at napakagat sa aking labi.

Nagdadasal na sana ay matapos na agad itong diskusyon na ito para makalabas na kami at makapag-idlip ako sa room.

Napabalik ang pansin ko sa pinag-usapan nila nang marinig ko ang finalization sat ono ng aming guro.

"So I suggest sa inyong dalawa na maghanda na kayo bukas at magpractice na sa kung paano kayo maglakad ng maayos and such in stage. Also, I will be talking to our handlers bukas para sa kung anong themes na dapat isusuot niyo sa actual na. This will be all for today, thank you ver much for the participation." Tumayo na ito at nagpaalam na since may susunod na klase pa raw siyang pupuntahan.

Agad na rin akong tumayo at dumiretso agad sa pintuan at lumabas kaagad, I'm still feeling the throbbing pain in my head like its breaking apart.

Sht! Kasalanan ko talaga ito but I don't regret staying up late last night for I garnered informations, very important informations.

Napahawak ako sa railings at napapabuga ng hangin, naramdaman ko naman agad si James sa tabi ko at malalim akong tinitigan.

"Hey, Angela." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinaharap sa kanya. Nagpadala na rin ako since alam kong hindi ko kayang tumanggi sa kalagayan kong ito sa ngayon.

"Namumutla ka, let's go to the clinic." Agad akong umiling nang sabihin niya iyon at napataas naman siya sa kanyang kilay dahil sa agaran kong reaksyon. "Are you going to kill yourself?" ramdam moa gad ang iritasyon sa kanyang boses kaya agad akong napailing.

"Please... just bring me to the cafeteria, kakain lang ako and you can call my friends if it's okay for you." Inalalayan lang ako nito at hindi na ako nagreklamo pa.

Dinala nga ako nito sa cafeteria at saka inalalayan ako sa pag-upo, akala ko'y aalis na siya para tawagin ang mga kaibigan ko pero nagkakamali ako.

Pumunta siya sa mga nagtitinda ng mga makakain at binilhan ako, tinitigan ko lang ang ginawa niya, habang nag-oorder siya ay masaya niyang kinakausap ang mga tindera. Napangiti naman ako ng palihim.

'Di nagtagal ay bumalik na siya dala-dala ang dalawang tray na parehong may kanin at ulam, nilapag niya yung dalawang tray kaya napakunot ako sa aking noo. "Hindi ko mauubos iyang dalawang 'yan." Sabi ko rito.

"Pili ka kung saan dyan ang sa'yo at sa akin yung isa, tatawagin ko lang ang mga kaibigan mo. Kumain ka na dyan, babalik ako kaagad." Seryoso nitong saad kaya napatango lang ako rito. Agad naman itong lumabas para tawagin ang aking mga kaibigan.

Napainom muna ako ng tubig bago pinili ang pinggan kung saan may sinabawang manok at dalawang barbeque at nagsimulang kumain pagkatapos ko magdasal.

Napapapikit ako 'pag sumasakit ulit ang ulo ko pero patuloy pa rin naman sa pag kain.

Ilang sandali ay narinig ko ang ingay ng mga sapatos ng aking mga kaibigan dahil sa pagtakbo. Agad silang nagsiupuan sa harap ko at may nilapag namang gamot si Nicole. "Inumin mo 'yan pagkatapos mong kumain."

Tumango ako rito kaya napabuntong hininga siya, "Ano ba kasing ginawa mo kagabi, Gel?" tanong ni Nicole at ako'y patuloy pa rin sa pagkain ng kinakain ko, napainom ako ng tubig bago siya sinagot. "Doing stuffs, Nicole."

"Ginugugol mo na naman ang sarili mo sa paghahanap sa kakambal mo? Why don't you rest first, Angela? Why can't you prioritize yourself first for the time being?" nag-aalalang wika ni Kylie na ngayon ay napapaypay sa kanyang panyo.

"I'm finding the answers for my questions, Ky. Napagtanto ko ring ako lamang ang makakahanap ng sagot sa mga tanong ko at ngayo'y malapit ko nang mapagtagpi-tagpi ang lahat." Sagot ko rito na nakapagpatingin sa akin ng lahat.

"Gel, we're worried sa health mo, tignan mo oh 'di ka pa talaga nakakain dahil sa late kang nagising." Biglang sabat ni Tiffany na ngayon ay may hawak ng kakabili niyang orange juice.

Nginitian ko lamang sila at sinabihang kumain na muna sila at tumango lang naman sila at nagrepresinta si Tiffany na siya na raw ang bibili.

"Nasaan na pala si James?" tanong ko kay Bea pero nginuso niya lamang ang likuran ko at doon ko nakita ang paparating na si James kasama ang mga kaibigan niya.

Bumalik na lamang ako sa pagkain at hindi na lumingon pero nang isusubo ko na sana ang kanin sa kutsara ko ay may naramdaman akong kamay na kinuha ang eyeglasses ko kaya napatingin agad ako kung sino 'yon at nakitang si James pala na ngayon ay suot-suot na ang glasses ko.

"Better." Sabi pa nito pero 'di ko alam kung ang sarili niya ang sinabihan niya o ako na walang glasses. Geez, Angela pull yourself together! Gosh.

Biglang umusog si Nicole na nasa tabi ko kaya tumabi sa akin si James at kinuha ang isang tray na inorder niya kanina.

Nagsikantyaw naman ang mga kaibigan nitong si James kaya napatungo ako at kumain ulit.

"Miss Angela, bagay po kayo este sayo ang walang glasses." Wika noong Liam yata 'yon sa pagkakatanda ko kaya nginitian ko na lamang siya.

"I'll be taking your glasses with me, don't wear anything like this starting tomorrow." Tumingin ito sa akin pagkasabi na pagkasabi no'n.

Nakita ko naman sa gilid ng aking mga mata ang aking mga kaibigan na nagpipigil sa kanilang kilig.

"Got that, Angela?" tanong nito na agad nakapagpatango sa akin.

Napakuyom ako sa aking kamao at napakagat sa aking labi nang itinuon ko ulit ang pansin sa aking pagkain.

What the heck was that? Why... why am I feeling hot right now?

Pinapaypayan ko naman ang sarili ko gamitin ang aking kamay kaya napatingin ulit ang katabi ko sa akin at saka agad nilagay ang palad niya sa noo ko.

"You okay?"

What the freaking hell, James Park?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top