CHAPTER ELEVEN

ANGELA'S POV:

"Nadakip ng mga pulisya ang labingwalong taong gulang na anak ng Mayor ng Alcoy, Cebu na si Harry Ramirez pagkatapos itong mahuli na nagbebenta ng droga, nakumpirma rin na siya ang totoong salarin sa pagpatay kay Alli Bazin at—"

Pinatay ko ang telebisyon at sinagot ang tawag sa cellphone na nasa side table ng hospital bed. Kakagising ko lamang kagabi at ngayo'y Lunes na wherein our reporting will be taking place.

Nakita ko ang caller at napaayos ako ng pagkakaupo at napahawak sa aking tiyan kung saan ako naoperahan dahil sa pagkakatama ng bala.

"Hello po?" magalang kong tanong sa kabilang linya.

"Anak, okay ka na ba? I've heard from Luke about what happened there while he's making a negotiation. Nakulong na ba yung magnanakaw?" sunod-sunod nitong tanong.

Napabuntong hininga ako at nakita ang mga kaibigan ko at si tito Luke na nagsipasukan sa kuwarto, "Dad, okay na po ako. Thankfully nadala agad ako sa hospital because nasa lugar lang din pala noong nangyari iyon si Tito Luke kaya you don't need to worry anymore."

"Alright, don't worry about school, nakausap ko na ang principal doon about you and your friends' absence. Sige na anak ibababa ko na ito, may pupuntahan pa akong business meeting." Nagpaalam ako rito at binaba niya naman agad ang tawag.

"Gel! Kain ka muna oh, may pinadalang mga prutas ang mga Bazin, pasasalamat na rind aw at may pinapabigay ding sulat si Madame Bazin." Aya ni Bea na ngayo'y dali-dali akong nilapitan saka inabot ang isang envelope.

Binuksan ko ito at may nakitang isang papel na may sulat-kamay sa loob. Binasa ko naman ito nang may pagkalakas-lakas sapat na para marinig nilang lima na ngayo'y nakaabang sa akin.

"Merci beaucoup pour votre aide, chere. En retour, nous sommes prets a faire vos faveurs."

(Thank you very much for your help, dear. In return, we are ready to do your favors.)

Napangisi ako habang binabasa ang nakalagay. Well then...

"Anong nakalagay sa sulat, Gel?" pati si Tiffany ay lumapit na at umupo sa space ng higaan sa may paanan ko.

"Nagpapasalamat lang at sabi'y handa silang gawin ang kahit anong pabor na hihilingin natin." Maikli kong sagot sa tanong nila at pinasok ulit sa loob ng sobre ang sulat.

Binigyan ako ni Bea ng buong apple at isang baso ng tubig kaya kinuha koi to at nagtataka siyang tinignan.

"Inom ka maraming tubig at kumain ka ng mansanas para magkalaman naman iyang tiyan mo." Sabi pa nito at umiwas ng tingin.

Napatawa naman sina Nicole pati na rin si Tito Luke nang sabihin iyon ni Bea.

"Okay ka lang ba? Kumain ka ba ng maayos?" tanong ko rito na nakapagpasimangot sa kanya. "Ikaw yung dapat na tanungin ko niyan eh!" maktol nito at umirap pa.

"Pabayaan mo 'yan, Gel. Guilty lang yan. Hahaha!" natatawang saad ni Kylie at kinuha ang mansanas sa kamay ko para i-slice ito.

"Guilty saan?" kunot-noo kong tanong sa kanila.

"Bakit mo pa kasi ako tinulak! Ako naman dapat yung matatamaan eh!" naiinis na sigaw ni Bea na nakapagpangiti sa'kin.

"Hindi mo naman ako masisisi, Bea. Choice kong sagipin ka mula sa bala at kahit ibalik man ang oras, hindi pa rin magbabago ang isip at puso ko sa pagsagip sayo." Nakangiti ko siyang sinagot na nakapagpaiyak sa kanya.

"Ba't 'di mo ginamit yung baril sa kamay mo? Ba't di mo siya inunahan sa pagbaril? Hindi sana iyan mangyayari sa'yo." Humihikbi nitong wika na ngayo'y dinaluhan nila Tiffany at hinahagod ang likuran.

I shrugged and answered, "I can't think straight that time, Bea. Knowing that my friend is going to be shot."

Napapailing si Nicole sa kadramahan namin ni Bea, "Tama na nga yan! Imbes na magpasalamat kay Angela eh nagagalit ka pa! Sus..." natatawang saad nito.

Binalewala lang ni Bea ang sinabi ng kaibigan namin at lumapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit.

Napadaing ako ng kaonti nang biglaan kong ginalaw ang katawan ko para makapag-adjust sa yakap ni Bea.

Kumalas naman ito agad nang marinig ang pagdaing ko saka napa-peace sign.

"Salamat, ha." Malumanay nitong sabi at pagpapasalamat. Tumango ako at nginitian siya.

I rested my head sa unan pero hindi ako nakahiga, nakaupo lamang since adjustable naman itong higaan.

Inabot sa akin ni Kylie ang mansanas at ang tubig, uminom muna ako ng tubig at nilagay ito sa side table saka kumain ng mansanas na nakalagay sa maliit na pinggan.

"Iha." Tawag ni tito Luke sa akin na ngayon ay nakatayo na sa gilid ko.

"Anong balak niyo roon kay Arturo?" diretsahang tanong nito na nakapagpaseryoso ng atmosphere sa kwarto.

"Wala ka na roon, Tito. It's our business now kaya ipagpaubaya mo na lang siya sa amin kapag nakalabas na ako." Seryoso kong saad na nakapagpataas ng kilay niya.

"Your business will also be my business now, Angela. Huwag mong kalimutan na nakalusot kayo sa Dad mo dahil sa akin."

Oo nga pala! I don't even know kung paano niya iyon nagawa kasi matalik siyang kaibigan ni Dad, hindi niya dapat kami tinulungan pa.

"Siya lang ang makakatulong sa akin sa paghahanap ng kakambal ko, Tito. I've never been so desperate my whole life kaya please... please leave him to us." Pagmamakaawa ko rito na nakapagpabuntong hininga sa kanya.

"Angela, their organization is still looking for him up until now. Hindi sila naniniwala na patay na ito kaya delikado na pabayaan ko siya sa mga kamay niyo." Mahinahong sabi nito na hanggang ngayon ay tinitigan pa rin ako diretso sa mata.

I don't see danger screaming from tito's eyes, I don't see anything na hindi totoo at insincere sa mga sinabi niya.

"What shall we do, then?" tanong ko rito. "I'll be helping you with what you're going to do. But just this once, Angela. Just this once because I don't wanna see the bad side of your Father." Paliwanag nito.

Why is he willingly lending his hand again? What the fck is happening right now?

Alam kong kapag malaman ito ni Dad ay magkakagulo agad at mag-aaway lamang sila, paano niya nalulusutan si Dad nang ganun-ganun na lamang?

Tumango na lamang ako kay tito bilang pagsang-ayon sa gusto niyang gawin. How can I even refuse someone who's willing to help me find my twin? How can I when desperation already took over me?

"Tsk, huwag mo na isipin masyado ang sinabi ni Papa, Gel. Pa, let's talk outside." Seryosong untag ni Kylie at una ng lumabas at sumunod din naman si Tito Luke sa kanyang anak.

Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na abala sa hawak nilang cellphone, sina Tiffany at Nicole ay kausap ang kagrupo nila through video call at si Bea naman ay natutulog sa may sofa malapit sa pintuan.

"Hindi pa yan nakakatulog ng maayos, 'te! Binantayan ka magdamag dahil sa sobrang pag-alala eh." Napatingin naman ako sa nagsalitang si Tiffany at saka siya tinanguan at nginitian.

"Nga pala, Gel. Pinapaonline ka ng mga kagrupo mo, may sasabihin daw sila sayo." Pagpapa-alam ni Nicole at pinasalamatan ko naman ito kaagad.

Kinuha ko ang bag sa may upuan malapit sa higaan ko at kinuha ang laptop ni Kylie sa loob nito.

Dali-dali ko itong in-on at agad nilog-in ang account ko sa facebook.

Nagulantang ako agad nang biglaang tumunog ang messenger ko na nakalog-in din, may tumatawag!

In-accept ko agad tawag nang makita ang picture nito na group chat pala namin sa reporting.

Nang i-accept ko ay nakita ko silang lahat na nasa iisang lugar lamang pati ang limang prinsipe nila na naagaw ng pansin ko ay si James na nakasimangot. Ano na naman kaya ang nangyari rito? Dinatnan yata.

"Angela! Kamusta? Nabalitaan namin ang nangyari sayo mula kay Ms. Cordova!" nakita ko ang mga sari-saring pag-aalala at lungkot sa kanilang mga mukha maliban syempre sa limang prinsipe.

Sa kadahilanang hindi ako nakapagnerdy glasses ngayon ay itinutok ko ang camera sa gilid ko at buhok at balikat ko lamang ang kanilang makikita.

"I'm okay now, pero kakagising ko lang kagabi kaya medyo masakit-sakit pa rin ang bandang tiyan ko. By the way, I'm really sorry kung wala ako dyan noong nagreporting na." pagpapaumanhin ko sa kanila. Ngumiti lang naman si Lance at pati na rin yung iba.

"Okay lang, ano ka ba! Understandable rin naman kasi ang nangyari sayo. "  wika nito.

Nakita ko naman ang pag-ikot ng mga mata ni James nang sabihin iyon ni Lance. Ano bang problema ng engot na 'to, ha? Naiinis na ako ah!

Buti na lang at di kita yung mukha ko kung hindi, naku! Mapapatay ko talaga siya sa tingin dito sa laptop. Tsk.

"Angela, nasaan nga pala si Bea?" biglaang tanong ni Rachel na nakapagpapatango sa iba naming kagrupo na parehong naghahanap kay Bea.

Pinakita ko naman sa kanila ng panandalian ang nakatalikod na si Bea mula sa kinaroroonan ko at mahimbing na natutulog.

"Tulog pa, eh. Puyat yan kasi magdamag daw na nakabantay sa'kin." Pagpapaliwanag ko.

"Pagpasensyahan niyo talaga, ha. Pati no'ng sabado di kami nakapunta sa pinuntahan ninyo."

"Huwag mo na alalahanin yun, ang alalahanin mo ay yung ipapagawa ni Mrs. Perez! Naku, super hard daw yun mamigay 'pag ganyan, beh!" natatakot pa 'kuno' na pahayag ni Rachel at para pang nag-iimagine.

Binatukan naman siya ni Lance na nakapagpatawa sa kanila at pati ako rin nahagikhik.

"Mas lalo mo lang pinapahirapan ang sitwasyon nina Angela niyan! Imbes na i-cheer up mo kasi galing sa operasyon, pinapakaba mo pa!" parang nagra-rap si Lance ng sabihin iyon kaya napapailing na lamang ako dahil sa kakulitan nila.

"Wag kang mag-alala, uhm Angela. Tutulungan naman naming kayong lima eh, mayroon ako ritong notes at mga infos na di natalakay ng ibang grupo sa reporting nila. Ah kung gusto niyo, hiramin niyo muna." Nahihiyang sambit ni Lieya na ngayon ay manghang tinitigan ng mga kagrupo ko.

Sinusundot-sundot naman ni Tiffany ang balikat ko kasama si Nicole na parehong nasa tabi ko na ngayon.

"Sige na, um-oo ka na para di tayo mahirapan huhu, lalo akong kinabahan noong banggitin ng kagrupo mong si Rachel yung tungkol sa ibibigay ng prof natin eh!" kunwari pa itong naiiyak habang bumulong sa'kin.

Bago pa man ako makasagot ay sumabat bigla ang asungot na si James na nakapagpahinto sa amin.

"Siya na nga yung wala noong Sabado at noong reporting, papatulong pa talaga sa mga kagrupo." Pagpaparinig nito na nakapagpainit lalo ng dugo ko.

Hinablot ko ang laptop at tinitigan siya diretso, nakita ko naman ang gulat na reaksyon ng lahat.

"Anong sinabi mo!?" galit kong sigaw dito. Napaiwas ito ng tingin at lumapit lalo sa ginamit nilang laptop na pantawag sakin.

"Wala, sabi ko magpahinga at magpagaling ka na." saka niya agad pinatay yung tawag. What the? 

"Uy! Narinig namin yun! Diba, Tif?" Nicole teased me at pinataas-baba pa ang kilay nitong tinignan si Tiffany.

"Ewan ko sa inyo!" binigay ko sa kanila ang laptop saka humiga at tumalikod sa kanila.

Napapikit ako at napahawak sa puso ko na ngayo'y naghuhurumintado nang kay lakas- lakas at kay bilis-bilis.

Shit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top