CHAPTER EIGHTEEN
ANGELA'S POV:
Nang makarating kami sa kinaroroonan ng aming mga kaklase ay agad silang napatingin sa amin at napatulala pa.
Exaggerated pakinggan but yes, hindi yata makapaniwala sa mukha ko ngayon since ang nakasanayan na nila ay si Angela na nerd.
May mga babae rin ang todo ang paninitig kay James, well I couldn't blame them for he is incredibly handsome.
Biglaang lumapit si Lance sa amin at binigay sa amin ang kanya-kanya naming tennis rocket na gagamitin, kumindat pa ito sa akin na ikinangisi ko dahil napadikit lalo si James sa akin dahil sa nakita.
"James, Angela!" napalingon kami sa aming likuran nang marinig na tinawag ang aming pangalan since nakaharap naman kami sa aming kaklase. "Nasa inyo nap ala ang rocket, here's the banner."
Kinuha ni James ang inabot ni Ms. Cordova na banner and gave me the other end, may tassel din ang sa may ibaba nito na color maroon.
Since SHS na kami ay nagdedepende na sa amin ang kulay namin since the Grade 7 are green, Grade 8 are yellow, Grade 9 are red and the Grade 10 are blue.
Napag-isipan din ng batch namin na same color lamang kami kasi syempre we also work as a team kasi kung baka iba ang color ng t-shirt nila ay malilito lamang ang Council sa pag-alam ng team namin kapag oras na ng laro.
"I suggest na mag by five kayo horizontally para maganda at malinis kayo tignan, other teams are also doing the same and syempre sina James at Angela ay sa harapan." Nagkatinginan kami ni James dahil sa sinabi ni Ms. Cordova at kumilos pa sa harapan dahil nag-aadjust ang mga kaklase ko sa likuran.
Makalipas ang ilang sandali ay narinig namin ang isang boses mula sa speaker malapit sa AVR at narinig ang announcement mula rito, "Good morning! Five minutes from now we'll be starting our opening parade so I hope you are already assembled together with you team."
Bigla akong napatingin kay James nang makita kong kumilos ito papalapit sa akin at nang makalapit ay pinunasan niya ang mumunting pawis sa aking noo gamit ang kanyang panyo kaya napatitig ako sa kanyang seryosong mukha.
This man in front of me is surely a god sent from the heavens, he grew up into a gorgeous man!
Napangiti na lamang ako that made him stopped from what he's doing, napapailing na ngumisi ito at kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa at may tinawagan.
"Bring your mini fan here, idiot." Saad nito na nakapagpataas ng aking kilay. Ang bastos talaga nito! Nakita ko na binaba niya ang kanyang cellphone kapagkuwan at tumalikod saka nilahad ang kamay sa ngayong nakaabang na si Liam.
Nagpigil ako ng aking tawa nang makita ang kanyang mukhang nakabusangot dahil kinuha ni James mula sa kanya ang mini fan.
"Pasalamat ka talaga tol na mahal kita." Inirapan nito si James at nagsimula nang maglakad pabalik sa kanyang pwesto.
Nang humarap si James ay inabot niya naman sa akin ang mini fan pero hindi ko agad ito kinuha sa kanya. "Paano ka?" tanong ko rito.
"I have my USB fan and could plug it in my phone, you can use this because you're starting to sweat. You're make-up may wear off." Paliwanag nito kaya kinuha ko na lamang ang mini fan at pinasalamatan siya.
Maya-maya lang ay tumugtog na ang banda at nagsimula na rin sa pagsasayaw ang mga majorite yata ang tawag no'n, since we have a drum and lyre club here then we don't usually hire drummers but there are a lot of them now so I guess may mga hinire ang paaralan.
Nagsimula na ring umisog ang linya at ang mga estudyante sa harapan namin kaya nagsimula na rin kaming maglakad.
Ang mga estudyanteng nasa harapan namin ay puro Grade 11 students kaya mabuti na lamang at wala yung section noong Nikki kung hindi ay manggugulo na naman iyon.
Nang makalabas kami ay may mga tanod sa daan na siyang naging traffic enforcer namin, tinahak namin ang daan pakanan kung saan may madadaanan kaming mga bahay sa susunod na ikot na aming gagawin.
Napapangiti rin ako minsan at minsan ay wala lang, napapatingin lang sa daan.
May mga nagsilabasan na mga bata't matatanda na nanunuod at yung iba pa ay kinakawayan ang mga kakilala nila.
Habang naglalakad ay nagsikantahan ang mga kaklase ko kaya yung linya ng iba ay nagkawatak-watak na, sinita naman sila ni Ms. Cordova.
"Ayusin niyo ang line niyo, Grade 12! Katanda niyo na, remember na you're the lower years' role model kaya magsiayos kayo."
Nagsitanguan sila at napa- 'yes, ma'am' pa, napatingin ulit ako sa direksyon ni James nang sinara niya na ang pagitan namin at lumapit ulit sa akin.
"You thirsty?" tanong nito na ikinatango ko. Pinahawak naman sa akin ang portion niya sa banner niya.
"Pakihawakan saglit, bibili ako ng tubig para sa atin sa malapit na tindahan." Tumango lang ulit ako rito at umalis na rin siya agad.
"Angela, ang close niyo na ng batang iyon ah. Napabilib mo lang ako since ang sungit-sungit noon. Hahaha!"
Natatawang sambit ni Ms. Cordova na ngayo'y nasa tabi ko na, hawak-hawak ko pa rin ang mini fan pati ang banner pero syempre hindi na ito nakaayos ngayon.
"Naging magkaklase po kasi kami noong elementary pa lang, Miss. Ngayon lang din po namin nalaman."
Napatango-tango ito bago ulit magsalita, "What I've seen isn't just a mere classmate thing, Angela. I hope you'd sort things out before it gets too late." Kinindatan pa ako nito at tinapik-tapik ang aking balikat.
Umalis na siya at bumalik sa likuran para bantayan siguro ang mga makukulit kong kaklase, napaisip na lamang ako ng malalim sa sinabi ni Ms. Cordova.
There's nothing going on between us with James and I don't want to ask for more if he could only give what he's giving right now. Also, I don't want to complicate things but it depends...
Hindi ko namalayan ang kakarating lang na si James at tinignan lamang siya noong tinawag niya ang pangalan ko at inabot ang isang bottled water.
Nang kinuha ko ito mula sa kanya ay siya namang pagkuha niya sa banner at siya na ang nagdala nito ngayon.
Binuksan ko agad ang tubig at uminom na agad since inuuhaw na rin ako. "Nakainom ka na ba?" tanong ko rito na nakapagpatango sa kanya.
"We're almost there, are you going to join them with the cheer?" tanong nito at binigay na sa akin ang kabilang dulo ng banner at tinanggap ko naman ito.
Umiling naman ako sa kanya at napatingin sa harap, "Nope, magbibihis na agad ako no'ng team t-shirt natin para makapagpahinga pagkatapos at makapagliwaliw. Ikaw ba?"
"I'll do the same, too." Tango lang ang ginawa kong sagot dito at tahimik na naming pinagpatuloy ang paglalakad.
Ilang sandali lang ay may nakita na akong daanan pakaliwa na sa tingin ko'y daanan na papunta sa gate ng school namin, so this is a shortcut, huh?
But this area isn't really advisable for vehicles like vans and cars since may pagkasikip itong daan na ito, may nakita akong mga bahay sa gilid at may tindahan din na nagtitinda ng mga bananacue.
"Konting tiis na lang at makakarating na tayo!" sigaw ni Ms. Cordova sa aking mga kaklase na nagsi-reklamo dahil sobrang tagal daw namin makarating pero sadyang sobrang tamad lang nila maglakad.
Tantya ko nama'y hindi kalayuan ang nilakad namin at para lang kaming umikot sa isang daanan at napabalik ulit dito sa school namin.
Napabuntong hininga ako nang makarating na kami finally sa gate at dumiretso ang lahat sa gym.
Pagpasok sa gym ay kanya-kanya palang tinawag ang each team pero wala kaming pangalan, section lamang ang pag-iintroduce.
Nang naitawag na ang aming section ay may napapatili sa bleachers na mga estudyante na sa tingin ko'y lower years nang makita kami ni James, pero sa tingin ko naman siya lang talaga 'yung tinilian. Of course.
Bago makaakyat sa bleachers si Ms. Cordova ay tinawag ko na siya kaya agad siyang napalingon sa akin. "Yes, Ms. Ciamco?" nakangiting bungad nito sa akin.
"Ah, pwede po ba akong magbihis, Miss? Para na rin makapagpahinga agad mamaya, pinagpapawisan na rin po kasi ako." Pagpapaalam ko rito, bago siya nakasagot sa akin ay may tinignan muna siya sa kanyang cellphone, schedule yata.
"Sige, Angela. Pwede ka na ring magpahinga muna sa room since after ng last play nitong Drum and Lyre Club at ang cheer ng bawat section ay bibigyan na ang lahat ng recess time."
Tumango ako rito at nagpasalamat, tumango rin ito saka tumalikod na at umakyat na sa bleachers na assigned para sa section namin.
Bago pa ako tuluyang makalayo ay may biglang sumabay sa akin, si Kylie. "Napasama ka?" naguguluhan kong tanong dito.
"Nakakabagot naman doon, sama na lang ako sa'yo." Inakbayan pa ako nito kaya nailing akong hinayaan na lamang siya sa ginawa niya.
Tinahak na namin ang daan patungong classroom pero naalala ko na wala pala akong dalang bag.
"Shit!" malakas kong mura na nakapagpatingin kay Kylie sa direksyon ko at napangisi. "Ano? Naalala mo na?" natatawang saad nito kaya kinunutan ko siya ng noo na lalong ikinatawa nito.
"Nasa van yung gamit mo, punta muna tayo sa parking lot. Landi pa more! Hahahaha!" naluluhang tawa nito kaya umuna na ako sa paglalakad patungong parking lot.
Nilingon ko siya ulit at ngayo'y nakangisi na ito. Nabaliw na ba itong kaibigan ko? Diyos ko po, ano nang nangyari kay Kylie?
"Nasa iyo ba ang susi ng sasakyan?" tumango ito at kinuha ang susi sa kanyang bulsa at saka nilaro-laro sa kanyang daliri. Napahinga naman ako ng maluwag nang makita ang susi.
PAGKTAPOS naming kunin ang mga kagamitan ko sa van ay umakyat na agad kami patungong room naming at doon na sa restroom ng floor namin ako magbibihis at tutulungan naman daw ako ni Kylie kaya mabilis din ako paniguradong makapagtapos sa pagbibihis.
Pagdating sa floor namin ay sobrang tahimik kasi syempre nasa gym ang lahat, biglaang kumapit si Kylie sa akin kaya napalingon ako rito. "Ang creepy pala rito, Gel." Ako naman ngayon ang tumawa sa kanya.
"Baliw! Walang multo rito." I said assuring her, nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang restroom at agad pumasok sa isang cubicle.
"Bilisan mo, Gel! Ang creepy dito huhu." May paiyak-iyak pa ito.
"Tumingin ka sa salamin, yan yung mas creepy." Pang-aasar ko rito. "Edi wow." Sagot niya lang na ikinatawa ko. Pikon naman nito hahaha!
"Dyan ka lang, sabi mo tutulungan mo ako." Nakita ko ang kanyang kamay sa may butas nitong pintuan at binigay sa kanya ang skirt at tube ko, pagkatapos ay binigay niya naman sa akin ang jeans at yung team t-shirt namin.
Agad akong lumabas nang matapos ako at inayos ang mga gamit saka naghugas ng aking kamay.
Lumabas na rin kami sa banyo at tinungo ang aming room at una ng naglakad since nagmamaktol naman si Kylie sa likod ko.
Nakita ko ang kabuoan ng school mula rito at nakita ang gandang design nito, sabi'y ang SSG daw ang nagtulungan na pagandahin ito.
Sa tingin ko nama'y mas maganda 'pag nakita ko siya ng close-up kaya siguro maya-maya ay gagala kami sa bawat booth at stall sa baba.
Nang makarating na sa room ay agad naupo si Kylie sa upuan at kinalikot ang kanyang cellphone habang ako naman ay nilagay sa upuan ko ang bag at kinuha lamang ang wallet, cellphone at powerbank mula rito.
Nakita ko naman ang mini fan na nakita ko kanina sa aking bag na nilagay ko noong nasa C.R kami at napangiti na lamang ako nang maalala ang ginawa ni James kanina, nakakamiss ang dati.
"Gel, kumusta na pala kayo ni James?" pagsisimula ni Kylie na ngayo'y tutok sa kanyang cellphone. Lumapit ako sa kanya at umupo katabi sa upuang inuupuan niya.
Napasubsob ako sa desk bago siya sinagot, "Wala namang kami pero gano'n pa rin." Napalingon na ako sa kanya ngayon at nakitang nakatingin na pala ito sa akin.
"What I mean is kumusta na ang pag-uusap niyo? Imposible namang hindi siya nag-explain diba?" napapatango lang ako sa sinabi niya at napaupo ng maayos saka sinandal ang siko sa upuan at ngayo'y nakaharap na ang posisyon ko sa kanya.
"Hm, why do you want to know?" nakangisi kong tanong dito at hindi muna siya sinagot. Napaiwas naman siya sa kanyang tingin na ikinataas ng ang isang kilay. "Just a concerned friend's question, Gel."
"Alright." Napalingon ulit ito sa akin. "He said he is like us and that hindi siya nakapagpaalam sa akin dahil pinagtrain siya ng kanyang Dad para manahin ang pagiging Mafia Boss nito."
Nakita ko naman ang gulat sa mukha nito at ang uneasiness sa kanyang mga mata. Anyare rito? "Alam mo kung anong organization siya?" tanong ulit ito na nakapagpakabit sa aking balikat.
"I don't know, we haven't talked that much since alam mo na naging busy sa parade." Napabuntong hininga ito at tinignan ang wrist watch.
"Baba na tayo? Bili na tayo ng makakain, sa tingin ko'y nakalusot na rin ang tatlo mula kay Ms. Cordova."
Tumango ako sa kanya at saka kinuha ang nakalapag na mga kagamitan ko sa desk at sumunod sa kanya palabas.
Hindi na namin ni-lock ang pintuan since sliding door naman ito at walang magtatangkang pasukin ang paaralan since very secured ito.
Nang makababa na kami ay dumiretso kami sa ground kung saan may mga stall ng mga street foods, dumiretso ako sa nagtitinda ng tempura at fishball tapos bumili ng tig-isang cup. Si Kylie naman ay nagpicture pa sa mga flaglets at mga fiesta banderitas na design.
Bigla akong napatingin sa gilid ko nang marinig ang malakas na tawanan ng mga kilala kong tao.
"Gel!" sigaw ni Tiffany at lumapit sa akin saka kinuha ang hawak kong cup na tempura saka ako hinalikan sa pisngi. "Yie ang sweet mo, Gel ha. Thank you! Hihi."
Napapailing ako sa ginawa nito at bumili pa ng isa, lumapit na rin sina Bea at Nicole at bumili na rin. "Ayos lang ba 'yan si Kylie, Gel?" tanong ni Nicole na nakapaghagikhik sa akin.
"Ewan ko dyan, kanina pa yan eh hinayaan ko lang." sagot ko rito na ngayo'y tinitignan na si Kylie na nagse-selfie.
"Nga pala, tumakas kayo?" tanong ko na nakapagpatango sa kanila. "Ang boring do'n, Gel. Try mo hahaha!" natatawang sagot ni Bea na nakapagpatawa rin nitong dalawa sa tabi ko.
"Hinahanap ka pala kanina ni James, Gel." Biglaang saad ni Nicole. "Bakit daw?" naguguluhan kong tanong dito.
She just shrugged her shoulders na nakapagpakunot ng noo ko. "And Gel?" napatingin naman ako ngayon kay Tiffany.
"Hindi ba sinabi ni Kylie sa'yo?" napailing agad ako rito. "Ang alin?" tanong ko pa.
"Hindi raw mahagilap nina Tito Luke si Arturo." Ngayo'y napahinto ako sa pagsubo sa fish ball at pinanlakihan siya ng mata.
"What!?"
-----------------------
A/N: Hey, sa mga readers ko dyan! If ever meron char. Thank you for patiently waiting for the update and for reading. I hope you enjoyed the story. Your votes and comments will be highly appreciated. I love you all!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top