64: Be Happy, Madeline
M A D E L I N E
Sa sobrang laki ng ingay na idinulot ng lumabas na issue namin ni Denver ay higit dalawang linggo akong nanatiling nakakulong lang sa kwarto.
Pinatuloy ako ni Nami sa bahay nila kung saan mayroon akong sariling kwarto na dati ay kaniya.
Bawat bukas ko ng social media ay mukha ko ang bumabalandra sa akin at puro masasakit na salita lang ang nakikita ko.
Pokpok.
Kabit.
Mang-aagaw.
Desperada.
Mukhang pera.
Wala akong mukhang maiharap sa mga kaibigan ko at kahit na kanino. Buti na lang at hinayaan ako ni Fannie na huwag nang dumalo sa kasal nila kahit na isa sana ako sa mga bridesmaids niya.
"Kuya Denver isn't coming, too," banggit niya. "We'll still have four bridesmaids and four groomsmen. That's more than enough."
Umiiyak ako habang kausap siya no'n sa telepono.
"Don't cry, Mads. I understand. We'll see each other soon, okay?"
"Okay," humihikbi kong sagot.
"Just lay off of your phone for now. I'm sure Kuya Darwin will fix everything."
Gaya ng sinabi ni Fannie ay ginawa nga ni Darwin ang lahat. Ngunit hindi ko alam kung bakit hindi maubos-ubos ang nag-u-upload ng mga video namin ni Denver sa TikTok, sa Twitter, sa Facebook, at kung saan-saan pa. May iilan pa nga na gumawa ng meme gamit ang mukha ko.
Nakarinig ako ng tatlong katok sa pinto bago iyon tuluyang bumukas at pumasok si Mama.
Mama.
Hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang gano'n, samantalang siya naman ay tila nakagawian nang tawagin akong Anak nitong mga nakalipas na linggo.
"Anak," nakangiting bati niya. "Nagluto ako ng ginataang kalabasa, sabi ni Darwin ay paborito mo raw."
Umupo ako sa kama at saka hinintay siyang lumapit sa akin.
May bitbit siyang tray na may isang plato ng kanin, isang bowl ng mainit na ginataan, isang mangkok ng prutas, at isang baso ng apple juice.
"Salamat, Ma," bulong ko.
Ganito pala ang pakiramdam ng may nanay na nag-aalaga sa iyo. Bente-singko na ako pero ngayon ko lang naranasan na hatiran ng pagkain dahil masama ang pakiramdam ko.
Ang suwerte ni Nami at ito ang nakagisnan niyang pamilya, pero nagpapasalamat pa rin ako sa ginawang pag-ampon sa akin ng kinilala kong tatay dahil kung hindi ay hindi ko makikilala ang mga kapatid ko.
Grade 7 na si Max, at grade 3 naman si Macoy. Kahit hindi kami nagkikita ay madalas naman kaming magkausap sa Facetime. Sa Canada na kasi sila nakatira ngayon mula no'ng tuluyang nang nalugi ang kumpanya ng mga magulang namin at nag-migrate sila ro'n.
Miss na miss ko na sila, ngunit sigurado naman ako na balang-araw ay magkikita kaming muli gaya na lang ng nangyari ngayon sa akin at sa tunay kong pamilya.
Habang kumakain ay tahimik lang akong pinapanood ni Mama habang sinusuklay niya ang buhok ko.
"Nabalitaan ko iyong... paghihiwalay ng kapatid mo at ni Denver." Bakas ang sakit sa pananalita niya. Syempre, anak niya si Nami. Mas matagal niyang itinuring na anak si Nami kaysa sa akin, kaya nasasaktan siya ngayong nasasaktan din ito. "Kung may katotohanan man... na may relasyon na kayo ngayon ni Denver—"
"Ma," pinutol ko na ang sinasabi niya. Inilayo ko ang buhok ko sa kaniya at saka tumitig sa mga mata niya. "Hindi po iyon totoo. Ex ko si Denver, at... may mga nangyari... pero hindi po kami nagkabalikan. At wala akong planong bumalik pa sa kaniya dahil magiging magulo lang lalo ang lahat."
Malungkot na ngumiti sa akin si Mama. "Pasensya ka na kung wala akong alam sa nakaraan niyo. Ngayon ka lang bumalik sa amin... kaya hindi ko alam, Anak,"
Hindi ko alam kung bakit siya humihingi ng paumanhin sa akin, samantalang ako itong puro gulo na lang ang dinala sa buhay nila.
"Kung mahal niyo pa ni Denver ang isa't isa, mas makakabuti siguro kung—"
"Hindi ko na siya mahal, Ma," singit ko. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya iniligpit ko na lang iyong mga pagkain at saka binuhat iyong tray. "Salamat po sa pagkain. Ako na ang bahalang maghugas ng kinainan ko."
Tumayo ako sa kama at saka lumabas ng kwarto bitbit ang food tray na dala niya.
Ito ang unang beses na nagsinungaling ako sa kaniya.
Sa sarili kong ina.
Pero paano ko sasabihin sa kaniya na nagkamali ako? Na totoong ako ang dahilan kung kaya nandito kaming lahat sa sitwasyon na 'to?
Pagkababa ko sa kusina ay naabutan ko ro'n si Nami na pinapakain si Stitch.
Ilang araw na akong nandito ngunit hindi ko pa rin nakikita si Lilo. Siguro ay na kay Denver siya.
Maingat akong naglakad papunta sa lababo at saka inilapag do'n ang kinainan ko. Tahimik kong ibinukod ang mga natirang pagkain, at saka nagsimulang hugasan ang mga iyon.
Patuloy lang si Nami sa pagpapakain kay Stitch, at hindi kami nagkikibuan na dalawa. Ito ang unang beses na naiwan kami sa iisang kwarto nang walang ibang kasama.
Walang Denver.
Walang Darwin.
Siya lang at ako.
"Lilo passed away last year," mahinang bulong niya. "Cancer."
Napatingin ako sa kaniya habang naghuhugas ng pinggan.
Nalungkot ako sa narinig dahil bagamat sandaling panahon ko lang nakasama si Lilo ay talagang malambing siyang aso.
"Sorry, Nami," bulong ko, pero ngumiti lang siya.
Wala siyang suot na make-up at nakalugay lang ang maiksi niyang buhok. Mugto ang mga mata niya at namumula ang ilong, senyales na hindi lang ako ang magdamag na umiyak sa aming dalawa.
"When she passed, we thought Stitch would follow, too," aniya. "They have always been together since we adopted them from the shelter, and we never separated them. Kung nasaan si Lilo, nando'n si Stitch. Kung nasaan si Stitch, nando'n si Lilo."
Patuloy lang ako sa paghuhugas habang nakikinig sa kaniya. Ramdam ko na kailangan niya lang magsalita, ngunit hindi niya kailangan na sumagot ako kaya pinanatili ko lang na nakatikom ang bibig ko.
"Stitch stopped eating when Lilo passed. We gave him all the best treats, we had him checked by the vet... nothing. He just lost his appetite. And we all knew it was because he was not used to eating without Lilo, and he was heartbroken. He would wait for her every time we prepare his food, but she never came back."
Tumayo si Nami at saka pinanood lang si Stitch na ngayon ay mukhang malusog naman at giliw na giliw sa pagkain.
"That was a year ago, and Stitch is doing better now. Sometimes, we would see his eyes show recognition whenever he hears one of us mention Lilo's name. He would freeze and look around, maybe expecting her. Tapos maaalala niya na wala na nga pala si Lilo, at wala na siya dapat hintayin."
Hindi ko alam kung bakit sinasabi sa akin ni Nami 'to, pero masaya ako na kinakausap niya ako at hindi masama ang loob niya sa akin.
"I'm gonna be like Stitch." Humarap siya sa akin na nangingilid ang luha sa mga mata. "Losing Denver... will affect me the same way. I will look for him and wait for him and miss him all the time. But that's how it goes. We can't keep people forever no matter how much we love them."
"Nami—"
"I love Denver with all my heart, Mads. I love him so much, I just want him to be happy. Even if he finds that happiness with you."
Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha sa pisngi niya. Kumuha ako ng tissue at agad iyon na inabot sa kaniya.
"If you love him, please don't worry about me." Iyak niya. "I will learn to move on, just like Stitch did. Although it would probably take me more than a year."
Pinilit niyang tumawa.
"Nami, patawarin mo 'ko..." Niyakap ko siya nang mahigpit. Sa unang pagkakataon, niyakap ko ang kapatid ko.
"There is nothing to forgive, Mads. I already knew he was yours but I still wanted him anyway, and that's my fault."
Umiling ako. "Mahal ka ni Denver, Nami. Huwag mong isipin na kasalanan mo ang nangyari. Wala kang ginawang masama."
Pinunanasan niya ng tissue ang luha niya. "In a way, we are all to blame. We are all here because we all made decisions that led us here. It hurts me now, but a year from today, this will all just be a moment. A memory. Something we look back to."
Alam kong nahihirapan siya, ngunit nagagawa niya pa ring ngumiti. Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya ngunit tingin ko ay hindi pa ngayon ang tamang oras para ro'n.
"Can you promise me one thing?" mahina niyang bulong.
"A-Ano iyon?"
Kahit ano. Mabawasan ko lang ang bigat sa puso mo, gagawin ko.
Humarap siya sa akin at saka nangungusap na tumitig sa mga mata ko. "Let my heartbreak be worth it?" pakiusap niya. "Let your love be worth all this, Mads. Please love Denver true."
***
Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka pinasakay sa loob ng kotse niya.
Bago iyon. Hindi na iyong kotse na minamaneho niya dati.
Nakatodo ang mga AC, at Hozier ang tumutugtog mula sa speakers. Nakaplastik at may stickers pa ang ilang bahagi ng sasakyan, senyales na tama nga ako at bagong bili lang iyon.
Isang buwan mula nang huli kaming nagkita. Iyon ang usapan namin, at iyon din ang hiningi kong oras sa kaniya.
"Let's drive around," bulong niya matapos akong sunduin sa bahay.
Nakasuot siya ng puting t-shirt at navy na pantalon. Bagong ahit din siya at mukhang bagong gupit ang buhok.
Nagsimula siyang magmaneho hanggang sa makaalis kami sa compound at makarating sa highway. Nanlalamig na ako dahil sa air-con, pero hindi ako nagsalita at itinutok na lang ang mga mata ko sa kalsada.
"Kumain ka na?" mahina niyang tanong habang umiiwas pa rin ng tingin sa akin.
"Oo," diretsa kong sagot.
Tumango lang siya at hindi na nagsalita pa habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.
Alas-nuwebe na kaya wala na gaanong kotse sa kalsada. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngunit pansin ko na tila paangat ang kalsada na binabaybay niya.
"Darwin," bulong ko, pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin siya humarap sa akin.
"Darwin," ulit ko pa.
"Madeline," bulong niya, ngunit hindi pa rin siya tumitingin sa akin.
"Saan tayo papunta?" tanong ko.
"Just... somewhere," bulong niya.
Patuloy pa rin siya sa pagmamaneho ngunit napansin ko na hininaan niya na iyong air-con, at inusod din iyon upang hindi na nakatutok sa akin.
Siguro ay sampung minuto na rin kaming bumabyahe nang huminto siya sa tapat ng isang bakanteng lote na mayroong napakagandang overlooking view ng Baguio.
Mayroong malaking bahay sa gilid no'n, ngunit hindi kami lumabas ng kotse at nanatili lang si Darwin na nakaparada ro'n.
"Nasaan tayo?" tanong ko.
Madilim sa loob ng sasakyan, at medyo malayo rin ang pinakamalapit na streetlight. Mabuti na lang at maliwanag ang buwan kaya't naaninag ko pa rin ang mukha niya sa loob ng kotse.
Huminga siya nang malalim at saka dahan-dahang hinawakan ang kamay ko.
"I just want you to know that I don't regret every single moment I spent believing you were the one for me," bulong niya.
Natigilan ako.
"Darwin—"
"He's here," bulong niya, nakatingin sa likuran ko.
Humarap ako sa bintana at nakita si Denver na nakatayo sa may harapan ng malaking bahay na nakita ko kanina, at tahimik lang na nakamasid sa kotse na sinasakyan namin.
"Darwin, ano bang—"
"We found out who kept spreading those videos around. Our lawyer already filed a lawsuit, and rest assured that our team will be monitoring the case closely."
"Darwin." Hinatak ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya, ngunit hinila niya ulit iyon papalapit sa kaniya at nagpatuloy lang sa pagsasalita.
"I already instructed someone to get all your stuff from Batangas and the rest of your stuff in your parent's house. Patrick has guards so you should both be safe. My flight back to Australia is tomorrow. I have decided to keep my job, so I won't be seeing both of you for a while. Take care of each other, this time."
Sobrang bilis ng pananalita niya na para bang mauubusan siya ng oras at malalagutan ng hininga.
"Darwin," kabadong bulong ko. "Hindi ko maintindihan."
Sa unang pagkakataon ngayong gabi ay tumitig siya sa mga mata ko at saka ngumiti.
"I almost had you, didn't I? But you don't have to tell me you're not choosing me," bulong niya. "We both know you already made a decision and you just couldn't admit it to yourself."
Umawang na lang ang bibig ko habang nararamdaman ang panlalamig ng mga palad ko.
"This is me letting you go because I know you couldn't walk away," bulong niya.
Binuksan niya ang lock ng passenger door at saka mariing hinalikan ang noo ko habang nakahawak pa rin ang isang kamay sa akin.
"Be happy, Madeline."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top