63: Nananatili

M A D E L I N E

Iniiwasan ako ni Denver.

Hindi man niya pinapahalata, pero sa tuwing dumarating ako ay gumagawa siya ng dahilan para umalis at makalayo sa akin.

Like when he avoided me during breakfast and after lunch. Kakarating ko pa lang sa kusina ay aalis na kaagad siya kahit na hindi pa siya nangangalahati sa pagkain niya.

He spent the entire day with Nami and I'm okay with that.

I'm supposed to.

I mean... he spent the past three years with her and it didn't bother me. So why should I feel any different just because we spent a night together?

Hapon nang umalis silang dalawa papuntang La Union dahil bukas na gaganapin ang concert nila. Gustuhin ko mang pumunta, wala naman akong ticket at hindi pa rin bumabalik si Darwin.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtulong sa wedding setup nina Fannie at Rio dahil iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ako pumunta rito.

Kinagabihan ay mag-isa akong natulog sa kwarto ngunit nang magising ako nang madaling-araw ay nakita ko kaagad si Darwin na himbing na natutulog sa kabilang kama.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita siya.

Buong araw akong walang balita sa kaniya at hindi ko alam kung ayos lang ba siya, kung saan siya nagpalipas ng araw, o kung kumusta siya.

Hindi siya sumagot sa mga text, chat, at tawag ko, at naiintindihan ko naman kung bakit.

"Good night," impit na bulong ko habang nakatingin sa kaniya.

I was already half-asleep when I heard him whisper across the room, "Good night."

He was gone again when I woke up the next morning, but Pat approached me and told me that Darwin left all of us tickets to the show.

"Byahe na raw kaagad tayo before lunch para maabutan natin iyong concert nila D."

"Lahat tayo may ticket?" inaantok pa na tanong ko.

"Yeah! Bigay lahat ni Darwin!"

"Kung alam ko lang na mamimigay pala sila, hindi na sana kami bumili," biro ni Justin.

Tumango-tango lang ako habang kumakain ng goto.

Sabi niya ay gusto niyang makasama ako sa unang beses na manonood ako ng concert nila D. Siguro ay nagbago na ang isip niya pero ayaw niya pa rin akong manood nang mag-isa, kaya pati buong barkada ko ay binilhan niya ng ticket.

"Ang mahal siguro ng bili ni Sir Darwin dito!" ani Isko, na mayroon ding sarili niyang ticket dahil siya na yata ang pinakamalaking fan ng banda nila Denver. "Ang tagal nang sold-out nito, eh! Nakahanap pa siya."

"Baka dati pa siya nakabili. Alam mo na, suporta niya para kay Sir Denver," ani Kuya Ping.

Buong almusal ay iyong concert lang ng Hiraya ang pinag-usapan namin. Bali-balita kasi na mayroon daw magiging announcement ang banda mamaya.

"Baka engagement na iyon nina Nami at D!" excited na hula ni Aub.

"Malabo," sagot ni Jolo. Nagtama ang mga mata namin at gaya ng mga lumipas na araw ay umiwas lang siya ng tingin sa akin. "Sa atin unang sasabihin ni Denver iyon kung gano'n."

"Sa true," ani Ganja na binato rin ako ng makahulugang tingin.

Alam ko na may sama pa rin ng loob sa amin si Jolo dahil sa nangyari, at sa totoo lang ay humahanap lang ako ng tiyempo para kausapin siya. Hindi kasi siya umaalis sa tabi ni Sasha at parati lang silang magkasama.

Itinaon ko na kausap ni Sasha si Monica nang tawagin ko si Jolo at kumbinsihing makipag-usap.

"Bihisan ko lang 'to," aniya, tinutukoy si Josh na natapunan ng Cerelac ang suot na damit.

Umakyat si Jolo sa itaas at makalipas ang halos sampung minuto ay mag-isang bumaba at saka lumapit sa akin.

"Iniwan ko na muna si Josh kay Bryan," paliwanag niya habang magkasabay kaming naglalakad palabas sa likod ng bahay.

Isang araw lang ang lumipas pero sobrang laki na ng ipinagbago ng paligid ng mansyon. Nalinis na ang buong paligid, na-trim na ang mga damo, at unti-unti na ring nabubuo ang magiging arko ng kasal.

"Mads," panimula ni Jolo. "Bakit niyo hinayaang magkagano'n?" dismayadong tanong niya.

Wala na siyang paligoy-ligoy pa.

"Ayaw kong mangialam sa inyo. Ayos lang din naman sa akin kung magkakabalikan kayo. Buhay niyo 'yan, eh," bigkas niya. "Pero sana ginawa niyo sa maayos na paraan. Iyong wala kayong sabit at walang masasaktang iba."

"S-Sorry," bulong ko.

"Hindi ko alam na hindi pa kayo tapos. Kapag umiinom kami, bukambibig ni Denver si Nami, si Nami, si Nami. Magpapakasal sila. May tinayo silang bahay. Masaya siya kay Nami, iyon ang sinasabi niya. Hindi ko maintindihan bakit nagkaganito."

"Hindi ko rin alam, Jolo," pag-amin ko.

Salubong ang kilay niya nang humarap siya sa akin. "Ikaw? Si Denver pa rin ba? O iba na?"

Naiiyak akong sumagot, "H-Hindi ko alam."

"Hindi mo alam?"

Umiling ako.

"Paanong hindi mo alam?" alalang tanong niya. "Dalawa sila?"

Huminga ako nang malalim bago kami magkatabing umupo sa swing na nasa gilid na bahagi ng hardin. "Desidido na ako kay Darwin. Nakita mo naman, eh. Lahat ng gusto ko nasa kaniya na. Tinatrato niya ako nang maayos. Kahit may nakaraan kami ni Denver, at kahit ang dami kong naging kasalanan sa kaniya... tinatanggap pa rin ako ni Darwin nang buong-buo..."

"Pero?" ani Jolo.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Nitong mga nakaraang araw na naiwan kami ni Denver dito... parang bumalik lahat," pag-amin ko. "Lahat, Jolo. Kung paano kami noon. Iyong kulitan, asaran, pagtugtog niya ng gitara habang nakatitig sa akin. Akala ko, burado na iyon sa sistema ko pero hindi pala. Nakalimutan ko lang, pero pinaalala sa akin ni Denver lahat. Hindi ko man maamin sa kaniya, pero naramdaman ko sa puso ko na na-miss ko lahat iyon. Tapos, sabi niya..."

"Ano?"

"Sabi niya... ako pa rin daw."

Hindi nakatakas sa pansin ko ang dismayadong pag-iling ni Jolo. "Ang sakit sa ulo naman ng mga pinaggagagawa niyo sa buhay niyo," bulong niya. "Ang tatanda niyo nang mga deputa kayo. Stocks, investments, at insurance na dapat pinagtutuunan niyo ng pansin,"

Natulala na lang ako sa kaniya.

"Sun Life, Philam Life, Manu Life, Pru Life... hindi iyong puro love life."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kaniya, pero magandang senyales na nagbibiro na ulit siya.

"Hindi ka na galit?" naiiyak na tanong ko.

Bumuntonghininga si Jolo at saka umiling. "Ayaw ko lang masaktan kayo. Ayaw ko rin makapanakit kayo. Gusto ko, kapag pumunta na ako ng langit, makita ko kayo ro'n. Pero paano mangyayari iyon kung ubos na ligtas points niyo? Siya cheater, ikaw cheatee?"

"Cheatee?"

"Cheatee. Querida, kabit, number two, mistress, cheatee."

Napasapo na lang ako sa dibdib ko. "Hindi naman ako kabit. Hindi naman kami."

"Hindi nga kayo, pero may nangyari sa inyo habang sila pa."

"Jolo—"

"Ayusin niyo 'yan, Mads," seryosong aniya. "Hindi ko sasabihin na gawin niyo iyong tama kasi ang hipokrito ko naman no'n. Pero kung gagawin niyo iyong gusto niyo, sana gawin niyo sa paraang hindi niyo pagsisisihan."

***

The concert started at 8 p.m. but it was a different artist who played at the beginning of the show.

We all got SVIP tickets courtesy of Darwin. First time kung makakapunta sa concert ng Hiraya at hindi ko mawari kung excited ba ako o kinakabahan.

Sa mismong beach ang venue ng concert, kaya't nakasuot lang ako ng dress at simpleng flats.

8:45 na nang lumabas sa stage sina Denver, Nami, at ang iba pa nilang mga kabanda, kabilang na si Von.

Parang pinihit ang sikmura ko nang makita siya.

Kung wala bang nangyari sa amin ni Von noong naghiwalay kami ni Denver noon, posible kayang naayos namin kaagad ang relasyon namin at hindi na kami humantong pa rito?

"Hello, La Union!!!" sigaw ni Nami sa mic.

Agad kong napansin na nagpagupit siya ng buhok at abot na lang ito hanggang sa ibabaw ng balikat niya.

O baka naman, wig lang iyon.

"Thank you all so much for coming tonight! Woooh! First concert namin ito by the beach, and we are all so excited to perform for all of you!"

Nakatayo lang si Denver sa gawing kanan ni Nami at nakakapit sa gitara niya habang nakatingin sa kaniya.

"For our first song, we are gonna play our first ever single – Oasis! We hope you guys enjoy!"

Nagsimula na silang tumugtog at kapansin-pansin ang halos iisang utak at kilos nilang dalawa.

Sabay na haharap sa isa't-isa at ngingiti. Nagkakaintindihan sa simpleng tingin. They were meant to meet and make music together. That's for sure.

They played five more songs and time flew by so quickly.

Tama nga si Darwin.

Magaling sila.

"For our final song, we are gonna play Nananatili which is an original composition by Mr. Patrick Denver Romero right here!"

Lumapit si Nami kay Denver at saka nakangiting niyakap ito.

"This will be the first time na tutugtugin namin itong kanta para sa inyo. And we hope you guys  like it!"

Ibinaba ni Nami ang kamay niya na may hawak na mic, at sandali silang nagbulungan ni Denver bago ito nakangiting nagsimulang tumugtog.

Ikaw ang una
Ikaw ang tunay
Ikaw ang piyesa
Sa musika ng buhay

Ikaw ang hiling
Ikaw ang pangarap
Ikaw ang tanging
Dalangin sa alapaap

Hanggang ngayon ay napakalamig pa rin ng boses ni Nami. Para siyang pinaghalong Moira dela Torre at Aiza Seguerra, at tagos sa buto ang bawat linyang binibitawan niya.

Sa kabila ng pagtalikod
Hindi magawang lumimot
Puso't isip ko'y sa iyo
Nananatiling bihag mo

Naghahari
Nangingibabaw
Nananatili
Ikaw, ikaw, ikaw...

Habang kumakanta si Nami ay nangingilid ang luha sa mga mata niya.

Maski ang mga tao ay tila maiiyak habang nakikinig at nanonood sa kaniya, hindi gaya kanina na puno ng enerhiya ang lahat at nagsisitalunan pa.

Sa kabila ng pag-iwan
Hindi makayang kalimutan
Puso't isip ko'y sa iyo
Nananatiling bihag mo

Bukod-tangi
Bawat araw
Nananatili
Ikaw, ikaw, ikaw...

Natapos ang kanta nang hindi namin namamalayan. Tahimik lang ang mga tao, at lahat ng mga mata ay nakatutok lang kay Nami.

Pinilit niyang tumawa. "Grabe! Napakagaling naman talaga ng composer natin!" aniya habang nakatitig kay Denver. "What can you guys say?!"

Iniharap niya ang mikropono sa mga tao at sabay-sabay silang nagpalakpakan.

"We are glad that you liked it!" sigaw niya sa mic. "And with that, we would like to make an announcement."

Ibinaba ni Denver ang gitara niya, habang naglapitan din sa harapan ng stage ang iba pa nilang mga kabanda.

"We..." panimula ni Nami. "Will be taking a break from our tour due to personal reasons."

Rinig na rinig ang malungkot na reaksyon ng mga tao.

"No, we are not disbanding," agad na pagklaro ni Nami. "Magpapahinga lang muna kami para pagbalik namin ay mabigyan namin kayo ng mas marami at magaganda pang mga kanta. Okay ba iyon?"

Muli ay nagsigawan ang mga tao at nagsimulang pumalakpak.

"Thank you so much for your support! We love you guys so much, and—"

Napahinto si Nami sa pagsasalita nang bigla na lang ay nawalan ng koneksyon ang mic niya.

Tinapik-tapik niya iyon ngunit tila hindi na iyon nakakonekta pa sa mga speakers.

Namatay ang lahat ng ilaw sa stage kasabay ng pag-play ng video sa malaking screen na nasa likuran nila.

"Mahal mo 'ko?" Boses iyon ni Denver.

"Sobra."

Nanlamig ang mga palad ko nang marinig ang sarili kong boses na nanggagaling sa lahat ng speaker sa paligid.

"How much?" tanong ni Denver.

Nakahiga kami sa kama niya at nakayakap ako sa kaniya habang nakabalot kami ng kumot.

"Hmm," sagot ko. "Kapag hiniwalayan mo ako tapos nagkaro'n ka ng ibang jowa, kukulamin ko kayo pareho."

Napakapit si Pat sa akin habang lahat kami ay nakatutok lang ang mga mata sa screen.

Sinong nagpapalabas no'n?

Tumawa si Denver at saka ako hinalikan sa noo, sa pisngi, sa labi...

"If I ever end up with someone who's not you... I'll still return to you."

Sunod na ipinakita ay litrato naming dalawa habang nag-iinuman sa mansyon nila Rio.

SLUT

Iyon ang nakasulat sa ibabaw ng mukha ko.

USER

Iyon naman ang nakasulat sa ibabaw ng mukha ni Denver.

Rinig na rinig ang malakas na pag-boo ng mga tao. May iilan pa nga na nagbato ng bote ng mineral water sa stage.

Naramdaman ko ang mainit na braso ni Darwin na bumalot sa baywang ko, at napasinghap na lang ako.

"Come with me," bulong niya.

Narinig kong kinausap niya sila Pat ngunit tila ba walang pumapasok sa tenga ko at nakatulala pa rin ako sa stage.

Wala sa wisyo na sumama ako sa kaniya habang patuloy pa rin sa paglabas sa screen ang mga lumang larawan namin ni Denver.

Isinakay ako ni Darwin sa kotse niya at nagsimula na siyang magmaneho palayo pero para pa ring lumilipad ang diwa ko at hindi ako makapag-isip nang diretso.

Tumigil kami sa isang drive-thru at um-order siya ng inumin na siya niyang inabot sa akin.

"Drink," utos niya.

At sumunod naman ako.

Mainit na kape iyon kaya't halos malapnos ang labi ko.

"Sorry," mahinang bulong niya nang mapansing napaso ako.

Kinuha niya iyong cup mula sa kamay ko at saka tinanggal ang lid no'n upang hipan ang kape sa loob.

Pinanood ko lang siya habang sariling-sikap niyang hinihipan iyong inumin hanggang sa mabawasan ang init nito.

"Here," aniya, sabay abot nito muli sa akin matapos masigurong hindi na ito nakakapaso.

Tinanggap ko iyon at nagsimulang inumin.

Nangangalahati pa lang ako nang muling magsalita si Darwin sa tabi ko.

"I know you're not okay so I won't ask if you are," mahinang saad niya.

Tumingin lang ako sa kaniya.

"Patrick told me they already had it shut down after the fourth photo," bulong niya. "I don't know who's behind that slideshow, but I'll have someone look into it and I'll make goddamn sure they pay."

Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya kaya tumango na lang ako.

"Mads."

Humarap ako sa kaniya at agad na nanlambot ang mga tuhod ko nang makitang nakatitig na siya sa akin.

"I'm gonna ask you a question, and I want you to be perfectly honest with me. Can you do that?"

Can I do that?

Tumango ako.

"Where do I stand with you?" diretsang tanong niya.

Napalunok na lang ako.

"S-Stand?" naiilang na tanong ko. Hindi ko inasahang bigla niya akong tatanungin tungkol do'n.

Huminga nang malalim si Darwin at saka kinuha ang cup sa kamay ko.

"We have been playing this game for way too long, and I know it's not the best time, but I want to know where I stand, before I make drastic decisions," aniya. "I'm not gonna give up on you even if it means that I have to go against my brother. So, you better make up your mind because you can't have both of us, Mads."

Hindi ko magawang umiwas ng tingin sa kaniya kahit pa sa sobrang kaba ay parang maduduwal na ako.

"It's either him or me... you decide."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top