60: Can We Talk?
N A M I
"Sasama rin daw si Kuya pagsundo ko sa iyo," ani Denver sa telepono. "He wants to see the farm."
Ngumiti ako. "Sure! Sure. Welcome naman kayo rito parati."
Denver chuckled once. "And Mads is coming, too."
"Mads?"
"They're going out... so, yeah."
"They're really going out?" I asked. "I thought they already cut ties."
"They got reacquainted during the gala. They have been communicating since."
"And that's okay with you?"
"Why shouldn't it be?"
"Because she's your ex."
Denver paused and I could faintly hear Jolo's voice in the background. "I'll talk to you later, Nams."
"Oh. Okay. Busy?"
"A bit."
"Ah, sige. I love you."
The line started breaking but I still heard him say, "I love you, Nami" before hanging up, so I was instantly assured.
We have only been away from each other for a few days, but I already miss him so much.
We spend almost all our time together, and I'm just not used to being without him.
I know he's with Mads but they are also with the rest of our friends so I am not worried that anything would happen.
Besides, Jolo is there. And I know he would give Denver a good beating if he so much as lays his eyes on her.
After talking to him, I immediately told my parents that he and his brother would be coming over today, and they were both ecstatic.
Mahal si Denver ng pamilya ko. At kahit na ilang beses pa lang na nakakabisita rito si Kuya Darwin ay madali lang din siyang nagustuhan nila Mama.
Sa tulong nila ay napalago namin ang farm. Masuwerte raw kami dahil maganda ang puwesto ng lupa namin at katabi lang ng highway kaya't naisipan ni Kuya Darwin na bilhin din ang mga katabi pa naming lupa para makapagpatayo na kami ng sarili naming tindahan ng mga prutas at gulay. Sa gano'ng paraan, hindi na kailangan ni Mama na maglako pa sa palengke dahil mayroon na kaming sariling puwesto.
Agad na naghanda si Mama ng ilulutong pagkain para kanila Denver habang ako naman ay madaling naligo at nag-ayos ng sarili.
Bukod sa tindahan ay malapit na ring matapos ang bahay na pinapagawa naming dalawa ni Denver. Malapit lang din iyon dito sa bahay nila Mama, ngunit mas mataas at mas malamig ang napili naming puwesto. Gusto kasi ni Denver ng may view dahil halos puro salamin ang dinisenyo ni Sasha na bahay namin.
Ang laki ng natipid namin sa gastos sa bahay na iyon dahil bukod sa mga arkitekto at enhinyero ang barkada ni Denver ay Romero Group of Companies na rin ang tumayong contractor ng project na iyon.
Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako ka-excited na tumira na ro'n kasama siya.
I haven't told anyone, but our band manager — who used to be my college blockmate — informed me that Denver bought an engagement ring a couple of months ago and that he is intending on proposing to me sometime soon.
Hindi ko alam kung kailan, ngunit alam ko na malapit na.
Of course, I will say yes. And we will get married and live in our dream house. We still haven't discussed kids but I know we both want them. Although it's probably a good idea to wait a few years until the band is stable enough before we start having babies. Gusto ko kasing maitutuon ko ang buong atensyon ko sa mga anak ko kung sakaling magkakaroon na nga kami ng pamilya.
Alam kong malayo pa iyon, ngunit hindi ko mapigilang mangarap para sa aming dalawa.
We have been through a lot and we are finally a breath away from achieving all our dreams.
We are so close. And I can't wait to spend the rest of my life with him.
Ala-una ng tanghali nang pumarada ang kotse ni Kuya Darwin sa tapat ng bahay, at magkakasabay silang tatlo na bumaba ng sasakyan.
Kuya Darwin and Mads were holding hands and whispering together, while Denver just straight up walked to me and gave me a hug.
"Hi," he whispered.
"Hello," I answered.
"Sorry, kumain na kami bago umalis," aniya. "Pero kakain na lang ulit kami mamaya."
Sinabi ko kasi sa kaniya na maraming inilutong ulam si Mama dahil inasahan nga ang pagbisita nila.
"Ayos lang," sagot ko.
Pumasok na kami sa loob habang nakasunod naman sa amin iyong dalawa.
Nagmano si Denver sa mga magulang ko, at sunod naman niyang binati ang mga nakababata kong kapatid.
Sunod na lumapit si Kuya Darwin kay Mama at nagmano rin dito, bago iniharap si Mads para ipakilala.
"Tita—"
Hindi na natapos ni Kuya Darwin ang sasabihin niya dahil agad na lumapit si Mama kay Mads at saka umiiyak na niyakap ito.
Nagkatinginan kami ni Denver, at gaya ko ay puno rin ng pagtataka ang mga mata niya.
"Madeline..." Iyak ni Mama.
Hindi ko mabasa ang reaksyon ni Mads. Niyakap niya pabalik si Mama ngunit tila ba hindi siya nagulat o nasurpresa man lang sa ginawa nitong biglang pagyakap sa kaniya.
"Ma," tawag ko kay Mama, ngunit lumapit lang sa akin si Kuya Darwin at hinila ako palayo.
"We should leave them to talk. Sa kusina na muna tayo."
Hindi ko maintindihan ang nangyayari pero sumama na lang ako sa kaniya at magkasama kaming nagpunta sa kusina.
"Anong—"
"Mads is your sister but she was adopted into another family before you were even born. I believe your mom already recognized her, so let's just give them some time to talk."
My jaw dropped.
My mom used to tell me that I had a sister who lived someplace else, but I was still so young so I paid her no mind. I asked her again about it when I was thirteen and I was creating our family tree for a school project, but she already denied it.
"Ikaw ang panganay ko, Natalia," she said. "Wala akong ibang anak."
I thought I was just dreaming.
"Did you know all along?" Denver asked.
I didn't notice that he was already standing by the doorway and listening to our conversation.
"Yes," Kuya Darwin answered.
"And you didn't tell me?"
"I had no business telling you."
"I'm your brother," Denver said, his ears turning red. "Nami is my girlfriend, and Mads is..." He hesitated. "I had every right to know. You should have told me."
"I told Madeline and then I left the decision up to her. It was the right thing to do."
Umiling-iling si Denver at umiwas ng tingin sa amin. Maya-maya lang ay naglakad na siya paalis nang hindi man lang nagpapaalam.
Huminga nang malalim si Kuya Darwin at saka kumuha ng isang upuan at umupo.
Tahimik lang kami na naghintay hanggang si Mama na mismo ang tumawag sa aming dalawa. Pagbalik namin sa sala ay nandoon ang buong pamilya ko, at magkatabi naman sa isang sofa sina Mads at Denver na tahimik ding nag-uusap.
Nang makumpleto na kami ay ipinaliwanag sa amin ni Mama ang buong kuwento.
Anak niya si Mads sa dati niyang nobyo at inampon ito ng pamilya no'ng lalaki na nakatira sa Maynila. Dahil wala pang kakayahan si Mama noon na buhayin si Mads ay pumayag siyang ipamigay ito dahil ipinangako raw sa kaniya na aalagaan nila ito nang maigi at bibigyan ng magandang kinabukasan.
Base sa estado ng buhay ngayon ni Mads, mukhang tinupad naman nila iyong ipinangako nila kay Mama.
Nakapagtapos naman siya ng pag-aaral, at sa Dawson University pa.
Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin si Mads sa pamilya namin. Base sa nakikita ko ay kasundo niya naman ang mga kapatid ko, pero kahit anong pilit ko ay sigurado akong mananatiling malayo ang loob ko sa kaniya. Hindi magiging madali sa akin na basta na lang siyang tanggapin sa pamilya namin lalo pa at alam naman namin pareho na hindi namin gusto ang isa't-isa. Ni wala nga akong naramdaman na lukso ng dugo sa kaniya noong una kaming nagkakilala.
"Come on. Don't be so hard," bulong sa akin ni Kuya Darwin. "Give her a chance. You'll like her."
Pabiro ko siyang inirapan. "Hmp. Sinasabi mo lang 'yan kasi hindi ko lang siya kapatid, mukhang magiging future sister-in-law ko pa."
Tumango si Kuya Darwin at saka nakangiting bumulong sa akin, "Hopefully."
Ngumiti rin ako. Masuwerte ako at gusto ako ng pamilya ni Denver para sa kaniya. For me, there is no better compliment than getting the support and approval of your partner's family.
As long as I end up with Denver, I know I will be happy.
And no one — not even Mads — can ruin that.
Bago ako sumama kanila Denver papunta sa Ancestral House ay kinausap muna ako ni Mama nang masinsinan.
Ipinaliwanag niya sa akin ang buong detalye ng sitwasyon ni Mads, at pinakiusapan niya rin ako na huwag sumama ang loob sa kapatid ko dahil hindi naman nito kasalanan ang nangyari.
"Okay, Ma," sagot ko.
Wala naman talaga akong balak na sumama ang loob kay Mads dahil alam ko namang hindi niya ginusto iyon. Sadyang noon pa lang ay hindi maipagkakailang may lamat na ang relasyon naming dalawa dahil pareho kaming nagmahal ng iisang lalaki.
But Denver and I are about to get engaged, and she is already going out with Kuya Darwin.
Maybe it's about time we all just move forward and leave everything in the past behind.
They used Kuya Darwin's car to pick me up, so it was him behind the wheel and Mads on the passenger seat.
The weather was nice, all the windows were down, and we were all enjoying the cold Baguio air while chill lo-fi music played inside the car.
Mads wanted corndogs so we stopped over for a bit and bought some, while Denver excused himself and looked for a pharmacy to buy some of his meds.
"Walang corndog sa Batangas," kuwento ni Mads habang kumakain kami. "Sa mga pinapanood kong K-Drama, parati silang kumakain ng corndog kaya ang tagal ko nang nagke-crave."
I knew she was talking to Kuya Darwin but I wanted to keep my promise to my mom that I would make an effort to get to know her, so I decided to just include myself in their conversation.
"Masarap gumawa ng corndog si Aub," kuwento ko. "Balik ka na sa Manila tapos pagawa tayo sa kaniya kapag may movie night."
Madalas na mag-bonding ang barkada tuwing weekend. Doon lang kasi bakante ang lahat at nagkakasundo ang mga schedule namin. Liban na lang kung may out-of-town na gig ang banda.
Halatang nagulat si Mads na nakisali ako sa usapan nila, pero ngumiti siya sa akin at malambing na sumagot, "Hahanap siguro muna ako ng trabaho."
"Graduate ka ng Educ, 'di ba?" tanong ko.
Tumango siya. "Oo, pero hindi naman ako nag-take ng LET. Hindi ako licensed."
"Maybe you can do one of those online teaching things. Iyong may mga estudyante na Japanese or Korean tapos tuturuan mong mag-English."
Nanlaki ang mga mata niya. "Uy, puwede," pagsang-ayon niya. "May laptop naman ako."
"Yeah!" masaya kong sagot. "You can do that. Tapos puwede ka nang tumira ro'n sa condo na binili sa iyo ni Kuya Darwin dati."
Malungkot siyang ngumiti at saka tumango sa akin. "Pag-iisipan ko."
Nakabalik na si Denver ngunit wala siyang bitbit na kahit ano. "Maliit pharmacy rito, wala sila no'ng gamot ko," aniya, sabay bato ng tingin kay Mads.
"Baka may iba pa namang pharmacy na madadaanan natin," sagot ni Mads na nakatingin din sa kaniya. "Try natin sa lahat."
Tumango si D at saka dumiretso na sa kotse kaya't sumunod na rin kaming tatlo sa kaniya.
Hindi kaya lumalala lalo ang sintomas niya?
Dati naman kasi ay hindi siya gaanong namomroblema kung hindi man siya makainom ng gamot. Madalas nga ay nalilimutan niya iyon kung hindi ko pa ipapaalala sa kaniya.
Bago makarating sa Ancestral House ay may nadaanan pa kaming tatlong pharmacy ngunit lahat ng iyon ay wala ring available na gamot ni Denver. Dahil do'n ay bahagya siyang naging iritable at hindi na nagsalita hanggang sa makababa kaming lahat ng kotse at makarating na kanila Rio.
As usual, everyone greeted me when I arrived. But I was surprised when the caretakers all approached me and asked for photos. I obliged while Denver excused himself again and told me that he has to use the bathroom.
Ten minutes later and Aubrey was already walking me up the second floor, while Justin was carrying my luggage. "Sorry, isa na lang kayo ng kwarto ni D. Wala na kasing ibang kwarto na vacant, eh. Nilipat na rin namin gamit niya kanina."
She led me to a small room with one bed and no furniture aside from a small window-type air-conditioning unit.
"Medyo makalat gamit ni D," ani Aub. "Check mo na lang kung may nawawala or may nasama ako na hindi kaniya. Ang kalat kasi sa kwarto nila no'ng nag-ayos kami ni Pat kanina."
"Thanks, Aub." Yakap ko sa kaniya.
Umalis na sila ni Justin at iniwan ako sa kwarto para makapagpahinga. Agad kong inayos ang mga gamit ni Denver dahil baka mayroon siyang natabing gamot na nalimutan niya lang na dala-dala niya.
I found his pill box in the same pocket where he usually keeps it. I opened it and he still has enough meds to last the week.
Eh, bakit kanina pa siya kulit nang kulit na humanap kami ng iba pang pharmacy?
Inilabas ko iyong pill box niya para hindi niya iyon makalimutan at saka nagsimula nang ayusin ang mga laman ng bag niya at tupiin na rin iyong mga nagusot niyang damit.
Ibababa ko na sana ang bag niya sa sahig nang masagi ng kamay ko ang ilang pirasong pakete na nasa harapang bulsa ng mga gamit niya.
Kinuha ko iyon at nakita ang limang sachet ng condom. Ma laman pa iyong apat, habang iyong isa ay bukas na at wala nang laman.
Hindi siguro kay Denver 'to at baka naisama lang ni Aub sa mga gamit niya. Hindi naman kasi iyon nagdadala ng condom lalo pa at hindi pa naman namin ginagawa.
Gaya ng pill box ay inilabas ko rin iyong mga condom at ipapabigay ko na lang kay Aub mamaya. Nagbihis muna ako at naghintay na lang na makabalik si Denver nang marinig ko ang boses ni Jolo na nanggagaling sa labas ng kwarto namin.
"Nams?" tawag niya.
"Jolo! Pasok ka!" sagot ko, habang tinatali ang buhok ko.
Wala siya kanina no'ng nakarating kami kaya't hindi ko siya nabati.
Maingat siyang pumasok sa loob ng kwarto at nakita kong agad na tumama ang mata niya sa mga condom na nakapatong sa kama.
"Uy, hindi sa amin 'yan. Haha. Baka nahalo lang ni Aub sa gamit ni D. Alam mo namang hindi kami naggagano'n," paliwanag ko.
Malungkot na ngumiti si Jolo at saka ako biglang niyakap. "Oo, alam ko."
Malambing na si Jolo noon pa. Mahilig siyang mangyakap at mag-asikaso sa buong barkada. Pero hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko sa yakap niya ngayon.
"J-Jolo?" Tawag ko sa pangalan niya.
Huminga siya nang malalim at saka bumitaw sa akin. "Sorry, Nams," bulong niya bago madaling tumalikod at saka lumabas ng kwarto.
Hindi ko alam kung anong nangyari at kung bakit gano'n ang inasta ni Jolo. Baka may nalalaman si Denver kaya kakausapin ko na lang siya mamaya pagbalik niya galing sa banyo.
Hindi ko namalayan na nakaidlip na ako sa labis na pagod. Nang magising ako ay alas-onse na ng gabi at katabi ko na si Denver sa kama.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita siya.
Nakahiga siya sa tabi ko at nakatulala lang sa kisame.
"Hi," bulong ko, bago ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya at niyakap siya.
Sobrang lamig niya.
Tiningnan ko iyong air-con at nasa 23 degrees lang naman iyong temperatura no'n.
"Okay ka lang?" tanong ko.
Nakita ko ang paglunok niya kasabay ng dahan-dahang pag-iling ng ulo niya.
Nagtama ang mga mata namin at bigla na lang ding nanlamig ang buong katawan ko dahil nakita ko na iyong mga titig niyang iyon noon.
Ipinikit ko ang mga mata ko at umiwas ng tingin sa kaniya.
Alam ko na ang sasabihin niya kaya't bago pa siya magsalita ay parang binibiyak na ang puso ko sa labis na sakit.
"Can we talk?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top