58: The Chaos After The Storm
M A D E L I N E
Denver was putting on a plain white shirt when I opened the door to his room and stepped inside.
I looked around but I couldn't see Baby Ju anywhere.
"Asan si—"
"Nasa crib niya sa kwarto nila Jolo," sagot ni Denver. "May charge pa iyong tablet niya kaya pinapanood ko muna ng mga naka-download na video sa YouTube Kids."
Tumango-tango ako at saka panakaw na napatingin sa katawan niya.
He... grew.
Well, of course he did.
I mean he... manned up.
Physically. If that even makes sense.
Natapos siyang magbihis at saka mahinang nagsalita habang isinasara ang kurtina, "Come here and lock the door."
I did as he asked and pressed on the door knob before walking over to where he is.
It's like time slowed down as I carried one foot in front of the other.
He smiled as soon as I stopped in front of him.
For a moment, both of us were quiet and still. But then he lifted a hand and wiped softly on my cheek.
"I'm sorry I made you cry," he said in an undertone. "This would be the last, I promise."
"Dapat lang!" Hampas ko sa dibdib niya. "Kotang-kota ka na sa pagpapaiyak sa akin, gago ka."
Mahina siyang tumawa bago ako hinila at niyakap nang mahigpit. "You deserve each other, Mads," bulong niya sa tainga ko. "I know it took me too long."
I hugged him back and let out a sigh of relief knowing that we are both finally in the same page.
I revelled in his warmth and in the solace I found in his embrace.
After all that we have been through, he still has the same comforting effect on me.
"Denver..." tawag ko sa pangalan niya.
"Hmm?"
Binasa ko ang labi ko at saka bumulong, "Natatakot ako."
"Why?" he asked, running his hand on my back.
"Because... I l-love him so much, and I'm afraid that it's gonna destroy me."
He laughed softly, his entire body shaking as his laughter echoed around the room.
"Well, it wouldn't be love if it didn't." I heard him say.
***
Later that night, Tabitha knocked in our room and invited us downstairs.
"Bakit? Ano'ng ganap?" tanong ko.
"Birthday ni Paeng, isa sa mga driver. Dinner and drinking sesh daw."
"Inaya rin nila kami?"
Tumango si Tab. "Oo. Ang daming alak, girl. Come na. Aren't you guys getting bored here?"
"Gusto mo bang pumunta?" Lumingon ako kay Denver.
Nagkibitbalikat siya. "Sounds fun. Wala rin naman tayong ginagawa."
"Eh, si Baby Ju?"
"We can take her. Ang daming binaon ni Jolo na sweater niya. Kahit dito siya tumira hanggang Pasko, hindi siya mauubusan ng longsleeves."
Nauna kaming bumaba ni Tabitha at nang matapos na si D na bihisan si Baby Ju ay sumunod na rin sila.
Wala pa ring humpay ang buhos ng ulan kaya't nag-set up lang sila sa deck ng outdoor dining. Mabuti na lang at solar power ang nagpapatakbo sa mga patio lights sa bahay kaya't kahit na gabi at walang kuryente ay maliwanag pa rin.
Kumulo ang tiyan ko nang makita ang mga inihanda nilang pagkain. Beef noodles at Tiger lang kasi ang kinain ko buong araw.
Si Denver ang kumuha ng pagkain para sa aming dalawa, at nang makabalik na siya ay sabay naming nilantakan ang mga iyon.
"Walang sinabi iyong grilled cheese mo." Tawa niya nang sa wakas ay makakain na kami ng tunay na pagkain ng mga tao.
"Ang yabang mo. Wala ka namang naambag buong araw."
Isang malaking mesa na korteng parihaba ang kinauupuan naming lahat. Nasa isang dulo kami nina Denver at Tabitha, at habang kumakain kami ay napapansin kong nagtitinginan sa amin ang iba pang mga tauhan sa bahay.
May ilang helper, cook, driver, at si Manang na siyang tagapagbantay na ng bahay mula pa noong bata si Rio.
"Uhm, Sir?" tawag ng birthday celebrant na si Paeng kay Denver.
Tumingala si Denver sa kaniya at naghintay na magsalita siya.
"Kayo po iyong gitarista ng Hiraya, 'di ba?" nahihiyang usisa ni Paeng. "Namukhaan ko po kasi kayo, saka sa mga tattoo niyo sa braso."
Madalas ay nalilimutan ko na sikat nga pala si Denver. Masyado na kasi akong nasanay sa kaniya kaya hindi ako nasa-starstruck o ano pa man.
Nilunok niya iyong kinakain niya at saka nakangiting tumango. "Yeah. Yeah, that's me."
Ngumiti si Paeng sa galak. "Sabi na, Sir, eh! Pero, Ma'am, hindi po kayo si Miss Nami, 'di ba? Kahawig niyo lang po? Mads po pangalan niyo, 'di ba?"
Hindi ko inasahan na pati ako ay madadamay sa spotlight.
"Uhm. Haha. Oo, kamukha ko lang," sagot ko.
"Hindi po ba pupunta rito si Miss Nami para sa kasal ni Sir Rio?"
"Uhm. Hindi ko alam—"
"She's in her parents' house. Susunduin ko na dapat siya pero bumagyo," sagot ni Denver.
"Kayo po ba talaga, Sir? Mag-boypren po kayo?"
Gamit ang kitchen towel ay pinunanasan ni Denver ang labi niya.
"Oo," maiksi niyang tugon.
"Gaano na kayo katagal, Sir? Magpapakasal na po ba kayo?"
Nagsasalit-salitan sila sa pagbato ng mga tanong kay Denver na tila ba nasa press conference nila.
"Three years. No, we are not getting married."
"Bakit naman po hindi? Mas bata pa po sila Ma'am Fannie pero ikakasal na sila. Dapat magpakasal na rin po—"
"If you guys don't mind, I prefer to keep some things private."
The guys stopped bombarding him with questions but then we started drinking and eight shots later... Denver was already voluntarily giving out information about them even when no one was asking.
"We broke up once before!" Namumula ang mukha niya habang nagkukuwento. Nakaupo pa nga siya sa gitna nina Paeng at ng isa sa mga cook na si Fernan. "Once! But then I courted her again and we got back together."
Naaalala ko iyon.
No'ng nalaman ko na hiwalay na sila ay inakala kong may pag-asa na ulit kami at nagmakaawa ako sa kaniya na bumalik sa akin.
Iyon pala ay nililigawan niya ulit si Nami at closure lang ang kailangan niya sa akin.
"Nami's a Christian so—"
"Denver." Tinawag ko ang pangalan niya dahil baka may masabi pa siya na hindi naman dapat niya ikinukuwento sa iba.
Humarap siya sa akin at tila hindi na kayang panatilihing nakadilat ang mga mata niya.
"Umakyat na tayo. Nakarami ka na," bulong ko.
Umiling naman siya na tila batang pinapauwi lang ng nanay para mag-siesta.
"The night's still young, Mads. Come on!"
Sa bawat isang shot ni Denver ay kalahati lang ang iniinom ko para masiguro na hindi ako malalasing.
Huli na para sa kaniya dahil kanina pa siya tinamaan, pero kapag pati ako ay nalasing din ay baka kapwa kami matulog dito sa labas ngayong gabi.
Kinuha ni Manang si Baby Ju at nagprisintang bantayan ito dahil hindi naman siya sumali sa inuman. Mabuti na lang din at nandito siya dahil baka mapahamak pa si Baby Ju kung kami ang magbabantay sa kaniya ngayong gabi. Kahit kasi mababa lang ang bawat tagay ko ay hindi na gaanong mataas ang tolerance ko sa alak, lalo pa at matagal na rin mula no'ng huli akong uminom.
Alas-dos nang mawala sa paningin ko si Tabitha at alas-tres nang kaladkarin ko na si Denver paakyat sa kwarto.
On a scale of 1 to 10, siguro ay nasa 9.5 ang lebel ng pagkalasing niya. Hindi ko na hinintay na umabot siya sa 10 dahil alam kong magsusuka siya at mas mahihirapan akong iakyat siya pataas.
"Tangina mo. Kahit kailan pabigat ka sa buhay ko," biro ko sa kaniya habang nagkakandasubsob na ako sa hagdan maakay lang siya.
"I'm breaking up with Nami," garalgal na bulong niya. "After the wedding."
"Bakit pa? Maayos naman kayo, ah? Mahal mo naman siya, 'di ba? Iyon ang sinabi mo."
Umiling naman siya. "The longer I stay with her, the longer I keep her from the man who's meant for her."
"Lasing ka na, Englishero ka pa rin."
Tumawa lang siya at hindi na sumagot habang binubuksan ko ang pinto ng kwarto niya.
"Ano 'to? Bakit naka-lock?" tanong ko. Pero hindi siya sumagot at umiling lang.
"Hay. Baka na-lock sa loob. Bukas na lang natin hingiin iyong susi, nakakahiya naman kanila Manang," dahilan ko, kahit na ang totoo ay nahihilo na rin talaga ako at tinatamad nang bumaba.
Dahil nakakandado ang kwarto ni Denver ay inakay ko na lang siya papunta sa kwarto namin ni Tab. Dalawa naman ang kama ro'n kaya't puwede siyang humiga sa isa, at magtatabi na lang kami ni Tabitha ro'n sa kabila.
Denver let out a groan of relief as soon as his back hit the soft mattress of my bed.
"Good night, Mads," nakapikit na bulong niya.
"Good night," sagot ko bago buntonghiningang humiga sa kabilang kama at natulog na rin.
***
The scorching heat hit my face and I woke up with a feeling of relief.
I had forgotten the Sun existed, and it is now glowering proudly, showering our room with its golden warmth.
Ahhh.
At last, the rain has stopped.
For a moment, I remained relaxed in bed, closing my eyes and basking in sunlight.
But that moment didn't last when I realized that I was fucking naked, without a single piece of clothing on my body.
I sat up in a split-second, my eyes widening as I took in my surroundings.
Denver was right next to me, lying on his chest with his bare back exposed.
"D-Denver..." I started shaking him. "Denver..."
His eyebrows furrowed but he didn't open his eyes. He's probably having one hell of a hangover.
"D-Denver!" medyo malakas na sigaw ko. "Gumising ka!"
Pakiramdam ko ay maiiyak ako.
Sinubukan kong tumayo ngunit naramdaman ko kaagad ang pananakit ng balakang ko.
"Denver!!!"
"W-What?" antok pang tanong niya.
"We're naked in bed together! What happened?!"
Dahil sa sinabi ko ay tuluyan nang nagising ang diwa niya.
Umupo siya mula sa pagkakahiga at saka sumilip sa ilalim ng kumot upang tingnan ang sarili.
"Anong nangyari? May nangyari ba?" aligaga kong tanong.
Kunot pa rin ang noo niya habang ang isang kamay ay nakakapit sa kumot, at ang isa naman ay nasa loob no'n.
Hindi ko alam kung hinawakan niya ba ang sarili niya pero nahuli kong inamoy niya ang kamay niya na tila may sinisiguro.
"Yeah. We did it," walang reaksyong bulong niya.
Parang bumagsak ang puso ko.
"Sigurado ka? Paano mo nalaman? Baka naman may nangyari lang kagabi—"
"It's your smell on me, Mads."
"My s-smell?"
"We probably didn't clean up and went straight to sleep."
"Oh, my god." Iyak ko.
For a while, Denver just massaged his forehead as if trying to bring back memories from last night.
I don't know what to do.
I already made a choice, and it wasn't him!
Do we just pretend nothing happened and move on?
But how do I tell Dar—
"How many drinks did you have last night?" Denver asked softly.
Umiling ako. "Hindi ko alam. Pero hindi kasing-dami ng sa iyo."
"Are you sure you don't remember anything?"
"Wala. Ang naaalala ko lang, inakay kita paakyat tapos natulog na tayo."
"You don't remember anything after that?"
"You know I don't remember anything when I get drunk."
"But you weren't drunk."
Humarap ako sa kaniya. "What do you mean, I wasn't drunk?"
"Sabi mo kagabi, hindi ka lasing. I even asked you to sing the alphabet backwards and you did."
"Denver—"
"I... remember... what happened, Mads," bulong niya. "Vaguely. Like... I'm watching a film in my head. It's all mixed up and blurred, but I can remember it."
"So... ginawa nga natin?"
Pinagdikit niya lang ang mga labi niya at saka umiwas ng tingin sa akin.
"Hindi lang isang beses?" tanong ko pa.
Again, he didn't answer.
"Denver naman. Bakit nagkagano'n?"
"I don't know, Mads. I wasn't exactly sober, too."
"So, are you just gonna blame it on the alcohol?"
"Well, you said it yourself that I had more drinks than you."
Napabuntonghininga na lang ako. "Nag-condom ba tayo?"
Hinahanap ko sa kama iyong mga pakete ng Trust na binigay sa akin ni Axl ngunit hindi ko na iyon makita.
"I... well, I put one on but you were complaining about the smell."
"Chocolate?"
Tumango siya. "You said it was making you nauseous."
"So... we were raw? How many times?"
"Mads—"
"Ilang beses nga?"
Hindi niya ako sinagot at saka madali na lang na pinulot ang mga nagkalat niyang damit sa sahig.
Wala na siyang pakialam at basta na lang nagbihis sa harapan ko.
He just woke up so he was sporting a mild boner but he didn't care.
"I'm just gonna check on Julia," paalam niya.
Wala na akong nagawa kung hindi hayaan na lang siyang umalis.
Hindi ko alam kung bakit hindi na matapos-tapos ang mga problema ko.
Paanong may nangyari sa amin kagabi?
I was so sure we just went to sleep! And he was right in saying that he was more drunk than I was.
So, did I come onto him?
Was I the one who initiated it?
My brain is nearing explosion from overthinking.
I thought it was gonna take him a while, but Denver returned roughly half a minute later looking pissed off.
"Anong nangyari? Asan na si Baby Ju?"
"Na kay Jolo," sagot niya.
"J-Jolo?"
"He arrived early this morning. He said he left their hotel as soon as the rain stopped. Naiwan pa ro'n sila Sasha."
I nodded my head. "Oh. Okay."
He didn't answer.
"What happened?"
From the look on his face, I could tell that he hasn't told me everything yet.
He looked at me guiltily. "Julia has a... small scratch on her face. I don't know where she got it but it's most probably from last night."
"Shit," bulong ko.
"Jolo's mad as hell. He said he didn't want to wake us up because we're both probably tired from having sex all night."
"Shit," ulit ko pa.
The look on Denver's face is a mix of guilt and hopelessness. Like he knows he's in trouble and he's got no way out.
"What else happened?" I asked.
"Well..."
"What?"
He swallowed hard, avoiding my eyes and scratching the back of his head.
"My brother just arrived."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top