56: Never Not
D E N V E R
"I secretly prayed it was true," I whispered without thinking.
My heart started beating like crazy.
Why am I telling her this?
Why can't I just shut my mouth?
"But I guess, it all worked out in our favor," I added. "I'm happy. You're happy. We're all happy,"
Are we?
"Right?" tanong ko pa.
Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang dahan-dahan niyang pagtango.
"Right," sagot niya.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at itinuon na lang ang atensyon kay Julia.
Kung si Josh ay kamukhang-kamukha ni Jolo, itong bunso naman nila ay nakuha ang lahat kay Sasha.
Masaya ako sa estado ng buhay ng kaibigan kong iyon.
Masaya rin ako na kahit dati ay mag-isa lang siya, ngayon ay mayroon na siyang Sasha, Josh, at Julia.
"I should..." bulong ni Mads. "I should get back to my room. Baka bumalik na rin naman iyong kuryente."
"How's your hip?"
"Uhm. Okay lang. Nagko-cold compress ako."
I nodded at her. "Bukas daw, hot compress naman sabi ni Bryan."
Tumayo siya mula sa higaan at saka binuksan ang flashlight ng cellphone niya para makakita sa dilim.
"T-Thanks," bulong niya. "Good night, D."
I just watched her walk away.
"Good night."
***
I woke up to my phone's alarm and it took me a moment to figure out where I am and why I have a baby next to me.
The fan was still turned off and it was still pouring heavily outside.
I looked at my phone's screen one more time.
No signal.
I'm supposed to pick up Nami today, but I bet the roads are still closed for travel.
It's eight in the morning and Julia is still fast asleep. For a second, I was worried that she was no longer breathing, so I put a finger below her nose to confirm.
I let out a sigh of relief when I felt air coming out of her tiny mouth.
Jolo would kill me if she so much as catches a cold.
I got up and sat on the bed, contemplating for a few minutes when I heard five soft knocks on the door.
I don't know if she's aware, but Madeline always knocks five times.
"Gising ka na?" I heard her ask. "Gumawa akong grilled cheese."
Madeline can only cook three things. Fried eggs, fried hotdogs, and grilled cheese. Although you don't technically "cook" grilled cheese, so I guess she can only cook two. Unless you count the different number of ways you could cook eggs — sunny side up, scrambled, semi-scrambled, sunny side up with a runny yolk...
I was pulled out of reverie when the bedroom door opened and she walked right in.
Madeline Jane Monteclaro in all her glorious beauty.
It was too late to pretend I was sleeping because she already saw me sitting up.
"Tulala ka na naman. Kaya pa ba? Laban lang,"
Umupo siya sa harapan ko at saka inilapag sa pagitan namin iyong isang plato na may apat na grilled cheesse na hinati na niya lahat sa gitna.
"Buti naka-gas stove nila at hindi induction," komento niya, sabay lagay ng isang piraso sa kamay ko. "Eden lang iyong cheese na nasa ref. Wala iyong paborito mo."
"Okay lang," bulong ko. "Salamat."
I took a generous bite and smiled.
She ruined the cheese.
How does one burn the cheese on a grilled cheese? It's literally in between two slices of bread.
"Yuck!" reklamo niya. "Panis yata iyong cheese."
Natawa na lang ako at saka kinuha iyong grilled cheese na kinagatan niya. "Sinisi mo pa iyong keso."
"Gano'n kasi ginagawa nila sa resort. Kapag may order na grilled cheese, tino-toast muna nila iyong cheese. Pero hindi naman ganito iyong lasa. Masarap iyon."
"Baka ibang cheese ginagamit nila."
"Baka." Buntonghininga niya.
"How long are you gonna stay there?" I asked, taking the plate of failed grilled cheeses and setting it aside.
"Sa resort?" tanong niya. "Hindi ko alam. Siguro hanggang..."
Kumunot ang noo niya at saka nagsalubong ang kilay.
"Alam mo?" tanong niya.
"That you work at the resort? Yes."
Umawang ang bibig niya.
"You knew all along?" singhal niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Why should I tell you?" I asked. "You're not even telling us."
"Alam ba nila? Sina Pat at Ganja? Do they know?"
I shrugged. "I don't know. We don't discuss it. Although it was pretty obvious because you and Fannie have the same tan. Ipinakilala mo rin sa amin lahat ng nagtatrabaho sa resort gamit ang buo nilang pangalan. If Pat and Ganj didn't know then, they sure as hell do now."
Umangil siya at saka inihiga ang sarili sa kama. "Nakakahiya naman," mahina niyang bulong. "Bakit ba kasi hindi ko na lang inamin kaagad? Ayaw ko naman talagang magsinungaling, eh."
I watched her carefully.
She was lying horizontally near the edge of the bed, both hands on her forehead.
She was still the same woman I knew years ago. But just like Aubrey said, she changed a lot.
She is no longer self-absorbed.
She learned how to care for everyone around her.
And although she failed miserably with today's grilled cheese recipe, at least she already learned how to do the dishes which I have never seen her do before.
"I'm proud of you, Mads," I whispered.
She was almost tearing up when she leaned sideways and looked at me.
"Y-You are?"
I nodded my head reassuringly.
"Why?" she asked. "Compared to you guys, I achieved nothing after graduating. Lisensyado na kayong lahat. May mga negosyo. May mga investments. Kumikita ng sariling pera. Ako... wala. Ni hindi nga ako totoong model. I am nothing to be proud of, Denver—"
"Mads..." I called out her name to cut her off. "Success is not just measured in having plenty of money, a good career, or a thriving business. Growing and flourishing on your own is an achievement in itself. And you grew, Mads," I said. "You did. And all of us here are proud of you."
"Buwisit ka." Tinakpan niya ang mga mata niya. "Pinapaiyak mo ako."
"Haha. Come here," I beckoned.
She pouted her lips before sitting up and raising her arms like a baby. "You come here," she moaned.
I shook my head but approached her still, careful to wrap my arms around her and not hit her hip.
She relaxed in my arms and even lay her head against my shoulder.
We stayed in that embrace for a minute, pulling away only when Julia finally woke up and cried.
"Omg. May poopoo siya," bulong ni Mads na agad na lumapit kay Julia paggising nito.
"Linisan mo," utos ko.
Agad naman siyang tumutol. "Hala. Ayaw ko nga. Ikaw na!"
"Ikaw na. Masakit pa kamay ko, eh," dahilan ko. "Tuturuan naman kita."
"Masakit daw," aniya sabay bato ng tingin sa kamay ko. "Samantalang kanina hinahagod mo pa likod ko. Echosero ka talaga."
Even when she's complaining, she still followed my instructions and gathered all the stuff needed to clean Julia.
Cotton balls. Warm water. A fresh set of clean clothes and baby diapers.
It wasn't as smelly as we both expected and Julia just lay there smiling, almost as if she was enjoying it.
"Puwede ka nang magnanay," papuri ko nang sa wakas ay matapos na niyang linisan si Julia at palitan ng damit.
"Binobola mo lang ako kasi uutusan mo na naman akong magtimpla ng gatas." Irap niya.
Natawa na lang ako dahil iyon nga sana ang sunod kong sasabihin.
"Ito na, magtitimpla na. Suwerte ni Julia nandito ako."
Hindi ko na siya tinuruan kung ano ang dapat gawin dahil nakuha na niya kaagad kung paano magtimpla ng gatas. Tumabi rin siya kay Julia at siya na ang nagpainom dito habang kapwa sila nakahiga sa kama.
"Kanta ka, D. Para may ambag ka naman," utos ni Madeline. "Ako na nagluto, naglinis ng poopoo, nagtimpla ng gatas. Kanta ka na lang para ikaw source of entertainment ni Baby Ju."
"I don't sing," I refused.
"Dali na!" pagpupumilit niya. "Sige ka, iiyak si Baby Ju."
"I really don't sing, Mads."
"Huwag ako! Nagka-karaoke nga kayo nila Jolo. Kumakanta ka parati ng Narda!"
"Dati iyon."
"Alam mo, masyado ka. Parang wala tayong pinagsamahan. Kakanta lang naman. Hindi ko naman hiningi isang atay mo." Umupo siya sa kama at saka binuhat si Julia. "Sa kabilang kwarto na lang kami ni Baby Ju. At least do'n, walang pabebe."
Akala ko ay nagbibiro lang siya pero seryoso nga siyang tumayo bitbit si Julia at saka naglakad palabas ng kwarto.
"Mads," tawag ko. "Madeline Jane!"
Hay.
Tumayo ako mula sa kama at saka madaling hinablot ang gitara ko na nasa gilid.
Sa sobrang pagmamadali ay hindi ko na nagawang tingnan ang nilalakaran ko kaya't natapakan ko ang isa sa mga bubog mula sa nabasag na bote kagabi.
Mahina akong napamura at saka ito mabilis na inalis sa paa ko bago iika-ikang lumabas ng kwarto at pumunta kanila Mads at Julia.
Hindi na ako kumatok at diretso na lang na pumasok sa kwarto bago inilapag ang gitara ko sa kama at saka umupo.
"May band-aid ka?" tanong ko sa kaniya.
"Ha? Bakit—" Napahinto siya at gaya ko ay sumilip sa paa ko na bagamat hindi malalim ang sugat ay may tumutulo pa ring dugo. "Anong nangyari sa iyo? Saan nasugat 'yan?"
"Do'n sa bubog."
"Sa bubog? Natanggal mo ba? Baka naman may natira pa?"
"Hindi ko alam. Tinanggal ko lang iyong malaki."
"Tsk. Humiga ka nga. Titingnan ko."
Pinanood ko lang siya habang tinapatan niya ng flashlight ang paa ko at saka sinuri.
"Okay naman na yata. Pero dapat linisin natin bago lagyan ng band-aid."
Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako at saka tinulak paupo. "Ako na. Nakaka-guilty naman kaya maghintay ka na lang diyan."
Lumabas siya ng kwarto kaya ako na lang ang naiwang magbantay kay Julia. Nang makabalik siya ay may hawak na siyang tabo, bimpo, at first-aid kit.
"Buti kumpleto sila ng gamit dito," aniya bago sumalampak sa sahig at saka hinawakan ulit ang paa ko.
"Mads—"
"Ssshhh. Teka, nagko-concentrate ako."
Gamit ang maligamgam na tubig ay nilinis niya ang sugat ko at saka sinabon pa. Nang masigurong wala nang mantsa ng dugo ay pinunasan niya ang talampakan ko at saka binuhusan ng betadine.
"Wala silang gauze, eh. Band-aid na lang."
Pinanood ko lang siya habang maingat niyang binalutan ng band-aid ang sugat ko at saka niligpit ang lahat ng kalat.
Tangina, Denver. Umayos ka.
May Nami ka na.
"Ma'am, Sir," tawag ng caretaker sa labas ng pinto. "Kumain na po ba kayo ng agahan? Magluluto po kasi si Andoy."
"Uhm, opo, Manang," sagot ni Mads.
Nagkatitigan kami.
"Kumain na po kami. Salamat po," dagdag niya pa.
Nang makaalis na si Manang ay saka lang ako nagsalita, "Hindi pa naman tayo kumakain, ah?"
"Iyong grilled cheese," ani Mads.
"Hindi mo nga naubos, eh."
"Okay na iyon," sagot niya. "Nakakahiya naman kung magpapaluto pa tayo."
"Hindi ka ba nagugutom?"
"May Tiger ako."
"Ha?"
Naglakad siya papunta sa mesa na pinagpatungan niya ng mga gamit niya at saka hinalughog ang bag niya.
Pagbalik niya sa kama ay may hawak na siyang mga plastik at inabutan ako ng isa.
Tiger biscuit.
"You're welcome." Buong pagmamalaking ngiti niya na para bang beef pares ang binigay niya sa akin at hindi biskwit.
"Thank you," bulong ko, bago binuksan iyong biskwit at saka kinain habang nakahiga.
Masarap din pala itong Tiger. Parati lang kasing Rebisco ang baon namin ni Nami sa kotse.
Nakaubos na ako ng isang balot ng biskwit nang buhatin ni Mads ang gitara ko at saka inabot sa akin.
"Tugtog ka na, dali."
Maayos na naman iyong kamay ko kaya kinuha ko iyong gitara mula sa kaniya at nagsimula na ngang laruin iyon habang nakahiga pa rin.
"Anong gusto mo?" tanong ko.
"Ikaw bahala. Kahit ano, basta kakantahin mo rin." Kinuha niya si Julia at saka inabutan ng isang pakete ng Tiger para laruin. "Kikinig lang kami ni Baby Ju."
Looking at her, I thought of a number of songs that reminded me of us.
I played a couple of intros, waiting for her eyes to show recognition.
She wasn't familiar with the first four, but her pupils dilated when I started playing Lauv.
Of course, she would know them.
I went on playing but I only sang the song in my head.
I purposely wanted to play a song she is familiar with, just so we could sing it in our heads at the same time.
We were so beautiful
We were so tragic
No other magic
Could ever compare
She was just looking at my hand as I shifted from one chord to another.
She never used to pay attention whenever I played for her before. She was always just minding her own business and she sometimes even gets pissed off when I play too loud.
Still, I loved doing it for her.
I lost myself, seventeen
Then you came, found me
No other magic
Could ever compare
Her lips started moving as she mouthed the song. And of course, she has the lyrics memorized.
There's a room
In my heart with the memories we made
Took 'em down but they're still in their frames
There's no way I could ever forget, hmm
I slowed down the pace, looking at her to see if she would get it.
For as long as I live
And as long as I love
I will never not think about you
I will never not think about you
From the moment I loved
I knew you were the one
And no matter whatever I do
I will never not think about you
I looked up at her and she has this expression in her eyes that I knew meant she was deep in thought.
What we had only comes
Once in a lifetime
For the rest of mine
Always compare
To the room
In my heart with the memories we made
Nights on fifth, in between B and A
There's no way I could ever forget, hmm
I closed my eyes and just went on playing.
For as long as I live
And as long as I love
I will never not think about you
I will never not think about you
From the moment I loved
I knew you were the one
And no matter whatever I do
I will never not think about you
Didn't we have fun?
Didn't we have fun, looking back?
Didn't we have fun?
Didn't we have fun?
Didn't we have fun?
Didn't we have fun, looking back?
Didn't we have fun?
Didn't we have fun?
We were so beautiful
We were so tragic
No other magic
Could ever compare
I finished the song, opened my eyes, and looked at her.
She has a sad smile on her face as she whispered, "Isa pa."
I chose another song and played again.
When it finished, I picked another and did the same.
I kept on playing and playing and playing.
And every song is about her.
It was exactly twelve in the afternoon when I finally put the guitar down.
Tinimplahan ko ng gatas si Julia at bumaba naman si Mads para magluto ng pancit canton.
Nang makabalik siya ay isang malaking bowl ng beef noodles lang ang dala niya, at saka dalawang bote ng soju.
"Wala silang pancit canton, eh," aniya. "Pero ang dami nilang alak. Para yata sa kasal. Try natin 'tong pomegranate. Hindi ko pa yata 'to natitikman, eh."
"Beef noodles tapos soju?" Tawa ko. "Baka naman magloko tiyan natin niyan."
"Haha. Hindi 'yan! Manalig ka lang!"
Back when I was younger, my mom and I would always have instant noodles for dinner. Chicken, beef, spicy beef, vegetable... lahat na yata ng klase ay nasubukan namin.
Sobrang nostalgic na makakain ulit ng beef noodles after so many years. Lalo pa at umuulan, pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagkabata.
Except that we are now downing soju instead of just water.
"Ano pang flavor mayro'n sila?" tanong ko kay Mads nang maubos na namin iyong dalawang bote.
"Lahat! Pero ito lang iyong nasa ref, eh. Wala kuryente kaya hindi na rin gaanong malamig. Iyong iba, naka-box pa."
"Sige. Hahanap ako," sambit ko, bago mag-isang kinuha ang mga pinagkainan namin at saka bumaba sa kusina.
Naabutan ko ro'n si Manang at ang ilan pang mga caretaker sa lugar. Nakayuko silang nagbubulungan sa gitna ng hapag at tila hindi napansin na dumating ako.
Sa sobrang lakas ng ulan ay hindi ko narinig ang pinag-uusapan nila. Dumiretso na lang ako sa ref at saka naghanap ng maiinom. Buti na lang, kahit brownout ay maliwanag sa loob ng bahay dahil sa sobrang laki ng mga bintana. Malawak din ang bubong kaya't kahit na iwang nakabukas ang mga bintana ay hindi gaanong pumapasok ang ulan.
Kumusta na kaya sila Jolo?
Siguro ay nag-check-in silang lahat sa isang hotel.
Marami namang matutuluyan sa Baguio dahil tampulan iyon ng mga turista.
Si Nami kaya... kumusta?
Baka nasira na ang mga pananim nila dahil sa lakas ng bagyo.
Nilabas ko ang cellphone ko.
Wala pa ring signal at 13% na lang ang battery ko dahil hindi ako nakapag-charge mula nang nakarating ako rito.
Kumuha lang ako ng apat na bote ng soju — dalawang pomegranate, at dalawang green grape — at saka pumanik na ulit sa taas.
Naabutan ko si Mads na karga karga si Julia at pinapatahan ito.
"Umiyak siya pag-alis mo, eh," nag-aalalang kuwento niya. "Baby Ju, dito na si Tito Denver, oh. Ayan na, oh. Pogi pogi!"
Hinarap niya sa akin si Julia na nagsisimula nang sinukin.
"Patay tayo kay Panganiban kapag sinipon 'to," bulong ko, bago kinuha si Julia sa kaniya.
"Alam mo kung anong magandang gawin?" tanong ni Mads. "Nakawin na lang natin si Baby Ju tapos magpakalayo-layo tayo."
"Gaano kalayo?"
"Punta tayong Babuyan Islands."
"Tara."
Umawang ang bibig niya at saka ako pinandilatan. "Ang hirap mo namang biruin, sineseryoso mo."
Kinuha ko si Julia sa kaniya at saka ito dinala sa may bintana.
"Bored lang 'to si Julia. Ganitong oras kasi nanonood na 'to ng TV. Eh, kaso walang kuryente."
Ang bango bango ni Julia. Iyon bang kahit hindi mag-toothbrush ay ang bango ng hininga at amoy gatas.
Kung magkakaanak ako, siguro parati ko lang siyang aamuyin.
Ilang minuto rin kaming tumayo ni Julia sa tabi ng bintana habang pinapanood ang ulan. Lumapit sa akin si Mads at nag-abot ng bukas nang soju.
"Ang ganda ng buhay sa probinsya, 'no?" bulong niya. "Napakasimple lang."
Tumango ako. "Pangarap ko talaga iyon, noon pa. Convenient na may bahay ka sa Metro Manila, pero gusto ko rin na mayro'ng bahay sa probinsya na uuwian ko tuwing Sabado at Linggo. Pahingahan."
"May bahay ka na naman, 'di ba?" tanong niya. "Nakuwento ni Darwin."
"Ah, iyon," bulong ko. Umiling ako. "Sa amin ni Nami iyon."
Tumango-tango siya. "Bahay niyo kapag nagpakasal na kayo?"
Humarap ako sa kaniya. "Parang gano'n na nga."
Binasa niya ang labi niya at saka ngumiti. "Congratulations na kaagad."
"Mads..."
Tumingala siya sa akin at naghintay na magsalita ako.
I paused for a few seconds, collecting my thoughts.
"You... have this idea in your head of what you deserve. And I planted this idea in mine of what I want..."
I swallowed.
I know I should stop talking, so I wonder why I kept on blabbering on.
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
"But what if... in our hearts... we both know it will always be us?"
She pursed her lips and looked away, purposely avoiding my eyes.
She then shook her head and left, wiping her face before putting her hair in a high ponytail.
"Mads..."
She wouldn't look at me.
"Madeline..."
Inilapag ko si Julia sa kama at saka naglakad palapit sa kaniya.
Umiiyak siya habang nagbubukas ng Tiger.
"Mads?" mahina kong bulong.
"Bakit?" Nakakunot ang noo niya at matalim ang tingin sa akin. "Sabi mo noon, selfish ako. Sarili ko lang iniisip ko. Pero hindi mo ba napapansin na ikaw iyon?"
I froze and just watched her as she continued weeping.
"Hindi ka talaga nag-iisip. Basta ka na lang magbibitaw ng salita na hindi inaalala kung anong mararamdaman ko o kung anong mararamdaman ni Nami."
"Ano ba iyon?" mahinahon kong tanong.
"Bakit mo sasabihin na baka tayo talaga, eh, may girlfriend ka na?" sumbat niya. "Tapos kagabi, sabi mo sa akin sana totoo na nagkaanak tayo. Denver, bakit mo pa sasabihin sa akin iyon? Hindi ba puwedeng sarilinin mo na lang?"
Tumutulo ang luha niya at alam kong ako na naman ang dahilan no'n.
Kumuha ako ng tissue at saka inabot iyon sa kaniya.
"Sorry," sinserong paumanhin ko. "Sasarilinin ko na lang ulit."
Narinig ko ang malakas na pagsinghal niya. "Matapos mong sabihin sa akin, ngayon sasarilinin mo?" bulalas niya. "Gago ka talaga, eh, 'no?!"
"Sorry..."
"Sorry?!"
"Sorry, Mads..."
"Anong magagawa ng sorry mo? Maaayos ba niyan lahat? Si Nami? Si Darwin? Denver, hindi basta-basta lang ang tatlong taon!"
"I know."
"Then why are you saying all these stuff to me? Huh?"
"Because that's what I feel, Mads..."
"That's what you feel? After all these years, ako pa rin? So ano si Nami, panakipbutas?"
Umiling ako.
"Ano?!" sigaw niya.
Wala akong maisagot.
Alam ko sa sarili ko na mahal ko si Nami.
Noon, akala ko ay imposibleng magmahal ka ng dalawang tao. Sabi kasi nila ay kung tunay mong mahal iyong una, hindi ka magmamahal ng pangalawa.
Pero mahal ko si Nami at totoo iyon.
Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya at kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko alam kung paano ko makakaya ang nakalipas na tatlong taon.
"Just forget what I said. It doesn't matter anyway."
"Forget?" Namumuo na ang mga luha sa gilid ng mata niya sa labis na galit sa akin. "Magpapahaging ka na ako pa rin ang mahal mo, tapos it doesn't matter?"
"It doesn't matter because there is nothing I can do about it," I answered. "Even if I want you back, what can I do? I'm with Nami and you're with my brother! What can I fucking do, Mads?!"
"Kasalanan mo kung bakit tayo nandito!" Iyak niya. "Walang ibang may kasalanan kung hindi, ikaw!"
"Alam ko! Tangina. Tingin mo ba hindi ko alam iyon?"
"Bakit kasi hindi mo ako inilaban? Ha? Hinayaan mo pa na makilala ko si Darwin! Pinili mo si Nami kaysa sa akin! Denver, kung hindi mo pinairal 'yang pride mo, eh 'di sana wala tayo rito ngayon!"
"Kaya nga kalimutan mo na, 'di ba? Nakaya ko naman ng tatlong taon. Kakayanin ko ulit! Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa iyo dahil alam ko namang masaya ka na sa kapatid ko."
"Fuck you! Fuck you talaga!"
Kumuha siya ng unan at saka mahinang ibinato sa akin.
"Fuck you! Fuck you! Fuck you!!!"
Kinuha ko si Julia at saka nilagpasan siya.
Walang mangyayari kung magsisigawan kaming dalawa. Saka ko na lang siya kakausapin kapag kalmado at mahinahon na siya.
Palabas na ako ng pinto nang marinig ko ang umiiyak niyang pagbulong.
"Kahit kailan talaga... ang duwag mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top