55: Blackouts and Secret Prayers

M A D E L I N E

"Busy ka?" tanong ko kay Darwin habang kumakain ng hapunan na niluto ni Brent.

Ang sarap pa rin talaga niyang magluto. No wonder, ang laki ng inilusog ni Ganja.

"No. The Wi-Fi is just acting up," sagot niya habang mahinang tinatapik iyong router sa tabi niya.

"Huwag na muna tayo mag-Skype. Baka naaagaw lahat ng signal mo."

Umiling siya. "I'm not using the Wi-Fi to call you. I have internet on my phone."

"Oh."

"Is there a problem?" mahinang tanong niya.

"H-Ha?" Nanlaki ang mga mata ko. "Problem?"

Binasa niya ang labi niya at saka nag-aalalang tumingin sa akin sa camera. "This is the third time in ten minutes that you suggested I end the call. I'm not busy. I'm not tired. And I don't have an issue with my phone's internet, Mads."

"Oh. Okay."

"Do you need space?" he asked softly. "Ayaw mo ba munang makipag-usap?"

"H-Hindi naman," bulong ko. "Kaya lang..."

"Kaya lang?"

"Hmmm. Ngayon ko na lang kasi ulit nakasama ang mga kaibigan ko. I guess I just want to be... here."

Marahan siyang tumango habang inaaral ang mukha ko. "Alright," sagot niya. "Just call me when you want to talk. Okay?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nahihiyang humarap sa kaniya. "Okay," tugon ko.

Nang ibaba ko na ang tawag ay napansin ko kaagad ang pananahimik ng mga kaibigan ko. Kanina naman ay wala silang humpay sa pagkukuwentuhan, pero ngayon ay tila may lumipad na anghel dahil tikom ang bibig nilang lahat.

"Ano?" bulong ko.

Nagkibitbalikat si Jolo. "Naka-loudspeaker ka, eh."

"Ah." Napayuko na lang ako dahil sa hiya. "S-Sorry."

Habang kumakain ay hindi ko mapigilang mapansin na paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin si Denver.

Nakaupo siya sa harapan ko, katabi ni Jolo, habang ako naman ay napapagitnaan nina Monica at Pat.

Nang matapos akong kumain ay hinintay kong matapos din sila, saka ako tumulong na magligpit ng mga pinagkainan.

"Wow." Ngiti ni Aubrey. "Tumutulong ka na sa hugasin, ah."

"Ha?" nagtataka kong tanong habang magkasabay kaming nagsasalinsin ng mga pinggan sa may lababo.

"Dati, pagkatapos kumain, ikaw ang pinakaunang umaalis. Nagse-cellphone ka madalas. Hindi ka tumutulong maglinis ng mesa."

Napayuko ako.

"T-Talaga?" nahihiya kong tanong. "Sorry, Aub. Hindi ko napapansin."

Umiling naman siya at saka ako niyakap. "Okay lang iyon. Napansin ko lang kasi na ang dami nang nagbago sa iyo," bulong niya. "We really missed you, Mads."

Napalapit na ako kay Aubrey mula noong naging parte kami ng iisang barkada. Sa aming lahat, siya iyong masasabi ko talaga na nanay ng grupo. Hindi ko alam kung may kinalaman do'n ang pagiging nanay niya talaga in real life.

"Ako na."

Napalunok ako nang lumapit sa amin si Denver, at nag-alok na palitan si Aubrey.

"Hinahanap ka ni Zoe," dagdag niya pa.

Agad na kumuha ng tuwalya si Aub at saka pinunasan ang kamay niya.

"Okay ka lang dito, Mads?" tanong niya. "Puwede ko namang pababain si Justin—"

Umiling ako. "Hindi na," pagtanggi ko. "Kaya ko na 'to."

"I'll help," prisinta naman ni Denver.

"Thank you, D," pasasalamat ni Aub, na niyakap pa kaming dalawa ni D bago tuluyang umalis at pumanik sa ikalawang palapag kung nasaan ang mga kwarto.

Nang makaalis na si Aubrey ay kami na lang ni Denver ang naiwan sa kusina at gaya ng sinabi niya ay tinulungan niya akong maghugas ng mga pinggan.

Maingat siya sa paghawak ng mga babasagin. Iyon bang sigurado kang hindi madudulas sa mga kamay niya kapag siya ang may hawak no'n.

"Marunong ka pala mag-urong?" mahina kong bulong habang pinapanood siya.

Tumawa naman siya. "I don't have maids. Kung hindi ako maghuhugas ng sarili kong pinagkainan, matatabunan ako ng hugasin," sagot niya. "You should know that. I used to wash the dishes all the time whenever you eat at my place."

Hindi ko alam iyon.

Madalas akong kumain noon sa condo niya, pero siguro ay inakala ko na lang na magic ang naghuhugas sa mga plato.

Tama nga si Aubrey. Noon ay wala talaga akong pakialam.

Pagkatapos kumain ay magse-cellphone lang ako at hindi ko pinoproblema kung sino ang maglilinis ng hapagkainan.

"Are you fighting with my brother?" biglang tanong ni Denver sa gitna ng paghuhugas namin.

"Ha?" tanong ko. "Bakit mo naman naisip 'yan?"

"We all overheard you. You're clearly avoiding him."

Ipinagdikit ko ang mga labi ko habang binabanlawan ang mga platong inaabot niya sa akin at tapos na niyang sabunan.

"Hindi naman," mahina kong sambit. "Gusto ko lang talagang maging present dito. Minsan na lang tayo makumpleto—"

"He waited three years for you, Mads," bulong ni Denver. Hindi siya humaharap sa akin at nananatili lang na nakatingin sa mga platong sinasabon niya. "He waited that long without entertaining anyone. He never so much as talked to another woman unless it's business-related. That's how down he is for you."

"Denver..." Huminto ako sa pagbabanlaw at humarap sa kaniya. "Why are you telling me this?"

Hindi siya kaagad na sumagot at tinapos lang na sabunin ang lahat ng mga natitira pang kutsara at tinidor.

Nang matapos siya ay kumuha rin siya ng tuwalya at saka nagpunas ng kamay.

"He deserves you," bulong niya bago ako iniwang mag-isa.

***

"Rise and shine!"

Boses ni Jolo ang pinakauna kong narinig nang imulat ko ang mga mata ko.

Kami lang ni Shakira ang magkasama sa kwarto dahil may kani-kanilang kwarto iyong mga couples.

Kahit na gawa sa kahoy ang buong bahay ay mayroon pa rin namang air-con ang bawat silid kaya nakatulog ako nang mahimbing.

Ewan ko ba.

Akala ko noon ay sobrang lamig sa Benguet. Hindi naman pala.

Epekto siguro ito ng climate change.

Inayos ko ang higaan ko at saka inaantok na nagtungo sa banyo para maghilamos.

Bagamat maraming silid ay tatlo lang ang banyo sa buong bahay. Isa sa baba. Isa sa taas. At isa sa labas, malapit sa pool area.

Naabutan ko si Denver na kalalabas lang sa banyo at mukhang bagong hilamos.

"Good morning," bati niya sa akin. Nakasuot lang siya ng gray na sando, kaya't kitang-kita ko ang mga braso niya na ngayon ay halos mapuno na ng tattoo gaya ng kay Axl.

"Good morning," pormal na tugon ko, bago dumiretso sa loob ng banyo nang hindi lumilingon pa sa kaniya.

Matapos mag-agahan ay nag-swimming lang ulit kaming lahat, pero sa pagkakataong ito ay ako na lang ang nagpunta sa jacuzzi, at si Denver naman ay umupo na lang sa tabi ng pool para bantayan si Josh.

Mag-isa lang akong nagmumuni-muni nang lumapit sa akin si Isko na nakangisi at mukhang may masamang binabalak.

"Ano?" tanong ko. Sigurado kasi akong may kung anong pang-aalaska na naman siyang gagawin.

"Si Denver iyong kinuwento mo sa amin, 'no?" tanong niya. "Iyong ex mo?"

Napairap na lang ako.

Minsan lang nila akong nalasing, ngunit ang minsan na iyon ay sobra kong pinagsisisihan hanggang ngayon.

Buong talambuhay ko yata ay naikuwento ko sa kanila. Pati na rin ang tungkol kanila Denver at Darwin.

"Iyong daks?" Tawa ni Isko.

Hinampas ko iyong tubig para tumalsik sa mukha niya, pero agad naman siyang gumanti at winisikan din ako.

"Buwisit ka! Hindi nga ako nagbabasa ng buhok, eh." Pikon na tawa ko.

"Hahaha. Umamin ka na kasi, Ate Mads. Siya iyon, 'di ba?" tanong niya habang hinaharangan ang mukha niya mula sa tubig na tinatalsik ko sa kaniya.

"Wala akong aaminin sa iyo!"

"Ayieee! Magka-comeback na 'yan!"

"Buwisit!"

"Mag-comeback na kayo, Ate, para ilibre niya kami sa concert nila sa Friday!"

"Ako na lang manglilibre sa iyo! Hindi namin kailangang mag-comeback."

"Sige na, Ate. Para VIP at may backstage pass!"

"Ang dami mong alam, Isko!"

Tumayo ako at umalis sa jacuzzi para hindi na niya mabasa ang buhok ko, ngunit sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko tiningnan ang tinatapakan ko at saka walang poise na nadulas sa sahig.

"Ate!" sigaw ni Isko.

Napapikit ako sa sakit nang tumama ang balakang ko sa sahig.

Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakaluhod na si Denver sa tabi ko at nakakunot ang noo.

"Ang clumsy mo talaga." Iling niya habang tinitingnan ang tagiliran ko.

Naglapitan lahat ng tao sa akin na para akong pasyente sa ospital. Maski si Zoe na wala namang kaalam-alam sa human anatomy ay tumitingin din sa baywang ko na tila ba alam niya ang nangyayari.

"Cold compress for 30 minutes every 6 hours. Bukas, warm compress naman," ani Bryan.

Oo nga pala at magdodoktor siya. He should know what to do.

"Is it safe to carry her?" tanong ni D.

"Maganda naman bagsak niya," sagot ni Bryan.

Tumango si Denver at saka akmang bubuhatin na ako nang pigilan ko siya.

"Huwag na!"

Napatingin siya sa akin.

"Ako na," prisinta ko.

Lumayo siya sa akin at hinintay ako na tumayo ngunit baka dahil sa pressure na lahat sila ay nakatingin sa akin, kaya muli akong nadulas at bumagsak sa puwet ko.

"Hehe." Tawa ko.

"Clumsy talaga," ulit niya, bago muling lumapit sa akin at sa pagkakataong ito ay tuluyan na akong binuhat bride-style.

Bago kami makapasok sa loob ay nakita ko pa si Isko na abot-tenga ang ngiti at nagchi-cheer.

"Comeback! Comeback! Comeback!"

Pinakyu ko siya at saka kumapit na lang kay Denver habang walang-hirap niya akong binuhat paakyat sa ikalawang palapag.

"Hey! What happened!" ani Shakira pagpasok namin sa kwarto.

"Lumabas ka muna, Tab," mahinang utos ni D bago niya ako inilapag sa kama.

"I'm no longer Tab, I'm—"

"Sabi ko, lumabas ka muna, Tabitha."

Mahina lang ang boses ni Denver ngunit bakas sa tono niya na hindi siya nakikipagbiruan.

Napairap na lang si Shakira at saka tumayo mula sa kama niya. "Fine!" aniya bago padabog na lumabas ng kwarto.

Isinara ni Denver ang mga kurtina bago muling humarap sa akin.

"Shakira na pangalan niya," bulong ko.

"Damned if I care," aniya. "Put something on. Kukuha akong cold compress."

Walang pasabi ay iniwan niya ako sa kwarto at saka bumaba sa kusina. Sinubukan kong tumayo para kumuha ng damit ngunit sa sobrang bagal kong kumilos ay nakabalik na siya bago pa man ako matapos magbihis.

Napailing na lang siya nang takpan ko ang sarili ko pagpasok niya sa kwarto, bitbit ang ice pack na kinuha niya mula sa baba.

"Alam ko, nakita mo na 'to lahat. Pero iba na ngayon, 'no," sumbat ko.

Kinuha niya ang t-shirt na hawak ko at saka iyon isinuot sa akin nang walang habas.

"Wala naman akong sinasabi, Mads."

Inabot niya sa akin ang cold compress at saka ako tinulungang pumuwesto sa higaan.

Maya-maya lang ay tumutunog na ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Darwin na tumatawag sa akin sa Skype.

Denver stared at me one more time — lingering.

"Kausapin mo, nag-aalala 'yan," bulong niya, bago ako muling iwan na mag-isa kasama ang cold compress na binigay niya.

***

Pagsapit ng tanghali ay magkasamang umakyat sa kwarto ko sina Pat at Ganj na may dalang tanghalian.

"How are you?" alalang tanong ni Pat.

"Okay lang. Kailangan ko lang ipahinga."

"Hmm. Gusto mo i-move na lang natin pagpunta sa Night Market?"

Habang kumakain ng hapunan kagabi ay napagplanuhan ng barkada na bumaba ngayon sa Harrison Road para makapunta sa Night Market. Marami kasing kainan doon tuwing gabi, at mura rin ang mga paninda.

Umiling ako. "Hindi na. Pumunta na kayo," sagot ko. "Baka ilang araw din silang magsara dahil sa bagyo. Pasalubungan niyo na lang ako ng corndog."

"Corndog?"

"Saka milktea."

Tumawa si Pat. "Haha. Okay. Basta, huwag ka nang magaslaw, ah? Dapat okay ka na in time for the wedding."

Tumango ako. "Yes, ma'am."

Hapon na nang umalis sila kasama ang lahat ng bagets, sakay ng Urvan nila Justin.

Naiwan ako sa kwarto kasama ang sandamakmak na pagkain na iniwan sa akin ni Aub.

Akala mo naman ay isang dekada silang mawawala, eh babalik din naman sila mamaya.

Walang TV sa kwarto namin ni Shakira pero bago sila umalis ay nagbitbit si Axl ng isang malaking smart TV na ipinatong niya sa isang maliit na mesa sa ibaba ng kama ko.

"Connected na sa Wi-Fi 'yan. May Netflix na rin. Account ni Brent 'yan."

"Wow. Thanks," bulong ko, sabay bukas ng Piattos at tutok ng remote sa TV.

Tumango lang si Axl sa akin.

"Oh, and—"

Bago siya lumabas ng kwarto ay nagbato siya sa akin ng anim na pakete ng condom.

"Hoy! Ano 'to?!" sigaw ko.

Pero nakalabas na siya ng kwarto at sinara na ang pinto.

"Protection!" sigaw niya, bago tuluyang umalis.

Ano namang gagawin ko sa condom, eh mag-isa lang naman ako rito?

Tinitigan ko iyong chocolate-flavoured na Trust na binigay niya.

Hindi pa ako nakaka-try ng chocolate.

Lasang chocolate kaya kung titikman ko?

Itinabi ko na lang iyon sa gilid ko at saka namili ng panonoorin sa Netflix.

Ilang minuto rin akong nag-scroll pero nauwi ako sa Twilight.

Ewan ko ba. Comfort film ko na yata ito.

Sa sobrang dalas ko ngang napanood itong buong Twilight Series ay kabisado ko na ang bawat linya nila from start to finish.

Nasa kalagitnaan na ako ng New Moon nang maisipan kong kumuha ng isang pakete ng Trust at buksan. Hindi kasi ako mapakali hanggat hindi nasasagot ang tanong sa isip ko.

Lasa ba talagang chocolate?

Pinunit ko iyon at napangiwi nang maramdaman ang may pagkamalagkit na lubricant na tumulo sa damit ko.

Gaano ba ako kaburyong at pati condom ay pinagdidiskitahan ko?

Pinause ko iyong palabas at saka maingat na lumabas ng kwarto para tumungo sa CR.

Tinapon ko 'yong condom at saka nilinis ang sarili ko.

Kainis.

Nakalimutan kong tikman.

Pagkalabas ng banyo ay napamura na lang ako nang makita si Denver na kakaakyat lang mula sa baba at karga-karga si Julia.

"Why are you not in your room?" utas niya. "Dapat magpahinga ka, 'di ba?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Why are you not in Baguio? Dapat kasama ka, 'di ba?"

Inayos niya ang buhat kay Julia at saka ako nilagpasan. "I'm looking after Julia."

"At kailan ka pa nahilig sa bata?" tanong ko. "Never ka namang nagbantay ng mga kids noon."

"I have always looked after Jolo's kids, Mads."

"Okay," sagot ko. "Sabi mo, eh."

Pumasok siya sa kwarto nila kaya't pumasok na rin ako sa kwarto ko at pinatuloy ang panonood ng New Moon.

Kami lang ang mga tao sa buong second floor kaya rinig na rinig ko ang pinapanood nilang palabas.

Bubble Guppies.

Hininaan ko ang sounds ng pinapanood ko dahil kabisado ko na naman ang dialogue nila at hindi ko na kailangang marinig.

Naririnig ko si Denver na nagbe-baby talk at nakikipaglaro kay Julia.

I have always told him that I don't want kids.

Every chance I get, palagi kong sinasabi sa kaniya na ayaw kong magkaanak at hindi para sa akin ang maging isang ina.

Ngayon ko lang napagtanto na ni minsan ay hindi ko siya tinanong kung anong gusto niya.

Gusto niya ba ng anak?

Babae o lalaki?

Ilan?

Bakit hindi ko siya tinanong?

Natapos ko na ang Breaking Dawn Part I nang kumatok sa kwarto ko iyong caretaker at hinatiran ako ng hapunan.

"Naku, Ate. Nakakahiya naman," bulong ko, bago kinuha ang bitbit niyang tray na may lamang isang platong kanin at isang mangkok na sinigang.

"Ay. Ibinilin po kayo sa amin ni Sir Rio, ma'am."

Nagpasalamat na lang ako sa kaniya at saka tinanggap iyong pagkain bago nagpatuloy sa panonood ng Breaking Dawn.

Alas-nuwebe nang magsimulang pumatak ang malakas na ulan. Kinandado ko ang mga bintana at saka nagsapaw ng jacket dahil nagsisimula ko nang maramdaman ang lamig.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako at nang magising ako sa tunog ng iyak ni Julia ay alas-dos na ng madaling-araw.

Sobrang dilim sa loob ng kwarto at nakapatay rin ang TV, pati na rin ang air-con at electric fan.

Ilang segundo rin akong natulala bago ko napagtanto na brownout pala.

Walang tigil sa pag-iyak si Julia. Sigurado naman akong kasama niya si Denver kaya't hindi ko alam kung bakit hindi pa rin siya tumatahan.

Bumangon ako mula sa kama at gamit ang flashlight ng cellphone ko ay lumabas ako ng kwarto at naglakad patungo sa silid nila Denver.

Mas lalong lumakas ang pagtangis ni Julia.

Imposibleng hindi siya naririnig ni Denver kaya't napagpasyahan ko nang kumatok.

"H-Hello?" bulong ko. "Denver?"

May narinig akong nabasag sa loob ng kwarto pero hindi pa rin sumasagot si Denver sa kabila ng palakas na palakas pa na pag-iyak ni Julia.

"Denver? Ayos ka lang—"

Nakarinig na naman ako ng isa pang pagbasag kaya kahit hindi pa sumasagot si Denver ay binuksan ko na ang pinto at saka pumasok sa loob ng kwarto.

Tinapat ko sa harapan ko ang flashlight ng cellphone ko, at agad na nakita si Denver na nakatayong buhat si Julia at akmang nagtitimpla ng gatas.

"Denver—"

Saka ko lang napansin ang labis na paninigas at bahagyang panginginig ng kaliwang kamay niya.

"I'm trying, Mads..." malalim na bulong niya.

"Anong nangyari?" alala kong tanong bago madaling lumapit upang kuhanin si Julia mula sa kaniya. Sinipa ko rin papunta sa ilalim ng kama ang mga butil ng bubog mula sa mga nabasag na bote.

"It's my goddamned hand. It won't fucking..." Huminto si Denver sa pagsasalita at saka gigil na ikinuyom ang mga palad. "Damn it!"

Inalo ko si Julia kahit na wala naman akong alam sa pagpapatahan ng mga bata.

"Madaling-araw na, ah? Wala pa ba sila Jolo?" tanong ko.

Sinuri ko ng tingin ang buong kwarto at liban kay Denver ay wala nang iba pang tao ro'n.

"They got stranded. The rain's too heavy and they closed the main roads because of landslide warnings."

"H-Ha?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Paano 'yan? Kailan sila makakabalik? Si Julia—"

"I can take care of her. Her milk, her diapers, all her feeding bottles are here. If only my goddamned hands would cooperate."

Bumalik ang tingin ko sa kamay niya.

"Ano ba kasing nangyari? Nangunguryente ba?"

Umiling siya at saka huminga nang malalim.

"It's usually not this bad, but it's fucking cold and I forgot to take my pills. I'm supposed to take one every night. Nami always reminded me when it's time to take them but she's not here with me, so—"

"Pills?"

Binasa niya ang labi niya at hindi na sinagot ang tanong ko.

"Can you... make Julia's milk?" mahina niyang tanong.

As if I have a choice.

Buhat si Julia ay nagtimpla ako ng gatas niya habang si Denver naman ay ibinubulong lang sa akin kung ano ang dapat gawin.

"Now, shake it," he said with a smile once I secured the lid on the bottle.

I rolled my eyes and started shaking the bottle the same way I would an alcohol mix.

Even from the dark, I could see Denver's sly smile as he watched me in my element.

"Galing, ah," biro niya.

"Ewan ko sa iyo." Irap ko.

Matapos timplahin iyong gatas ay dumiretso na ako sa kama at saka inilapag doon si Julia na halos hindi na makahinga sa labis na pag-iyak.

"Ssshhh," bulong ko sa kaniya. "Huwag na cry, baby. Lagot kami sa daddy mo," suyo ko. "Drink na ikaw milk. Sarap 'to. Tita Mads nagtimpla nito. Sige na. Drink ikaw."

Umupo si Denver sa kabilang kama at may kung anong isinuot sa kamay niya.

"Ano 'yan?" tanong ko.

Tinapos niya ang pagkabit no'n bago muling humarap sa akin. "Wrist brace."

"Wrist brace? Para saan ba kasi 'yan?"

Gamit ang natitira niyang kamay ay nakita ko siyang kumuha ng dalawang tableta ng Alaxan FR na magkasabay niyang nilagok.

"Carpal tunnel."

"Carpal tunnel syndrome?"

Tumango siya.

"Hindi ba, may ganiyan din si Tito Delfin?"

"Yeah. It's probably genetic or maybe I just play a lot more than I used to."

"Okay ka lang ba? Hindi ba masakit?"

Tumawa siya. "It hurts like hell, Mads. Every... vein... hurts with just a small move of my finger."

"Eh, paano ka tumutugtog kapag inaatake ka?"

"Like I said... I'm already taking medication. It doesn't hurt as much on regular days. The pain's mostly bearable. I'm just having a rough night now."

Sa kabila ng malamig na panahon ay kitang-kita ko ang namumuong pawis sa noo niya, senyales na nasasaktan siya kahit sinusubukan niya iyong itago sa akin.

"Mababawasan ba ang sakit kung hihilutin ko?" tanong ko.

Patuloy pa rin ako sa pagpapainom ng gatas kay Julia nang magtama ang mga mata namin.

"I wish, but no," sagot ni Denver. "I just need to relax it for a while."

Hindi ko maiwasang matawa sa sitwasyon namin.

Naiwan ako rito dahil kailangan kong ipahinga ang balakang ko, samantalang siya naman ay kailangang ipahinga ang kamay niya.

"What's so funny?" nakangiti ring usisa niya.

"Haha. Wala lang," tugon ko. "Pareho kasi tayong injured, tapos tayo pa ang naiwan dito para magbantay kay Julia."

"She's already asleep," tila wala sa wisyo na komento niya.

"H-Ha?"

"She's already asleep, Mads. Look at her."

I did.

"You got her to fall asleep. Wow."

Gaya ng sinabi niya ay tulog na nga si Julia at mukhang hapong-hapo.

Hindi niya naubos iyong tinimpla kong gatas, pero proud ako sa sarili ko dahil napatulog ko siya.

"You should take a photo," suhestiyon ni Denver.

"Photo?"

"Oo. Ikaw at si Julia. Send mo sa GC kapag bumalik na iyong kuryente at may Wi-Fi na."

Ngumiti ako at saka dali-daling binuksan ang camera ng cellphone ko, pero imbes na kami lang ni Julia ay napili kong isama na rin siya sa picture.

"D, smile!" utos ko.

Umiling siya at saka maingat na inangat ang kamay niyang naka-wrist brace para idahilan na may injury siya.

"Dali na! Ang KJ naman nito. Picture lang, eh!" pagpupumilit ko.

Wala nang nagawa si Denver kung hindi humarap sa camera ko at saka ngumiti.

Madilim pero may flash naman ang front cam ko kaya't maayos pa rin ang nakuha nitong litrato.

"Mukha kang adik." Tawa ko bago iniharap sa kaniya iyong picture namin sa cellphone ko.

Tiningnan niya iyon na may malungkot na ngiti sa mga labi.

"You wanna know what I think?"

"Haha. Ano?" inosente kong tanong.

Binasa niya ang labi niya at saka kinuha ang dede ni Julia mula sa kamay ko.

"When you told me before that you were pregnant with our kid... That you and I are gonna have a baby..."

Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin sa dilim.

"I secretly prayed it was true."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top