53: Hey, Soul Sister
M A D E L I N E
Darwin wouldn't look at me.
I'm sure he could see me standing next to Denver. He's not blind!
But he showed no acknowledgment of my presence.
He didn't greet me.
He didn't talk to me.
He acted as if I wasn't there.
Bigla na lang ay parang ibinalik ako sa araw na huli ko siyang nakita. The morning after he and I were first — and last — intimate.
Hindi niya rin ako pinapansin noon dahil sa nagawa ko, at naiintindihan ko naman na kasalanan ko iyon.
Pero tatlong taon na ang lumipas.
Masama pa rin ba ang loob niya sa akin?
All of a sudden, everyone was looking for Nami and Denver was no longer by my side.
But before I got the chance to speak, Darwin already excused himself and left me with Belle.
I could feel my lips trembling.
Belle linked her arm with mine and leaned her head against my shoulder. "Do you know that when Kyle and I broke up... he didn't cry?" she whispered.
I don't know why she's suddenly telling me this, but I shook my head.
"We were together for a long time, but I don't find offense in the fact that he didn't cry for me," Belle said. "We ended our relationship in excellent terms. Nirespeto namin ang isa't-isa. Hindi kami nagkasakitan. Hindi nagbatuhan ng matatalim na salita. Kinabukasan, magkaibigan pa rin kami, at pareho pa rin kaming pumasok sa trabaho,"
Humarap siya sa akin at saka malungkot na ngumiti. "Mads... umiyak siya sa iyo."
Umawang ang bibig ko. "Belle..."
"He was hurt," she went on. "He didn't tell me what happened, but he was hurt. And for him to finally have the strength to walk away from you. I knew it must have been something bad."
She's right.
It was.
And it was all my fault.
"I'm s-sorry, Belle..." I whispered, but she just shook her head at me.
"Talk to him. Kayo ang dapat may pag-usapan."
Umiling ako. "I think it's better if I just... leave. Tahimik na naman ang buhay namin pareho. Ikakasal na kayo—"
"We're not back together. Gosh!" natatawang bulalas niya.
Natigilan ako. "You're... not?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"That guy's been single for four years. Nakakaloka! Inaasar ko nga minsan na hindi na niya ako napalitan."
"Akala ko ba... engaged na kayo?"
She lifted her left hand and showed me her wedding ring. "Still Felix's gorjas wifey." Ngiti niya.
Hindi ko alam ang sasabihin. Buong akala ko ay totoong nagkabalikan sila. Hindi naman imposibleng mangyari iyon dahil sa tagal ng pinagsamahan nilang dalawa.
"I'm sorry, Mads. I was just testing you. I wanted to see for myself if you still have feelings for him. Ang tagal ko na rin kasing walang balita sa iyo," aniya.
Para akong maiiyak. "Gaga ka," mahinang bulong ko bago siya niyakap.
"Go on. Talk to him. His flight home's in a few hours."
"Nasaan ba siya?" tanong ko bago sinuri ng tingin ang buong convention hall.
"Probably on his way back to his suite. He has a room on the 14th floor," ani Belle. "Go!"
"Belle—"
"Go!"
I smiled at her gratefully before quickly pulling her for a hug. "Thank you," I whispered before letting go and swiftly walking away.
"Oh, Mads!" she called out one last time.
I turned around and faced her.
"If you hurt him... again... I promise won't talk talk to you any longer."
I bit my lip and nodded. I deserved that.
"Thanks, Belle."
***
The silence between us is deafening. It just dawned on me that I can't talk to him now the same way I used to.
Sa totoo lang ay natatakot akong kausapin siya.
Natatakot akong may masabi na makakapanakit ulit sa kaniya.
"Have you had dinner?" mahina niyang tanong.
Umiling ako.
"I'll order room service," bulong niya.
Tumalikod siya sa akin at saka naglakad papunta sa desk kung saan nakalagay ang menu at pati na rin ang telepono.
Kumpara sa suite namin nina Rio at Fannie ay mas malaki itong kay Darwin.
Mayroon itong kitchenette, malawak na balcony, at siguro ay nasa tatlong silid kahit na mag-isa lang naman siya.
Isang minuto rin siyang nakipag-usap sa telepono bago muling humarap sa akin.
"How are you?" tanong niya.
Isa-isa niyang tinanggal ang butones ng suot niyang tuxedo habang nakaharap pa rin sa akin.
"I'm g-good," matipid kong sagot. "I'm good. Ikaw?"
Tuluyan na niyang natanggal ang tuxedo niya na siyang ipinatong niya sa sandalan ng isang upuan.
Ngayon ay nakasuot na lang siya ng puting long-sleeved polo, at itim na slacks.
Hindi niya sinagot ang tanong ko at sa halip ay muli akong inusisa. "Are you having fun at work?" tanong niya.
Hindi ko alam kung paano niya nalaman, pero siguro ay nakuwento sa kaniya ni Denver ang tungkol sa pagmomodelo ko.
"Uhm." Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Okay lang naman. Nakapasok ako sa modelling agency. Next week, may shoot ako sa—"
"I know you work for Rio, Mads."
Natigilan ako.
"K-Kilala mo si Rio?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Nagkibitbalikat siya. "He's an active investor. We invited him and Tiffany tonight."
I couldn't make sense of what he's saying.
Ibig sabihin... hindi lang coincidence na nandito kami sa mismong hotel kung saan ginanap ang gala?
Alam nina Rio at Fannie na nandito si Darwin, pero hindi nila sinabi sa akin?
Kaya naman pala kanina ay dire-diretso lang si Rio na pumasok sa convention hall kahit na sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang kakilala ro'n.
"So... are you having fun at work?" ulit ni Darwin.
Umupo siya sa sofa at saka kapansin-pansing nagtira ng malaking espasyo sa gilid niya upang doon ako paupuin.
Dahan-dahan akong tumabi sa kaniya, ngunit siniguro ko na nasa magkabilang dulo kami ng sofa at hindi magkadikit.
"Oo," sagot ko. "Masaya. Sobra."
Tumango siya nang dalawang beses at saka matipid na ngumiti. "That's good to hear."
He leaned on his back and put one arm on the side of the sofa, before stretching his legs and closing his eyes.
"My flight's at five. I'm leaving in three hours."
Taimtim ko siyang tinitigan.
He's 32 now.
I suddenly remembered the magazine article I saw months ago that featured him.
Manila's Hottest Bachelor
They showed his net worth. His pad. And they even interviewed him about his type in women.
Smart and passionate with a soft heart for kids.
Iyon ang sagot niya ro'n sa article.
Hindi ako smart sa universe na 'to.
Passionate ako, pero hindi sa paraang tinutukoy niya.
Soft heart for kids?
Wala rin ako no'n.
Ni hindi ko nga gustong magkaanak.
So, how did he end up liking me before when I wasn't even his type?
Binasa ko ang labi ko. "Sa Australia ka na talaga nakatira?" tanong ko. "Doon ka na nagtatrabaho?"
Nakapikit pa rin ang mga mata niya nang tumango siya. "Mostly, yes. But I fly back and forth almost every month when the business calls for it."
"Nagkikita kayo ni Tita Claire?" usisa ko.
Tumango ulit siya. "We pretty much live in the same neighborhood. We see each other almost everyday. Depende sa sched niya kasi on-call siya."
Gano'n din ang kuwento sa akin ni Tita. Nakatira lang siya isang block mula sa ospital dahil siya ang Chief ng Neuro, at palaging naka-on-call duty. Pero hindi niya nabanggit sa akin na doon na rin nakatira si Darwin.
"Mabuti naman kung gano'n," sagot ko.
Malaki ang pasasalamat ko kay Tita Claire. Sa lahat ng bagay ay nakasuporta lang siya sa akin at ni minsan ay hindi ako hinusgahan. Although there were times when she would express her disapproval whenever I make irrational decisions. Gaya na lang noong sinabi ko sa kaniya na gusto kong magpa-tattoo ng isang buong dragon sa buong braso ko.
"Mads... you already have a strong personality and a very loud voice. You don't need a tattoo that big to show who you really are. Everyone around you can already see you. Okay na siguro 'yong maliit lang."
Napangiti ako nang maalala ang usapan namin na iyon.
"Did Patrick tell you he visited her last year?" mahinang tanong ni Darwin na idinilat na ang mga mata at humarap sa akin. "Silang dalawa ni Nami."
Umiling ako. "Hindi na naman kami nakakapag-usap. Nabasa ko sa group chat na nagbakasyon sila ni Nami, pero hindi na ako nakapag-backread kasi ang dami palagi ng pinag-uusapan—"
"Why are you avoiding everyone, Mads?" biglang usisa niya. "Even your friends don't know what you're up to. Why are you distancing yourself from them?"
Nanlaki ang mga mata ko. "I'm... not," depensa ko. "Gusto ko lang talaga iyong trabaho ko. Masaya ako sa ginagawa ko—"
"Then why are you keeping it a secret?" tanong niya. "Why are you telling everyone that you model?"
"Darwin..."
Hindi ko alam ang isasagot.
"People can't ruin what they have no idea exists..." bulong niya. "Is that why?"
Umiling ako. "Hindi," sagot ko. "Hindi ba puwedeng hindi ko talaga alam? Balak ko naman talagang sabihin sa kanila, eh. Kaso tumagal nang tumagal, hanggang sa masyado nang huli para aminin ko pa."
"You can't keep living a lie, Mads. The truth always comes out in the end. One way or another," aniya, kasabay ng mahinang pagkatok sa pinto.
Nakahinga ako nang maluwag nang maistorbo ang usapan namin. Pakiramdam ko kasi ay pinagpapawisan na ako sa panggigisa niya.
Tumayo siya mula sa sofa at saka pinapasok iyong room service.
Dalawa lang naman kami pero para siyang um-order para sa buong hotel.
Isang buong sobre ng pera ang binigay na tip ni Darwin sa babae. Pagkalabas nito ay saka lang ako nagsalita, "Bakit ang dami naman ng in-order mo?" tanong ko. "Mauubos ba natin 'to?"
"I only ordered four plates and dessert," sagot niya. "Complimentary meal iyong iba."
Para akong maiiyak. Simula nang magtrabaho ako ay natuto na akong magpahalaga sa pagkain. Ayaw na ayaw ko nang may nasasayang at natitira.
"Hindi natin mauubos 'to. Puwede kayang ipabalot na lang natin iyong iba?" tanong ko.
His eyebrows furrowed for the slightest of seconds, before he nodded his head. "Just eat what you can," aniya. "We'll find something to do with the leftovers."
Binasa ko ang labi ko at saka humarap sa mga pagkain. "Okay..."
Sa loob ng ilang minuto ay tahimik lang kaming kumain na dalawa.
Binuksan niya iyong TV kaya't habang lumalamon ay nanonood din kami ng pelikula.
"There is something I have been meaning to tell you since we first met," bigla niyang sambit sa gitna ng pagkain.
"Ano?"
Lumunok siya. "It's just like you said. Gusto ko ring sabihin sa iyo, pero tumagal nang tumagal hanggang sa masyado nang huli para aminin ko pa."
"Ano ba iyon?" tanong ko.
Kumuha siya ng napkin at saka pinunasan ang labi niya bago ipinagkrus ang tinidor at kutsilyo sa ibabaw ng plato niya, senyales na tapos na siyang kumain.
"Remember when I told you that I had someone look into you, before you even started going out with Patrick?"
Tumango ako.
"We found out he was courting you, so we had someone run a quick investigation. We did the same thing to all the other girls he showed interest to. But they found out something about you I have been wanting to tell you for ages."
Parang nanlalamig ang sikmura ko.
"Ano ba kasi iyon?" kabadong tanong ko.
Sinuri ng tingin ni Darwin ang mukha ko. Tila ba inaaral kung nasa tamang disposisyon na ako para sa susunod niyang sasabihin.
"You were... adopted," maingat na pahayag niya. "You are not your parents' child, and the one you call your father is really your uncle."
Hindi ako makapagsalita.
Sobrang layo ng sagot ni Darwin sa sagot na inaasahan ko.
Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang bilis na pagkabog ng puso ko.
"Your actual father is Timoteo Monteclaro. He is serving jail time for rape and two counts of murder. He is the younger brother of the man you grew up thinking was your dad," Darwin said. "I didn't know how to tell you that your real father is a convicted criminal. I didn't know how you'd take it so I took my time. And in the end, I was just too scared to upset you, I ended up keeping it from you."
It took me a moment to take everything in.
Kaya pala labis ang galit sa akin ni Mama, at kaya tila walang pakialam sa akin si Papa.
Hindi nila ako anak.
Pabigat lang ako sa kanila.
Anak ng kriminal.
Anak ng rapist.
Anak ng mamamatay-tao.
"Your real mother is a kind woman. Kinasal siya sa ibang lalaki noong 2002, at ngayon ay may mga anak na sila."
Hindi pa rin ako nagsasalita at patuloy lang sa pakikinig sa kaniya.
"Nami... is one of them."
Parang nalaglag ang puso ko sa narinig.
Umiling ako.
Imposible.
"Darwin—"
"Nami is your half-sister."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top