51: A Thousand Days and Nights

M A D E L I N E

Three years have passed.

We all graduated.

Brent and Ganj got married.

Jolo and Sasha have a charming baby boy.

Pat and Axl were blessed with a daughter.

Justin and Aubrey are about to welcome baby number two.

And Denver's band is now slowly gaining recognition locally.

Three years have passed, and everything is working out for everyone.

Everyone except me.

"Bakla! Magpakita ka naman sa amin!" sigaw ni Pat sa phone. "Nakakalimutan ko na itsura mo!"

"Gaga!" Tawa ko. "Nagkita naman tayo last month, ah?"

"Tsk! Oo nga, pero one hour lang iyon dahil sabi mo may go-see ka!" reklamo niya.

Tumawa lang ako. "Next week, uuwi ako ng Manila. Dinner tayo nila Ganj."

Narinig ko ang mahinang buntonghininga niya.

"Tayong tatlo lang ulit?" tanong niya. "Mads, gusto ka rin naman makita ng buong barkada."

Ngumiti lang ako. "I'll find time," sagot ko. "Sige na, mamsh. Kailangan ko pang mag-ayos, magpapakuha ako ng beauty headshot, eh. Kumusta mo ako kay Axl at pati na rin kay Pristine!"

"Hay, nako! Hindi ka na kilala ng inaanak mo. Basta promise, next week, magpapakita ka, ha?" nagtatampong aniya. "Bye, mamsh!"

"Bye, Pat," muling paalam ko bago tuluyang tinapos iyong tawag.

I let out a sigh and put my phone back in my pocket.

Ang alam nilang lahat ay nagmomodelo ako. Iyon ang sinabi ko sa kanila kung bakit kailangan kong bumiyahe nang bumiyahe. Pero ang totoo ay nagtatrabaho ako bilang lifeguard sa resort na pag-aari ng fiancé ni Fannie.

Akalain mo 'yon?

Ako?

Lifeguard?

Minsan nga ay natatawa ako kapag sinasampal ako ng realidad. Ni minsan ay hindi ko inakala na ganito ang magiging buhay ko pagkatapos kong grumaduate ng college.

Nagbakasyon lang naman ako rito isang beses dahil inimbita kaming lahat ni Fannie, pero no'ng sinagip ko 'yong nalulunod na bata sa pool ay bigla na lang akong inalok ng mapapangasawa niya na magtrabaho bilang lifeguard.

Akala ko nga, joketime lang.

Ano bang malay ko sa pagiging lifeguard bukod sa marunong akong lumangoy at mag-CPR?

Minimum lang ang suweldo. Mababa pa ang provincial rate kaysa sa sahod sa Maynila.

Hindi ko naman dapat tatanggapin.

Hello, gumraduate ako sa Dawson University at nag-Cum Laude pa. Aalukin nila ako ng minimum wage?

Pero... masaya, eh.

Malayo.

Malaya.

Libre ang pagkain at accommodation, at wala rin akong ibang binubuhay kaya sapat na sapat lang sa akin ang ano mang kinikita ko.

At least, hindi na ako umaasa pa sa mga magulang ko — lalo na kay Mama na matagal na akong itinakwil.

Hindi ko inasahan na tatagal ako sa trabaho ko. Hindi ko rin inasahan na magsisinungaling ako sa mga kaibigan ko.

Pero masyado na silang mataas para sa akin.

Masyado nang matagumpay.

Hindi ko na sila kalebel, at kahit siguro bigyan ako ng isang milyon para bumalik sa dati kong buhay... hindi ko pa rin gagawin.

Kuntento na ako sa buhay ko ngayon.

"Ate Mads!" Narinig ko ang matinis na boses ni Tiffany. "Tara, let's eat na!" aya niya.

Sobrang bait ng lahat ng mga tao sa resort. Iyon din ang dahilan kung bakit nagpaiwan dito si Fannie no'ng minsang nagbakasyon sila rito ni Jolo.

Good for her.

Kung hindi niya ginawa iyon ay hindi niya makikilala si Rio — ang fiancé niya na siya ring may-ari ng resort.

Tumakbo ako papunta sa likod kung saan kami palaging kumakain nang magkakasama. Nando'n na sina Ate Bing at Ate Beth na mga maintenance staff, si Kuya Loy na guard tuwing umaga, at sina Isko, Kuya Manny, at Kuya Ping na nagtatrabaho naman sa kitchen.

"Ate Mads, tinabihan kita ng siomai!" ani Isko. Saka lang sila nagsimulang kumain nang nakaupo na rin ako sa mesa.

"Ate ka nang ate sa akin, isang linggo lang naman ang tanda ko sa iyo!" Tawa ko, bago nakakamay na binalatan iyong ginisang hipon.

"Sign of respect, of course!" aniya gamit ang peke niyang British accent. Parati kasi nilang ipinagmamalaki na British raw ang tatay nito. At base sa pagka-mestiso niya ay hindi na rin ako kumontra pa.

Minsan, may mga pagkakataon na naaalala ko si Jolo sa kaniya.

"Fannie," tawag ko kay Fannie na nakaupo lang sa harap ko at kumakain ng tilapia. "Uuwi pala ako next week. Two days lang siguro."

Mabilis siyang tumango. "Me, too! Pati si Rio! Uuwi kasi sina Mommy and Ate Tab! Let's drive together na lang."

Napahinto ako sa pagkain. "Uuwi si Tab?" tanong ko. "Legit ba?"

"Yeah," ani Fannie na hanggang ngayon ay napakainosente pa rin at walang muwang sa kabila ng lahat ng kademonyohan ng kakambal niya. "I need their help kasi to prepare for the wedding."

"Bakit hindi na lang sila ang pumunta rito?" nagtatakang tanong ko. "Bakit luluwas ka pa ro'n?"

"The rest of our family kasi is in Manila, 'di ba?" sagot naman ni Fannie. "Ate Pat, Kuya Prince, Tita Miriam..."

Tumango-tango ako. "Sige, sasabay na lang ako sa inyo. Para makamura man lang ng pamasahe."

"Okay. We'll leave on Friday sa hapon para hindi traffic much," sagot niya.

Nakatingin lang sa kaniya si Rio at nakangiti. Ilang buwan na silang nagpaplano ng kasal, pero hanggang ngayon ay mukhang patay na patay pa rin siya kay Tiffany.

Hindi ko naman kasi itatanggi na talagang napakaganda niya.

Maski nga si Jolo ay nahulog sa kaniya noon.

Gaya ng napagkasunduan namin ay umalis kami ng Biyernes ng gabi.

Syempre, bilang pambansang thirdwheel ay mag-isa akong nakaupo sa likuran habang si Fannie naman ang nasa passenger seat at si Rio ang nagmamaneho.

Alam ni Fannie ang tungkol sa pagsisinungaling ko sa barkada, kaya nagpapasalamat ako dahil ni minsan ay hindi niya ako nilaglag. Liban sa kaniya ay si Tita Claire lang ang nakakaalam kung nasaan talaga ako. Para na siyang pangalawa kong ina. Minsan nga ay naiisip ko na mas nagpakananay pa siya sa akin kaysa kay Mama.

Aaminin ko rin naman kanila Pat ang totoo, pero siguro ay hindi muna ngayon.

Mabilis lang ang naging byahe namin, at wala pang alas-otso ay nakarating na kami sa hotel.

Mayroong dalawang kama sa loob ng kwarto, pero habang nasa CR si Rio ay sa akin piniling tumabi si Fannie.

"Okay lang." Tulak ko sa kaniya. "Tabi na kayo ro'n."

"Haha. No!" Tawa niya, bago nagsumiksik sa ilalim ng kumot ko at naglambing. "We haven't slept in the same bed before."

"Echosera ka," biro ko. "Huwag kang pretender!"

Napalapit na ako kay Fannie sa tagal naming magkasamang dalawa. Minsan nga ay naiisip ko na mas malapit na ako sa kaniya kaysa kanila Pat at Ganj.

"Haha. Really! I told you we're waiting, 'di ba?"

Inirapan ko siya. "Matutulog lang naman nang magkatabi! Ano namang masama ro'n? Natutulog din naman kayo nang magkatabi ni Jolo noon," paalala ko.

"Ssshhh!" suway niya sa akin. "Move on na! That's years ago!"

"Coming from you na hanggang ngayon ay inaasar ako kay Denver?"

"Ugh!" Tumawa siya. "Kasi naman, why did you let him go, eh. You were so perfect for each other. He's hotter na rin now."

"Kitams? Ikaw 'tong hindi maka-move on, eh!"

"Haha! Fine, fine!" Nakatawa niyang sagot. "I'll stop mentioning Kuya D, if you stop mentioning Jolo. Deal?"

Tinaasan niya ako ng isang kilay at saka naglahad ng isang kamay para makipagkasundo.

"Deal," sagot ko.

Masaya na si Jolo sa pamilya niya, at kita ko rin naman kay Fannie na masaya na rin siya kay Rio.

Masaya na silang lahat.

Wala nang maidudulot pang maganda kung patuloy kong ibabalik ang nakaraan nila, kahit pa katuwaan lang.

Lumabas na si Rio mula sa banyo at saka nag-aya na kumain muna kami ng dinner sa baba. Sandaling nag-ayos si Fannie, samantalang nagtali lang ako ng buhok at hindi na nagbihis pa ng damit.

"Libre mo, Rio, ah!" asar ko. "Ang baba ng pinapasahod niyo sa akin. Wala akong pangbayad sa pagkain."

"Nakaapat na increase ka na nga, eh," aniya. "Nalulugi kami sa iyo, wala pa namang nalunod mula no'ng dumating ka."

Totoo naman iyon.

Binabayaran nila ako para tumambay sa beach at manood ng mga bisitang lumalangoy sa dagat.

Lagpas triple na rin ng minimum wage ang sinasahod ko kada araw. Pero totoo pala na kapag ikaw na ang kumikita para sa sarili mong pera ay mas lalo mong makikita ang halaga nito.

"Kahit na. May-ari ka ng resort, eh," pagpupumilit ko. "May resort ba ako? Hindi ba, wala? Ikaw manglibre."

Natatawa na lang siyang umiling. Palagi niya naman kaming nililibre, kaya alam ko na kahit hindi niya sabihin ay sagot niya talaga ang dinner namin ngayon. Masarap lang talagang mang-asar minsan.

"Mads?"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang isang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.

"Mads!"

Paglingon ko sa kaliwa ay nakita ko si Ganj na tumatakbo palapit sa akin.

Sobra siyang nag-bloom mula nang makasal sila ni Brent. Mahaba na ang buhok niya na umaabot hanggang baywang, at pansin kong lumaki rin nang kaunti ang boobs niya.

"Akala ko nasa Davao ka pa! Why didn't you tell us you were—" Nagawi ang tingin niya sa kanan ko kung saan nakatayo si Fannie, kasama si Rio. "Fannie?" kunot ang noong tanong niya. "Magkasama kayo?"

"Uhm—"

"Pupunta rin kayong gala?" tanong ni Brent na sa sobrang tagal ko nang hindi nakita ay halos hindi ko na rin namukhaan.

Lumapit siya sa akin at hinagkan ako sa pisngi, bago lumapit kanila Fannie at Rio para batiin din sila.

"Gala?" tanong ko.

Tumango si Brent. "Event ng Romero. Sa convention hall," aniya. "You should come, Mads. Everyone is there."

Napalunok ako. "Everyone?"

"Yes. Pat and Axl. Justin and Aub. Jolo and Sash. You know, the old folks."

Kung makapagsabi siya ng the old folks ay para bang hindi ko alam kung sino ang mga parte ng barkada.

"Ibig kong sabihin... si... ano... sabi mo kasi, Romero—"

"Matagal nang umalis ng Pinas si Darwin, mamsh," saad naman ni Ganja. "Hindi ako sure, pero nag-migrate na yata siya."

Bahagyang nalaglag ang panga ko. "Ah, gano'n ba?" Pilit kong ngiti. "Wala na kasi akong balita sa kaniya, eh."

Patampo siyang umirap. "Hindi lang sa kaniya, 'no. Maski sa buong barkada." Ikinapit niya ang braso sa akin bago ako mahinang hinatak sa direksyon ng convention hall. "Kaya halika na ro'n. Kasama nila Pat si Pristine. Ang laki na rin ni Zoe."

"Uhm. Kakain kaming dinner nila Fannie, eh!" palusot ko. "Fannie—"

Mga traydor.

Akala ko, magdi-dinner kami. Pero nauuna pa sila ni Rio na maglakad papunta sa convention hall, kasama si Brent.

Wala na akong nagawa kung hindi sumama na lang din. Makakaisip naman siguro ako ng palusot kung bakit kami magkasama ni Fannie ngayon.

Malay ko ba kasi sa gala na 'yan.

"Uhm. Ayos lang ba 'tong suot ko?" tanong ko. Naka-formal attire kasi silang dalawa ni Brent, samantalang ako naman ay nakasuot lang ng puting beach dress.

"Hmm." Humarap si Ganja sa akin. "Here, take my blazer. Isapaw mo na lang. Tapos, let your hair down."

Sibrang daming tao sa labas ng hotel, lalo na sa may bandang convention hall.

"Fans nila Denver," bulong ni Ganj. "They must have heard he's here tonight."

"Sumisikat na talaga sila, 'no?" sagot ko. "Hindi na ako masyadong active sa social media, pero ang taas na ng monthly listeners nila sa Spotify, eh."

"Naku, mamsh! Hindi na nga kami makapag-bar kapag kasama sila! Kulang na lang, magka-stampede!" Tawa ni Ganja. "Akalain mo 'yon? May tropa tayong famous."

Napangiti ako.

Masaya ako para sa kaniya.

Finally, he's doing what makes him happy.

"Kumusta naman siya?" tanong ko. "Okay naman sila ni Nami?"

Tumango si Ganj. "Sobra pa sa okay. Minsan nga, tingin ko parang sinasamba niya si Nami, eh."

"Sinasamba?"

Tumango ulit siya. "Grabe niya alagaan. Grabe asikasuhin. Basta... okay na okay sila. Tingin ko."

Alam ko iyong tingin na ibinato sa akin ni Ganj.

Dati kasi ay okay na okay rin kami ni Denver sa mga mata nila, bago ito bigla na lang nakipaghiwalay sa akin.

"Mabuti kung gano'n," sagot ko.

Hindi ko alam kung bakit may kung anong bigat akong naramdaman dahil sa sinabi ni Ganj. Pero hindi ko na lang ininda iyon at pumasok na lang sa convention hall na puno ng napakaraming mesa at mga upuan na tila ba reception ng kasal.

"They're right at the front. Look!"

Bago ko pa makita ang table nila na tinuturo ni Ganj ay dinamba na ako ni Jolo.

"Madeline Monteclaro in the house, yo!" abot-tengang bati niya.

Niyakap niya ako nang pagkatagal-tagal. Huling pagkikita kasi namin ay iyong araw na nanganak si Pat, higit isang taon na ang nakakalipas.

Sunod na naglapitan sina Pat at Aubrey, hanggang sa lahat sila ay nakapalibot na sa akin at sabay-sabay akong dinadaldal.

"Mads."

My heart smiled when I saw him.

He looks so much better.

You could almost feel the happiness emanating from within him.

Gaya ng mga kaibigan namin ay lumapit din siya sa akin at niyakap ko. "Didn't know you'd be here," bulong niya. "How are you?"

Bagamat nakayakap siya sa akin ay nananatiling nakahawak ang isang kamay niya sa kamay ni Nami na lumapit din upang batiin ako.

"Hi, Mads." Ngiti nito, bago nakipagbeso sa akin.

"Uhm, hi," impit na sagot ko.

Perfume ko pa rin ang gamit niya. Sigurado naman akong naubos na niya iyong kinuha niya sa akin dati. Siguro ay nakasanayan na niya kaya hanggang ngayon ay iyon pa rin ang ginagamit niya.

Nagulat ako nang makitang naglalakad na ang anak nila Pat.

"Gaga, mamsh," bulong ko sa kaniya habang tinitingnan si Pristine. "Walang nakuha sa iyo. Axl na Axl!" pahayag ko.

"May nakuha. Iyong pempem lang." Mahinang buntonghininga niya sa tabi ko.

"Mamasko ka. Mamasko ka sa ninang mo!" Narinig ko namang sigaw ni Jolo.

Bigla na lang ay ibinalibag niya sa akin si Josh na ilang-taong gulang na rin at kamukhang-kamukha rin niya.

Gano'n daw kapag in love na in love ang nanay sa tatay habang nagbubuntis. Kamukha raw ng ama ang nagiging anak.

"Ang tagal pa ng Pasko, ah?" Taas-kilay ko habang hinahalikan ang matabang pisngi ni Josh.

"Eh, aalis ka na naman, eh!" ani Jolo. "Ngayon na siya mamamasko. Dali, Josh. Mag-bless ka, babatukan kita—"

Bago pa matapos ni Jolo ang sasabihin ay lumapit na si Sasha at siya ang binatukan. "Iparinig mo pa sa 'king babatukan mo anak natin, ihuhulog talaga kita sa bangin," banta nito. "Hindi ikaw ang nag-iri riyan," aniya.

Nanlaki ang mata ni Jolo. "Joke lang naman, eh. Kailan ko binatukan 'to? Josh, binabatukan ba kita?" tanong niya sa bata. "Kapag hindi ka sumagot, babatukan kita—"

Tawa lang nang tawa si Josh habang nanonood sa mga magulang niya.

Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko sila na-miss na lahat.

Iyong asaran.

Bangayan.

Lahat.

Oo, kalmado ang buhay ko sa resort. Pero hindi ko iwasang manabik din sa mga kaibigan ko.

Nasa iisang table kaming lahat nang magsimula ang gala. Free cocktail drinks, kaya unang sampung minuto pa lang ay sinusulit ko na.

May mga nag-speech pero hindi kami nakikinig at patuloy lang sa pagkukuwentuhan. Maski nga si Denver ay hindi naman nakatingin sa stage, at nakatuon lang ang atensyon kay Nami.

"Hindi mahiwalay 'yan kay Nami," chika ni Pat. "Maski kapag magsi-CR si Nami, sasama siya tapos maghihintay siya sa labas. Normal pa ba 'yon?" tanong niya.

"Hmm." Tiningnan ko sila. "Okay lang naman siguro? Baka naman protective lang siya."

"Hindi, eh," ani Pat. "Basta... may iba, eh. Palagi kaming magkakasama kaya napansin ko talaga na may iba."

Tugma ang sinabi ni Pat sa kinuwento sa akin kanina ni Ganj na tila sinasamba raw ni Denver si Nami.

"Baka ginayuma?" natatawang biro ko.

"Tingin ko nga, eh."

Humarap ako sa kaniya para sana sumagot, pero nakita kong seryoso siya at hindi nagbibiro.

Gayuma?

Uso pa ba iyon?

Binalik ko ang tingin kay Denver at nakita siyang hinahalikan ang kamay ni Nami habang nakasandal sa balikat nito.

Hindi naman siguro.

"Darwin Kyle Romero!"

I wasn't paying attention to the program at ni isang sentence ay wala akong narinig. Pero agad na nanigas ang katawan ko, at napaharap ako sa stage nang marinig ang pangalan niya.

"Sorry. Sorry! I didn't know!" mabilis na paumanhin sa akin ni Ganj na nasa kabilang gilid ko. "I swear, Mads."

Hindi ko na siya narinig dahil nakita ko na si Darwin na umakyat sa stage at saka kinuha ang mic.

He was wearing a neat, black tuxedo, and he looks exactly the same the last time I saw him.

It's like he didn't age.

"Thank you for the warm welcome, Diane," aniya. "Thank you, everyone, for coming tonight..."

Marami pa siyang sinabi pero parang lumipad sa ere ang diwa ko at wala akong marinig.

After all this time... he still has the same effect on me.

"Again, thank you all, for coming. Enjoy the night and the drinks!"

Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao nang matapos siyang magsalita.

Pagkababa sa stage ay lumapit siya sa table nila Denver at binati ito, sunod si Nami.

"Okay na sila?" mahinang tanong ko kay Pat.

Tumango siya. "Tagal na."

Once a week ay nag-uusap kami ni Tita Claire, pero hindi namin pinag-uusapan sina Darwin at Denver. Kinukumusta niya lang ako, at kinukumusta ko siya.

Alam niya kung paano nagtapos ang kuwento namin ni Darwin, pero hindi siya nagkomento tungkol do'n at nanatili pa ring mainit ang pagtrato sa akin.

Bago pa man ako mapansin ni Darwin ay tumayo na ako sa table namin at saka nagpaalam kanila Pat at Ganj na magsi-CR.

Buhat ni Pat si Pristine, at nakakandong naman si Josh kay Ganj kaya't wala silang nagawa kung hindi hayaan na lang ako na magbanyo mag-isa.

Tatlong taon na, pero hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa nangyari sa amin.

Hindi ko alam kung paano siya haharapin, o kung may mukha pa ba akong maihaharap?

Nasa akin pa rin ang susi sa condo unit na binili niya para sa akin. Si Belle ang nakipagkita sa akin para ibigay 'yon, pero ni minsan ay hindi na ako bumalik pa ro'n.

Hindi ko na kailangan pang ipaalala sa sarili ko kung gaano ko sinayang ang lahat.

"Mads?"

Kanina pa ako nakatitig sa sarili ko sa salamin kaya't hindi ko namalayan na hindi lang pala ako mag-isa sa CR.

"Belle?"

Tumango siya.

"How are you?" mahinang usisa niya, bago naglakad palapit sa akin at niyakap ako.

Gaya ni Darwin ay halos walang pinagbago ang itsura niya, liban na lang sa buhok niya na abot hanggang balikat na lang ang haba.

Hindi ko alam kung bakit, pero nangilid ang luha ko nang makita siya. "Okay lang," bulong ko. "Kayo ni Kuya Felix, kumusta?"

"Uhm, well..." Umiwas siya ng tingin sa akin. "Felix and I separated."

Nanlaki ang mga mata ko. "Oh, Belle." Niyakap ko siya. "Anong nangyari?"

"Well..." She pulled away from me and made a face. "Kyle and I got back together. A year and a half ago."

Umawang ang bibig ko. "Ah," bulong ko sa gitna ng pagkagulat. Pinilit kong ngumiti at tumango sa kaniya. "Congrats, Belle..."

"Thank you," bulong niya. "I was gonna invite you sana. We are getting married at the end of the year. Pero sabi niya, huwag na."

Tumango-tango ako. "Oo nga. Huwag na," pagsang-ayon ko. "Uhm. Busy rin ako, eh. Baka nasa Japan ako sa December. May shoot ako ro'n."

"I see. Sayang naman," sagot niya. "I have to go, but it was really nice bumping into you, Mads. Let's catch up soon?"

"Okay. Okay, sige." Ngiti ko.

"Can't wait!" sagot niya. "Oh, sige. I'll go ahead na. Nag-aalala kasi si Kyle kapag matagal akong nawawala."

"Okay. Uhm. Bye, Belle."

"Bye," muli niyang paalam, bago tuluyang lumabas ng banyo at iniwan ako.

As soon as the bathroom door closed behind her, I leaned against the marble counter and cried.

It's been three years.

Why am I still affected?

Hindi naman naging kami, pero bakit hirap na hirap pa rin akong makalimot?

Kumuha ako ng tissue mula sa gilid at saka pinunasan ang mukha ko.

Para akong tanga.

Of course, magmu-move on siya sa akin.

Sino ba naman ako para manatili sa puso niya nang tatlong taon, 'di ba?

I should just accept the fact that I already lost him that night, and no matter what I do, he will never be mine again.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakasalubong ko si Denver na papunta yata sa men's rest room.

"Mads," bati niya.

"Denver," sagot ko.

Ngumiti lang ako sa kaniya at babalik na sana sa loob ng convention hall, ngunit muli siyang nagsalita.

"Are you crying?" alala niyang tanong.

Mabilis akong umiling, ngunit nakalimutan ko na kilala niya nga pala ako.

"What happened?" he asked softly.

Umiling lang ulit ako.

"Come on, Mads," bulong niya. "You can tell me."

Denver used to be the person closest to me. There was a point in my life when he was the one who knew me best, and even now that time has already drifted us apart, I still feel completely at ease around him.

"I just... I never knew that Darwin and Belle got back together," I whispered. "I was just surprised, iyon lang."

Kumunot ang noo niya, pero ilang segundo rin bago siya nakasagot, "I'm sorry..."

Hinila niya ako at niyakap.

Hindi kasing-higpit ng mga yakap niya noon, pero sapat na iyon para pagaanin kahit papaano ang bigat ng puso ko.

Despite everything that he and I have been through, my body still recognizes his and I still find comfort in his embrace.

I closed my eyes and I lost count how long we stayed in each other's arms.

When I opened my eyes, there were already three people standing at the end of the hallway — all holding up their phones.

"Tangina," bulong ni Denver. "Putangina naman."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top