47: Life's a Beach
N A M I
I found him trying to die on the beach.
He was floating face down; his body flat and still as the waves ceaselessly crashed on the shore.
I yelled his name over and over.
Heavy as my legs felt, I ran as quickly as I have never done before; adrenaline pumping through my veins like liquid fire.
I jumped in the freezing water and fought against the cold as I swam towards his direction. I turned him over as soon as I reached him, but it took me a couple of seconds to realize that he wasn't even drowning.
"Quit screaming," he whispered; pulling on my waist so that we could float on the water together.
Gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang sigawan. Pero no'ng mga oras na 'yon ay mas nangibabaw sa akin ang labis na pag-aalala sa kaniya.
"Denver!" Umiiyak kong hinampas ang dibdib niya.
"Haha. What?"
"Ano bang pumasok sa kukote mo at nagpapakalunod ka?!" singhal ko. "Hindi ka na ba talaga nag-iisip?! Ha?! Wala na ba talagang halaga sa iyo lahat?!"
Inis na inis na ako, pero ngumiti lang siya sa akin at saka hinawi ang buhok kong basa na ng tubig-alat. "Kausap ko kanina si Jolo," aniya. "Pinapabilang niya sa akin kung ilang segundo ko raw kayang hindi huminga. May record kasi kami dati. 30 seconds siya. 32 naman ako."
"Denver—"
"48 seconds na ako ngayon. Ang tagal din, eh 'no? Siguro kung titigilan ko nang magyosi, at kung sisimulan ko nang mag-cardio, mas hahaba pa."
Hindi ko napigilan ang pagkunot ng noo ko. "Denver, naman!" iritableng sigaw ko. "Makinig ka naman sa akin kahit ngayon lang!"
Lumunok siya at hindi na sumagot pa kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Lahat ng bisita nando'n pa hanggang ngayon, pati sina Tito Delfin at ang kuya mo. Kakarating lang ng family lawyer at company lawyer niyo. They will have everyone sign an NDA. Denver—"
"You have to break up with me," biglang bulong niya.
Umawang ang bibig ko.
"A-Anong sabi mo?"
"You have to break up with me, Nami," ulit niya pa. Hinila niya ako palapit sa kaniya at saka idinikit ang noo sa akin. "Please."
Amoy alak siya.
Lasing siya.
Gusto kong isipin na sinasabi niya lang 'yon dahil wala siya sa tamang pag-iisip, pero kung magpapakatotoo ako sa sarili ko, alam ko namang darating at darating kami rito.
Unang araw pa lang namin dito sa isla ay naramdaman ko na ang tensyon na namamagitan pa rin sa kanila.
Hindi naman ako bulag.
Hindi rin ako manhid.
At mas lalong hindi ako pinanganak kahapon.
Mga lihim at nakaw na pagtingin. Sigurado akong hindi lang ako ang nakakapansin no'n.
Lahat ng tao sa paligid namin — sina Myst, Adam, Acid, Ate Belle... at maging ang kuya niya.
Alam naman naming lahat.
"Pa'no kung ayaw ko?" matigas kong tanong.
Hinila niya ako at saka niyakap nang napakahigpit. "Please... Nami." Wala siyang suot na pang-itaas kahit na sobrang lamig ng tubig. Hindi ko tuloy alam kung bakit hindi man lang siya giniginaw. "I don't want to hurt anyone anymore." Sa sobrang hina ng boses niya ay halos hindi ko iyon marinig dahil na rin sa lakas ng bawat hampas ng alon. "I don't want to hurt you anymore..."
"Kung ayaw mo akong saktan, eh 'di huwag mo akong saktan, Denver," pakiusap ko. "Gano'n lang naman iyon, eh. Bakit kailangang maghiwalay tayo?"
Umiling siya.
"I can't help it anymore, Nami. Believe me, I want to love you in the way you deserve. I want to make myself worthy of you, but—"
"But?" I butted in, raising an eyebrow. "Bakit kasi may but, Denver? Hindi ba puwedeng mahalin mo na lang ako at patunayan mo na lang ang sarili mo sa akin kung iyon naman talaga ang gusto mong gawin?" tanong ko. "Bakit kailangang may but pa?"
"I'm having a relapse..." He swallowed. "It's all just... coming to me. Nami—"
"I don't care," I whispered.
I was a Psychology major before I transferred to Culinary Arts and finally moved here in Manila to pursue my music. A relapse is a kind of deterioration that happens to people who are trying to recover from something. Substance addiction, sickness, depression, and in Denver's case... the end of his last relationship.
There are several stages of grief after a break-up.
1. Denial
2. Anger
3. Bargaining
4. Depression
5. Acceptance
Denver skipped the first four and went straight to accepting the end of his relationship with Mads, which is why he didn't heal properly and has not yet completely moved on.
Healing is not a linear process. It has no definitive time frame. Just when people think that they are already making progress, everything comes crashing on them in one huge blow. Bringing them back to square one.
I know that feeling.
I have witnessed that before.
My father is a recovering drug addict and I used to take care of him before. I am not going to leave Denver now that he also needs someone to hold on to.
His lips parted and he looked at me with a confused expression.
"What?" he asked.
I bit my lower lip and moved myself closer to him. "I don't care." I cried. "I love you, Denver. I love you so much." I wiped the hair from his face and tried my best to make him see me. "Whatever it is that you're going through... my love for you is greater than all that. I will stay with you. I won't go anywhere else."
He started tearing up then. He pulled me closer and didn't let me go.
"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry..." He kept whispering those words in my ear.
We wept together in silence for obviously different reasons.
Denver used to be so calm and composed. He was always sure of himself and he always did the right thing.
Now, I am beginning to realize that he's just like the rest of us, too.
He makes mistakes. He has regrets. He pretends he's okay when he's really not. And when everything is just too much for him to take... he breaks down.
There is a particular kind of suffering when you love someone greater than you love yourself, and Denver doomed me with that curse.
I used to think that the world was too big.
Billions of people.
Endless number of life.
Limitless possibilities.
It's kinda crazy how he popped into my life out of nowhere, and now... there is just him.
I don't give a damn about anything else at all. I don't care if he's at his worst, I will love him still. If this is the pain it takes, then I hope he lets it be mine to endure.
"You're the best thing that ever happened to me, Denver," I whispered. "Despite all the lows you come with, and the baggage you carry,"
I could feel his heart beating on his chest.
"I won't let you go through this, alone. Do you understand?" I whispered. "I'm with you."
The moon was shining bright and the sky was free of clouds.
There were only stars.
Millions of them.
And us, wrapped in each other's warm embrace.
Our eyes met and he nodded at me gratefully.
"I'm with you," I repeated.
▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃
Bago mag-umaga ay umuwi na kaming dalawa pabalik ng Manila kasama sina Lilo at Stitch, sakay ng pribadong helicopter ng tatay niya.
Magkahawak ang kamay namin buong byahe ngunit tahimik lang siya at hindi nagsasalita, liban na lang para minsan ay lambingin ang mga aso.
Ibinaba kami ng helicopter sa mismong rooftop ng condo. Saka ko lang napansin na may kasabay pala kaming dalawang lalaki na parehong tumulong sa amin na makababa at bitbitin ang lahat ng gamit namin papunta sa unit.
"Thanks," bulong ni Denver sa kanila nang mailapag na nila ang lahat ng mga bag at maleta namin sa sala.
"You're welcome, Sir Patrick," sagot ng isa.
"Welcome po, Sir," sagot naman ng pangalawa.
Inabutan sila ni Denver ng tip pagkatapos ay magkasabay na rin sila na naglakad paalis.
"We'll go shopping tomorrow. All your stuff's still in Baguio," aniya bago dumiretso sa banyo para maghilamos.
Tumungo naman ako sa balcony at saka sinalinan ng tubig at dog food iyong lagayan nila Lilo.
"Okay lang. Ako na ang bahala," tanggi ko.
Nagulat na lang ako nang lumabas din siya sa balcony at saka ako niyakap mula sa likod.
Sobrang tagal na mula nang huli niyang ginawa 'yon. Ipinikit ko ang mga mata ko at saka hinawakan ang braso niya na mahigpit na nakabalot sa akin.
"I thought you want me to make it up to you. No buts, right?" bulong niya. "Let me take you shopping. We'll bring the dogs. And then we'll have dinner somewhere nice. Please?"
Huminga ako nang malalim.
"Okay," pagpayag ko.
Kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam ko ang pagngiti niya. "Thank you, Nami."
Hinalikan niya ako sa pisngi tapos ay bumalik na rin sa loob para maligo.
Ilang minuto na akong nakatambay sa balcony nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone niya mula sa sala.
"Boo!" sigaw ko. "May tumatawag sa iyo!"
Pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin siya sumasagot.
"Boo!" ulit ko pa.
Huminto ang tunog ng tawag pero sandali lang ay tumutunog na ulit ito.
Madali akong pumasok sa loob para kuhanin ang cellphone niya at tingnan kung sino iyong kumo-contact sa kaniya.
*** calling ***
Jolo the Great
"Boo!" sigaw ko sa tapat ng banyo. "Tumatawag si Jolo the Great!"
Rinig ko ang malakas na pagbuhos ng shower. "I'm almost done!" ani Denver. "Answer it! He might need something!"
Oo nga pala at may sakit si Jolo. Biglang nanlamig ang kamay ko dahil sa pangamba na may baka kung ano nang masamang nangyari sa kaniya.
Sinagot ko ang tawag pero bago pa ako makapagsalita ay narinig ko na ang boses niya, "Pasalubong ko?"
Magkasabay akong napairap at nakahinga nang maluwag.
"Jolo, ano ka ba!" suway ko. "Kinabahan ako sa iyo!"
"Oh! Hi, Sister Nami!" magiliw na bati niya.
Base sa tunog ng boses niya ay mukhang may kinakain siya.
"Nasa banyo si Denver, naliligo," paliwanag ko. "Baba ka na lang dito. Ang dami niyang pasalubong."
Totoo naman iyon.
Akala mo ay nangibang bansa kami sa dami ng biniling pasalubong ni Denver para sa mga kaibigan niya, lalo na kay Jolo.
Mayroon pa nga siyang mga binili na itim, puti, at pulang t-shirt na may nakaimprintang I LOVE ISLA ROMERO sa unahan.
"Yown! Very goods!" papuri ni Jolo. "Kumusta naman kayo? Enjoy naman?"
"Ayos naman," sagot ko. "Ito, nangitim dahil sa init ng araw. Mami-miss ko iyong mga pagkain do'n."
"Nakakainggit naman! Ang tagal ko nang hindi nakapag-beach!"
"Kapag magaling ka na, mag-outing tayo nila Sash sa summer! Tingnan natin kung mapapatagal natin iyong record niyo ni Denver!"
"Record?" tanong ni Jolo.
"Record niyo ni Denver!" sagot ko. "Hindi ba may record kayo kung ilang seconds niyo kayang sumisid? Kausap ka pa nga raw niya kagabi. Ang tagal niyang nakalubog sa tubig, akala ko kung anong ginagawa. Sabi niya binibilang niya lang kung ilang seconds niya kayang sumisid kasi tinanong mo raw."
Saktong lumabas na si Denver mula sa banyo at saka lumapit sa akin. "Magbibihis lang ako. Kumusta si Jolo?" tanong niya.
"Okay naman. Naghahanap lang ng pasalubong," sagot ko.
Ngumiti si Denver at tumango. "Baba ka rito!" sigaw niya sa cellphone niya na hawak hawak ko pa rin.
"Haha! Kanina pa on my way, brother!" Tawa naman ni Jolo.
Tumawa lang si Denver at saka pumasok na sa kwarto upang magbihis.
Nanlambot naman ang sikmura ko nang pagbalik ko para kausapin si Jolo ay iba na ang tono ng boses niya.
Para bang may ipinapahiwatig na hindi maganda.
"Nams?" mahinang bulong niya.
"Hmm?" kabadong tanong ko.
"Bantayan mo si Denver... puwede?"
"H-Ha?" nalilitong usisa ko. "Bakit naman?"
Ilang sandali ring natahimik si Jolo.
Narinig ko ang mahinang tunog ng elevator at ang yabag ng mga paa niya, senyales na papunta na nga siya sa unit namin ngayon.
"Hindi kami magkausap kagabi," bulong niya. "Hindi ko siya sinabihang magbilang kung ilang segundo niya makakayang sumisid sa dagat."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top