46: Love Means Never Having To Say You're Sorry
M A D E L I N E
"Wala na akong pakialam, Mads," bulong ni Denver. Hinila niya ang kamay ko bago ako niyakap nang napakahigpit. "Tangina. Hindi ko na talaga kaya."
Parang nagdilim ang paningin ko dahil sa narinig, kaya't agad ko siyang tinulak palayo.
"Kayanin mo!" sigaw ko, sabay punas sa mukha ko. "Kayanin mo, Denver, gago ka ba?!"
Kumunot ang noo niya.
"Mads—"
"Nagmakaawa ako sa iyo noon na bumalik ka sa akin, pero si Nami ang pinili mo. Akala ko hindi ko rin kakayanin, pero Denver, kinaya ko," nanginginig na bulong ko. "Huwag mo sabihin sa aking hindi mo kaya na wala ako. Kasalanan mo kung bakit ka nandiyan sa sitwasyon na 'yan, kaya panindigan mo,"
Walang tigil sa pagtulo ang luha sa mga mata ko.
"Ang kapal kapal ng mukha mo para gawin 'yong ginawa mo. Ngayon na lang ako ulit sumasaya, bakit kailangan mong sirain 'to para sa akin?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ka na nahiya. Hindi ka na naawa. Si Nami, anong kasalanan niya para saktan mo siya nang gano'n? Si D-Darwin?" Maski pagbanggit sa pangalan niya ay sobrang sakit para sa akin. Hindi ko na alam kung anong mukha pa ang maihaharap ko sa kaniya matapos ang lahat. "Denver, sumagot ka! Anong kasalanan nila?"
Hindi na siya nakasagot pa.
Naglakad ako papunta sa pinakadulong cabana at doon umupo.
Hindi ko kayang bumalik sa kwarto dahil paniguradong magpupunta ro'n si Myst upang tingnan ang lagay ko.
Hindi rin naman ako makabalik sa party area dahil tiyak na marami pang bisita ro'n, at nando'n din sina Darwin at Nami.
Hindi ko napag-isipan nang mabuti ang ginawa ko. Ang alam ko lang ay gusto kong mailayo si Denver kay Darwin no'ng mga panahon na 'yon.
Denver wasn't in his right mind. But I do not blame Darwin for acting the way he did. Napakarami na niyang inintindi at tiniis pagdating sa akin. Hindi na nakapagtatakang sumabog siya.
Magkasabay kami ni Denver na umupo sa magkabilang bahagi ng cabana.
Nakaharap lang ako sa madilim na dagat habang siya naman ay humiga at saka minasahe ang ulo.
"Ang lakas sumapak ng putangina," natatawang bulong niya.
Humarap ako sa kaniya at nagkibitbalikat. "Deserve."
Tumawa siya nang mahina at saka tumango. "Deserve nga."
Huminga ako nang malalim at saka muling ibinalik ang tingin sa dagat.
Kakausapin pa kaya ako ni Darwin?
Paano ako uuwi?
Paano ako aalis dito?
Siya ang kasama kong pumunta rito. Siya pa rin ba ang makakasama ko pauwi?
Ilang minuto kaming nanatili ni Denver na tahimik lang na nagtatago sa cabana. Gaya ko, siguradong nahimasmasan na rin siya at marahil ay pinag-iisipan na rin ang sunod na gagawin.
Binasa ko ang nanunuyo kong labi bago muling nagsalita, "Gusto mo bang kausapin ko si Nami?" tanong ko.
Nakapikit ang mga mata ni Denver ngunit nang marinig akong magsalita ay dumilat siya at saka tumingin sa akin. "I'll talk to her," aniya.
Hindi ko alam kung bakit sobrang kalmado niya.
Pati ako.
Hindi ko alam kung bakit kalmado ako.
Nandito kami. Nagtatago sa mga tao. Habang sina Nami at Darwin ay hindi ko alam kung nasaan at wala akong ideya kung ano ang ginagawa.
"Si Darwin?" mahinang bulong ko. "Kakausapin mo?"
Sinuri ko ng tingin ang mukha niya. Hindi ko alam kung saan siya tinamaan ni Darwin, at hindi ko rin makita kung may pasa ba siya dahil masyadong madilim sa puwesto niya.
"Probably not," he answered, before sitting up and stretching his arms.
Lumunok ako. "Bakit hindi?" usisa ko. "Kapatid mo siya. Dapat lang na mag-usap kayo."
Ngumiti lang si Denver.
"The punch he gave me was already his way of telling me that he loves you," he whispered softly. "Now, it's up to me what I do with that."
Tumitig siya sa akin at taimtim akong tinitigan na para bang naghahanap ng sagot sa mga mata ko.
"Anong gagawin mo?" tanong ko.
Nanatiling nakatutok ang mga mata niya sa akin at hindi umiiwas ng tingin.
Makalipas ang isang minuto ay nawalan na ako ng pag-asa na sasagot pa siya kaya bumuntonghininga na lang ako at muling humarap sa dagat.
Muli ay nabalot kami ng katahimikan.
Hindi ko alam kung paano kami umabot sa sitwasyon na 'to. Ang alam ko lang ay gusto ko na lang matapos ang lahat para makabalik na ako sa bahay at maipahinga ang hapo kong katawan at pagod na isipan.
We loved each other once.
Denver and I.
At one point in my life, he was my person.
The same way I was his.
Now... I don't even know what we are.
His presence feels so familiar and so welcoming.
Yet, at the same time, it just doesn't feel the same anymore.
I wonder if he'll ever know how much of me belongs to him.
But we lost it.
What we had.
Whatever it was, I know it is no longer here.
Higit isang oras din siguro ang lumipas bago tumayo si Denver.
Hindi ko siya tiningnan.
Hindi ko siya hinarap.
Alam kong aalis na siya.
"Kakayanin ko," mahina niyang bulong bago tuluyang naglakad paalis ng cabana at binaybay ang daan pabalik sa rest house.
▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃
Alas-kwatro na ng madaling-araw. Sumilip ako sa bintana ng kwarto nila Darwin at nakita siyang nakasalampak sa sahig habang nakaharap na naman sa laptop.
Hindi ko makita si Denver ngunit tanaw ko ang tulog nang sina Adam at Acid na nakapuwesto sa kani-kanilang mga higaan.
Nagulat na lang ako nang bumalik ang tingin ko kay Darwin at saka nakitang nakatitig na siya sa akin.
Nag-init ang mukha ko at agad akong umiwas ng tingin sa kaniya bago lumayo sa bintana.
Galit ba siya sa akin?
Hindi ko alam.
Madali akong naglakad palayo habang binabatukan ang sarili ko. Hindi na dapat ako nagpunta.
Napasinghap na lang ako nang maramdam ang kamay niya na kumapit sa braso ko bago ako marahas na iniharap sa kaniya at saka niyakap.
"Madeline," tawag niya sa akin.
"Darwin—"
"Ssshhh," suway niya. "I love you talking but I need you to hold your tongue now."
So, I did.
I embraced the silence and the faint noises around us.
From the sound of the waves.
The wind.
And his breathing.
We stayed like that for God knows how long. And from the way he held on to me, I knew he needed it as much as I did.
"Do you know that that was the first time I ever hit someone?" Darwin asked softly.
I shook my head.
He inhaled loudly. "I always told myself that I would never physically hurt anyone. No matter what I'm feeling. No matter the circumstance. I always told myself that, Madeline,"
I could feel the hurt in his voice, and I couldn't help but feel guilty.
If it wasn't for me, none of this would have happened.
"The first fucking time... and it was Patrick," he said with a sorrowful chuckle. "And I did it right in front of you. I'm really sorry, Mads."
Napaawang na lang ang bibig ko.
Hindi ako makapaniwalang siya pa ang humihingi ng paumanhin.
"Darwin, ako dapat ang humingi ng sorry," hindi makapaniwalang bulong ko. "Wala kang kasalanan. Wala kang ginawang masama. Ako dapat ang humingi ng paumanhin sa iyo."
I took a step back and faced him.
"No," he said with a straight face.
"No?"
"Love means never having to say you're sorry," he whispered. "A popular catchphrase."
"But—"
"I know what you're here for. You don't have to say it, and I don't want you to," he whispered meaningfully. "I already know, Mads."
I bit my lip and nodded.
I never thought we'd end up here.
I had high hopes for both of us.
But he is right.
I came to talk to him for a reason.
After what happened tonight, I realized that Darwin deserves better.
He doesn't deserve me.
He deserves someone who won't hurt him.
Someone he can introduce to the world without a single soul judging him.
Someone... he doesn't have to say sorry to.
"Can we dance?" he asked out of the blue.
I just looked at him; clueless.
"I brought you here because I knew there would be dancing. And I would have asked you earlier, but I did not get the chance. So, can we?" he laid out his hand, and waited.
Tinitigan ko ang kamay niya. "Walang music," mahina kong sagot.
Tumawa lang siya at saka hinawakan ang kamay ko. "If you listen closely... there is always music around you."
He pulled me close and put a hand on my waist.
"Hindi ako marunong sumayaw," reklamo ko.
"Haha. Ako rin." Tawa niya.
Nakarinig ako ng katok mula sa bintana ng kwarto nila. Lumingon ako at nakita ko si Adam na nakatingin sa amin habang nakaturo sa cellphone niya.
Tumawa si Darwin. "Heaven Knows!" sigaw niya.
Nakangiting tumango si Adam bago nagbigay ng thumbs up at muling isinara ang kurtina.
Maya-maya lang ay naririnig ko na ang mahinang musika na nagmumula sa loob ng kwarto.
She's always on my mind
From the time I wake up 'til I close my eyes
She's everywhere I go
She's all I know
Magkayakap lang kami ni Darwin na sumasayaw. Mula sa malayo ay natatanaw ko sina Lilo at Stitch na parehong nakatingin sa amin ngunit hindi lumalapit.
And though she's so far away
It just keeps gettin' stronger, every day
And even now she's gone
I'm still holding on
Humigpit ang yakap ko kay Darwin.
Ito na ang huli, at hindi ko na napigilan ang mga luhang kumawala mula sa mga mata ko.
So tell me where do I start
'Cause it's breakin' my heart
Don't want to let her go
Humiwalay si Darwin sa akin at saka tinitigan ang mga mata ko habang nakahawak pa rin sa magkabilang baywang ko.
"Nakakaiyak ba dancing skills ko?" he asked with a serious face.
"Nakakapag-joke ka pa talaga." Mahina ko siyang hinampas sa braso.
Tumawa lang siya at muli akong niyakap. "Kung hindi ako magbibiro, ako ang iiyak."
Maybe my love will come back some day
Only heaven knows
And maybe our hearts will find a way
Only heaven knows
And all I can do is hope and pray
'Cause heaven knows
Hinigpitan ko ang pagyakap sa kaniya hanggang sa natapos ang kanta.
Naghintay ako ng kasunod ngunit wala na pala.
Bumitaw siya sa akin at saka ako hinalikan sa noo.
Sa ilong.
Sa pisngi.
Hinalikan niya ang buong mukha ko maliban sa labi.
"Don't cry, now," mahina niyang bulong. "I hate seeing you cry."
Umiling ako. "Hindi ko mapigilan," bulong ko.
Ngumiti lang siya at saka pinunasan ang mukha ko bago sa wakas ay idinikit ang labi sa akin.
He kissed me slowly.
Gently.
As if kissing me was all he wanted to do for the rest of his life.
It only lasted a couple of seconds, and then he was already pulling away.
This time, I could see the small tear forming on the side of his right eye.
He forced a smile and tapped the top of my head.
"See you around, Madeline."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top