45: Beach Party on Steroids
M A D E L I N E
"Whoaaa!" Belle cheered as soon as she saw me step out of the bathroom wearing the dress she gave me. "Oh, Mads! You look gorg!"
I looked at my reflection in the mirror and I couldn't help but agree.
The sleeveless satin dress is just my size and it fits me perfectly. The neckline is not too low. It reveals just enough cleavage to still make me look a bit daring which is just how I like it.
"Thank you talaga, Belle!" Yakap ko sa kaniya. "Hindi ko naman kasi alam na may party pala. Akala ko talaga swimming lang ang ipinunta natin dito."
Ngumiti siya. "You shouldn't be thanking me. It's Darwin who picked the dress. Ako lang ang nautusang magbigay."
"Siya ang bumili nito?" tanong ko.
Tumango si Belle. "Well, he asked for my help because he didn't know which shops were good. So, nagpunta kami ng High Street last week at sinamahan ko siya. But, yes. Siya ang pumili."
"Uhm." Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa salamin. "Thank you," mahinang bulong ko.
Umupo na ako sa make-up chair para magpaayos. Ako kasi ang pinakahuling nakaligo at nakapagbihis dahil ako rin ang pinakahuling nagising. Kanina pa lumabas ng kwarto si Nami matapos sunduin ni Denver, samantalang si Myst naman ay nakaayos na at nakahiga na lang sa kama habang naghihintay kay Adam.
"So, how are things between you and Kyle?" tanong ni Belle habang magkasunod na naglapitan sa akin 'yong make-up artist at 'yong hairstylist. "Umuusad naman ba?"
Kinagat ko ang labi ko. "Medyo nagkatampuhan kami kagabi," pag-amin ko. "Hindi ko pa siya nakakausap ngayon."
Umambi si Belle at saka humila ng isa pang upuan para humarap sa akin habang inaayusan ako. "What happened? Do you feel like telling me or masyadong sensitive?"
I didn't even think twice about opening up, and told Belle everything that happened.
Everything.
From the time Darwin denied me in front of his father, up until last night's events when we were making out and I said something that offended him.
Belle inhaled loudly. "Hmmm," she hummed. "Let's start from the top, okay?" tanong niya.
Tumango lang ako.
"I was there when Tito Delfin arrived, and he was mad," she said. "Like... really, really mad, Mads. They have been pursuing Phoenix since early this year and he is blaming Kyle for losing in the bid,"
"News came to him that Kyle is courting someone which is why he is unfocused and distracted. When Kyle denied you and told Tito Delfin that you were only a volunteer in the Foundation, that is his way of protecting you,"
"Regarding you hitting him with a remote control, I understand that you didn't mean to, but please don't do that again, babe. If you are angry or frustrated, pakalmahin mo muna ang sarili mo. Tell Kyle to give you space, and he will. Lahat naman ay kayang idaan sa maayos na usapan,"
"Now, I am not gonna judge you about the whole making out thing. He's a man. You're a woman. Something like that is bound to happen sooner or later, but I must tell you that what you did was very tactless and hurtful."
Belle let out a sigh and frowned. "You have been with Patrick for two years. I understand that. He is a big part of your life. But Mads, I was Kyle's girlfriend for eight." She paused and looked at me with an expression I can't quite read. "Did he ever talk to you about me? How we made love, too? How we were each other's firsts and how he always completely blows my mind every time we did it?"
I cringed and looked away.
"Masakit marinig, 'di ba?" mahinang tanong ni Belle. "Kung ginawa niyo ni Patrick, Mads, ginawa rin namin. But you don't hear Kyle talking about me because he respects you. Kung masakit sa iyo na marinig ang tungkol sa amin, mas lalong masakit para sa kaniya dahil kapatid niya si Patrick,"
"You're already in a tough situation. And not that I'm being biased, but based on what you told me, Kyle is giving you his all and he's doing his best to make it work. Please don't make it any harder for him."
Hindi ko pa naa-absorb ang lahat ng mga sinabi ni Belle nang makarinig kami ng tatlong magkakasunod na katok sa pinto. "Can I come in?" Boses iyon ni Darwin.
Parang nanghina ang buong katawan ko. Hindi ko sigurado kung handa na ba akong harapin siya matapos ang lahat ng mga nalaman ko.
Tumayo si Myst mula sa kama at saka agad na binuksan ang pinto. "Hello, Kuya! Inaayusan pa si Ate Mads."
Nakangiting pumasok si Darwin sa kwarto namin, at saka nagpasalamat kay Myst bago naglakad palapit sa akin.
Hindi pa siya nakabihis at medyo gulo-gulo pa ang itim niyang buhok na tila ba kakabangon niya lang sa higaan.
"Coffee," aniya, sabay lapag ng isang tasang kape sa mesa sa harapan ko. "Good morning."
Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Pakiramdam ko ay ang laki ng atraso ko sa kaniya. "Good morning," nahihiyang bati ko.
Ngumiti lang siya. "Morning, Belle," mahinang bati niya naman kay Belle na nakaupo pa rin sa harapan ko.
"It's already 3 in the afternoon. What happened to your face?" kunot ang noo na usisa ni Belle, kahit na naikuwento ko na sa kaniya ang tungkol sa pagbato ko ng remote kay Darwin at sa naging sugat nito sa mukha.
Darwin lifted a hand and touched the side of his eye where his gash from yesterday was still evident. "Probably scratched myself swimming." Kibit-balikat niya.
Nagtama ang mga mata namin sa salamin ng vanity mirror, at matipid lang siyang ngumiti sa akin.
"Be careful next time and cover that up," ani Belle, na paniguradong alam ang naging pagsisinungaling ni Darwin ngayon lang.
"I will." Tango ni Darwin. "I'll go ahead. I woke up late. Nasa banyo pa si Adam paglabas ko. Ang tagal maligo."
"Sinabi mo pa, Kuya!" singit ni Myst na bumalik na sa pagkakahilata sa kama. "Nakakainis. Kanina pa ako naghihintay."
"Haha. Oh, sige. Sasabihan ko siyang magmadali. Mauna na ako," paalam ni Darwin. "The dress looks stunning on you, by the way," mahinang sambit niya sa akin bago madaling naglakad palayo at saka lumabas ng kwarto.
Hindi ko alam kung bakit hindi siya galit.
Akala ko ay may tampuhan kami.
Sabi niya sa akin kagabi ay huwag akong magpanggap. Hindi niya pa nga tinanggap 'yong ginawa kong pagsagot sa kaniya at sinabihan ako na mag-isip muna.
Bakit... hindi siya galit?
"Mads, I am sooo pissed at you," Belle said as soon as Darwin was gone. "You didn't tell me how big his cut was."
"S-Sorry," nahihiyang paumanhin ko. "Hindi ko naman talaga sinasadya na matamaan siya no'ng remote."
"He even lied to cover your ass. Oh, my gosh. That guy is just too nice for his own good. Please tell me you're not gonna hurt him again," pakiusap ni Belle, na kinapitan pa ang braso ko.
Kinagat ko ang labi ko. "I can't promise that, Belle... Ayaw ko siyang saktan pero nakakagawa ako ng mga bagay na nakakasakit sa kaniya kahit na hindi ko sinasadya," sagot ko. "Gustuhin ko mang mangako, ayaw kong gawin 'yon kung hindi ko naman matutupad."
Bumuntonghininga si Belle. "Sana maayos niyo na 'yan. I don't want you both to get hurt. If you need someone to talk to, you can always reach out to me. Okay?"
Tumango ako. "Okay."
Ilang saglit pa ay dumating na rin si Kuya Felix para sunduin si Belle kaya nagpaalam na rin siya sa amin. Busog na busog siguro sa tsismis ang make-up artist at hairstylist namin dahil sa naging pag-uusap naming dalawa.
Sampung minuto pa siguro ang lumipas bago ako natapos na ayusan, at halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Oo, palagi akong naka-make-up at nakaayos. Pero iba talaga kapag professional ang gumawa. Sinuotan pa nila ako ng contact lens na bagay raw sa damit ko at sa kulay ng buhok ko.
"Mukha kang doll, Ate!" Palakpak ni Myst na nasa higaan niya pa rin at naghihintay kay Adam.
"Chaka doll," bulong ko habang tumutulong sa pagliligpit ng make-up, kahit na sinabi na no'ng dalawa na sila na lang.
"No. Barbie doll!" sagot niya.
Tumawa na lang ako. Tumingin ako sa orasan na nasi ibabaw ng TV at nakitang alas-kwatro na. Naglakad ako papasok sa banyo para mag-spray ng perfume, pero wala na sa counter 'yong pabango ko.
"Myst, nakita mo ba 'yong perfume ko? Nandito ko lang 'yon nilagay kagabi," tanong ko.
"Oh! Iyon yata iyong kinuha ni Ate Nami!" ani Myst. "Kanina kasi pagkatapos niya maligo, tinanong niya sa akin kung sa akin ba iyon. Sabi ko hindi. Sabi ni Ate Nami, bago pa raw at nakakarton pa, kaya inakala namin na mayroon talaga sa bawat kwarto. Kasi 'di ba, may mga complimentary items na binigay pagkarating natin."
Dismayado akong lumabas ng banyo. "Kakabili ko lang no'n, eh. Paubos na kasi 'yong unang bote ko kaya nagbaon ako ng bago para back-up."
Hindi ako komportable sa ibang pabango. Iisa lang ang scent na gamit ko mula no'ng nag-18 ako at niregalo sa akin ni Papa 'yong pabango na 'yon.
"Sige, Ate! Sasabihin ko po kay Ate Nami mamaya. Sorry. Hindi ko po kasi alam na sa iyo pala iyon," paumanhin ni Myst.
Umiling ako. "Huwag na. Sa kaniya na lang iyon. Bibili na lang ako ng bago." Mabuti na lang at may kaunting spray pa na natira ro'n sa luma kong bote at iyon na lang ang ginamit ko.
Umambi si Myst. "Sure ka, Ate?" tanong niya.
"Baka mahal iyon. Ako na lang ang magbabayad."
"Haha. Hindi naman. Huwag ka nang mag-abala." Tawa ko, kahit sa totoo lang ay hindi ko na alam kung saan kukuha ng pambili dahil sobra lang naman sa allowance ko 'yong ipinangbili ko ro'n. "Huwag mo na lang sabihin kay Nami."
Magkasabay na dumating sina Adam at Darwin para sunduin kami. Pakiramdam ko tuloy ay dadalo kami sa prom dahil maski silang dalawa ay naka-tuxedo at bihis na bihis.
Saglit na natulala si Darwin nang makita ako.
"Okay ka lang?" mahina kong tanong.
Ngumiti siya at umiling. "Hindi pa rin ako sanay sa ganda mo," aniya na tila hindi makapaniwala.
"Echosero ka." Tawa ko, kahit na pakiramdam ko ay iniihaw ako sa sobrang init ng mukha ko.
Pinauna niyang maglakad sina Adam at Myst, at nang malayo na sila sa amin ay hinila niya ako sa isang gilid.
Abot-tanaw ang dagat at rinig na rinig ko ang malakas na hampas ng mga alon, kasabay ng malakas na musikang nagmumula sa party area.
Kita sa dalampasigan ang iilang nakadaong na mga bangka at yate. Senyales na unti-unti nang nagdaratingan ang iba pa nilang mga bisita.
"Listen," mahina at kalmado niyang bulong habang nakaharap sa akin at nakahawak sa dalawang kamay ko. "I know I didn't handle last night as well as I should. I said a couple of things I now regret, and I just want to apologize for letting you sleep feeling bad."
Umawang ang bibig ko.
Bakit siya humihingi ng tawad sa akin?
Wala naman siyang ginawang masama.
Ako ang may atraso sa kaniya.
Ako dapat ang humingi ng paumanhin.
"Can we start again?" bulong niya. "Can we forget about last night and just have fun today?"
Binasa ko ang labi ko at tumango, bago tumingkayad para yakapin siya. "Okay," mahina at nahihiya kong bulong.
Ang bango niya.
Ang sarap niyang amuyin araw-araw.
Ilang segundo rin kaming magkayakap bago siya humiwalay sa akin. "You look incredible already, but I really want you to wear this," bulong niya.
Nagulat na lang ako nang maglabas siya ng isang kuwadradong karton na mayroong laman na makinang na kuwintas na gawa sa white gold at may mga diyamante.
Nanlaki ang mga mata ko.
Pamilyar ako sa kuwintas na iyon dahil nakikita kong isinusuot iyon ni Heart Evangelista sa ilang mga post niya sa Instagram. Kasama iyon sa Serpenti Collection ng Bvlgari na sa pagkakaalam ko ay milyon ang halaga.
"D-Darwin." Iyon na lang ang nasabi ko habang isinusuot niya sa akin iyong kuwintas.
Parang hindi ako makahinga habang kinakapa iyon na nakasabit sa leeg ko.
"Darwin, mas mahal pa 'to sa buong pagkatao ko."
Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ako makapaniwala sa regalong ibinigay niya.
"I don't want to tell you that you're priceless because that line's too overused. But you are, Mads. You are worth so much more than you give yourself credit for," ani Darwin. "If only you could see yourself the way I do..."
Para akong maiiyak.
Tama si Belle.
Masyadong mabuti si Darwin.
Matapos ang lahat ng ginawa ko ay hindi niya ako hinusgahan.
Tinanggap niya ako nang buong-buo at patuloy na minamahal.
Marami siguro akong ginawang kabutihan noong past life ko, kaya bumabawi si Lord sa akin ngayon at ibinigay siya sa akin.
"Come on," aya niya nang marinig naming nagsimula nang magsalita ang host ng event. "We don't want to be late."
Hinawakan niya ang kamay ko at saka kami magkasabay na naglakad patungo sa likod ng rest house kung saan nakatayo ang tinatawag nilang party area.
Hindi pa ako nagagawi sa bahaging iyon ng isla kaya muli na naman akong napanganga nang makita iyon.
Ang party area na tinutukoy nila ay isang malawak na glass pavilion na nakaharap sa dagat. Napakaraming ilaw sa loob, at malayo pa lang ay tanaw ko na ang napakaenggrandeng set-up na ginawa nila roon.
Bumilis ang pagkabog ng dibdib ko nang makita pa ang ilan sa mga bisita nila.
"Darwin!" Tawag ni Catrina Gray, sikat na beauty queen.
"Hey, Darwin!" Tawag naman ni Katherine Bernardo, isang tanyag na artista.
"Darwin, here!" ani pa ni Georgette Wilson, isa namang matagumpay na modelo.
"Good afternoon. Thank you for coming." Iyon lang ang paulit-ulit na bati ni Darwin sa kanila. Ni hindi niya sila hinahalikan sa pisngi gaya ng pagbating ginagawa niya kay Belle o sa iba pa nilang kaanak.
"Si Monica?" tanong ko. "Sa Romero siya nagtatrabaho, 'di ba? Hindi ba siya pupunta?"
Mapapanatag siguro ako kung mayroon akong makikita na kakilala ko.
Kumunot ang noo ni Darwin. "She no longer works for Romero," bulong niya. "She's the reason we lost Phoenix to Briones."
Briones.
Monica Ruth Briones.
Hindi ako makapaniwalang ngayon ko lang napagdugtong 'yon.
"Bakit?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Anong ginawa niya?"
Hindi ako gaanong malapit kay Monica pero base sa pagkakakilala ko sa kaniya ay hindi naman siya traydor at manloloko.
Umiling lang si Darwin. "Another time, Mads," bulong niya, bago ako ihinarap at ipinakilala sa ilan pang mga bisita nila.
"This is Madeline, my date."
Bago pa man kami makarating sa table namin ay tila malalagutan na ako ng hininga sa dami ng mga taong kinausap namin.
"Gusto mong ipakilala ka, 'di ba?" bulong ko sa sarili. "Ngayon, magdusa ka."
Pinakahuli naming nakausap si Tito Delfin, na bagamat nakaharap ko na kahapon ay muli akong ipinakilala ni Darwin.
"Dad, this is Mads," aniya, habang umiinom ng champagne si Tito Delfin, kausap ang ilan nitong mga kaibigan. "The woman I'm courting and my plus-one tonight."
Mabilis pa sa alas-kwatro na nabura ang ngiti sa mukha ni Tito Delfin.
"The same woman who volunteers in the Foundation, and the same woman who used to date your brother. Isn't that right, Darwin?" mahina at nakakasindak niyang tanong.
"That seems about right," walang takot na tugon ni Darwin. "Do we have a problem with that?" aniya bago ibinalot ang braso sa baywang ko.
Nakatingin sa kanila ang ibang mga bisita ngunit dahil sa hina ng mga boses nila ay ako lang ang bukod-tanging nakarinig sa mainit na pagpapalitan nila ng mga salita.
Humarap sa akin si Tito Delfin at sinuri ako ng tingin bago sumagot sa anak, "Do your job right and get Phoenix to sign with us. Then, there won't be a problem."
"No problem. I already signed Briones."
Napahinto si Tito Delfin at maski ako ay napatingin kay Darwin. Kanina lang ay sinasabi niya sa akin na hindi na nagtatrabaho si Monica sa Romero, at ito ang dahilan ng pagkawala sa kanila ng Phoenix. Bakit ngayon ay tila iba ang naging pahayag niya?
"Yes, we did lose Phoenix to Briones. But Briones is already ours," ani Darwin. "They have been for a month. You want me to catch a big fish, but I caught you an ever bigger one. You would know that if you paid attention to all the paperwork on your desk."
Hindi sumagot si Tito Delfin.
"Before you ask me to do my job right. Take a look at yourself and do yours first," ani Darwin na mas humigpit pa ang pagkakakapit sa baywang ko. "Enjoy the party, Father."
Hinatak ako ni Darwin patalikod bago kami naglakad papunta sa VIP table kung saan nakaupo sina Denver at Nami.
"Ano 'yon?" aligaga kong tanong sa kaniya. "Anong nangyari?"
Ngumiti si Darwin. "Monica now heads Briones. They are their own separate company, but yes, we already bought them a month ago."
Lito akong napailing. "So... hindi talaga nawala sa inyo iyong Phoenix?"
Umiling si Darwin. "I never lost a client, Mads," aniya. "I was rarely in the office because Monica and I were already working on the acquisition."
"Hindi alam ni Tito Delfin?" tanong ko.
"I sent him the paperworks which he all personally signed. Perhaps, he just didn't review them."
"Tiwala na kasi siya sa iyo," bulong ko. "Kaya pinipirmahan niya na lang ang lahat ng binibigay mo sa kaniya."
Inayos ni Darwin ang lapel ng tuxedo niya. "Which is why I am the CEO, and he is only the President."
Nanlaki ang mga mata ko.
Hindi ko alam na CEO na siya. Kapag tinatanong ko siya kung ano ang trabaho niya ay iba ang isinasagot niya sa akin.
"Get a grip, Patrick. There are people looking." Hindi na ako nakapagsalita nang marinig na sinuway ni Darwin ang kapatid.
Tiningnan ko si Denver at nakitang nakasubsob ang mukha niya sa leeg ni Nami na tila adik na sumisinghot ng rugby.
Nagtama ang mga mata namin, at doon lang siya natauhan.
"Damn. I need a drink," aniya, bago humiwalay kay Nami at nagmamadaling umalis.
"Ang dami na niyang nainom, Kuya," pasumbong na bulong ni Nami nang umupo kami sa harapan niya. "Kami ang pinakanauna rito, tapos kanina pa siya umiinom. Ayaw magpapigil."
Tumango si Darwin at inilabas ang cellphone. "Don't worry. The staff have already been instructed not to give him anything with alcohol. We don't want him getting drunk today."
"So... hindi siya lasing?" nakangiting tanong ni Nami.
"Hindi," maiksing tugon ni Darwin.
Abot-tenga ang ngiti ni Nami. "Thanks, Kuya! Sundan ko lang."
And with that, she departed from our table, too, and left us on our own. Ewan bakit ang saya niya.
Nagsimula na ang party kaya lumipad na sa isip ko ang lahat ng mga nangyari ngayong araw. Sina Luisa Manzano at Robin Domingo pa ang mga host kaya't talaga namang sobrang naging successful iyong event.
Nag-speech si Darwin, at gano'n din si Tito Delfin at ang ilan pa nilang mga kaanak na may posisyon sa kompanya. Inanunsyo rin nila ang tungkol sa ipinapatayo nila sa BGC na mall slash condominium. Natatandaan ka pa noong unang narinig ko kay Adam ang tungkol do'n. Back when Denver first and last brought me to a family dinner.
Matapos ang formal party ay nagkainan na ang lahat. Sobrang daming pagkain ngunit gaya ng ipinayo sa amin ni Belle ay hindi ako gaanong kumain at hindi ko rin inubos ang laman ng plato ko. Para kasi kaming nasa Bahay ni Kuya dahil pakiramdam ko ay may camera na nakatutok sa akin kahit saan ako magpunta.
Matapos kumain ay lumipat na ang mga bisita sa beach area upang doon ipagpatuloy ang selebrasyon.
Beach party on steroids!
Maski ako na ilang araw nang nandito sa isla ay nasabik nang makita ang set-up na ginawa nila sa beach. Napakaraming ilaw at sobrang lakas ng tugtog na pawang pang-party talaga. Pakiramdam ko tuloy ay nasa The Island ako.
Oo nga pala at literal na nasa isla ako.
Magkasama kami ni Myst na bumalik sa kwarto para magbihis. Mahirap naman kasing mag-swimming kung pareho kaming naka-dress at nakatakong pa.
"Ate, ang sexy mo talaga!" papuri niya sa akin habang sabay kaming nagpapalit ng damit.
"Mas sexy ka, 'no!" totoong kontra ko. Ang laki kasi ng boobs niya at mabalakang pa.
"Ikaw kaya 'yon, Ate!" aniya. "Pang-model 'yong katawan mo."
Hindi ko alam kung pang-ilan na siyang nagsabi no'n sa akin. May kapayatan kasi ako at mahaba ang legs. Ilang beses na ring may lumapit sa akin na mga modelling agency, pero hindi ko sila sineseryoso. Baka kasi scam sila at pagbayarin pa ako ng kung ano-anong mga fees.
"Hahaha. Oh, sige na. Parehas na tayong sexy. Tara na!" aya ko sa kaniya matapos mag-retouch ng lipstick.
Gaya kanina ay naghihintay pa rin sina Adam at Darwin sa amin. Pareho na silang nakapangligo, at pareho na ring basa ang buhok at katawan.
"Anong nangya— Ahhh!" Napasigaw na lang ako nang may nagbuhos sa amin ni Myst ng nagyeyelong tubig. Sunod ay nakita ko ang flash ng mga camera na nakatutok sa amin.
"I had no idea," agad na paumanhin ni Darwin na lumapit sa akin at binalot ako ng tuwalya. "They said it was for the bloopers."
Bloopers?
Party na may bloopers?
Anong kalokohan iyon?
Hinawi ni Darwin ang buhok ko at saka ngumiti. "Palagi ka ba talagang maganda?" mahinang tanong niya. Bigla na lang ay nawala na ang inis ko sa pesteng nagbuhos sa akin ng ice water.
Hawak-kamay kaming naglakad pabalik sa beach. Malakas pa rin ang party music at halos lahat ng mga bisita ay nasa tabing-dagat na at nagwawalwal. Nakita ko pa nga sina Belle at Kuya Felix na nagsasayaw sa gitna, habang si Acid naman ay nakatayo lang sa isang tabi at nakasimangot na naninigarilyo.
Ang saya siguro kung nandito rin ang mga kaibigan ko. Tiyak na nagse-sexy dance na si Pat at inaakit si Axl habang si Jolo naman ay lumulutang na sa gitna ng dagat, sakay ng flamingo niyang salbabida. Sina Justin at Aubrey ay nakaupo lang sa isang mesa at pinapakain si Zoe, habang sina Brent at Ganja ay may sarili nilang mundo at malamang ay nagpapayabangan kung sino sa kanila ang huling malalasing.
Napangiti na lang ako sa naisip.
Sana, makapag-outing na ulit ang buong barkada kapag gumaling na si Jolo.
"You want a drink?" tanong ni Darwin. "Margarita?"
"Damn, dude. She hates Margaritas," ani Denver na bigla na lang sumulpot na parang kabute at sumingit sa usapan namin ni Darwin.
"Uhm. Oo," pagsegunda ko. "Strawberry Daiquiri na lang."
"No," ani Denver. "Fucking no, Mads." Iling niya sa akin.
"They have Sex On The Beach. Get her those. She'll love 'em," utos niya naman sa kapatid. "I have an Excel file of all the things she loves and all the things she doesn't. I can email it to you if you need help."
Nakasimangot lang si Nami na nanonood sa amin, habang si Darwin naman ay tahimik na inoobserbahan lang si D.
Sabi niya ay binilinan na nila ang mga staff sa isla na huwag bigyan ng nakakalasing na inumin si Denver. Ngunit base sa labis na pamumula ng mukha nito, at pati na rin sa garalgal na paraan ng pananalita... tingin ko ay kanina pa malala ang tama niya.
"Come here," ani Darwin na hindi ko alam kung sino ang kausap.
Bigla na lang ay lumapit sa amin ang isang matangkad na lalaki na may suot na floral na polo at naka-shades kahit na malalim na ang gabi.
"Why is he drunk?" mahinang tanong ni Darwin sa lalaki.
"Sir, napansin niya yata na hindi siya tinatamaan kaya siya na ang nagpunta mismo sa bar at nagtimpla ng sarili niyang mix," sagot no'ng lalaki. "Wala naman pong nagawa 'yong mga barista."
Huminga nang malalim si Darwin at umiling. "Alright, get back to your station. I'll take him to our room."
Tumango 'yong lalaki at naglakad na papunta sa parehong puwesto niya, ngunit bago pa man maalalayan ni Darwin si Denver pabalik sa kwarto nila ay may lumapit na ritong reporter na nais itong kapanayamin.
"Mr. Romero!" bati ng babae na may hawak na mic at may kasamang videographer na nakatayo sa likuran niya. "I'm Fiona Hernandez from YouScoop. I was wondering if you can give us a few minutes to talk with you tonight?"
Unang rinig ko pa lang sa pangalan niya ay alam ko na ang magiging reaksyon ni Denver.
"Hahahaha." Tawa ni D na inakbayan ang babae. "Fiona raw," aniya sabay turo kay Fiona at iniharap ito sa amin. "Mads, Fiona raw, oh."
"Denver—"
"Remember how you gave me a hard time after you found out about Fiona?" tanong ni Denver. "You didn't speak to me for days."
"Denver, come on." Kumapit si Nami sa braso niya pero hindi niya ito pinansin.
"Do you know how miserable I was whenever you refused to talk to me?" tanong niya.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya lalo pa nang napansin ko na may mga taong nakatingin sa amin at may iilan pang nakatutok sa amin ang camera ng mga cellphone.
"I was M-I-S-E-R-A-B-L-E... miserable, Mads! And now, it's been months. And I am going I-N-S-A-N-E... insane!"
Nakaakbay pa rin siya kay Fiona habang patuloy sa pagwawala — spelling bee mode.
"You could have dated anyone. Any fucking one!" He cried. "Why did you fucking pick my brother, huh?!"
Para akong nasa pelikula sa sobrang dami ng mga nangyayari. Hindi ko alam kung saan titingin at hindi ko alam kung kanino makikinig.
Umiiyak si Nami.
Naglapitan sila Belle.
Naestatwa si Darwin.
At si Tito Delfin ay tanaw kong naglalakad na rin palapit.
"I was watching the cameras last night." Iyak ni Denver. "I couldn't sleep so I watched the fucking cameras, Madeline. And I saw you."
Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang mapagtanto kung ano ang tinutukoy niya.
"You didn't seem to finish, though. Do you need help?" tanong niya kay Darwin. "I can also make an Excel file of—"
Hinawakan ni Darwin ang kamay ko at saka ako hinila palayo sa mga tao, pero hindi pa tapos si Denver.
"Why do you always walk out before it's over, Darwin?" tanong niya. "Let people fucking fi—"
Bago pa matapos ni Denver ang sasabihin niya ay tumama na sa mukha niya ang matigas na kamao ni Darwin, sanhi kung bakit siya tumumba sa sahig.
Nasilaw ako sa dami ng mga camera na tumapat sa amin.
Naramdaman kong binitawan ni Darwin ang kamay ko bago muling inambahan ang patayo pa lang na si Denver.
"T-Tama na!" sigaw ko, bago madaling humarang sa kanila.
Nanginginig ang buo kong katawan.
"D-Darwin, tama na!"
Puno ng galit ang mga mata niya. Nakakuyom pa rin ang kamao niya ngunit pinigilan niya ang sarili at napamura na lang, lalo pa at nakaharang na ako sa pagitan nila.
"Halika na," bulong ko kay Denver na natatawang umiiyak lang sa sahig.
Hindi siya kumibo.
"Denver, halika na!" sigaw ko bago siya pilit na pinaupo habang patuloy pa rin sa pagkukumpulan ang mga tao sa paligid namin.
Tumayo ako at naglakad palayo sa mga tao habang si Denver naman ay naramdaman kong gegewang-gewang na nakasunod sa akin.
Nalulunod ako sa dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko.
Malayo na kami sa mga tao, at nasa harap na ng rest house nang maramdaman ko ang kamay niya na humawak sa akin.
Kusang gumalaw ang kamay ko at hinawakan din siya pabalik, kaya't napailing na lang ako habang unti-unting bumabagsak ang luha sa mga mata ko.
"Bakit mo ginawa 'yon?" umiiyak kong tanong. Hinarap ko siya at nakita ko ang dugo sa gilid ng labi niya kung saan siya tinamaan ni Darwin. "Bakit mo ginawa 'yon, Denver?! Napakaraming tao ro'n! Nando'n si Nami, si Tito Delfin, si... si D-Darwin!"
Ngumiti siya.
Iyon bang klase ng ngiti na ramdam kong may kahalong sakit.
"Wala na akong pakialam, Mads," bulong niya. Hinila niya ang kamay ko bago ako niyakap nang napakahigpit. "Tangina. Hindi ko na talaga kaya."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top