42: The Lagoon
M A D E L I N E
Magkatapat kami ni Myst ng higaan at magdamag lang kaming nagtitigan habang palihim na umiiyak si Nami.
Akala niya siguro ay hindi namin siya rinig, ngunit dahil sa katahimikan na bumabalot sa buong silid ay wala kaming ibang marinig bukod sa mga hikbi niya.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari.
Marahil ay nag-away sila ni Denver kaya't umiiyak siya ngayon at kaya gano'n na lang ang inasta sa akin ni Denver kanina.
Ayaw kong manghimasok sa relasyon nila. Masaya at kuntento ako kung saan kami papunta ni Darwin, kaya sana ay maayos na rin nila Nami at Denver 'yong kanila.
Pero hindi ko mapigilang isipin na baka kasalanan ko ang lahat.
Kung hindi ako nagpatulong kay Denver sa report ko sa elective, at kung hindi ako pumunta sa condo niya... hindi siguro mangyayari ang lahat ng ito.
Napailing na lang ako nang maalala na inasar ko pa siya bago ako umalis dahil nakita kong... ugh.
Nakakahiya!
Hindi ko sana ginawa 'yon.
Pasado alas-tres nang tumigil na sa pag-iyak si Nami at marahil ay nakatulog na. Tiningnan ko si Myst at nakapikit na ang mga mata niya at bahagyang nakabuka pa ang bibig sa sobrang himbing ng tulog.
Nilabas ko ang cellphone ko at agad na tinext si Darwin.
Good morning.
Wala pang sampung segundo ay nag-reply na siya.
Charles
Good morning.
Ang aga mong nagising, ah?
Charles
Couldn't sleep.
Ang sungit mo.
I waited for five minutes but he no longer replied.
Darwin?
Charles
Do you want to take a walk?
Limang minuto akong naghintay, tapos 'yon lang ang reply niya? Bago pa ako makapag-text back ay narinig ko na ang mahinang pagkatok sa bintana na katapat ng higaan ko. Pagsilip ko ay nakita ko siyang nakatayo sa labas at nakatingin sa akin.
Mahina akong napamura kasabay ng pagtalon ng puso ko.
Binuksan ko ang bintana at saka siya sinuway. "Para kang multo diyan!"
Tumawa lang siya at ngumiti. "I'm going for a walk. Do you want to come along?"
"Bakit ako sasama sa iyo, eh, ang sungit mo sa akin?"
"Mads—"
"Nag-text ka ng good morning, wala namang smiley."
"I was smiling when I texted."
"Hindi ko naman nakita."
"Mads—"
"Kiss mo muna ako with tongue, sasama ako."
"Alright. Come out and I will."
Nagtama ang mga mata namin at bumilis na lang ang kabog ng dibdib ko nang makitang hindi na siya nakangiti at nagbibiro.
"Uhm, t-teka!" paalam ko bago nanginginig na isinara ang bintana at saka tumakbo papunta sa banyo para mag-toothbrush.
I look like shit.
My hair is everywhere and my lips are awfully pale.
I brushed my teeth and then quickly tied my hair up before putting on a bit of strawberry-flavored lip balm. There is nothing worse than tongue-kissing someone with really dry and chappy lips.
Suddenly... out of nowhere... I thought of Denver and just how dry his lips were when we kissed for the first time.
He used to have the most unkissable lips before he met me. I was actually the one who introduced him to chapstick, but I think he stopped using it after we broke up because I remember that his lips went back to being dry when I kissed him for the last time. Back when I thought he and Nami were over and he wanted to give us another shot.
I don't know I suddenly started thinking about him but the more I tried to stop, the more I couldn't.
I took my time.
I took way too much time.
Thirty minutes?
An hour?
When I left the bathroom and stepped outside, the Sun was already up.
It must have been more than an hour, but Darwin was still outside — waiting. He was heavy-eyed from lack of sleep but he still smiled when I opened the door and approached him.
"We missed the sunrise," he whispered. I noticed how his eyes quickly roamed on my face, almost as if he was checking for something. "Do you still want to take a walk?"
Tumango ako.
Magkasabay kaming naglakad patungo sa beach habang bigla namang sumulpot at sumunod ulit sa amin sina Lilo at Stitch.
Saan kaya sila natulog?
"Uhm, k-kumusta si D?" tanong ko. "Si Denver?"
Matipid na ngumiti si Darwin. "He was sleeping when I left."
Tumango ako. "Okay."
Pagkababa namin sa dalampasigan ay nadaanan namin ang mga lounge chair at beanbags na pawang mga bakante. Lahat siguro ng mga bisita ay tulog pa at kaming dalawa ang pinakaunang nagising.
"Puwedeng dito na lang tayo?" tanong ko kay Darwin. "Parang mas masarap magpahinga na lang. Tinatamad pa akong maglakad-lakad."
Umupo kami sa magkatabing beanbags na hindi ko inasahang sobrang lambot at mas malaki pa sa akin.
Humiga ako at gano'n din si Darwin.
Hindi kami nag-usap.
Tahimik lang kaming tumitig sa dagat habang unti-unting tumataas ang pagsikat ng araw.
Nagulat na lang ako nang kalabitin niya ako at bumulong sa tainga ko, "Wake up. Breakfast is ready."
"H-Ha?" wala sa sariling tanong ko.
"You fell asleep," mahinang bulong ni Darwin. Hindi ko alam kung bakit ngunit kitang-kita ko ang labis na kalungkutan sa mga mata niya.
May nangyari ba?
"Uhm, o-okay," sagot ko. Saka ko lang napansin na nakasandal pala ako sa balikat niya at nakayakap pa ang kamay sa katawan niya.
Gaano katagal kaming nasa ganitong puwesto?
"Come on, sleepyhead," aniya bago ako tinulungang tumayo at magpagpag ng damit. "We'll eat first and then we'll go island hopping with the rest."
He is forcing a smile, trying his best to look happy, but his eyes reflect a different emotion.
I wonder what happened.
Tahimik kaming kumain ng agahan kasama ang pamilya niya. Kasama namin sa table sina Adam, Acid, Myst, Kuya Felix, at Belle, pero hindi ko makita sina Nami at Denver.
"Mamsh, nasa kwarto pa si Nami?" mahinang tanong ko kay Myst.
Umiiling siya. "Wala na siya sa kama niya, Ate. No'ng nagising ako, wala na kayong dalawa. Natakot nga ako na baka naiwan na ako, eh."
"Sorry," paumanhin ko. "Ang himbing kasi ng tulog mo. Hindi na kita inistorbo no'ng lumabas ako."
"Okay lang, Ate! Excited lang talaga ako sa island hopping kaya natakot ako na maiwan. Sabi ni Adam magsu-scuba diving din daw tayo, eh."
Nginitian ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero hindi ako mapakali ngayong hindi ko na naman makita sina Nami at Denver.
Hindi rin sila sumabay sa amin na mag-dinner kagabi.
Sana okay lang sila.
"Our father will be here later. Probably before lunch," bulong ni Darwin sa gilid ko. "I'll introduce you. Just be calm, okay?"
Huminga ako nang malalim. Alam ko namang hindi ko maiiwasang harapin ang tatay nila dahil 'yon talaga ang dahilan kung bakit ako isinama ni Darwin dito. May ilang oras pa naman. Maihahanda ko pa ang sarili ko sa pagdating niya. "Okay," sagot ko.
Matapos kumain ay bumalik muna kami sa kaniya-kaniyang mga kwarto para magbihis. Marami akong binaon na swimsuit kaya hindi ako makapili. Mabuti na lang at kasama ko si Myst sa kwarto at tinulungan niya akong magdesisyon.
"Iyong black, nagmumukhang mas malaki 'yong boobs mo, Ate," aniya. "Iyong blue, nagmumukhang mas mahaba legs mo," dagdag niya pa. "Iyong red naman, nagmumukha kang mas maputi. Pero 'yong emerald green, bagay sa buhok mo."
"Okay." Tawa ko. "Okay, Myst. Ang laking tulong no'n. Salamat."
Tumawa lang din siya. "Hahaha! Ang sexy mo naman kasi, Ate! Bagay sa iyo lahat. Pero personally, mas bet ko 'yong green."
Narinig ko na ang pagkatok ni Darwin sa pinto kaya madali kong isinuot 'yong green na bikini at hinablot 'yong shades ko mula sa kama.
Wala akong ibang dala dahil iniwan ko rin 'yong cellphone ko na naka-charge. Hindi ko kasi mae-enjoy ang araw kung poproblemahin ko pa kung saan itatabi ang mga gamit ko.
Napalunok si Darwin nang lumabas ako ng kwarto at sa unang pagkakataon ay nakita niya akong naka-swimsuit.
"Okay lang? Hindi ba masyadong revealing?"
Umiling siya at saka umiwas ng tingin na tila ba nasisilaw.
Nadismaya ako nang makitang nakasuot lang siya ng puting t-shirt at beach shorts na abot hanggang tuhod. Hoping pa naman ako na makita ang abs niya kasi sure ako na mayro'n.
Naglakad na kami papunta sa yate at palihim akong nakahinga nang maluwag nang makitang nando'n na si D. Nakaupo siya sa cockpit at nagyoyosi habang kausap si Acid. Mabuti naman at maayos na ang lagay niya.
Nang makasakay na kami sa yate ay siya ang unang bumati sa akin. "Good morning." Ngiti niya.
Mukhang maayos na maayos na ang mood niya. Malayo sa inasta niya kagabi.
"Good morning," tugon ko.
"How's your first night? Did you sleep comfortably?" tanong niya.
"Uhm, oo," pagsisinungaling ko. Ni hindi nga ako nakatulog, eh. "Ikaw?"
"Sucked." Tawa niya. "I woke up with a migraine. I don't even know how I got in our room, so I'm asking Acid here."
"You drank too much," ani Acid.
"Yeah. I thought so, too," pagsang-ayon niya.
"Wala kang maalala?" tanong ko. "K-Kagabi?"
Nagkibitbalikat siya. "Well, at least, I'm alive," aniya. "Good morning, brother," bati niya kay Darwin na tumayo sa likod ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Morning," masungit na tugon nito.
Tumingin si Denver sa relo niya at saka mahinang napamura. "Shit. Si Nami."
And with that, he got off the yacht without another word and ran back to the rest house.
Sobrang litong-lito na ako sa nangyayari. Masaya si Denver. Wala sa mood si Darwin.
Bakit?
"Hey," mahinang bulong ko, bago kinalabit si Darwin.
"Hmm?"
"Bakit bad mood ka?" tanong ko.
"What do you mean?"
"Ikaw. Bad mood ka mula pa kanina. Dahil ba hindi natin napanood 'yong sunrise?"
Binasa niya ang labi niya at umiling. "Let's talk later."
"Ano nga? Nag-uusap na nga tayo ngayon, eh. Hindi ako mapapakali kapag hindi mo sinabi."
"We'll talk later, Mads. I promise."
"Hay!" reklamo ko. "Mag-o-overthink nga kasi ako kung mamaya pa. Sabihin mo na ngayon. Pareho lang din naman 'yon."
Tumingin siya sa akin na walang ekspresyon ang mga mata. Hindi rin siya nakangiti, hindi gaya kanina na pinipilit niya pang magmukhang masaya.
"You fell asleep next to me," bulong niya.
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Galit ka dahil natulugan kita?"
Umiling siya. "You fell asleep and you were sleeptalking."
"And?"
"And..." Umiwas siya ng tingin sa akin. "You were calling my brother's name."
"So?"
"You were... you were moaning his name, Madeline."
Nag-init ang mukha ko.
"Darwin, panaginip lang 'yon. Are you really going to take that against me? Ang unfair naman yata no'n? Hindi ko naman kontrolado ang panaginip ko."
"I'm not taking anything against you. I'm not mad at you, Mads," aniya. "But am I not allowed to feel at least a little bit down?" Huminga siya nang malalim at minasahe ang noo niya. "You were moaning my brother's name repeatedly. And I know that it's a dream and you have no control over it, but that's what bothers me more."
"What?"
"That he's the one you think about when you lose control."
Nang mga oras na iyon ay magkakasunod nang dumating sina Belle, Kuya Felix, Myst, Adam, Nami, at Denver, kaya naputol na ang usapan namin.
"We'll talk later, Mads," mahinang bulong ni Darwin, bago hinalikan ang noo ko at pilit na ngumiti.
Dahil sa naging usapan namin ay ako naman ang nawala sa mood.
Maayos naman ako kahapon.
Masaya kami kahapon.
Kung hindi dahil sa ginawa ni Denver kagabi, hindi naman ako magkakaganito.
Matagal ko na siyang hindi naiisip, at mas lalong matagal ko nang hindi napanaginipan.
Bakit niya ba kasi kailangang guluhin ulit ang lahat?
Bakit niya pa ako kinausap kagabi kung guguluhin niya lang ang utak ko tapos ay kakalimutan ang lahat?
"Ayos ka lang?" tanong ni Belle.
Tumango ako.
"Ang ganda ng bikini mo. Bagay sa iyo."
"Salamat."
Normally, magiging sobrang saya ko na kapag may pumuri sa itsura o sa suot ko. Pero ngayon... kahit yata kausapin ako ni Justin Bieber at sabihing ako ang Favorite Girl niya, hindi pa rin ako magiging masaya.
Gaya ng napagplanuhan ay nag-island hopping kami sa iba't-ibang isla ng Hundred Islands. Bukod sa Children's Island, Quezon Island, at Governor's Island, marami pang malalaki at magagandang isla na hindi gaanong napupuntahan ng mga tao.
Ang huli naming pinuntahan ay ang Papaya Island na mayroong malaking kuweba na may lagoon sa loob. Napakaganda ro'n at low tide pa kaya't nakapaglakad kami sa dalampasigan para mamulot ng mga seashells.
"This one looks like you," bulong ni Darwin, sabay abot sa akin ng puting seashell na mayroong mga orange na highlights.
"Thank you," bulong ko bago ito kinuha mula sa kaniya.
Buong araw ay gano'n lang ang naging takbo ng usapan naming dalawa. Magtatanong ako, sasagot siya. Magsasalita siya, tutugon ako. Pero hindi kami nakapag-usap nang tuloy-tuloy na siyang dati naman ay walang problema naming nagagawa.
"Puntahan ko lang sila Belle," paalam ko. "Pupunta raw sila sa cave."
Taimtim siyang tumingin sa akin at saka tumango.
Madali akong umalis at dumiretso sa kuweba. Mag-uusap naman kami ni Darwin mamaya at sigurado akong maaayos namin kung ano man 'tong nangyayari sa amin, pero sa ngayon ay gusto ko munang malayo sa kaniya.
Dire-diretso akong naglakad papunta sa kuweba at ngiting napamangha sa angking ganda nito.
Maliit at mababa lang 'yong lagusan ngunit pagpasok sa loob ay napakalawak nito. Rinig na rinig ang bawat paghampas ng alon sa mga bato at sobrang nakaka-relax sa pakiramdam.
Hindi ko lang inasahan na madulas pala ang mga bato kaya sa unang hakbang ko pa lang ay dumulas ang paa ko at nahulog ako sa lagoon.
Nagulat ako nang biglang dumating si Lilo at tumalon papunta sa akin. Si Stitch naman ay nanatiling nakatayo sa batuhan at walang tigil sa pagtahol.
"Okay lang!" sigaw ko sa kaniya. "Okay lang, Stitch!"
Mababaw lang naman 'yong tubig at hindi ganoon kalalim.
Tumakbo si Stitch palabas ng kuweba habang naiwan naman si Lilo na lumalangoy sa tabi ko at tila gusto akong hilahin paakyat.
"Mamaya na," bulong ko sa kaniya. "Dito muna tayo."
Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sarili ko na magpalutang-lutang sa tubig.
Mabuti pa rito ay malayo ako sa mga tao at walang ibang iniisip.
Sana matapos na ang araw na 'to para maging maayos na ulit kami ni Darwin. Sobrang lungkot kasi kapag hindi. Pero paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang tungkol sa panaginip ko? Ni hindi ko na nga maalala kung ano 'yon.
Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko ang unti-unting pagtaas ng tubig kaya't minabuti kong umalis na bago pa ako maabutan ng high tide. Narinig ko kasing binanggit kanina ng tour guide na tuwing high tide raw ay nagsasara ang kuweba dahil tumataas ang lebel ng tubig at hindi nadaraanan ang lagusan.
"Uhm, Stitch!" sigaw ko nang mapagtanto na hindi ako makaakyat dahil sa dulas ng mga bato. "Stitch!"
Kapag hinintay kong umangat ang tubig ay siguradong hindi na ako makakalabas sa lagusan dahil sa baba no'n.
"Stitch!" sigaw ko pa, habang si Lilo naman ay nananatiling lumalangoy sa tabi ko.
Nagsisimula na akong matakot.
Alam kong hindi ako malulunod dahil hindi naman tataas nang sobra 'yong tubig, pero natatakot akong ma-trap sa loob nitong kuweba kapag nag-high tide.
"Mads."
Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Denver na nakatayo sa may lagusan at kasama si Stitch na kumakawag ang buntot.
"Be careful! The rocks are sli—"
Bago ko pa mabalaan si Denver ay nadulas na rin siya at nahulog sa lagoon gaya ko.
"What the—"
"Sinabi na ngang madulas, eh!" inis na sermon ko sa kaniya. "Nadulas din ako kanina."
"Stitch, look for Kuya Acid. Pull him here," ani Denver sa aso.
Inirapan kami ni Stitch na tila ang bobo naming dalawa, bago madaling lumabas ng kuweba sa pangalawang pagkakataon.
"Good boy, Stitch!" sigaw pa ni Denver. Hinawi niya ang buhok niya at saka humarap sa akin. "Are you hurt?"
Umiling ako. "Ikaw?"
Umiling din siya.
Tumango ako. "Happy birthday. Hindi pa pala kita nababati."
Ngumiti lang siya at nagpasalamat.
Siguro ay ilang minuto rin kaming natahimik na dalawa. Nagsisimula na akong lamigin dahil ilang minuto na akong nakababad sa tubig, pero hindi ako nagsalita.
"Remember my birthday last year?" biglang bulong ni Denver.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya.
"We were at the beach, too. Remember?" tanong niya.
I closed my eyes and tried my hardest not to remember last year. But just like earlier, the more I force myself to stop thinking, the more I do.
That's when I remembered.
The dream I had earlier this morning.
The dream where I was sleeptalking according to Darwin.
Denver's birthday last year and our time together at the beach. That was what I was dreaming of!
Oh, my god.
I shook my head in embarrassment.
What if I was not only moaning his name?
What if I was also... ugh!
"Tapos nagpa-tattoo tayo. Ako sa kamay. Ikaw sa..."
Hindi na niya itinuloy 'yong pahayag niya. We both know where I had my tattoo done.
"Denver, ano bang gusto mo?" tanong ko.
Umiling siya. "Wala," bulong niya. "Gusto ko lang malaman kung naaalala mo pa."
It was half an hour later before we both got out of the lagoon after Acid pulled us out. "Hurry up. Tito Delfin is waiting."
"He's here?" tanong ni Denver.
"His chopper arrived ten minutes ago. He's looking for you," ani Acid.
Napalunok na lang ako sa narinig.
Nakalimutan kong ngayon nga pala ang dating ni Tito Delfin.
Hindi ako nakapaghanda!
Naka-bikini lang ako at hindi ko alam kung ano ang iisipin niya kapag nakita ako sa suot ko. Oo, nasa beach kami. Pero mula pa noon ay may pagka-judgmental na siya, at ayaw ko namang isipin niya na wala akong delikadesa.
Nagulat na lang ako nang hinubad ni Denver ang t-shirt na suot niya at saka iyon inabot sa akin. "Put this on," seryosong bulong niya.
"H-Ha?" tanong ko habang hawak-hawak iyon.
"Just wear it, Mads. Come on."
Wala na akong nagawa kung hindi suotin iyon gaya ng sabi niya. Maluwag iyon sa akin at abot hanggang ibaba ng puwetan.
Kasama sina Acid at Lilo ay lumabas kami ng kuweba at saka hinarap si Tito Delfin na nakapamaywang at salubong ang kilay.
"I fired the tour guide! They shouldn't have let you in the cave knowing the risk of high tide! Very irresponsible!"
"Hello, father," bati ni Denver. Hinila niya si Nami na parang puppet na nakatayo sa gilid at saka ito hinarap kay Tito Delfin. "This is Nami, my girlfriend."
Lumapit naman sa akin si Darwin na puno ng pag-aalala ang mukha. "How are you? What happened?" tanong niya.
"Okay lang. Natagalan lang kami makalabas," sagot ko.
Nakita kong bumaba ang tingin niya sa t-shirt na suot ko. Saka ko lang napansin na mayroon palang nakasulat na Dawson University iyon sa harap. Hindi ko makita, ngunit malamang sa likod ay Denver Romero naman ang nakaimprinta, tila jersey.
Umiwas ng tingin sa akin si Darwin at rinig na rinig ko ang malakas na pagkawala niya ng hininga.
Lumapit sa amin si Tito Delfin na nakasimangot pa rin. "Darwin, you said you'll introduce someone to me. Is it her?" tanong ng matanda.
Agad akong ngumiti at ipinostura ang sarili.
Humarap si Darwin sa akin at lumunok bago tinanggal ang pagkakahawak sa balikat ko. "No. This is Mads," aniya kay Tito Delfin. "A volunteer in the Foundation."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top