37: Red-Haired Madeline
M A D E L I N E
On weekdays, I feel like I'm floating because I see Darwin everyday when he would come and pick me up from school.
On weekends, I still feel like I'm floating because I still see him everyday when he would pick me up from our house so that we can spend the rest of the day together.
I don't know for sure what we are doing, but there's no point in questioning what we are.
We are just enjoying each other's company, and that's it.
I don't need to put malice in our relationship just because my chromosomes are XX and his are XY.
"Sigurado ka, maghihintay ka?" tanong ko sa kaniya nang pinaupo na ako ng hair stylist sa harap ng isang malaking salamin.
"Yes, I'll stay right here," ani Darwin. "Just call me if you need anything."
Kasalukuyan akong nasa salon para magpaayos ng buhok. Gusto ko sana 'yong medyo orange na medyo red tapos beach waves. Parang buhok ni Victoria sa Twilight. Ang lakas kasi maka-blooming no'n.
Tantiya ng stylist ay aabutin daw ng limang oras ang buong proseso, kasama na ang perm, hair color, at kung ano-ano pang treatment.
Three hours in and my phone already ran out of battery. Five seconds later and Darwin was already standing next to me, handing me a powerbank. "Bibili lang akong pagkain," paalam niya.
Nang makabalik siya ay may bitbit na siyang milktea, fries, at isang banig na gamot.
"Bakit may Biogesic?" tanong ko.
"Baka sumakit ulo mo mamaya."
"Sasakit po ba ulo ko, Ate?" tanong ko sa hair stylist.
"Baka po, Ma'am. Matapang po kasi 'yong ginamit na bleach dahil itim na itim po 'yong buhok niyo."
"Why? What color are you turning it into?" tanong ni Darwin sa babae. Hindi ko kasi sinabi sa kaniya 'yong plano ko sa buhok ko dahil gusto kong masurpresa siya.
"Huwag mong sabihin, Ate!" mabilis kong pigil.
"I will literally see it on you later, Madeline," ani Darwin na hindi ko alam kung natatawa ba sa akin o naaasar.
"Ayaw ko. Nahihiya ako," sagot ko.
Kumuha siya ng fries at saka 'yon sinubo sa akin. "Sa akin pa talaga? Tanggap ko naman lahat."
Nagngitian 'yong mga hair stylist sa paligid nang marinig ang sinabi niya.
"Ang sweet naman ng boyfriend mo, Ma'am," komento ng isa.
"Ay, hindi ko boyfriend 'yan!" umiiling na tutol ko.
Nagkatitigan kami ni Darwin sa salamin.
"Ha? Eh, ano lang po?"
"Uhm, ano, parang—"
"Ewan ko, sino 'yan," ani Darwin. "Nakita ko lang 'yan nag-post sa Facebook: Looking for sugar daddy."
"Hoy, excuse me!" singhal ko. "Ako magbabayad nito lahat, 'no!"
"Ah, Ma'am?" ani hair stylist na nag-aayos ng buhok ko. "Binayaran na po ni Sir lahat kanina pa."
Nakakaasar na ngiti lang ang ibinalik sa akin ni Darwin nang irapan ko siya sa salamin. May pambayad naman ako kaya hindi na niya kailangang gawin 'yon. Hinampas ko siya ng blower hanggang sa wakas ay lumayo na siya sa tabi ko at bumalik na sa puwesto niya kanina.
Tinuloy ko na lang ang pagse-cellphone pero paminsan-minsan ay pasimpleng tinitingnan ko siya sa salamin at isang beses ay nahuli pang nakatingin na siya sa akin.
"Okay na, Ma'am!" ani ateng hair stylist nang matapos na siyang ayusin ang buhok ko makalipas ang dalawa pang oras.
Tumingin ako sa salamin at maski ako ay natulala sa sarili kong ganda. Kamukha ko si Scarlet Witch. Shit lang, ang diyosa ko.
Lalapit na sana ako kay Darwin para ipakita ang bagong look ko, pero nang tumalikod ako ay wala na siya sa sofa kung saan siya nakaupo kanina.
Lumabas ako ng salon para hanapin siya at nakita ko siyang nakatayo sa isang gilid at may kausap na naman sa telepono.
Walang araw na lumipas na walang tumawag sa kaniya. Naiintindihan ko naman 'yon dahil parte 'yon ng trabaho niya at sa totoo lang ay gusto ko pa ngang nakikinig sa kaniya minsan.
Ewan ko ba. Natutuwa lang kasi ako na sa ibang tao ay ang sungit niya, samantalang sa akin ay kabaliktaran.
Ang lakas lang makahaba ng hair.
Tahimik akong naghintay sa gilid hanggang sa matapos ang tawag niya. Humarap siya sa akin at no'ng una ay hindi kaagad ako napansin, pero nang titigan niya ako sa loob ng ilang segundo ay unti-unti nang bumuka ang bibig niya.
"Mads?" tila alinlangan niyang tanong.
"Okay ba?" tanong ko. Nakatulala lang kasi siya sa akin na parang nakakita ng multo.
"Okay." Lumunok siya at umiwas ng tingin. "Okay naman."
"Ano ba 'yan! Ang anticlimactic naman ng reaction mo. Gusto pa naman kitang i-surprise!"
Naglakad ako palayo at iniwan siyang mag-isa. Nakakatampo lang na ilang oras akong nagpaganda tapos sasabihin niya okay lang.
Duh. Sobra pa sa okay lang ang itsura ko ngayon, 'no. Habang naglalakad nga ay ang daming nagtitinginan sa direksyon ko at halatang nagagandahan sa akin.
"Mads," tawag ni Darwin. Pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit na nagsisimula na ngang sumakit ang ulo ko. "Madeline!"
Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang na naglakad kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.
Ang babaw, pero naiiyak ako.
Lahat ng mga babae sa paligid niya ay napakaganda. Si Belle, si Jade, maski nga 'yong receptionist sa lobby ng building nila.
Sino ba naman ako para magandahan din siya sa akin, 'di ba?
Sumakay ako ng taxi at iniwan siyang nakasunod sa akin. Kinabukasan ay sinundo niya ako sa school pero nag-book na lang ako ng Grab. Nagte-text siya at tumatawag pero hindi ko rin 'yon pinapansin.
Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin. Ang alam ko lang ay masama ang loob ko sa kaniya.
Biyernes nang umuwi ako sa bahay at sa pangalawang pagkakataon ay naabutan ko ang kotse niya na nakaparada sa gilid ng gate.
Aalis na sana ako at pupunta na lang kanila Pat nang maramdaman ko ang kamay niya na muling kumapit sa braso ko at pinigilan ako. "Mads," bulong niya.
Kingina naman, maski boses niya ang pogi. Sinabi niya lang 'yong pangalan ko pero parang gusto ko nang isuko ang Bataan.
Char.
Pero puwede rin.
Another char.
"You've been avoiding me long enough," he whispered.
"Avoiding you?" tanong ko. "Bakit? Kailangan bang magkasama tayo araw-araw?"
He massaged the back of his neck and looked at me apologetically. "Is that too bad?"
I almost didn't hear him but I did.
"Oo, kasi naiinis ako sa iyo," pag-amin ko. "Sabi mo okay lang 'yong itsura ko. Hindi ka man lang nagandahan sa akin. Wala man lang, Ang ganda mo Mads, o 'di kaya Bagay sa iyo, Mads," hinaing ko. "Ang sabi mo lang Okay, ano kaya 'yon. Sinadya ko pa naman 'yon para sa iyo."
I sound like a kid throwing tantrums but Darwin managed to remain calm and level-headed.
He waited a few seconds to speak.
"Madeline, I genuinely ran out of words when I saw you," he whispered, his hand still firm on my wrist. "You left me speechless, and I'm sorry if I still don't have a word strong enough to describe just how much you affect me."
I don't know what I expected to hear from him, but that wasn't it.
"Of all the infinite things I could be thinking about... I somehow always end up thinking of you," he whispered. "And when you took my breath away that night... I felt fearful because I know I'd never stand a chance on you."
"Darwin, what are you—"
"I like you. I know that I shouldn't, but that is the truth." He swallowed. "When you're around, I find myself smiling more than I used to. When you're not, I find myself craving for you. When you're going through something, I find myself wishing that I could fight your battles for you. Mads..." He paused. "I just woke up one day and realized that you're all I care about. Trust me, I avoided it... but damn, I like you."
Our eyes met, sending a wave of electricity through my body that I have now somehow gotten used to.
"You're crazy..." I whispered, shaking my head in disbelief.
This time, I was the one left speechless.
If I'm going to be honest, this isn't how I expected tonight to end.
In fact, I never expected this to ever happen.
Who would have thought that I'd pull Darwin Kyle Romero?
His mouth parted open and he looked so devastated, I almost felt sad for him.
"You're crazy... for thinking that you don't stand a chance," I added.
It took him a while but he got there, and he smiled as soon as he understood.
"I'm not going to make it easy for you, though," I whispered challengingly.
"As you should," he whispered as he pulled me close and planted a soft and lingering kiss on my forehead. "Way too many people chose to give up on you, Mads. I swear, I have no plans of adding my name on that list."
I nodded at him and closed my eyes, drowning in his scent and clinging on to his promise.
My brain is going wild and my heart is having a party of its own.
Is this really happening?
Are we really doing this?
"Now, can I pick you up again tomorrow?" he asked with a chuckle.
Call it déjà vu, but I answered...
"Okay."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top