32: A Whole Lot of Maybes
M A D E L I N E
"Ikaw na," ani Darwin na nakasalampak sa sahig habang nakaharap sa laptop niya.
Sobrang stressed na ako sa school kaya niyaya ko siyang makipag-inuman at nandito kami ngayon sa condo niya.
Buntonghininga kong kinuha ang shot glass na nakapatong sa mesa at saka sinalinan ang sarili ko ng alak.
Malakas akong uminom, pero shutanginamerz, mas malakas siya.
Puno bawat tagay niya pero wala siyang bahid ng pagkalasing o pagkahilo man lang. May meeting pa siya sa American investors nila mamayang 1 a.m. kaya heto siya at nakikipag-inuman sa akin habang abalang tinatapos ang ilan pang reports na nire-request ng mga kliyente nila.
Hindi ko alam kung anong trabaho niya, sa totoo lang. Minsan ko na siyang tinanong tungkol do'n at minsan niya na rin 'yong ipinaliwanag sa akin nang kumpleto ang mga detalye, pero wala talaga akong naintindihan.
Mataas ang posisyon niya sa kumpanya, at malaki ang tiwala sa kaniya ng tatay nila. Iyon lang ang alam ko.
"Last ko na 'to," reklamo ko. "Hindi ko na kaya. Parang maduduwal na ako."
Tumawa siya at umiling habang nakatutok pa rin sa laptop. "Weak."
"Ugh," ungol ko bago umakyat sa sofa niya at humiga ro'n. "Good luck sa meeting mo. Pipikit muna 'ko."
"Weak," ulit niya.
Kinuha ko ang throw pillow na nasa likuran ko at saka 'yon buong-lakas na ibinato sa kaniya. "Bwisit."
"Haha. Good night." Ngiti niya, saka kinuha ang throw pillow at inilagay sa tabi niya.
Bago ako makatulog ay nakita ko pa siyang isinuot ang ear plugs niya bago muling humarap sa laptop at umayos ng tindig.
Umaga na nang magising ako at amoy ng bacon ang unang sumalubong sa akin. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang tulog na si Darwin na walang pang-itaas at natutulog sa kabilang sofa.
Kung nandito si Darwin... Sinong...
"You're awake." Narinig ko ang malambing na boses ng isang babae na nagmumula sa kusina.
Napabalikwas ako at agad na tiningnan kung kanino nanggagaling ang boses na 'yon.
"Good morning." Ngiti ng babae na nakasuot pa ng apron at may hawak na spatula.
Kusang kumunot ang noo ko habang tinitingnan siya. Medyo mabigat pa ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi, pero sigurado ako na hindi ko siya kilala at hindi rin pamilyar sa akin ang mukha niya.
"You must be Madeline." Ngiti niya. "I'm Isobelle." Lumapit siya sa akin na nakalahad ang kamay.
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan niya.
Isobelle!
"Ikaw 'yong ex ni Darwin?" Umupo ako at pilit na idinilat ang mga mata bago nakipagkamay sa kaniya. Ngayon lang ako nakakilala ng babae na nakikipagkamay. Akala ko, mga lalaki lang ang gumagawa no'n.
"The one and only." Tawa niya.
Bakit lahat ng babae sa mundo ay ang hinhin ng boses? Ako lang ba ang may ganitong sumpa na sa tuwing nagsasalita ay parang nagwa-war cry?
"Uhm, M-Mads na lang," pagpapakilala ko. "Masyadong pormal 'yong Madeline."
Mas lumawak ang ngiti sa mga labi niya. "Hi, Mads," aniya. "If you're already up, puwede mo akong tulungan sa kusina para mas mabilis tayong matapos."
"T-Teka," nalilito kong tugon. "Bakit ba nandito ka? Bakit mo niluluto 'yong bacon?"
Bago pa siya sumagot ay narinig ko na ang paggalaw ni Darwin mula sa kabilang sofa.
"Belle," tawag niya.
"Kyle!" Hawak ang sandok ay lumapit si Isobelle kay Darwin at saka ito agad na niyakap. "Happy birthday!"
Happy birthday?
Birthday niya?
"Thank you," sagot ni Darwin. "Hindi ka na sana nag-abala."
"Don't be silly!" ani Isobelle. "Lagi ko namang ginagawa 'to."
"I know."
"This is our tradition."
"Yes, Belle." Umupo si Darwin sa sofa at saka mabilis na isinuot ang puti niyang Burberry shirt. "Before."
Natahimik si Isobelle sa sinabing 'yon ni Darwin. Maski ako na nakikiusyoso lang naman ay ramdam ang tensyon sa kanilang dalawa.
Oo nga pala at walong taon silang magkarelasyon base sa kwento ni Darwin. Sa tuwing kaarawan siguro niya ay lagi siyang ipinagluluto ni Isobelle kaya hanggang ngayon ay gano'n ang ginagawa ng babae.
"This will be the last time, then," ani Isobelle bago dahan-dahang itinaas ang isang kamay at iniharap 'yon kay Darwin. "Felix and I are getting married next month."
Biglang lumambot ang reaksyon ni Darwin at agad siyang tumayo upang yakapin pa nang mas mahigpit si Isobelle. "God, Belle. Why am I always the last to know?" Tawa niya. "Congratulations! Send my greetings to Felix."
"I will, I will," sagot ni Isobelle na tinapik-tapik pa sa likod si Darwin. "Pero kumain na muna tayo! Tulungan niyo 'kong magluto at may pasok pa 'ko ng alas-nuwebe."
Matapos ang eksena nila ay magkasabay silang naglakad papunta sa kusina. Nagtama ang mga mata namin ni Darwin at ngumiti siya sa akin na para bang nalimutan niyang sa condo niya ako nagpalipas ng gabi. "How's your sleep?" tanong niya habang nag-uunat.
"Sakto lang. Medyo masakit lang ulo ko."
Tumango siya. "Kain muna tayo, tapos uminom kang Advil." Naglakad siya papunta sa ref niya at may kung anong hinalughog tapos ay lumapit sa akin at nag-abot ng gamot. "After breakfast," paalala niya.
Habang kumakain ay patuloy lang silang dalawa sa pag-uusap na para bang matalik na magkaibigan. Ang hirap paniwalaan na mag-ex sila dahil sobrang gaan ng aura nilang dalawa sa isa't-isa. Iyon bang mararamdaman mo na pareho na talaga silang masaya sa kani-kanilang mga buhay ngayon.
"So, Mads." Ngumiti sa akin si Isobelle. "You're a lot prettier than Darwin let on."
"Oh, shut up, Belle."
"Haha. But she is! I mean... look at her!" Inilahad pa ni Isobelle ang palad niya sa direksyon ko na para bang hindi alam ni Darwin kung saan titingin. "She's gorgeous! And that's without make-up and all."
Hay, Isobelle! I'm beginning to love you!
"Remind me again how you two became friends? I know you said something about the Foundation. Is she a volunteer?"
"Kinupkop ko lang 'yan kasi walang nagmamahal."
Napataas ako ng isang kilay kay Darwin hanggang sa nagtama ang mga mata namin.
"Sorry. Mayro'n pala."
"Haha. Oh, I remember!" ani Isobelle. "You helped this kid join the Foundation. Christian, right?"
"Oo," sagot ni Darwin na nakayuko na lang sa plato niya at pinamumulahan ng mukha.
"We have an event next week. Pupunta kami sa Enchanted Kingdom ng buong bracket ko. Do you want to bring your kids?"
"There's 200 of them, Belle."
"Eh 'di 'yong mga pinakabata. Hmm. 13 and younger. Ilan?"
"31."
"You can handle 31! Come on!" pagpupimilit ni Belle.
"I can handle 31 three years ago. Matanda na ako ngayon," mapagpanggap na pagtanggi ni Darwin.
"Sige na! Minsan lang naman. Para ma-meet din ng mga bata ko 'yong galing sa bracket niyo."
"I already told you. My back can't handle it."
"Of course, your back can! Your back can handle a lot, Romero. Don't me!"
Hindi ko mapigilang makita sa kanilang dalawa kung paano kami mag-asaran ni Denver noon. Ang pinagkaiba lang, tumagal sila ng walong taon at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin. Samantalang kami...
"I'll help you," singit ko sa usapan nila.
Humarap silang dalawa sa akin, si Isobelle ay nakangiti at si Darwin naman ay nakataas ang isang kilay.
"I'll help with the kids. 31, 'di ba? Eh 'di ikaw bahala sa 15. Ako sa 16," prisinta ko. "Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa Enchanted, eh."
"See?" Palakpak ni Isobelle. "Mads will come so you have no excuse!"
Napabuntonghininga na lang si Darwin at umiling sa sarili.
"I'm so excited! I will buy the tickets and then I'll just email you the costing para sa reimbursement."
"Huwag na. Account ko na gamitin mo."
Napahinto si Isobelle. "But... I have 58 kids. You have 31. Tapos tayong tatlo, and then may mga volunteers pa ako na isasama. Pamasahe, pagkain, souvenirs. That's... a lot."
"Make it an even hundred."
"Kyle—"
"Come on, now. I don't want to have to explain to my father why I spent company money on an impromptu recreational trip that isn't even approved by the board." Ngumisi si Darwin. "Use my card."
"But, Kyle..."
"Belle." Tumayo si Darwin at saka nagsimulang ligpitin ang mga pinagkainan kami. "I have a place of my own, cars of my own, my bills and insurances are all taken care of. I don't have a wife. I don't have kids. I don't have anyone depending on me. I literally earn a shit ton of money without anyone to spend it on. So, please..." Huminto siya. "Do me a favor and just use my fucking card."
Shit. Napamura na lang ako sa sarili. Sana all nag-e-earn ng shit ton of money.
Magkano kaya ang sinasahod niya?
Willing naman akong gastusan niya kung namomroblema na siya saan ilalagay ang pera niya. Sana noon niya pa sinabi. Handa akong ialay ang sarili ko.
"Fine," ani Isobelle.
"Fine," ani Darwin.
"Parang gusto ko ng ice cream."
"May salted caramel diyan sa ref."
Akala ko ay mag-aaway na sila pero heto sila at nag-uusap tungkol sa ice cream.
I have never seen a more unproblematic ex-couple! Sana kami ni Denver ay ganito rin. But then again, maybe we don't have the same level of maturity as Darwin and Isobelle.
If the situation was different, maybe it is possible for us to have the same kind of friendship. But considering how Denver and I ended things... I don't think either of us can do it.
Habang naghuhugas ng plato si Darwin ay hinatak ako ni Isobelle sa sala. Mas matangkad siya sa akin pero 'yon ay dahil nakausot siya ng pagkataas-taas na heels.
Sinuri ko ng tingin ang outfit niya at napangiti na lang ako.
We have the same fashion sense. I literally have the same top she has on. Makakasundo ko talaga 'tong babaeng 'to.
"Is he courting you?" mahinang bulong niya sa akin. "Oh, my gosh. Please tell me that he is!"
"H-Ha? Si Darwin?" tanong ko, at tumango naman siya. "H-Hindi, 'no." Tawa ko. "Sa kaniya na mismo nanggaling na hindi kami talo."
"Sa kaniya?" tanong ni Isobelle. "I highly doubt that."
"No, really. Sinabi niya talaga," saad ko. "Haha. Magkaibigan lang talaga kami. Promise, walang halong echos."
Tumango-tango si Isobelle. "Okay," bulong niya. "I'm sorry for asking. I really just want Kyle to be happy, you know? He deserves it more than anyone."
Kapwa kami humarap kay Darwin na tahimik lang sa kusina at abalang naghuhugas ng mga pinggan.
"Do you know why we broke up?" biglang tanong ni Isobelle.
Umiling ako.
Isang beses lang namin siyang napag-usapan ni Darwin at hindi naman ito gaanong nagbigay sa akin ng detalye.
"He doesn't believe in marriage and he doesn't want kids," ani Isobelle. "Do you know why?"
I think I know his reasons considering that I also don't want kids of my own, but I just shook my head and waited for Isobelle to explain.
"Because he had shitty parents, and an even shittier childhood," paliwanag niya. "He doesn't believe in marriage because he's only ever been exposed to husbands and wives who failed in the category. As a child, no one wanted him. If he wasn't male, he thinks his father wouldn't even have taken him in."
Sandaling nanahimik si Isobelle bago ipinatong ang kamay sa akin. "Do you know that we met when we were kids? He already spent a week in DSWD after his mom passed away. Ako naman no'n ay kararating lang," aniya. "Sinundo siya ng tatay niya after another week. Ako naman ay napunta sa foster care. Luckily, sa maayos at mapagmahal na pamilya."
"We both had troubled childhoods. We both had second chances. But I got into a loving family and he didn't. So, now... I want to try and he doesn't. I want to get married, be a good wife, and become an excellent mother. Kyle..." Umiling siya. "Kyle doesn't want any of that."
Bumuntonghininga siya. "I guess he's just had enough."
Natahimik ako. Sobrang buti ni Darwin sa akin at sa lahat ng taong nakapaligid sa kaniya. Ang hirap paniwalaan na hindi naging maganda ang nakaraan niya.
"He's my best friend, Mads," ani Isobelle. "And he will always have a place in my heart." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "Kapag may nanakit sa kaniya..." Humarap ako sa kaniya at nagtama ang mga mata namin. "Please, sapakin mo sila para sa akin."
We laughed at the same time.
Sobrang gaan ng loob ko kay Isobelle.
I don't usually get along with women when I meet them for the first time, but she is different. She is smart, mature, poised... everything I want to become.
"Haha. Sige," pagpayag ko.
Naputol ang usapan namin dahil natapos nang maghugas si Darwin at saka lumapit sa amin na tila nagsususpetsa na pinag-uusapan namin siya. Kinindatan ako ni Isobelle at nagtawanan lang kami kaya wala nang nagawa si Darwin kung hindi bumusangot.
"Don't believe anything she tells you, Mads," babala niya. "This woman is out to ruin my reputation."
"Reputation? Mayro'n ka ba no'n?"
"Just because you don't have it, doesn't mean I don't, too."
"Ang kapal mo. Sa ating dalawa ay ako ang may mas matinong image."
Habang pinapanood silang dalawa na nagbabangayan ay hindi ko mapigilan na mapangiti. I have met some of Darwin's friends before, but I'm really glad that I met Isobelle.
Seeing them makes me want to believe in platonic soulmates. And when I think of soulmates... I automatically think of Denver.
It's been months.
Months of staring out onto the horizon and picturing how things could have been different. And then eventually, just learning to cope and stand on my own.
I would like to say I'm completely healed, but I still think about him from time to time. Just like today.
We fought for it. We both did. Just like soldiers fighting a battle.
We both ended up hurt. Wounded.
And just like soldiers... we needed to heal in order to fight again.
Maybe, he and I were soulmates. Just not in the way I made myself believe.
Maybe, he and I were really destined to meet. Only to let each other go and not stay.
Maybe, we met so that we could both be where we are now.
Me in here. And him... I don't know... wherever he is.
Maybe, this is how things are actually supposed to be and I only felt bad because I wanted a different ending.
Maybe, I was meant to fall. Only to stand up taller and stronger.
Maybe, this is really what's meant for me.
Funny how I used to think I'd die from a broken heart. I smiled to myself, my heart beating normally and without pain as I thought...
I am ready for battle once more.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top