31: Promise Me
N A M I
"Anong nangyari?" alalang tanong ko kay Jolo nang bigla na lang siyang sumulpot na akay-akay si Denver.
"Ah, ano, nagyaya biglang uminom, eh," paliwanag niya habang nagkakamot ng ulo. "Hindi pala. Hindi nagyaya. Sumugod na lang bigla sa bar, amputa. Nagulat nga ako kasi akala ko wala kayong gig kagabi tapos bigla na lang siyang lumitaw."
Wala kaming gig dahil may trangkaso si Kara at ilang araw nang masama ang pakiramdam. Alam kong nagpunta si Denver ngayong gabi sa bahay nila Mads dahil nagpaalam siya sa akin.
Pumayag ako, dahil tiwala ako na kailangan niya 'yong gawin para sa ikabubuti ng relasyon namin.
Ang sabi niya ay mag-uusap lang sila at uuwi rin siya kaagad kapag nagkaroon na sila ng kalinawan.
Pero... ito?
Ito ba ang isusukli niya sa pagtitiwala ko?
Ang magpapakalasing siya at ipaparamdam sa akin na hindi niya naman talaga gustong kalimutan si Mads at napipilitan lang siya dahil sa akin?
"Wala akong kasalanan, Nami, maniwala ka. Pinilit niya lang ako. Hindi ko ginusto ang nangyari." Umiiling si Jolo na parang mister na nahuli ng asawa na nangangaliwa.
"Sige, sige," sagot ko, bago humakbang palapit sa kanila para tingnan ang kalagayan ni Denver.
Tinulungan ako ni Jolo na ipasok siya sa kwarto at ihiga sa kama. "Sorry, kailangan ko na kasing sumibat, iniwan ko lang sa kotse si Sasha."
Nag-glow-up si Jolo. May itsura na siya noon pa, pero ngayong sila na Sash, kapansin-pansin ang mas lalo pang paggwapo niya. Makinis ang mukha niya at mamula-mula ang pisngi. Ang mga mata niya naman ay nagliliwanag.
Isang tingin sa kaniya ay mararamdaman mo kaagad na masaya at kuntento siya sa buhay niya ngayon.
Mabait na kaibigan si Jolo. Sana palagi ko siyang makitang ganito.
Tumango lang ako sa kaniya at nagpasalamat. Ayaw ko namang paghintayin niya nang matagal si Sasha.
Nang makaalis na siya ay hinubad ko ang sapatos at medyas ni Denver. Kumuha rin ako ng bimpo at binasa 'yon bago maingat na pinunas sa mukha at braso niya. Ang lakas ng amoy ng alak na nanggagaling sa kaniya.
"Nami," bulong niya nang ipahid ko ang mainit na bimpo sa pisngi niya.
Hindi ako sumagot at patuloy lang sa ginagawang pagpunas sa kaniya. Masama ang loob ko. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na maghintay hanggang sa maibigay niya nang buo ang sarili niya sa akin.
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko, dahilan upang mahinto ako sa ginagawa.
"Nami," tawag niya pang ulit.
Humarap ako sa kaniya na nangingilid ang luha sa mga mata.
"Am I hurting you more than I'm making you happy?" mahinang tanong niya. Puno ng pag-aalala ang boses niya. Ang mga mata niya naman, bagama't hindi niya maidilat nang lubos ay may bahid ng lungkot at pagsisisi.
Nagsisisi siyang pinili niya ako. Iyon ang unang pumasok sa isip ko.
Nag-usap sila ni Mads at napagtanto niya na higit ang nararamdaman niya para sa kaniya, kaysa para sa akin.
Hindi kaya...
Hindi kaya... nagkabalikan sila?
Hindi kaya... may nangyari sa kanila?
Gulong-gulo na ang isipan ko.
"Anong nangyari?" tanong ko. "Nag-usap na kayo? Okay na?"
Habang naghihintay ng sagot ay pabilis nang pabilis ang pagtibok ng puso ko kasabay nang unti-unting paglamig ng mga kamay ko.
Tumango si Denver.
Naghintay akong magsalita siya, pero wala siyang ano mang sinabi.
"Anong nangyari?" hindi mapakali na ulit ko. Kailangan kong malaman kung ano ang napag-usapan nila at kung ano na ang lagay ng relasyon naming dalawa. "Naayos mo na ba?"
Lumunok siya at umiwas ng tingin sa akin. "Can we talk in the morning?" aniya.
I know he's not okay. He's not sober and he is obviously too absorbed in his own thoughts. But it is my right to know. It's the least he can do for me.
"I have to know now," I insisted. I inhaled a lot of air, my lips trembling. "I have to know now, Denver. I don't want to wait until morning, only for you to tell me that I shouldn't even have... spent the night."
His forehead creased.
"Nami, what are you talking about?"
"Siya ba ang pinili mo?" tanong ko. "Si Mads pa rin ba?"
"Nami—"
"Okay. I'm out—"
Tinalikuran ko siya at akmang lalabas na sana ng kwarto nang bigla na lang siyang umupo at hinila ako pahiga sa kama.
"Denver—"
Naputol ang sinasabi ko nang walang pasabi siyang umibabaw sa akin at hinalikan ako. Ito ang unang pagkakataon na hinagkan niya ako sa ganitong posisyon at pakiramdam ko ay balot na balot ako sa kaniya.
Mas malapad siya sa akin.
Mas matangkad.
Mas mabigat.
At ngayon ay nasa ibabaw ko siya at wala akong mahanap na reklamo.
He kissed me. And he was a lot more aggressive and a lot more passionate than he ever was before.
His left hand caressed my thigh while his lips left a trail of downward kisses until he reached my neck and set camp. I wasn't wearing any bra and I could literally feel my nipples harden into two stiff peaks.
"Uhh, Denver." A soft moan escaped my lips when his tongue invaded my mouth and met mine.
He tasted like rum and coke, and I was on fire.
"Hmm." He tightened his grip on my thigh, his hand warm and steady.
Oh, god...
"Denver," I called, pushing him slightly away. "Denver, you know I love you but... but I'm not yet ready to have s-sex," I blurted out.
He paused, lifting himself an inch from me. A second later and he was already up on his feet, looking guiltily down on me. "I wasn't thinking of having sex."
"What were you thinking, then?" I asked, wrapping my arms around myself.
"That I want to kiss you?"
"Doesn't kissing lead to sex?"
"Not necessarily. No."
"But kissing leads to making out."
"Well... sometimes... yeah."
"Which leads to sex—"
"Yes, but I wasn't planning on that, Nami. I wasn't even..." He trailed off. He shook his head and pulled the trundle below the bed. "I think I'll just... go to sleep."
I nodded at him.
"Good night, Denver."
"Good night," he whispered before lying down on the bed and turning his back on me.
Minutes passed and I still couldn't sleep.
Did I make the right choice?
Is this what I really want my first relationship to be?
"I love you, Nami," Denver whispered. I thought he had already fallen asleep.
I didn't respond.
I didn't move.
I didn't do anything to make him think that I'm still awake and that I heard him.
"It's you and me," he added.
Two months passed and I said "yes" to him again. After that night of him getting wasted after finally letting her go, we never again discussed Mads and Denver never showed me any more reason to worry.
He courted me just like he promised. Flowers, chocolates, handwritten love letters, and finally... a song he composed himself. For me.
We started again, and this time was so much better because he was able to regain my trust and even doubled it.
"Ako bahala ro'n," Jolo assured me one night when the four of us went to the movies. "Huwag kang mag-alala. Ako pinakaunang sasapok do'n kapag 'yon nagloko."
"Promise?" mahinang tanong ko.
Magkasama sa pila ng popcorn sina Denver at Sasha, habang kaming dalawa naman ay nakapila sa mga hotdog.
"Promise," sagot niya. "Saka behave naman sila. Inoobserbahan ko rin, eh," kuwento niya. "May sumusundo nga lagi kay Mads. Naka-pick-up."
"Boyfriend niya?"
"Ewan. Wala namang sinasabi. Pero siguro, gano'n na nga. Hindi naman nagiging single 'yon nang matagal. Iyon ang pinakahabulin. Mas marami pang manliligaw 'yon kaysa kay Nica."
"Talaga?" tanong ko. "Kaysa kay Monica?"
Tumango naman siya. "Intimidating kasi si Nica. Minsan, nakakatakot lapitan. Haha." Tawa niya. "Si Mads... kalog. Maingay. Masaya kausap. Magaling makisama."
"Hmm." Wala akong masabi. Hindi ko naman kasi gaanong nakausap si Mads para makilala siya. Hindi ko lang siguro inasahan na mas pinipilahan pala siya kaysa kay Monica na mala-anghel ang ganda.
"Crush ko 'yon si Mads dati bago ko naging crush si Fannie," ani Jolo. "Kaso, ang daming manliligaw. Nalaman ko pa na pinopormahan din ni D kaya tinigil ko na. Dibs sa nauna."
"Si... Mads? Naging crush mo?"
"Haha. Oo." Tawa niya. "Pero secret lang natin. Si Brent lang may alam. Hindi ko na rin sinabi kay Sasha dahil isang linggo lang naman yata tinagal no'n. Mabilis lang talaga akong magka-crush dati. Pero tingnan mo naman ngayon," pagmamalaki niya. "One-woman man na ang kuya mo. Kay Sasha Paloma lang kakalampag 'to."
Natawa na lang ako. Sobrang nakakaaliw talagang kausap si Jolo.
"Speaking of the devil wearing Prada..." aniya.
Nasa unahan na kami ng pila ng hotdog nang dumaan sa gawing kanan namin si Mads na may kasamang isang lalaki na pamilyar ang mukha.
Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita pero malakas ang kutob ko na kilala ko siya.
"Tawagin ko ba?" tanong ni Jolo. "Babatiin ba natin o magpapanggap tayong mga masahistang bulag?"
Bago pa ako makasagot ay natanaw na kami ni Mads at saka nakangiting lumapit sa amin habang 'yong lalaki naman ay nakasunod lang sa kaniya.
"Hi!" bati niya. Hinalikan niya ako sa pisngi at saka lumapit kay Jolo para yakapin ito. "Haha. Double date? Nasaan sina D at Sasha?"
D pa rin ang tawag niya kay Denver. Hindi ko alam kung "D" ba 'yon na palayaw nito, o "dhie" na siyang dating tawagan nila.
"Nasa popcorn," seryosong sagot ni Jolo. "Hello, Sir D-Darwin."
Sir Darwin?
"Good evening," bati no'ng lalaki. Nakasuot siya ng itim na longsleeves na nakataas hanggang sa braso niya, kaya't bakat na bakat ang matipuno niyang katawan.
"Uhm, Darwin, kilala mo na si Jolo, 'diba? Ito pala si Nami," pagpapakilala ni Mads. "Uhm, Jolo, Nami... si Darwin."
"Hi," bati ko.
"Hi ulit, Sir," ani Jolo na yumuko pa habang nakapatong ang mga palad sa hita na ala-Hapon.
Bakit Sir? Prof ba siya sa Dawson? Okay lang ba 'yon?
"Send Patrick our regards." Ngiti no'ng lalaki. "We have to go ahead 'cos our movie starts in a minute."
"Ah, sige po," sagot ni Jolo. "Sige po, Sir! Mads, ingat kayo."
Ngumiti si Mads. "Thanks! Kayo rin," malambing na bati niya bago kasabay na umalis 'yong lalaki.
Nakapasok na sila sa loob ng sinehan ay naaamoy ko pa rin ang pabango niya. Pagkakuha namin sa mga binili naming hotdog ay dumating na rin sina D at Sasha kaya hindi ko na nagawang tanungin si Jolo kung sino ba 'yong lalaking kasama ni Mads.
Hanggang sa makauwi kami ay nananatili pa ring palaisipan sa akin ang tungkol kay Darwin. Gusto kong tanungin si Denver tungkol sa kaniya, pero ayaw ko nang pag-usapan pa namin ang kahit anong tungkol kay Mads. Tatanungin ko na lang siguro si Jolo sa susunod na magkita kami sa bar.
"Something's bothering you," bulong ni Denver, na hanggang ngayon ay sa trundle pa rin natutulog. "What is it?"
"H-Ha?" tugon ko. "Wala, 'no."
"What is it?" Umupo siya mula sa hinihigaan at saka alalang tumingin sa akin. "You're biting your lips so it can't be good. Did I do something wrong?"
Sa loob ng ilang buwan na magkakilala kami ay aral na aral na niya ang bawat kilos at galaw ko. Huminga ako nang malalim at pinaakyat siya sa kama ko.
Umupo siya sa harapan ko at tinitigan lang ako habang naghihintay na magsalita.
"Ano, kanina kasi sa sinehan, nakita namin si... M-Mads," kuwento ko.
Wala siyang reaksyon nang banggitin ko ang pangalan ng babae. Hindi ko tuloy alam kung good sign 'yon o bad sign.
"May kasama siyang lalaki tapos sobrang familiar sa akin 'yong mukha. Tinawag siya ni Jolo na Sir Darwin," kuwento ko. "And then he asked us to send our regards to Patrick. Hindi ko alam kung ikaw ba 'yong tinutukoy niya. Isa pa lang naman ang narinig ko na tumawag sa iyo no'n."
Pagkarinig ng pangalan ni Sir Darwin ay doon na napangiti si Denver habang umiiling.
"B-Bakit?" tanong ko.
Nilabas niya ang cellphone niya at saka sandaling nag-scroll doon bago ipinakita sa akin ang larawan ng isang lalaki na kamukhang-kamukha ng lalaking nakita kong kasama ni Mads kanina.
"Is it this guy?" tanong niya.
Tumango ako.
"Yeah." Tawa niya. "I guess I'm not surprised."
"Why?" I asked curiously. "Who is he? Do you know him?"
"No," he answered. He stood up from my bed and went back to his, his mood obviously sour.
I know not to push it when he turns his back on me so I just shut my mouth and scolded myself for even mentioning it to him.
After a while, when I was already about to drift off to sleep, I heard Denver's voice again...
"He's my brother," he said. I could hear his sharp intake of breath and the bitterness in his voice. "And he has this knack for getting every woman who ever mattered to me. So, I beg you, Nami, promise me..."
"W-What?"' I asked softly, my mind half-awake.
"Don't ever talk to him."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top