26: Cold Baguio Nights
N A M I
It was Saturday when we drove to Baguio with our friends. Sasha, Jolo, and Nica were all riding with us, habang nasa kani-kanilang mga kotse naman ang iba pa nilang mga kaibigan.
No one knows that Denver and I have broken up already. We both decided to keep it to ourselves for now because we want to settle our issues privately and not involve anyone else in our business. Patuloy pa rin kami sa paggamit ng tawagan na boo, kahit na sa tuwing kami lang dalawa ang magkasama ay bumalik na kami sa pagtawag sa isa't-isa na Denver at Nami.
The place they rented was huge, even for all of us. It has five bedrooms, all with beautiful views of the Baguio scenery that I terribly missed during my stay in Manila.
"I told your mom we'll be there for lunch tomorrow," Denver whispered while he helped me with my bags.
"You... w-what?"
"I... told your mom... we'll have lunch with them tomorrow," he repeated, his forehead creased as he struggled to carry all our bags down the stairs. We'll only be here for two nights so I don't understand why he brought so much stuff as if we're permanently relocating.
"How do you know my mom?" I asked. Hindi ko pa naman kasi siya napapakilala.
"Facebook?" he answered.
Laging nagkokomento si Mama sa bawat post ko sa FB. Minsan nga, nag-share lang ako ng post mula sa GMA News tungkol sa isang car accident malapit sa Neon Nights, nagkomento na siya nang pagkahaba-haba tungkol sa drunk driving.
Hindi malabong nahanap nga siya ni Denver sa Facebook ko.
Hindi na ako kumontra dahil miss na miss ko na sila Mama at plano ko rin talaga silang bisitahin ngayon lalo na at malapit lang naman sa bahay namin itong lugar na tutuluyan namin. Isa pa, si Denver na rin mismo ang nagsabi na haharapin niya ang mga magulang ko at liligawan ako sa maayos na paraan.
Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang gawin 'yon. Alam naman namin pareho na nakuha na niya ang puso ko kaya hindi na niya kailangang umakyat ulit ng ligaw. All he needs to do is get over his ex, who, guess what, is with us on this trip!
Kung may puwede lang akong gawin para makalimutan niya si Mads — ginawa ko na. But Denver has really good memory. He literally remembers every little thing.
So, how can I make him forget someone he's been with for the past two years? Do I have to resort to some kind of black magic just to help him completely get over her?
Everything was going okay, so far. Ayos na sana dahil kasama ko sina Sasha at Nica sa basement na kwarto, pero pati pala si Mads ay kasama rin namin. Si Denver naman ay sa itaas na palapag mananatili kasama sina Jolo, Brent, at ang nakababatang kapatid nito na si Blue.
Matapos maglapag ng mga gamit ay umakyat muna kaming lahat sa kusina para kumain ng merienda. Nagluto ng ginataang bilo-bilo 'yong caretaker ng rest house na si Ate Tess at habang kumakain ay nakita kong naglalagay ng asul na nail polish si Pat sa kamay niya.
"Gusto mo, ako maglagay?" alok ko. Para kasi siyang nahihirapan.
"Oh, my gosh. Thanks, Nami!" Ngiti niya sa akin. "My hands are shaking, eh."
"Huwag kasing araw-arawin!" ani Mads na nakaupo sa tabi nito. "Nanginginig ka na, girl."
"Gaga." Tawa ni Pat. "Palibhasa one week ka nang nganga!"
"Hay, sinabi mo pa." Buntonghininga ni Mads. "Nakaka-miss 'yong mga panahon na twice a day, everyday."
Napansin ko na nanigas si Pat habang nilalagyan ko ng cutics ang kuko niya. "Shhh." Suway niya sa kaibigan.
Alam kong si Denver ang tinutukoy ni Mads pero nagpanggap na lang ako na walang narinig at nagpatuloy na lang sa ginagawa. Aware naman ako na may nangyari sa kanilang dalawa. I just don't know how to deal with the fact that they did it as much as she said.
Twice a day. Everyday?
They were together for two years.
So he had sex with her more than a thousand times?
Just thinking about it makes me feel nauseous. Bakit kailangang sabihin ni Mads 'yon? Alam niya na nandito ako at naririnig ko ang usapan nila. Sinadya niya bang iparinig sa akin 'yon?
Pakiramdam ko ay sumisikip ang dibdib ko. Buti na lang at lumapit sa amin si Sasha kaya nawala sa akin ang atensyon nila.
"Oh, tulog pa 'yong isa?" tanong ni Mads sa kaniya, tinutukoy si Jolo.
"Beh, tara rito. Ang galing mag-cutics ni Nami," bati naman ni Pat.
Tiningnan ko ang mga kamay ko at ngayon ay ako naman ang nanginginig.
Lumingon ako sa balcony kung nasaan si Denver, kausap sina Axl, Brent, at Justin.
Kahit na sinabi niyang liligawan niya ako ulit at itatama ang lahat, masakit pa rin sa akin na malamang hindi pa siya tuluyang nakaka-move on kay Mads.
What's worse? I am aware of the fact that she knows him more than I do. Probably more than I ever will.
Mas matagal ang pinagsamahan nila at mas malalim. Add that to the fact na nasa iisang barkada lang sila at suportado ng lahat ng mga tao sa paligid nila.
There's a part of him that will always belong to her whether I like it or not. How can I compete with that?
"Uhm, N-Nami?" Narinig kong tinawag ni Pat ang pangalan ko kaya agad akong nagising mula sa malalim na pag-iisip. Saka ko lang namalayan na 'yong kahoy na mesa na pala ni Ate Tess ang nilalagyan ko ng cutics at hindi ang kuko niya.
"Shit," mahinang mura ko. "Shit, sorry." Tumayo ako at kinuha ang panyo ko mula sa bulsa ng pantalon ko pero sa halip na mabura ay mas lalo pang kumalat ang asul na mantsa sa mesa.
"Don't spread it."
Napahinto ako sa ginagawang pagpunas nang marinig ko ang boses ni Denver mula sa balcony.
Naglakad siya palapit sa akin at saka kinuha ang panyo na nasa kamay ko. May hawak siyang maliit na bote ng alcohol mula kay Brent, at ini-spray niya 'yon sa panyo ko bago maingat na pinahid sa ibabaw ng malapit nang manuyo na nail polish.
"You okay?" mahinang bulong niya sa akin habang patuloy sa ginagawang pagpunas sa mesa.
Tumango lang ako bago nahihiyang tumayo upang lumabas ng rest house dala ng samu't-saring emosyon.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.
Parang hindi ako makahinga.
Gustuhin ko mang umuwi ngayon sa bahay para bisitahin ang pamilya ko, ayaw ko namang maging KJ sa barkada nila. Isa pa, nasabi na rin ni Denver na bukas ay doon daw kami magtatanghalian. Kaunting oras na lang ang hihintayin ko.
"Nami." Bumukas ang glass doors sa gilid ng rest house at narinig ko ang boses ni Denver na tinawag ako pero hindi ko siya nilingon. Naglakad siya palapit sa akin at tumigil sa mismong harapan ko. "Do you wanna go home?" tanong niya.
Umiling naman ako. Kahit hindi pa ako gaanong komportable sa mga kaibigan niya ay maayos naman ang pakikitungo nilang lahat sa akin. Tanging si Mads lang ang problema ko pero kaya ko namang hindi siya isipin habang nandito kami. "I don't want to be a party-pooper."
"I mean... do you wanna go home?" Denver repeated softly. "To your parents, Nami. Not in Manila."
Oh.
That's right.
Manila isn't my home. Baguio is.
I'm literally twenty minutes away from our house. If I close my eyes, I can even imagine the sound of my chickens cackling in the background.
Denver already knew what my answer was even when I didn't voice it out. "I'll just grab my keys, you stay here."
Gaya ng sabi niya ay nanatili akong nakatayo ro'n at nagpapakalma ng isip.
Past is past.
Oo, hindi pa siya tuluyang nakaka-move-on kay Mads. Pero hindi naman kasi gano'n kadali 'yon, lalo pa at matagal ang pinagsamahan nila.
Ako ang pinili niya.
He wants to make it work with me. Not with her. That's what matters, right?
Habang nagmamaneho siya papunta sa direksyon ng bahay namin ay unti-unti nang napalagay ang isip ko.
Nandito siya, kasama ako, papunta sa bahay namin upang humarap sa mga magulang ko.
I am obviously just overthinking but I really have nothing to worry about.
Denver and I will get through this.
"Good afternoon po, Mr. and Mrs. Floresca," magalang na bati niya nang humarap sa mga magulang ko. Gaya ko ay nagmano rin siya sa kanila bilang pagpapakita ng respeto.
"Magandang hapon din sa 'yo," ani Papa.
"Aba'y mas pogi ka pala sa personal." Ngiti naman ng nanay ko.
"Ma—"
"Haha. Ikaw talaga." Lumapit si Mama sa akin at niyakap ako. "Tumaba ka, ah. Busog ka siguro lagi kanila Kara."
Hindi alam ng mga magulang ko na nakatira ako sa condo ni Denver. Buong akala kasi nila ay sa bahay nila Kara ako nakikituloy. Mula pagkabata ay kaibigan ko na si Kara kaya matagal na niyang nakuha ang tiwala ng mga magulang ko.
"Haha. Opo," sagot ko. "Alam niyo naman 'yon, ang lakas kumain."
Tumingin sa akin si Denver pero hindi siya nagpakita ng ano mang senyales na alam niyang nagsisinungaling ako. Hindi rin naman kasi siguro magandang ideya na ipaalam namin sa mga magulang ko na nakatira kami sa iisang condo at natutulog pa sa iisang kwarto.
"Oh, siya, akala namin ay bukas pa ang punta niyo kaya hindi kami nakapaghanda ng merienda. Bumili na lang kayo ng bananacue riyan kay Sally sa labas. Bagong luto pa 'yon." Naglabas si Mama ng singkwenta pesos at saka 'yon inabot sa amin.
"Ay, hindi na po, Tita," pagtanggi ni Denver. "Kumain na po kami ng merienda sa tinutuluyan namin. May hinanda po 'yong caretaker."
Umupo kami sa sala at nagpatuloy sa pag-uusap si Denver at ang mga magulang ko. Sobrang galing niya talagang makisama. Wala siyang bakas ng takot o pangamba kahit na nagpakilala siya bilang manliligaw ko.
Kita ko rin sa mga mata nina Mama at Papa na nakuha na kaagad ni Denver ang loob nila. Bakit naman hindi? Magalang siya at matalino.
Maggagabi na nang magpaalam kami sa kanila. Wrong timing din ang pagdaan namin dahil nasa Sagada naman ang mga kapatid ko upang bisitahin si Lola.
"Bukas ng tanghali, nandito na sila," ani Mama. "Maghahanda kami ng pananghalian kaya agahan niyo ang pagpunta."
"Opo, Ma."
"Opo, Tita."
Hanggang sa makasakay kami sa kotse ay hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mga labi ko.
Today couldn't have gone any better. Ang sarap sa puso na kasundo na kaagad ng pamilya ko ang lalaking minamahal ko.
"Your parents are nice," ani Denver habang nagmamaneho paalis.
"Sobra," pagmamalaki ko.
Tumango siya. "It's... refreshing... to be around unproblematic parents. Haha." Umiiling siyang tumawa habang nagmamaneho. "Must be nice."
Hindi ko alam ang kuwento ng pamilya niya dahil kailanman ay hindi namin 'yon napag-usapan. Ang alam ko lang ay nasa Australia ang nanay niya, at ang tatay niya naman ay abala sa trabaho.
"Sobra," sagot ko ulit. "Wala akong masamang masasabi tungkol sa mga magulang ko dahil nula pagkabata, hanggang ngayon, suportado nila ako sa mga pangarap ko. Nalungkot si Mama no'ng napagdesisyunan kong huminto muna sa pag-aaral at pumunta ng Maynila, pero kinalaunan ay natanggap niya rin. Siya pa ang tumulong sa akin na mag-empake."
Ngumiti nang malungkot si Denver habang nakikinig sa kuwento ko. Hindi ko tuloy matukoy kung masaya ba siya o malumbay.
Gabi na nang makabalik kami sa tinutuluyan naming AirBnB. Naabutan namin ang mga kaibigan niya na abala nang kumakain ng hapunan na inihanda ulit ni Ate Tess.
"Anong ulam?" tanong ni Denver pagkarating na pagkarating namin sa kusina.
"Sabi ko sa inyo i-text niyo si D, eh!" ani Mads na nakaupo sa gitna nina Pat at Aubrey. "Hindi 'yan kumakain ng Paksiw na Bangus."
"Tinext ko," tugon ni Justin.
"Tinext ko rin," ani Axl.
"Hindi ko nabasa. Haha." Tawa ni Denver na nagkakamot ng ulo. "Sige lang, bukas na ako kakain. Kuhanan ko na lang si Nami."
Gano'n na nga ang ginawa niya at kinuhaan niya ako ng plato at isang bowl na ulam. Tumabi ako kay Monica at doon kumain habang siya naman ay nakaupo lang sa kabilang gilid ko at tahimik na naghihintay na matapos kaming lahat.
"Hindi ka pala kumakain ng Paksiw na Bangus?" tanong ko sa kaniya.
Umiling siya. "Hindi ako kumakain ng kahit anong isda na may sabaw."
"Hindi ko alam 'yon."
"Okay lang," sagot niya. "Ngayon naman alam mo na."
Tumikhim lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Naiinis talaga ako na mas kilala ni Mads si Denver kaysa sa akin. Pero anong magagawa ko? Dalawang taon lang naman akong nahuli.
Nasa basement na kami at nagpapaantok nina Sasha at Nica nang bigla na lang nagyaya si Mads na magkuwentuhan.
"Shet na malagket, magchikahan na lang tayo. Walang makakatulog sa atin. 9 pa lang, mga mamsh." Bumangon siya mula sa pagkakahiga at saka humarap sa amin. "Ano tayo, kids?"
Wala kaming nagawa kung hindi bumangon na rin dahil hindi pa rin naman talaga ako inaantok at sa totoo lang ay naninibago ako na kasama silang matulog.
"Mag-usap na lang tayo. Parang open forum, ganern. Kasi hindi ko pa kayo masyadong close na tatlo, pero gusto ko talaga. Walang halong kaplastikan," aniya.
"Ikaw, jowa ni Jolo. Ikaw, ex ni Axl na nagka-something din kay Brent. Ikaw naman, bagong jowa ng ex ko. Puro kayo chix ng mga kaibigan ko, kaya dapat lang na maging kaibigan ko rin kayo. 'Di ba?"
Nagkatinginan kaming tatlo, at sabay-sabay na tumango kahit sa loob-loob ko ay wala akong kagustuhan na maging kaibigan siya.
"Nami, huwag kang mailang sa 'kin, ah? I mean, hindi ko naman feel na naiilang ka. Pero naka-move-on na talaga 'ko kay D. As in 101% may butal pa," sambit niya sa akin. "I mean, medyo awkward no'ng una kasi dzai, magka-feslak tayo. Alam kong alam mo rin naman. Pero keri na 'yon. Moved on na is me."
Hindi na ako sumagot at tumango na lang sa kaniya. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo, pero hindi ko mapigilang magduda sa pahayag niya.
"Ang drama natin. Pwe! Sayang walang beer, girl talk sana tayo. Haha!" Tawa niya. Nakiyakap na lang din ako nang magyakapan sila.
"Hindi naman kailangan ng beer para mag-girl talk, eh. Saka hindi umiinom 'to si Sash," ani Nica.
Gano'n na nga ang nangyari at kahit walang alak ay nagsimula kaming mag-girl talk. Si Mads ang unang nagkuwento at nag-open-up siya sa amin tungkol kay Von.
Wala akong ideya na may relasyon pala sila. Kaibigan ni Denver si Von noon pa, 'yon kaya ang dahilan ng hiwalayan nila?
Nasa kalagitnaan kami ng pagkukuwentuhan nang biglang bumaba si Jolo at lumapit kay Sasha upang mag-abot ng mainit na tsokolate. "Hindi ako makatulog, ang ingay niyo," bulong niya, bago inabot kay Sasha 'yong mug na bitbit niya, at pati na rin 'yong gray niya na hoodie. "I love you," narinig kong bulong niya rito.
Umiwas ako ng tingin sa kanila. Masaya ako na masaya sila pero hindi ko mapigilang mainggit sa samahan nila, lalo na ngayon na may pinagdaraanan kami ni Denver.
"Magpatulog na kayo!" paalam ni Jolo bago tuluyang pumanik sa taas.
"Sana all may hot choco," bulong ni Nica nang kami na lang apat ang maiwan sa basement.
"Sana all may good night kiss," komento ko naman.
"Bwisit. Sana all may jowa! Ughhh!" Iyak ni Mads na sumalampak sa kama at humagulgol.
"Haha. Akala ko ba may Von?" Tawa ni Nica.
"Hindi naman kami, eh. Sex lang talaga. Pampalimot, gano'n. Bakit ba kasi ginalingan masyado ni D? Ang hirap tuloy palitan ng kumag."
Kanina pa sila giniginaw, pero ngayon lang ako nanlamig. Hindi pa yata ako handang makisali sa usapan na 'to.
"Haha. Nakuwento nga sa 'kin 'yan ni Jolo. Hindi lang ikaw ang daks sa mundo!" Tawa ni Nica.
"Haha. Daks ba talaga?" tanong ni Sasha.
Napalunok ako. Ni minsan ay hindi ko naisip ang tungkol do'n.
"Haha. Oo, mamsh! Kaya dapat maghanda ka na, Nami. One time nga, sinukat namin ni D. Tapos ang gamit ko pa no'n, meter stick namin sa PE." Tawa ni Mads.
"Haha, same! Pero ruler lang ginamit ko kay Axl," ani Nica.
"Alam mo, feeling ko talaga si Axl pinaka-wild sa kanilang lahat. Base sa itsura, ah?"
"Ako... tingin ko si D. Haha. Minsan kasi kung sino pa 'yong shy type, 'yon pa 'yong... alam mo na. Hahaha!"
"Girl, wild talaga si D. As in! Na-try nga namin sa CR sa Building A, sa stairwell sa condo nila Axl, saka sa dagat do'n sa Lemery. Kaya nagkasundo talaga kami pagdating do'n. Kung saan atakihin ng libog, go, go, go!"
Binasa ko ang mga labi ko at tumingin na lang sa bintana kahit sa sobrang dilim ay wala akong makita. Sinubukan kong kumanta sa isip ko para tabunan ang pag-uusap nila, pero nangingibabaw pa rin ang boses ni Mads.
Napapaisip tuloy ako kung sinasadya niya bang lakasan ang boses niya para masiguro na papasok sa kukote ko ang bawat kuwento niya.
"Sa dagat? Hindi ba mahapdi 'yon? Hindi ko pa nasubukan, eh."
"Hindi naman. Masarap nga, eh, kasi may thrill na baka may makakita. Haha!"
"Hindi ka naman nakakainom ng tubig alat?"
"Hindi naman, beh. Ibang maalat ang naiinom ko—"
Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumayo at talikuran sila.
Sapat na ang narinig ko. Hindi ko na kailangang malaman pa ang bawat detalye ng sex life nila ni Denver.
Madali akong umalis kahit na hindi ko alam kung saan ako patungo. Tinawag ako ni Nica pero hindi ko siya nilingon at desperada lang akong tumakbo paakyat ng hagdan.
Kailangan kong lumayo.
Kailangan kong makatakas.
Masyado na kaming maraming kailang iresolba ni Denver, at ayaw kong pati ang mga nangyari sa kanila noon ay ikasama rin ng loob ko kahit na 'yon na mismo ang nararamdaman ko ngayon.
Lumabas ako sa porch at naabutan ko na magkausap sina Jolo at Fannie. May hawak na regalo si Fannie, habang si Jolo naman ay nakatayo lang sa harapan niya at pinapanood siya.
Napailing ako.
Akala ko ay burado na si Fannie sa isip ni Jolo. Hindi pa pala.
Tulad na lang ni Denver na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin para kay Mads, at tulad din ni Brent na ilang ulit kong nahuling nakikipagbulungan kay Monica kahit na ikakasal na sila ni Ganja. Maging si Justin na sobrang faithful ngayon kay Aubrey ay ex pala ni Pat at niloko ito.
Isang barkada ng mga manloloko. Ang sarap nilang sungalngalin.
"Nami, saan ka?" Tawag ni Jolo. "Ayos ka lang ba? Mukha kang nalulong sa Biogesic."
"Diyan lang!" sagot ko. "Magpapalamig lang."
"Magpapalamig, ang lamig lamig na!" aniya. "Halika rito, tatawagan ko si D. Nag-e-ML lang sila—"
"Huwag na, Jolo," tanggi ko. "Kaya ko ang sarili ko, dito ako lumaki."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot at diretso na lang na lumabas at naglakad palayo.
Sobrang lamig dahil wala akong suot na jacket, pero hindi ko na 'yon ininda dahil mas nararamdaman ko ang sakit sa puso ko.
Bakit ko ba hinayaan na umabot ako sa ganito? Maayos naman ang buhay ko noon. Hindi ko akalaing darating ang araw na iiyak ako dahil sa isang lalaki.
Pinalaki ako nang maayos ng mga magulang ko. Pinag-aral ako. Binili ang mga gusto ko. Sinuportahan ang mga pangarap ko. Pero dahil lang kay Denver ay nagkakaganito ako.
Malapit na ako sa highway nang bigla na lang huminto ang sasakyan niya sa harap ko at madali siyang bumaba ng kotse. Kunot ang noo niya pero puno ng pag-aalala ang mga mata.
"Nami—"
Banggitin niya lang ang pangalan ko ay handa na akong kalimutan ang lahat at bumalik sa kaniya. Kung alam ko lang na mamahalin ko siya nang ganito kalala na handa akong talikuran ang lahat, hindi ko na sana hinayaan ang sarili kong mahulog.
"Nami." Naglakad siya palapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Mukha siguro kaming tanga kung sakaling may makakakita sa amin. Ang lamig lamig at nagsisimula nang umambon pero heto kami at nagyayakapan sa gitna ng kalsada.
"I'm really sorry for putting you through this," bulong niya. "Nami, I'm sorry."
"Will you ever forget her?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin na mukhang nagtataka bago sa wakas ay naintindihan kung sino at ano ang tinutukoy ko.
Huminga siya nang malalim at hinawakan ang kamay ko. "Let's talk in the car."
Akala ko ay mananatili kaming nakaparada habang nag-uusap kaya nagulat ako nang nagsimula siyang magmaneho, hindi pabalik sa rest house, kung hindi papunta sa highway.
Nanlalamig ang mga kamay ko kaya pinatay niya ang aircon ng kotse at saka inilahad ang kamay niya sa akin.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"Give me your hand. You're shaking."
Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka hinawakan ang kamay niya gaya ng sinabi niya. Mainit pa rin 'yon at makalyo. Pero 'yon ang mga kamay na kailanman ay hindi ko pinangarap na bitawan.
"I know you have a lot of questions," mahinang bulong niya habang binabaybay namin ang kahabaan ng highway.
"Denver, why did you break up with her?" tanong ko. "Gusto kong maintindihan ang dahilan mo para malaman kong tapos na talaga. Sabihin mo sa akin na naghiwalay kayo dahil hindi mo na siya mahal."
Tumikhim siya sa pahayag ko at ilang segundong nanahimik bago sumagot, "I can't say—"
"Why did you break up?" medyo napalakas na tanong ko. "It's an easy question, Denver! Why can't you just answer me?"
"It just wasn't working—"
"Wasn't working?" singhal ko. "Pero kuwento ni Mads ay maayos pa raw kayo at bigla ka na lang nakipaghiwalay sa kaniya! Twice a day pa nga kayong mag-sex tapos—"
Napakapit ako sa harapan ng kotse nang bigla na lang prumeno si Denver at humarap sa akin.
"Why are you even talking about that?" tanong niya. "Tapos na 'yon. Tapos na kami. Tayo na 'to, Nami. Inaayos ko na," aniya.
"Inaayos? Ano 'to basag na baso na puwede mong i-glue na lang at dikitin ulit?"
"Nami—" Huminga siya nang malalim at saka nagmaneho papunta sa parking lot ng isang fast-food restaurant bago inihinto ro'n ang kotse.
"Do you really want to give me a chance?" bulong niya. Bukod sa paghinga namin at pagpatak ng ulan sa labas ay wala na akong ibang marinig pa. "Because it seems to me like you're digging up more of my dirt instead of helping me bury them."
Hinarap ko siya na nanlalaki ang mga mata, hindi makapaniwalang ako pa ang sinisisi niya sa mga nangyayari. Sasagot na sana ako nang muli siyang magsalita.
"I'm sorry, I take that back. I shouldn't have said that." Huminga siya nang malalim at saka makailang ulit na umiling. "Can I start again?"
Nagtama ang mga mata namin at tila nawala ang boses ko kaya tumango na lang ako sa kaniya.
"Thank you," bulong niya, bago binasa ang labi. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko and it took everything in me not to tighten my hold in his.
"Kasalanan ko 'to lahat. I am aware and I am working on it. I want to be transparent with you," aniya. "I made myself believe that my relationship with Madeline ended because she wasn't supportive of my music. But the truth is... Mads and I broke up because of me."
Humarap ako sa kaniya pero imbes na salubungin ang mga mata ko ay umiwas siya ng tingin sa akin.
"My father threatened to bring down the company of Madeline's parents if I don't end it with her," he paused, shaking his head. Bago pa siya magpatuloy ay hindi ko na napigilang magtanong.
"At nakipaghiwalay ka sa kaniya dahil ayaw mong masira ang kumpanya ng mga magulang niya?"
Umiling siya. "Nami, I told my father to fuck off."
Sa una ay hindi ko naintindihan ang pahayag niya. Pero nang napagtanto ko ang nangyari ay hindi ko mawari kung ano ang dapat maramdaman.
"I told him to do whatever the hell he wants, but he can't make me let her go... even if it meant the death of me."
Kinagat ko ang labi ko habang pinapakinggan siya. Alam kong nagaganap ang usapan na 'to para maayos namin ang relasyon naming dalawa, pero imbes na mapagaan ang loob ko ay mas napapatunayan ko lang sa sarili ko na malalim pa rin ang pagmamahal niya kay Mads.
"So, why did you?" Halos hindi ko na marinig ang sarili ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Nami, I turned my back on my family for her. I was willing to give up the band for her. I bought a fucking house in Romblon and asked her to move far away and leave everything behind. Nami, my love for her was eating me up. I wasn't logical or practical or rational. I was jump-in-front-of-a-train, dive-off-a-cliff, shoot-myself-in-the-head in love."
"So... you're telling me that you broke up with her... not because you didn't love her anymore... but because you loved her too much?"
He gripped the steering wheel and unmet my eyes, staring in front of him.
"That's exactly what I'm saying."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top