20: Smile, Stalker

M A D E L I N E

"I'm not really pregnant, I just said that to get you back," I admitted nonchalantly. "Eh, kaso fail. So, I won't keep pretending na. Imaginary na nga lang, magiging single mom pa ako."

Denver's lip pursed but he showed no other reaction. I can't tell if he's relieved, disappointed, or just plain unaffected by my confession.

"Don't do that again, Mads," mahinahon na bulong niya. Kasalukuyan kaming nakatambay sa loob ng kotse niya at nag-uusap. Hindi ko maiwasang mapansin na may iilang gamit do'n na hindi kaniya tulad na lang ng pink na alcohol, pink na aso, at pink na tumbler.

Kinginang pink 'yan, nakakaumay tingnan.

May kalahating oras pa siguro bago ang simula ng klase naming dalawa. Inaantok pa nga ako pero sinadya kong agahan ang pagpasok ngayon para makapag-usap kami. Hindi kasi ako komportable na may pag-iilangan kaming dalawa. Oo, higit dalawang buwan na kaming hiwalay, pero nanatili pa rin naman kaming magkaibigan. Masyado nang malalim ang pinagsamahan naming dalawa para itapon ko na lang 'yon basta basta. Hindi ko na kayang magsinungaling pa sa kaniya.

"I won't. Iisip ako ng ibang way para makuha ulit kita."

"Mads, please—"

"Bakit ba?" may kalakasang tanong ko. "Kung hindi ka na talaga babalik sa 'kin, eh 'di huwag. Hindi naman kita pipilitin. But please don't stop me from trying, Denver. Hirap na hirap na ako na wala ka."

I bit my lip to stop myself from crying. Pakiramdam ko ay sobrang baba ko na. Liit na liit na ako sa sarili ko at sa pagiging desperada ko, pero bawat araw na wala siya sa akin ay parang binibiyak ang puso ko sa sobrang sakit.

Sa tuwing naiisip ko siya kasama si Nami ay gusto ko na lang maglupasay sa sahig. Matatawag ba akong mang-aagaw kung kukuhanin ko lang pabalik ang isang bagay na sa akin naman talaga?

"Mads, I'm already in a relationship—"

"Alam ko! Kaya nga I'm trying to win you—"

"A good relationship," he emphasized, looking at me with an expression close to pity.

"Wow." Pinilit kong tumawa pero nagtunog lang akong naghihingalo. "Good? So, ano 'yong sa atin? Bad?"

"Wala akong sinasabing ganiyan."

Pakiramdam ko ay hindi ko na siya kilala. Higit dalawang taon kaming magkarelasyon pero pakiramdam ko ay hindi ko na alam kung sino siya. "Sobra ka na." Nanginginig na ang boses ko sa sobrang emosyon. "Tinanggap ko 'yong sinabi mo na selfish ako at sarili lang ang iniisip. Pero s-sobra ka na."

"Listen, I'm sorry for saying all those stuff. I just... exploded... I shouldn't have—"

"Hindi ka ba naging masaya sa 'kin? Puro sama ng loob lang ba talaga ang nadulot ko sa 'yo sa loob ng dalawang taon? Bakit kung makapagsalita ka parang sobrang basura ng naging relasyon natin?"

Tumikhim siya at binasa ang ibabang labi. "Mads, you don't—"

"Do you not love me anymore?"

He was caught off guard. His mouth parted open as he avoided my gaze and even moved an inch away from me as if he wasn't sitting far enough.

"Ano? Hindi mo na ba ako mahal?" ulit na tanong ko. "Oo o hindi lang, Denver."

He shook his head and inhaled loudly, still not looking at me.

"Kung sasabihin mo sa akin ngayon na hindi mo na ako mahal... promise, ako na mismo ang lalayo."

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang ko na sabihin ang mga salitang 'yon, pero huli na para bawiin ko pa. May isang salita ako, at kung sasabihin niya na wala na siyang nararamdaman para sa akin, kahit labag sa loob ko ay hindi na ako manggugulo pa sa kanila.

"Mads—"

Napatalon ako sa kinauupuan ko nang bigla kaming katukin ng guard na bigla na lang sumulpot sa gilid ng kotse. "Kayo na namang dalawa, ah. Ilang beses ko na ba kayong pinagsabihan?" nakangiting tanong niya.

Hindi ko na maalala kung ilang beses na niya kaming nahuli ni Denver dito sa parking lot. Noon ay nire-report niya pa kami sa Prefect, pero nang nagtagal ay napagod na rin siya kakahatid sa amin sa loob ng campus, kaya pinabayaan niya na lang kami. Lagi rin naman kasi siyang inaabutan ng pera ni D kaya siguro todo ang ngiti niya ngayon.

Ibinaba ni Denver ang bintana niya at saka binati si Kuya na parang matagal nang magkaibigan. "Good morning, nag-uusap lang po," paliwanag niya.

Tumawa lang 'yong guard at saka masayang inabot 'yong pera na inilabas ni Denver. "Narinig ko na 'yan, eh," aniya bago dalawang beses na tinapik ang hood ng kotse at tumalikod sa amin. "Oh, sige. Gaya ng dati. Wala akong nakita."

Nang makalayo na ang guard at iwan kami ay hindi pa rin nagsasalita si Denver. Bukas ang radyo niya pero sobrang hina lang nito at halos hindi ko marinig.

"It's almost 8, we should get—"

"Oo o hindi?"

"Madeline—"

"Oo o hindi lang, Denver."

"I have nothing to tell you."

"Oh, my God! Hindi mo na ba ako mahal? Napakadali ng tanong! Why are you being so hard?! Gaano ba kahirap sagu—"

"Mahal pa rin kita, okay na?" galit na sagot niya. Humarap siya sa akin na nakakuyom ang mga panga at may bahid ng luha ang mga mata. "I love you and that's the truth! I just don't... like you... anymore."

Walang sabi-sabi ay bumaba siya ng kotse at iniwan ako na tulala at nakaupo sa passenger seat.

I love you and that's the truth. I just don't like you anymore.

Parang sirang plaka na nag-replay sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung dapat ba akong matuwa o masaktan sa pahayag niya, pero isa lang ang tanging pumasok sa isip ko.

Mahal niya pa rin ako.

Pagsapit ng tanghali ay magkakasabay pa rin kaming nag-lunch pero kapansin-pansin ang pananahimik niya. Nang matapos siyang kumain ay tumayo rin siya kaagad at nagpaalam. Siguro ay pupunta ulit siya sa studio para makapag-rehearse sila ni Kara.

"Get well soon kay Nami, bro!" ani Jolo bago makaalis si Denver.

"Thanks. Thanks!" sagot ni Denver na nagmamadaling lumabas ng cafeteria at umalis.

"Bakit? Anong nangyari kay Nami?" tanong ni Pat.

"Nilalagnat kagabi pa," sagot ni Axl.

"Saka sipon," dagdag naman ni Brent.

Nakakagulat na alam na alam nila ang tungkol sa kalagayan ni Nami. Ganito rin kaya ka-open si Denver sa kanila no'ng ako pa ang girlfriend niya?

"A-absent dapat 'yon si D pero ang daming critical requirements na pinasa kanina," ani Jolo. "Kaso tumaas lalo 'yong lagnat ni Nami kaya hindi na rin niya matiis."

Noon, sa tuwing may sakit ako ay lumiliban din si Denver sa klase at inaalagaan ako. Alam na alam niya ang paborito kong mga kainin sa tuwing hindi maganda ang pakiramdam ko, at alam niya rin na gustong-gusto kong manood ng Christmas movies o kaya ay Harry Potter.

Habang nagkaklase ay wala akong ibang ginawa kung hindi i-stalk sa IG si Nami. Gumawa pa nga ako ng fake selling account para i-follow siya. Ayaw ko naman kasing isipin niya na hindi pa rin ako maka-get over kay Denver kahit na 'yon naman ang totoo.

"My handsome cook!"

Iyon ang caption ng My Day niya kung saan vinideohan niya si Denver na walang suot na pang-itaas at abalang nagluluto sa kusina.

He never cooked for me. Madalas noon ay umo-order lang kami ng take-out dahil pareho kaming walang alam pagdating sa kusina. But look at him now. Wearing an apron and cooking for someone else.

The heart is just an organ. It's only purpose is to keep on beating. Bakit ba hindi ko na lang mautusan ang puso ko na kalimutan siya?

Defeated, I went back to my main account and was about to put my phone back in my bag when I stumbled upon a familiar name on Instagram's recommendations of people to follow.

@darwinkyleromero
5 posts
3,702 followers
0 following

I stalked him, of course. All of his posts are just his accomplishments, apart from his first upload which is a monochromatic photo of the Metro Manila skyline.

Without thinking, I accidentally clicked on the heart-shaped button under the photo, liking it.

"Oh, shit." I quickly un-hearted the post and turned my Wi-Fi off. "Shit, shit, shit..."

I reconnected to the school Wi-Fi after half a minute, hoping to have gotten away with my recklessness, but was instead greeted by a notification on Instagram.

darwinkyleromero started following you.

Shit.

I went to his profile, and sure enough, he is now following one person on Instagram. Me!

@darwinkyleromero
5 posts
3,702 followers
1 following

I wanted to evaporate on the spot especially when my phone vibrated again and I saw that he sent me a direct message.

Shouldn't you be studying, stalker?

Wow! Coming from him na nasa Instagram din kahit na oras ng trabaho.

Shouldn't you be working, Charles?

Seen.

Typing...

I'm with Christian.

Oo nga pala. Ngayon nga pala 'yong araw na napagkasunduan nila ni Christian na magkita upang makuha niya ang kopya ng mga requirements nito para sa scholarship.

How is he?

Maya-maya lang ay nag-send na si Darwin ng picture nila na magkatabing kumakain sa Jollibee. Abot-tenga ang ngiti ni Christian na mukhang bagong bili rin ang suot na damit.

Ang daya! Kayo lang?!

Seen.

Typing...

Halika. :)

Wow. May smiley. Akalain mong marunong pala siyang gumamit no'n?

Nag-send ako ng selfie para ipakita na nasa school ako at hindi pa puwedeng umalis.

You cried.

Napa-double check ako sa sinend kong picture at saka napansin ang bahagyang pamumula ng mga mata ko. Oo, umiyak ako kanina dahil sa naging pagtatalo namin ni Denver, pero kaunti lang naman at hindi naman gaanong halata. Sina Pat at Ganja nga ay hindi nagkomento. Hindi ko tuloy alam kung bakit napansin 'yon kaagad ni Darwin.

Magta-type pa lang sana ako ng reply nang muli na namang nag-send ng picture si Darwin, pero sa pagkakataong ito ay hindi na picture nila ni Christian kung hindi picture ng nakangiting pagkain.

Ginawa niyang mata 'yong dalawang meatballs ng Jolly Spaghetti, at gumawa rin siya ng nakangiting bibig gamit ang isang pirasong pasta. Mayro'n pang putol na french fries na ginawa niyang ilong.

Napangiti na lang ako dahil para siyang bata na gumagawa ng mga smiley gamit ang pagkain.

Tumunog ulit ang cellphone ko at mas lalong napangiti nang mabasa ang sumunod niyang message.

You smiled. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top