12: This is Why

M A D E L I N E

"I heard that Denver's spending a lot of time with their new vocalist," Pat announced while we were all waiting for our professor to arrive. "Babae raw, so, of course, I asked Axl if she's prettier than you."

"What did he say?"

"Hmm." Pat pouted. "He said that it's a tie and that I have to see for myself."

Tie?

Sino ba 'yong bagong vocalist na 'yon at nangangarap na maabot ang level ko?

"Payag ka no'n, mamsh?" sulsol ni Ganja. "Tie raw, oh. Tsk. Kaso magaling kumanta 'yon. Ikaw... magaling lang."

That's right. Magaling ako.

I know that.

Denver knows that.

Everyone knows that.

Their new vocalist may have good vocal cords, but I have a mind-blowing throat and no gag reflex. Denver should choose wisely.

"Let's attend their gig some time," Pat suggested. "Jolo is always there, too."

"Hindi naman si Denver pinupuntahan ni Jolo ro'n, eh." Tawa ni Ganja.

"Yeah, I know," Pat agreed. "But Denver's our friend so we should show a bit of support. Punta tayo kapag lumuwag na sched natin."

This is our last year in Dawson and our schedule has been nothing but hectic. It's only been two weeks since school started, but I am already longing for the semestral break.

"You know what? Akala ko talaga magka-comeback kayo ni D," bulong ni Ganja nang pumasok na si Sir Thaddeus.

"True. Akala ko rin. Nag-momol na nga sila no'n sa guest room," segunda ni Pat.

Tumawa lang ako. "Magka-comeback kami. I'm just waiting for him to make a move."

"You're waiting for him pero nakikipag-hook-up ka sa iba? What if magalit siya?"

"Think of it as a cool-off," I explained. "We both just need time away from each other. To cool down and reset our feelings. Just wait, girls. In a few days or weeks, Denver will come knocking down my door, asking for me to come back. Hindi naman ako matitiis no'n."

"Kung sabagay." Pagtango ni Pat.

Sa totoo lang ay hindi ko gaanong inisip si Denver nitong mga nakaraang araw. Kumpiyansa kasi talaga ako na babalik siya sa akin at kapwa lang namin kailangan ng oras.

Pero dahil sa sinabi ni Pat, buong araw akong nangamba na baka posible ngang magkagusto siya sa iba lalo pa at pareho silang mahilig sa musika no'ng bokalista nila.

Ayon pa kay Axl ay tie raw ang ganda namin no'ng nasabing babae. Hindi ko alam kung may katotohanan 'yon o sinabi niya lang 'yon para mapilitan akong makipag-ayos kay Denver. Gayunpaman, dahil sa mga nalaman ko ngayong araw ay napagdesisyunan ko nang kausapin si Dhie bago pa mahuli ang lahat.

Syempre, mahal ko pa siya. Hindi naman ako ang nakipaghiwalay, eh. Naghihintay lang talaga ako na suyuin niya ako at ligawan ulit. Gano'n naman kasi dapat, 'di ba?

Lunch break nang magkita-kita kami lahat sa cafeteria. Hindi tulad noon na may oras pa kaming umalis ng campus at kumain sa labas, ngayon lahat kami ay sobrang busy sa acads lalo na at puro kami graduating.

Gaya ng nakagawian ay nasa iisang table at magkatabing kumakain sina Pat at Axl, pati na rin sina Ganja at Brent. Kasama ko naman sa table sina Jolo, Justin, at Denver, pero lahat sila ay ML ang pinag-uusapan kaya hindi ako maka-relate.

Bumuntonghininga ako habang nakayukong kumakain ng fruit salad, at dahil do'n ay napansin kong tumingin sa akin si Denver. Lagi kasing siya ang pinakaunang nakakapansin sa tuwing naiinis ako o nababagot o nagugutom.

Kilalang-kilala niya ako. Lahat ng paborito ko. Lahat ng ayaw ko. Lahat ay alam niya. Kaya ngayon, sigurado akong tatayo siya at bibili ng ice cream dahil 'yon ang ginagawa niya sa tuwing umiinit ang ulo ko.

Pero lumipas na ang isang minuto ay hindi pa rin siya kumikibo. Nananatili lang siyang nakaupo sa puwesto niya at kumakain ng carbonara habang nakikipagkuwentuhan kanila Jolo.

Bumuntonghininga ulit ako, pero hindi gaya kanina ay hinayaan niya na lang ako at ni hindi na tumingin sa akin.

"Oks ka lang, Sis?" tanong naman ni Jolo na siyang nakaupo sa tabi ko at marahil ay narinig din ang pagpapapansin ko.

"Okay lang," sagot ko sa kaniya. "Gusto ko lang ng ice cream."

Tumango naman siya sa akin at saka nilahad ang palad niya. "Amin na pera, bilhan kita."

Kahit kailan, napakakuripot talaga!

Ni hindi man lang ako mailibre ng ice cream, samantalang si Fannie noon ay lagi niyang nililibre ng lunch.

"Wala akong—"

"Ako na," bulong ni Denver.

Ang hirap magpigil ng ngiti. Tama nga ako. Hindi niya ako matitiis. "Thanks!" pasalamat ko sa kaniya.

Pero nagulat ako nang gaya ni Jolo ay nilahad niya rin ang palad niya sa harapan ko.

"Pambayad mo?" tanong niya. "May bibilhin din ako, sabay na kita."

Napaawang na lang ang bibig ko.

Is he being real?

Ni minsan ay hindi niya ako pinagbayad kahit na isang kusing. Sa tuwing kumakain kami sa labas, nanonood ng sine, o nag-a-out-of-town... sagot niya lahat.

Ito ang unang beses na siningil niya ako.

Wala na akong nagawa kung hindi kuhanin ang coin purse ko at abutan siya ng bente.

"70 'yong Cornetto na gusto mo," aniya.

"70? Bente lang 'yon sa commercial, ah!"

"Eh 'di sa commercial ka bumili."

Walang sabi-sabi ay nagkibit-balikat siya at saka ako tinalikuran. Maging sina Justin at Jolo na narinig ang usapan namin ay natulala na lang sa inasta niya.

Ano bang problema niya?

Oo, hiwalay kami. Pero hindi naman kami huminto sa pagiging magkaibigan nitong nakalipas na dalawang buwan.

Maayos pa rin naman ang pakikisama niya sa akin kaya hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nagkagano'n.

Hanggang sa bumalik kami sa kaniya-kaniyang mga building ay hindi na niya ako kinibo pa. Hindi ko tuloy mapigilang mainggit nang ihatid kami nina Axl at Brent pabalik sa building namin. Dati kasi ay tatlo silang naghahatid sa amin, pero ngayon ay fifth wheel na lang ako.

"Bye, love." Halik ni Axl kay Pat.

"Call me if your headache persists, sasamahan kita sa clinic," bilin naman ni Brent kay Ganja bago rin ito hinalikan sa labi.

Naalala ko tuloy 'yong mga araw na hinahatid din ako ni Denver sa building namin pagkatapos naming mag-lunch.

"I miss you already."

Iyon ang lagi niyang binubulong sa akin sa tuwing maghihiwalay na kami.

Pero ngayon... wala na.

Magkakaro'n na siguro ako kaya ganito na lang ang pagiging emosyonal ko ngayong araw.

"CR lang ako sandali," paalam ko kanila Pat na sa sobrang abala sa mga syota ay hindi yata ako narinig.

Bawat floor sa building namin ay may male and female restroom, kaya hindi ko alam kung bakit sa building ng Tourism ko napiling magbanyo.

Siguro ay sampung minuto rin akong nakatitig sa repleksyon ko sa salamin — nag-iisip at ninanamnam ang bulaklaking amoy ng air freshener.

Hindi ko na kayang patagalin ang pagtatampuhan namin.

Kakausapin ko na siya.

Wala na akong pakialam kung ako ang maghabol. Hindi ko na kayang wala siya.

Pagkalabas ng CR ay naglakad ako papunta sa hagdan at saka humilata ro'n. Sunod ay kinuha ko ang cellphone ko at saka tinawagan ang number niya.

Nakatatlong tawag ako sa kaniya bago siya sumagot.

"We're in the middle of class, Made—"

"I slipped." Iyak ko. "I slipped on the stairs, and I can't walk. Can you take me to the clinic?"

He paused, but after a few seconds, I heard him speak with his professor. "Can I be excused?" paalam niya. "I'll just be in the restroom real quick."

Hindi ko narinig ang sinagot ng prof niya, pero maya-maya lang ay nagsasalita na ulit si Denver sa kabilang linya.

"Where are you?" tanong niya sa akin.

Tiyak kong nakalabas na siya ng room nila at pupuntahan ako.

"Dito sa Tourism building." Pilit kong pinahihina ang boses ko para magtunog talaga akong nasaktan.

"Bakit diyan ka nag-CR? Polished ceramic tiles are slippery. Ewan ko sinong bobo nakaisip na gumamit ng ganiyang ceramic tiles na walang tile sealer."

Wala akong naintindihan sa ano mang sinabi niya. Ang tanging alam ko lang ay pupuntahan niya ako.

Pupuntahan niya ako. Mag-uusap kami. At magkakaayos na ulit kami.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang lungkot ko pala no'ng wala siya. Akala ko kasi ay okay lang ako.

Wala pang isang minuto ay nakita ko na siyang naglalakad palapit sa akin na kunot ang noo at puno ng pag-aalala ang mukha.

Bawat hakbang niya palapit sa akin ay pabilis nang pabilis ang pagwawala ng puso ko, gaya no'ng unang beses na nakita ko siya noon no'ng Battle of the Bands.

"I told you not to wear heels to school," sermon niya nang makalapit siya sa akin at nakita ang kalagayan ko.

"You told me not to wear heels because Pat looks shorter when I do."

Tumawa naman siya. Iyon bang sinserong tawang sobrang tagal kong hindi narinig mula sa kaniya. "Ang liit na nga kasi ni Pat, naghi-heels ka pa. Wala kang pakisama, eh."

Hinawakan niya ang binti ko at saka maingat na hinaplos 'yon pababa hanggang sa bukong-bukong.

"Did you sprain your ankle?" tanong niya. "Where does it hurt?"

Sa puso, Dhie...

"Hindi ko alam." Panggap na iyak ko. "Just take me to the clinic para matingnan no'ng nurse."

I have only been in the clinic four times. Tatlong beses do'n ay kasama ko siya at sa tuwing iniiwan kami ng nurse ay nagku-quickie lang kami.

Lahat yata ng sulok ng Dawson ay nasubukan na naming mag-quickie. Ewan ko ba. May kotse naman siya. May condo. At nag-che-check-in din naman talaga kami sa motel madalas. Pero iba talaga ang thrill kapag ginawa niyo sa isang publikong lugar at posibleng may makakita sa inyo.

Yumuko siya at walang kahirap-hirap na binuhat ako, bride style.

"Hold on to me," bulong niya, kaya inangat ko ang mga kamay ko at kumapit sa leeg niya.

Pinikit ko ang mga mata ko at sinulit ang mga segundo na magkadikit ang katawan namin.

Ang bango bango niya pa rin.

Ano ba ang pumasok sa isip ko at hinayaan kong maghiwalay kami nang ganito katagal?

Siya na 'yon, eh. Nakakasiguro ako. Lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki ay nasa kaniya na. Sobra-sobra pa.

Nang makarating sa clinic ay saktong naka-lunch break 'yong nurse kaya binuhat muna ako ni Denver papasok at inupo sa paanan ng isang kama.

Limang kama ang magkakahanay at may mga asul na kurtina lang sila sa pagitan. Minsan isang buwan ay nandito si Ganja at nagpapahinga sa tuwing may dalaw siya dahil grabe siya kung atakihin ng dysmenorrhea.

Bago pa siya magsalita ay hinatak ko na ang isang kurtina upang masarahan kaming dalawa. Sunod ay kinapitan ko ang batok niya at hinila siya palapit sa akin upang halikan.

Sandali siyang nagulat pero agad din namang nakabawi at hinawakan ang magkabilang baywang ko bago mas diniinan pa ang paghalik sa akin.

Umatras ako sa kama at madali naman siyang gumapang hanggang sa mapakubabawan niya ako, kasabay ng pag-akyat ng kamay niya sa dibdib ko.

Para bang walang lumipas na araw at nagbalik kami sa dati naming kapusukang dalawa.

"Wanna know a secret?" I whispered huskily.

"What?" tanong niya habang ginagala ang labi sa gilid ng leeg ko.

"I can't make myself cum unless I think of you."

I thought that was gonna add fuel to his fire. Instead, he froze on top of me before quickly pulling away and standing on the side of the bed.

"W-Why?" I asked in confusion. I was already so turned on.

"Did you think of me while you were fooling around with Von?" he asked morosely.

"Von—"

"Let me rephrase," he said a little louder. "Did you imagine that it was me fucking you when you did it with Warren last weekend?"

Hindi ko alam kung paano niya nalaman 'yon. Akala ko kasi ay naging maingat si Warren.

"Denver—"

"Ano bang ginagawa mo? Nagpapanggap kang na-sprain para ano?"

"I just want us to give us another try!"

"Another try? After you went off and fucked my friend? Gusto mong subukan pa natin?"

"But that meant nothing to me," I begged desperately. I sat up on the bed and held on to his arm. "I have no feelings for him. It was just sex!"

"Just sex pero paulit-ulit niyong ginawa? Ilang beses?"

"I-Ilang beses?"

"Ilang beses may nangyari sa inyo?"

Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Maski no'ng gabing naghiwalay kami ay hindi naman ganito katindi ang pagkainis niya.

"Denver, hindi na importante 'yon," sagot ko. "Ikaw ang mahal ko."

Malutong siyang nagmura bago umatras palayo sa akin.

"Diyan tayo magkaiba, Mads." Umiling siya at saka dismayadong tumingin sa mga mata ko. Bumuntonghininga siya at nasisiguro kong luha ang namumuo sa gilid ng mga mata niya. "Hindi mo 'ko makikitang hawak ng iba, hangga't mahal kita."

Tinamaan ako ro'n.

Nagkamali ako.

Pero hindi ko 'yon aaminin sa kaniya.

"Talaga? Then why are you spending a lot of time with your vocalist, huh?" I snapped back at him.

"In case you're not aware, spending time with someone is a lot different from having sex with them," sagot niya.

"Oo. Siguro nga walang nangyayari sa inyo. Pero do'n na rin papunta 'yon!"

"Don't make this about me."

"I'm not making this about you! Totoo naman kasi!" naiiyak na sigaw ko. "Galit na galit ka na may nangyari sa amin ni Warren. Pero ikaw mismo sa sarili mo, hindi na ako ang gusto mo dahil mayro'n ka nang iba!"

Kumuyom ang panga niya, sunod ay pinikit niya ang mga mata niya bago itinaas ang kaliwang kamay at minasahe ang sentido.

"You're both right and wrong," bulong niya. "Wala akong iba."

Nakahinga ako nang maluwag. 'Yon lang naman ang gusto kong marinig. Na akin pa rin siya at sa kaniya pa rin ako.

Pero parang sinaksak ang puso ko nang marinig ko ang sumunod niyang sinabi.

"Wala akong iba. Pero hindi na ikaw, Mads."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top