1: Natalia

D E N V E R

Kara
Dude, first gig mamaya, ha?
Kapag ikaw hindi sumipot,
kutos ka sa 'kin.

Text ni Kara ang pinakaunang nabasa ko pagkagising na pagkagising ko. Alas-sais pa lang ng umaga at alas-otso pa ang klase namin, pero ang lala kasi ng traffic nitong mga nakaraan, kaya mas mabuti nang agahan ko na lang.

Okay, chill.

Bakit naman ako hindi sisipot, eh pangarap ko 'to? Isa pa, sayang din iyong ilang buwan naming pagpa-practice. Kahit na iniwan kami sa ere no'ng bokalista namin, may nahanap silang kapalit kaya siguro naman ay hindi kami gaanong magkakalat mamaya.

I know I am miles away from becoming the world's best guitarist, but whenever I strum my fingers against the thin strings of my instrument, I get a strong sense of euphoria I can't even fathom.

It's like all my problems don't even exist. Like I'm a whole new person, living a whole new life, and it's just the best feeling ever.

A different kind of high.

A release.

Almost like an orgasm.

Jolo and I met in the parking area of our building before getting in my car and heading to school together.

Hindi kami nagsasabay noon dahil dinadaanan ko pa si Mads, pero ngayon na hiwalay na kami ay mas praktikal siguro kung magsasabay na lang kami ni Jolo. Ganito rin naman kasi ang ginagawa namin no'ng nag-OJT kami noon. Saka para tipid na rin sa gas.

"Ang sakit ng ulo ko, hayup na 'yan," reklamo niya pagkasakay na pagkasakay niya sa kotse ko.

"Haha. Inumaga ka na naman yata kanila Sasha, eh." Tawa ko. Napapadalas na kasi ang pagtambay niya ro'n sa bahay ng kababata niya. Araw-araw nga ay nando'n siya, hindi gaya dati na madalas ay ako ang kinukulit niya o kung sino man sa tropa.

Pero hindi ko rin naman siya masisi dahil do'n sa lugar na iyon siya lumaki. At ngayon na mag-isa lang siya sa condo niya, tingin ko ay sa kanila niya nahanap iyong pamilya na nawala sa kaniya.

Simula kasi nang nag-asawa ulit iyong nanay niya ay para bang wala na itong pakialam sa kaniya. Maliban sa pagpapadala nito ng pera bawat buwan ay bihira niya raw itong makausap. May bago na rin daw kasi itong asawa at anak, kaya si Jolo ay parang naging parte na lang ng malungkot at mahirap na nakaraan ng sarili niyang ina.

Kilala ko na ang kaibigan ko, at alam kong siya iyong tipo ng taong hindi mapakali na maiwang mag-isa. Gusto niya na laging may kausap, may kasama, may kakuwentuhan. Kaya masaya ako na nagkaroon ulit siya ng komunikasyon sa mga kababata niya.

"Alas-kwatro na 'ko nakauwi. Haha." Tawa niya, habang minamasahe ang noo. "Ang bilis ko talagang tamaan sa Empi, ba't gano'n?" nagtatakang tanong niya, na para bang hindi niya alam na sa aming magtotropa ay siya talaga ang pinakamabilis malasing noon pa lang.

"Kahit naman sa Tanduay Ice at San Mig Light, nalalasing ka," sagot ko.

Tumawa lang siya at saka in-adjust ang sandalan ng passenger seat para umidlip. May baon pang Panda na eye cover ang kumag. "Gisingin mo na lang ako, bro, ah? Kulang pa talaga tulog ko, pasensya na," bilin niya, sabay patong ng mga kamay sa ibabaw ng sikmura niya, at mabilis na natulog.

I just went on driving to school, going down the usual route in complete silence. But when I reached the turn heading to her place, it took me a second to remember that she's no longer my responsibility now.

I don't even know why I'm still thinking about her. I'm the one who asked to call it off. But driving by her place and not picking her up just felt so wrong. So, I let out a deep breath and turned the car around.

"Kingina mo, huwag mo nang balakin," bulong ni Jolo habang nakapikit pa rin ang mga mata. "May pang-Grab iyon, hindi iyon poor."

Pareho kami ng ruta na binabyahe mula condo hanggang Dawson kaya marahil ay napansin niya na lumiko ako.

"Titingnan ko lang kung nakaalis na," sagot ko. "Baka kasi ma-late iyon kapag walang masakyan. Mahirap mag-book ng ride ng ganitong oras."

"Ano naman sa 'yo kung ma-late siya?" Binuksan ni Jolo ang isang mata at pinagtaasan ako ng kilay. "Baka ma-late rin iyong guard, gusto mo sunduin na rin natin? Sulitin mo na 'yang pagbibida mo."

"Nakikisakay ka na lang, nagrereklamo ka pa."

"Bobo mo kasi. Makikipaghiwalay ka, tapos ngayon maghahabol ka."

"Hindi ako naghahabol."

"Do'n na rin papunta iyon."

"Susunduin ko lang naman. Wala namang masama ro'n."

"Sige, kaibigan, lokohin mo sarili mo."

"Wala naman talagang masama ro'n."

"Okay, kunwari naniniwala ako."

"Tangina kasi. Bakit mo hinayaang makipaghiwalay ako?"

"Kasi tangina mo rin, toxic na kayo."

Natahimik ako sa sinabi niya at hindi na nakasagot pa.

Toxic kami. Totoo iyon. Kaya hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ay hinahanap-hanap ko iyon.

Napabuntonghininga na lang ako at muling inikot ang kotse upang dumiretso sa Dawson. Ano nga naman sa akin kung ma-late siya, 'di ba?

"Tangina. Sunduin na natin," bulong ni Jolo na halatang nakonsensya nang magmaneho ako palayo. "First day na first day, male-late siya. Kawawa naman."

Napamura na lang ako at saka muling inikot ang kotse upang daanan si Mads, pero bago pa kami makarating sa bahay nila ay nakita ko na siyang nakatayo sa labas ng gate at nakatitig sa cellphone niya na tila ba may hinihintay.

"Nag-book na yata siya ng Grab," bulong ko kay Jolo habang binabagalan ang pagmamaneho.

"Susunduin mo ba o hindi? Sabay-sabay tayong male-late nito, eh."

Magmamaneho na sana ako palapit nang may isang pamilyar na kotse na tumigil sa mismong harapan niya. Dali-dali siyang sumakay, at wala pang ilang segundo ay nakaalis na sila.

"Who in the pakening tape is that?" Jolo asked, voicing out the same question I have in mind.

"Ewan," sagot ko.

"Hmm. Looks fishy is the car to me. Let's follow and investigate."

"Huwag na."

"Come on! Don't miss this opportunity. Let's catch them while they're still cold!"

Nilingon ko siya at nakitang nakakunot ang noo niya na para bang mas naiinis pa siya sa akin na may ibang sumundo kay Mads. "Tangina mo. Lasing ka pa. Matulog ka na nga lang diyan," bulong ko. Mukhang may amats pa kasi ang gago.

Buong araw ay halos wala kaming ginawa. Kami-kami pa rin naman kasi ang magkaka-blockmate at walang bagong salta. Medyo nakakalungkot lang dahil halos buong araw ring usapan sa klase ang tungkol sa hindi inaasahang pagpanaw ni Quid. Kahit hindi kami malapit ay nalungkot pa rin ako nang marinig ang balita tungkol sa pagkamatay niya. Sana ay nahanap na niya ang kapayapaan kung nasaan man siya ngayon.

"Pupunta ka ba mamaya?" tanong ko kay Jolo habang nagmamaneho pauwi.

"Oo, first day rin ni Sash," aniya habang nakatutok ang mga mata sa cellphone at abalang ka-text ang babae.

"Si Sasha na ba ang bagong Fannie?" tanong ko, pero hindi niya iyon narinig dahil titig na titig pa rin siya sa sariling cellphone.

Pinili ko na lang na huwag na munang magtanong dahil ayaw ko naman na maudlot kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa. Kung magkataon na tama nga ang hinala ko, ako na yata ang magiging pinakamasaya para kay Jolo.

Alas-otso hanggang alas-dose iyong gig na nakuha namin sa isang bar sa Tomas Morato. Maliit lang iyong bayad at kulang pang pang-gas naming lima, pero kahit nga yata libre papalagan ko pa rin. Gusto ko lang talagang tumugtog.

Kara
Dude, along the way naman
sa 'yo 'to, 'di ba?

Nag-send siya ng location pin ng isang motel na ilang minuto lang ang layo mula sa condo.

'Wag muna. Hindi pa 'ko
nakaka-move on kay Mads.
Masasaktan ka lang.

Kara
Sayang naman.
Ang tagal kong hinintay
na maghiwalay kayo para
matikman na kita.

Alam namin pareho na nagbibiruan lang kami. Natipuhan ko noon si Kara, pero pareho palang babae ang gusto namin kaya hindi kami talo. Nanatili na lang kaming magkaibigan dahil maliban sa mga babae ay magkasundo rin kami ng trip pagdating sa musika.

Kara
Diyan naka-check in iyong
bagong bokalista natin.
Natalia pangalan.
Sunduin mo na lang.

Sinend niya sa akin iyong cellphone number ni Natalia at agad ko naman iyong sinave sa cellphone ko. Hindi ko pa siya nakikita at naririnig kumanta, pero sabi nila ay miyembro siya ng choir sa church nila sa Baguio. Mamaya ko na lang siguro malalaman kung anong lagay.

Nandito na 'ko.
Tinext ko na iyong Natalia
pero hindi sumasagot.

Kara
Sabi niya nasa tapat na
raw siya ng building.
Hanapin mo na lang.

Sinuri ko ng tingin iyong harapan ng motel at nanlaki ang mga mata ko nang makitang lumabas do'n si Mads.

Nakasuot siya ng sweater na kulay gray, itim na leggings, at pulang Chuck Taylor na low-cut.

Okay.

Ilang minuto na akong nakaparada sa harap no'ng motel pero wala pa ring ibang babaeng lumalabas maliban kay Mads na mukhang may hinihintay na naman.

Dalawang buwan pa lang kaming hiwalay pero nakikipag-check-in na kaagad siya sa iba. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Kara
Dude, kanina pa raw
siya naghihintay.
Nasa'n ka ba?

Kanina pa 'ko nandito
sa tapat ng building.
Ibigay mo na lang iyong
license plate ko at siya na
lang ang humanap sa 'kin.

Okay.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita na ni Mads ang kotse ko at taimtim na tinitigan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang sinakay rito kaya alam kong makikilala niya ako kaagad. Hindi na ako nagulat nang makitang naglakad siya palapit sa akin, at saka kumatok sa pinto.

Tinanggal ko iyong lock pero imbes na pumasok siya ay sinilip niya lang ang ulo niya sa loob ng kotse.

"D-Denver?" mahina ang boses niya at nakakapanibago. O baka dahil ilang linggo rin kasi kaming hindi nag-usap?

"Oo," sagot ko. Nagpagupit kasi ako ng buhok para sa unang araw ng klase. Siguro ay hindi siya sanay na ganito ang gupit ko.

Ngumiti siya pagkarinig ng pangalan ko at saka madaling sumakay sa tabi ko at kinandado iyong pinto ng kotse.

Kara
Nagkita na kayo?

Hindi pa.

"Tara na?" tanong ni Mads. Nakakapanibago talaga iyong boses niya pero hindi ko na lang pinansin.

Ito na ba iyon?

Magkakabalikan na ba kami?

"May hinihintay pa 'ko," sagot ko. Maski ang pabangong gamit niya ay iba na rin. Mabango rin naman iyon, pero mas gusto ko iyong dati.

"Oh, okay," bulong niya.

Ilang minuto na kaming magkatabi sa kotse at naghihintay kay Natalia pero hindi pa rin siya sumisipot. Hindi ko magawang tingnan si Mads dahil naiilang ako nang kaunti sa kaniya kaya hinayaan ko na lang siyang mag-cellphone sa gilid ko.

Kara
She said she's already in the
car with you! Oh, my God!
Where the hell is she?!

"Tangina naman," bulong ko. Nasaan na ba 'tong Natalia na 'to?

"Uhm. Everything okay?" tanong ni Mads.

Tumango lang ako sa kaniya at hindi sumagot. Gusto kong hawakan ang kamay niya at halikan siya, pero hindi ko alam kung iyon ba ang tamang gawin. Marami pa kaming kailangang pag-usapan.

"Y-You're Denver, right?" Nanlaki ang mga mata ni Mads at saka mabilis na binuksan ang door lock nang may mabasang text sa cellphone niya.

"Oo nga. Bakit ba—"

I didn't finish my sentence and just stared at her for ten seconds before I finally understood what the hell was going on.

Putangina niyo, Kara.

Kara
Guess you finally found her.

Putangina niyo.

Kara
Haha. Yeah, I know.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top