Epilogue

HINDI niya mawari kung bakit habang nag lalakad sila ni Arche sa hallway ay grabe makatingin sa kanila ang schoolmates nila. May iba pa nag bubulungan pagkatapos silang titigan.

Nilingon niya si Arche para mag tanong pero mas hinigpitan nito ang kapit sa kaniyang kamay.

Do'n na siya mas lalong nagtaka at kinabahan. "Anong mayro'n?" tanong niya kay Arche.

"It's nothing. Come on, I accompanied you to your first class," seryoso nitong saad. Hinila pa siya nito para mas mapabilis sila mag lakad pero pinigilan niya ito.

"What the fuck is going on?" Mariin niya itong tinitigan. Nakipagsukatan ito ng tingin sa kaniya bago ito bumuntong hininga ng malalim.

"Tara." Dinala siya ni Arche sa isang empty classroom. Pinaupo siya nito sa armchair pagkatapos ay tumapat ito sa kaniya.

"Take a deep breath."

"What?" Naguguluhan siya rito. "Just take a deep breath." Mas lalo siya kinabahan. Parang may clue na kasi siya sa maririnig. Sinunod niya si Arche.

"Now, exhale." Ginawa niya rin ito. Ilang beses nilang inulit 'yon hanggang umayos ng posture si Arche sa kaniyang harapan.

Nilabas nito ang cellphone at may ilang pinindot bago binigay sa kaniya. Muntik na niya mabitawan ang cellphone nang makita ang social media. What the fucking fuck?!

SHE was furious. How could they? Paano nila nagawa 'yon? Wala ba silang magawa sa buhay at naninira sila ng ibang tao?

Sa sobrang inis niya ay hindi siya tumuloy sa pagpasok. Sinundan siya ni Arche palabas ng campus.

Hindi niya alam kung saan niya hahanapin ang tatay niya dahil after ng event ay hindi man lang ito nag paramdaman sa kaniya. Maliban na lang sa mga walang hiyang article na kumalat sa internet.

Ayos lang sana kung siya lang. Pero hindi, sa bagong article na pinost ay damay na rin sina Arche, Kale, Heather at Kenji. Pinangalan pa ang mga ito at kumakalat kung anong klaseng relasyon mayro'n sila.

Hindi na niya napigilan ang sarili umiyak. Nakahinto ang sasakyan ni Arche sa gilid ng kalsada. Tinawagan na rin nito sina Kale, Heather at Kenji but she insisted na huwag siya munang puntahan dahil may pasok ang mga ito.

Hindi niya rin sana papayagan si Arche sumama sa kaniya kung hindi niya lang ito kasabay pumasok. Wala siyang nagawa nang sumunod ito sa kaniya.

"Babu," marahan na tawag ni Arche sa kaniya. Umiiyak na nilingon niya ito pagkatapos ay umiwas siya ng tingin dito. Bagsak na binaba niya ang tingin sa kaniyang kamay nasa kandungan niya.

"I.. I'm sorry, nadamay pa kayo. I think, you should go back to campus. I'll find my way—"

"I'm not leaving you." Nilingon niya ito. "But ayoko na kayo madamay. This is enough."

"We are already involved, Crescent. So, don't tell me to stop involving myself because I will keep doing it. We're all in this together."

Hindi niya akalain. All it takes for her to be brave was Arche's words. Umiiyak na tumango siya rito. Hinawakan ni Arche ang kamay niya at hinalikan ang sintido niya.

UMUWI sila ni Arche sa apartment. Hindi rin nag tagal ay isa-isang nag datingan sina Kale, Heather at Kenji. They had worried smile plastered on their faces.

Mas lalo siya nalungkot. Bakit mas nag aalala pa ang mga ito sa kaniya kaysa sa mga sarili nito? Parehas lang naman silang nasa article at pinag pi-pyestahan ng madla.

Niyakap siya nang mahigpit ni Heather. Binalik niya ang yakap nito in double times para iparating dito na she was also worried but will always be her side.

Binalingan naman niya sina Kale at Kenji. Nginitian niya ang dalawa pagkatapos ay siya na ang dumalo sa mga ito. Niyakap niya ito parehas. Pinag gitnaan siya nina Kale at Kenji.

She was hugging them nang marinig nila ang doorbell. Parehas silang natigilan. Nakipagtitigan sa isa't isa hanggang marinig nila ulit ang tunog ng doorbell.

"Ako na mag bubukas," volunteer ni Heather. Lumabas ito. Umupo sila sa couch habang hinintay ang dalaga.

Pero nang makabalik si Heather. Papasok pa lang ito ay natigilan na siya sa lalaking nakasunod dito. What the fuck was he doing here?

Mabilis siyang nakatayo. "Anong ginagawa mo rito?" galit na tanong niya sa ama.

"I need to talk to you."

HINDI niya sana ito gustong kausapin but she had no choice. Baliktarin man ang mundo ay makakausap niya pa rin ito. Kahit anong mangyari.

Pumunta silang dalawa sa study room habang nasa labas ng silid ang apat.

Nakaupo lang siya sa couch habang ang ama naman niya ay nakatayo at masin-masinan pinagmamasdan ang ilang artwork nasa silid.

Umikot ang mata siya. As usual. Ayon ang bibigyan nito ng atensiyon, kaysa sa sarili nitong anak.

"Are they your partners?"

Bigla siya napa-ayos nang upo. Wow. Gano'n agad tanong nito sa kaniya? Wala man lang kumustahan? Sorry kasi hindi kita tinanggap. Sorry kasi iniwan ko kayo mag-ina. Ang galing lang.

"Yes, they are."

"Do you love them?"

"Of course! Anong klaseng tanong 'yan?" Hindi na niya napigilan ang sariling sagutin 'to.

"I get it. You're mad." Lumingon ito sa kaniya. Seryosong nakatingin sa kaniya ang mata nito. Hindi siya nag padala rito kahit sobrang nakakatakot nito.

"Galit talaga ako. Bakit kailangan mo pa ako hanapin? Maayos naman na ako. Hindi kita kailangan. Matagal ko na tinanggap 'yon."

Tumango ito sa kaniya pagkatapos ay umupo ito sa kaniyang tapat.

"I love your mom." Natigilan siya. Kumunot ang noo. Ano ang gusto nito ipahiwatig? "But I chose my career over her."

Mariin niya pinabilog ang kamay sa galit. "I chose my career over my responsibility to you."

Nakagat niya ang labi. Pinipigilan niya umiyak. Stop. Please, stop. Hindi niya gusto marinig ang gustong sabihin ng ama. She was fine.

"But actually, I was scared and coward. Hindi pa malaki ang pangalan ko sa industry. Tinatayo ko pa lang ito and I couldn't afford to lose it without knowing I lost everything."

Yes, you did.

Hindi na niya napigilan ang sariling lumuha. Nasasaktan siya. Her mother doesn't deserve what happened to her and her father was a petty person. He doesn't deserved the both of them.

"Are you sorry?"

Tinitigan siya nito sa mata. Nagulat siya nang makita ang kanina nitong nakakatakot na aura na parang tigre ay napalitan ng isang kawawang tupa.

"I think, I'll be sorry for the rest of my life. You and your mother didn't deserve everything I caused you both."

Tumango siya. "I'm sorry, anak. I'm not saying this because I want you to forgive me. I'm sure you won't forgive me. Kahit ako hindi ko mapapatawad ang sarili but I still want to say sorry. You deserved that and your mom."

"Glad to know. And hindi ko kakainin lahat ng sinabi ko just because you came for me. I told you, I don't need a father. I can managed myself."

"I know and I'm proud of you."

"No need," mataray niyang saad. Umiwas pa siya ng tingin dito. Nag babadya na naman kasi ang luha niya.

"I already shut down the article." Mabilis siyang lumingon dito. Gulat. Hindi makapaniwala. "We've been working for it ever since the first article came out. I'm sorry for causing all of this to you and your partners."

"Alam kong hindi ko na maibabalik lahat ng negative comments nabasa mo tungkol sa inyo but I'm glad and happy that you're with people who really appreciate and cherish you."

Tumango siya. "I hope this would be the last time I'll be seeing you. I think I deserve it. Kahit ito na lang gawin mo para sa 'kin," naiiyak niyang saad.

"Ok, naiintindihan ko."

"Salamat." Pilit na ngumiti siya rito. Alanganin na ngumiti ito sa kaniya. "Can I have a hug?"

Mariin niya ito pinatitigan. She cleared her throat. "Ok," pag payag niya rito. Nagulat siya nang tuluyan itong lumuha at lumuhod para yakapin siya.

Mahigpit siya nitong niyakap. Alanganin naman niya binalik ang yakap nito. Awkward niyang nilagay ang dalawang kamay sa likuran nito at marahan na tinapik. Tuloy-tuloy din ang pagtulo ng luha niya.

This is good. It's for her own good.

"Mahal na mahal ko kayo ng ina mo."

BEING in a relationship with multiple partners were a lot harder than they thought. Akala nila, basta kasama nila ang isa't isa. Everything would be fine. As long as they're together.

But a lot of people were against with them. Especially when their country was known for being religious and conservative. It was more a lot harder than it seemed.

May lungkot na pinatitigan niya ang likuran ni Arche Eury habang isa-isang pinasok nito ang mga damit sa loob ng maleta.

Tandang-tanda ng dalaga ang pangako nila sa isa't isa. Kahit anong mangyari ay hindi sila mag papadala sa agos ng sasabihin ng mundo. Them against the world.

Ngunit..

Hanggang salita lang pala ang lahat. Kahit ipilit pa nila ang relasyon mayro'n sila sa mundo. Kahit sabihin na hindi sila makikinig sa dikta ng mundo. Mahirap pala talaga. Lalo na kung isa-isa na silang napagod makipaglaban sa magulong mundo.

Kahit wala silang ginagawang mali ay ipagtutulakan pa rin na sila ang mali.

Sila na, nag magmahal ng higit sa isa.

Sila na, gustong patunayan sa mundo na walang mali sa kanila.

Sila na, kahit minsan ay pinaglaban nila ang pagmamahalan nila sa isa't isa.

"What happened to us?" tanong niya kay Arche. Lumingon ito sa kaniya. Makikita ang pagod sa pagmumukha nito.

"We got tired," saad nito. Tumango siya at pinunasan ang luhang tumulo sa kaniyang pisngi. Right! They get tired.

Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama at lumabas. Bumungad sa kaniya sina Kale at Heather. Busy din ang mga ito mag asikaso ng maleta at ilang kagamitan sa loob ng sala para ilagay sa mga boxes nasa paligid.

Pinagmasdan niya ang bawat boxes na may pangalan nila. Sigurado siya na hindi na mauuwi sa kanila ang boxes na iyon dahil kung tutuusin ay hindi niya kakayanin na makita ang mga gamit niya na may alaala ng bawat isa sa kanila.

Nilagpasan niya sina Kale at Heather. Binigyan siya ng malungkot na ngiti ng dalawa. Tinanguhan niya ito at lumabas ng apartment. Nakita niya si Kenji nag lalagay ng maleta at boxes sa loob ng trunk nito.

Lumingon si Kenji sa kaniya nang mapansin siya nito. Katulad ng tatlo ay hindi mapagkakaila na pagod din ito.

"Tapos ka na mag empake?" tanong nito sa kaniya. Tumango siya. "Kanina pa." Dumako ang paningin niya sa pinto ng kotse. Hindi niya kasi magawang titigan ito sa mata.

"Sige, balik na muna ako sa loob." Kunwari na tiningnan niya ang cellphone. "Parating na 'yong sundo ko," saad niya pa.

He nodded. "Okay, Crescent."

NAG mamadali siyang pumasok sa loob ng apartment at dumiretso sa loob ng kubeta. Hindi na niya mapigilan ang umiyak. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha niya sa kaniyang pisngi.

Mahigpit niya hinawakan ang dibdib. Nasasaktan siya. Ilang taon din sila nag sama ng mga ito. Sa kanila na umiikot ang mundo niya. Kung saan man siya lumingon ay may alaala nag pa-pop up sa kaniyang isipan.

Sinilip niya ang sarili sa salamin. Basang basa ang mukha niya ng luha. She bit her lip pagkatapos ay binuksan ang gripo. Ilang beses niya hinilamusan ang mukha hanggang makuntento siya na walang bahid ng luha sa kaniyang mga mata at pisngi.

Ngunit ang kaniyang ilong ay namumula galing sa pag-iyak. She sighed. Wala na siyang magagawa pa. Kung mag tatanong ang mga ito ay hindi na lang siya sasagot. Paniguradong de-dedmahin lang din naman ng mga ito ang nangyari.

Tapos na sila. Hindi na ito maayos pa kahit sabihin pa na siya na lang ang nag mamahal sa kanilang lima.

Aanhin ang pagmamahal niya kung ang apat ay napagod na?

IYAK at pagsinghot ang maririnig sa buong silid kung saan pinagdadaos ang isang paglulunsad ng isang pelikula. Isa itong libro na kinuha maging isang pelikula.

Rinig na rinig sa buong sinehan ang dialogue ng bidang babae nasa malaking puting screen. Hindi mapigilan na gayahin ng mga nanonood ang umiiyak na bida. Damang-dama ng mga nasa sinehan ang kirot at hapdi ng isang pagmamahal.

Pinanood ng mga ito na isa-isang sumakay sa sasakyan sina Arche, Kale, Heather at Kenji. May pait naman na ngumiti si Crescent bago ito tuluyan sinara ang pinto sa backseat at pumasok sa passenger seat.

Lumingon si Michael sa ate nito at inabot ang kamay nito. "Let's go home, ate." 

Tuluyan na nga umalis palayo ang huling sasakyan paalis sa apartment na saksi sa pagmamahalan ng lima.

Sa paglabas ng pangalan ng director at ng writer sa credits ay ang pag bukas ng ilaw sa buong sinehan. Umiiyak ang mga nanood at hindi magawang tumayo sa kinauupuan.

Pilit ina-absorb ang nangyari sa dulo ng kwento habang ang sumulat naman sa libro ay titig na titig sa screen sa unahan. Hindi ito makapaniwala naging pelikula ang sinulat nitong libro.

Ang tanging gusto lang naman nito ay magkaroon ng boses ang ginagawa nitong kwento at maparating na kahit mahirap ay makakaya nito.

Nang tumayo ang manunulat at direktor ay nagpalakpakan ang mga tao nasa loob ng cinema. Ngumiti ang babae at ilang beses nag bowed sa mga ito. Nag papasalamat ito sa suportang binigay sa kaniya.

Bago siya lumabas ay pinagmasdan muna nito ang mga artistang nag portrait sa mga characters nito. Masayang ngumiti ito pagkatapos ay tuluyan nang lumabas ng sinehan.

Ngunit papalayo pa lang ito ay may tumawag sa pangalan nito. Lumingon ito sa lalaking tumawag dito. May nakapaskil na malaking ngiti sa lalaki habang may bitbit itong bouquet of flowers.

"Euporie."

Mas lumawak ang ngiti ng manunulat. Lalo na nang makita pa nito kung sino ang mga nasa likuran ng lalaki.

Isang babae at dalawa pang lalaki.

"Congratulations, baby," synchronized na bati ng apat sa kaniya.

- WAKAS -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top