Chapter 7
HAWAK ni Arche ang kamay niya nang parehas silang tumigil sa paglalakad. Sa kanilang unahan ay sina Heather at Kale na parehas magkahawak ang kamay sa isa't isa.
Nilingon niya si Arche sa kaniyang gilid. Hindi niya ito nakikitaan ng selos. Gusto niya rin tuloy mag tanong dito kung ano ang nararamdaman nito sa tuwing magkasama sina Heather at Kale.
She would try to ask him if may pagkakataon siya.
"Cres, gusto mo sumama? Nagyaya si Kale mag amusement park," ani Arche sa kaniya habang palapit sila sa dalawa.
"Sure, sama ako."
Nang tumapat sila sa mga ito ay hinalikan ni Arche si Heather sa noo pagkatapos ay nag fist bump ito kay Kale. Parehas naman niyang ngitian ang dalawa.
"Sumama ka, Crescent," ani Heather sa kaniya. "Sure, I'd love to."
"Ayon naman pala! So, Cres. How about you decide what we eat since you love your food so much," ani Kale. Hindi niya mapigilan matawa sa sinabi nito. Napagtanto niya sa tuwing nakakasama niya ito ay palagi puro may ugnayan sa pagkain.
Naiiling na tinaasan niya ito ng kilay. "No, 'wag mo sa 'kin iatas 'yang malaking role. May sari-sarili tayong panlasa, no!"
"Sus! Pagkain lang naman 'yan."
She made a face. Kukurutin niya sana si Kale nang may kamay na pumigil sa kaniya. Nabalik tuloy ang tingin nila kala Arche at Heather.
"I didn't know you two were close," may paguuyam na wika ni Arche sa kanila. Gusto niya tuloy kaltukan ang sarili.
"We're not close," saad niya. "Yeah, we weren't," Kale also said pero napansin niya ang mariin na titigan ng dalawa.
Pumalakpak si Heather at hinawakan ang braso ni Kale. "Tara na, guys! And kayo na lang ni Arch ang mag decide," ani Heather pagkatapos ay nauna na ang mga ito mag lakad palayo sa kanila.
Binalik niya ang tingin kay Arche. Nakatingin ito sa likuran nina Heather at Kale. Tinawag niya ang pangalan nito. Doon naman ito lumingon sa kaniya. He cleared his throat then hinawakan ulit nito ang kamay niya at sabay na sila sumunod sa mga ito.
Next time, she would be very careful sa mga pinagkikilos niya o mas magandang magusap sila ni Arche.
NALULULA na pinatitigan niya ang taas ng Extreme tower sa kaniyang harapan. May mga ilang tao ang nasa tuktok nakasakay dito. Pinikit niya ang mata nang biglang bumagsak ito galing sa itaas.
"I'm so excited!" Mabilis niya minulat ang mata nang marinig si Kale magsalita sa kanilang unahan ni Arche. Naka-akbay si Kale kay Heather na halatang excited din sumakay sa ride, kabaliktaran sa kaniya.
"Are you okay?" Arche asked. Of course, she wasn't okay. Nakapila lang naman sila para sumakay sa isang extreme ride na ngayon niya lang masusubukan dahil sa tuwing nakakadalaw siya sa arcades ay palagi lang siya naka-stick sa video games.
At hindi niya mawari kung bakit siya napapayag ng mga ito.
Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya nang unti-unti makalapit sa entrance. Napansin ito ni Arche. Hinawakan nito ang kamay niya at sabay silang pumasok sa loob.
Nawala kaunti ang kaniyang kaba nang hawakan ng binata ang kamay niya. Magkatabi rin silang umupo sa ride. Si Arhe sa kaniyang kanan na bahagi at sa kaliwa naman niya si Heather habang si Kale ay sa kaliwa nito.
Lumingon siya kay Heather nang hawakan nito ang kamay niya. Pinisil ito ng dalaga pagtapos ay ngumiti ito sa kaniya. Binalik niya ang tingin sa unahan. Ang isa niyang kamay ay hawak din ni Arche. Hindi nito binitawan ang kamay niya.
She was praying while the ride slowly going up. Nang nasa tuktok na sila ay mariin niyang pinikit ang mata at mahigpit hinawakan ang kamay nina Arche at Heather.
Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon upang huminga nang biglang mabilis na bumaba ang ride sa papunta sa ibaba. Pasigaw siya sa takot. Tumama rin ang malamig na simoy ng hangin sa kaniyang mukha.
"Come on, Crescent." Namulat niya ang mata. Doon niya lang napagtanto nasa baba na sila at nakatingin sa kanilang gawi ang mga nag hihintay sa pila.
Nagpakawala siya ng buntong hininga at mabilis tumayo nang lumuwag ang seatbelt sa kaniyang katawan.
Inaamin niya. Nakakatakot pero masarap sa pakiramdam. Parang gusto nga niya ulit sumakay ulit. Siguro kapag nagkaroon ulit siya ng lakas na loob. She would definitely try it again.
"Ayos ka lang?" tanong ni Arche sa kaniya habang palabas sila. Naka akbay ulit si Kale sa balikat ni Heather nasa unahan nila.
"It was scary but I'm fine." Hinawakan niya ang braso nito. "Thanks for holding my hand, babu," she cheekly murmured.
Ngumiti si Arche sa kaniya at hinalikan ang noo niya. "As always, my baby."
Hindi naman maiwasan niya mamula sa sinabing endearment nito sa kaniya. Hindi kasi si Arche publicly nag sasabi sa kaniya ng mga gano'n bagay.
Mas yumakap naman siya sa braso nito at sabay nilang sinundan ang dalawang nauuna na sa kanila.
MARAMING rides silang sinakyan na apat. Halos nakakalula ang mga ito at may ilan din na mild lang at hindi siya iniwan ni Arche sa kaniyang tabi. Sobrang saya nang buong araw niya. Mas nagkaroon din siya ng pagkakataon upang makausap sina Heather at Kale.
"Last ride natin sa ferris wheel," ani Kale. Natawa siya nang makitang umikot ang mata ni Heather sa kasintahan.
Bumaling si Kale sa kaniya pagkatapos kay Heather. "What?" anito.
"Palagi na lang last stop natin sa ferris wheel."
"Anong masama do'n? And I also want Cres to experience it." Baling ni Kale sa kaniya. Nagulat naman siya habang pinanood ang dalawa mag bangayan.
"Ahm, ayos lang naman kung hindi ferris wheel ang huli," marahan niyang saad.
Pinigilan naman siya ni Heather. "I'm just kidding, Cres. Of course, ferris wheel ang huli." Baling pa nito kala Kale at Arche.
"Do you like ferris wheel?" Arche asked. Umakbay din ito sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay nito nasa balikat niya.
"Ayos lang. This would be my second time to ride it. Sa ampunan kasi ay hindi naman kami pumupunta sa amusement park. No'ng naampon naman ako ni nanay ay isang beses lang kami nakapunta bago siya mawala."
"Shit, I'm sorry to asked you that question, baby." Niyakap siya nito at hinalikan ang ulonan niya. Umiling-iling siya.
"Matagal na 'yon. I'm fine, Eury."
She tilted her head and looked up at him. Hindi niya inalis ang pagkakayakap dito. Sinilip siya ni Arche at binigyan siya ng ngiti.
"I love you," saad nito. Parang may humaplos naman na mainit sa kaniyang puso. Ngumiti rin siya rito bago siya hinalikan ni Arche sa labi ng saglit.
May humawak sa kaniyang balikat. Nilingon niya ito habang nakapalupot ang braso niya sa baywang ni Arche.
Kale warmly smiled at her habang nag salita naman si Heather sa tabi nito. "I'm sorry, Cres."
Tumango siya sa mga ito. "Sorry! Biglang lumungkot 'yong atmosphere but don't worry. I'm really fine," pag aassured niya sa mga ito.
Hindi nag salita si Kale pero alam niyang he was sorry din which hindi naman niya kailangan dahil maayos naman na siya.
"Why don't we eat muna bago mag ferris wheel? Kanina pa kumukulo kalamnan ko," saad niya ulit sa mga ito. Sumang-ayon naman ang tatlo sa kaniya.
SILANG dalawa ni Heather ang nag volunteer na umorder ng kanilang gabihan. May korean food stall sa food court. Napagsunduan nila na ayon na lang ang kanilang bilhin.
Tahimik nasa pila sila ni Heather. Kanina pa siya nag hahanap ng sasabihin sa dalaga. Kanina habang nasakay sila sa mga rides, they talked a little. She was glad. Alam niyang mabuting tao si Heather.
Sobrang nagpapasalamat siya rito dahil hindi nito pinagdamot si Arche sa kaniya. Kung siya kasi ang nasa posisyon nito ay baka mahirapan siya.
"I'm sorry," basag niya sa katahimikan. Lumingon si Heather sa kaniya. Hinihintay ang kaniyang susunod na sasabihin.
"Hindi ko alam kung anong sitwasyon mayro'n si Eury sa inyo. I'm sorry kung nasaktan ko kayo ni Kale but I really love Eury," bagsak ang balikat na saad niya. "I'm sorry for being selfish. Hindi ko lang talaga kayang iwan siya," saad niya pa.
Gulat na inangat niya ang ulo kay Heather. Hinawakan nito ang braso niya. "You don't have to say sorry just because you fell in love. It was a great gift to love, alam mo ba 'yon? Masaya magmahal. It's a feeling I would do everything to feel it every day." Pinakinggan niya si Heather habang unti-unti silang lumalapit sa counter.
Hindi niya akalain na gano'n ang iniisip ng dalaga. Na-amazed tuloy siya rito.
"At hindi ko pagdadamot si Arch sa 'yo. Even Kale if you develop a feelings for him. I'm willingly share them with you. Basta 'wag mo lang kunin sila sa 'kin nang tuluyan," natawa ito sa huling sinabi. Kahit siya ay natawa at umiling.
"Hindi ko magagawa sa 'yo 'yon, Heather. Ikaw ang nauna sa kanila."
"I know but feelings tend to changes eventually," may lihim nitong saad sa kaniya. "Anyways, I was just kidding." Natawa ulit ito at hinila ang braso niya dahil sila na ang sunod sa counter.
"Thank you, Heather," tanging saad niya rito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top