Chapter 5

"EURY, I love you pero hindi pwede. Hindi ko kaya kung anong relasyon mayro'n kayo nina Kale at Heather," she truthfully said.

Thinking na may ibang mahal ang binata at karelasyon ay masakit para sa kaniya. Hindi niya kaya ito makita na may ibang kasama.

"You do know, when you confess, I will surely fight for you, right?" Natigilan siya. Hindi niya naisip 'yon. Gusto niya lang din sabihin kung ano ang nararamdaman niya dahil ang bigat-bigat na nito sa kaniyang dibdib.

"No, don't do this. Hindi ko kaya."

Hinawakan ni Arche ang pisngi niya. Sinukbit din nito ang ilang hibla ng buhok sa kaniyang tainga. "I know, baby. Alam ko. That's why, we'll be giving each other time to think."

"Hindi kita guguluhin. I'll give you time as much as you want. Kapag sa huli ay hindi ka pumayag. Tatanggapin ko but if you choose to stay. Tandaan mo, I will always fight for you, Crescent."

GINULO niya ang buhok nang hindi siya makatulog sa kakaisip sa sinabi ni Arche sa kaniya. Kanina pa siya paikot-ikot sa kama dahil hindi niya magawang makatulog.

Bakit siya ang kailangan mag adjust kung anong mayro'ng relasyon ito sa ibang tao?

Sa sobrang frustration niya ay kinuha niya ang cellphone at binuksan ang browser. Tina-ype niya ang salitang, multiple partners. Kung ano ang cons at pros nito para sa isang relasyon.

Marami siyang nakita at nabasa. Saan-saan din siya napadpad. Marami siyang natutunan. Sinubukan niya rin ilagay ang sarili sa katayuan ni Arche. Unti-unti siya nalinawan pero hindi ibig sabihin no'n ay papayag na siya.

Kailangan sigurado siya sa sarili at sa papasukin niya kung papayag siya sa magiging setup nila. At isa pa, hindi naman ibig sabihin kapag pumayag siya ay kailangan na rin niya makipa-relasyon kala Kale at Heather. Diba?

It was hard but she tried to be more open to the concept of polyamorous relationship.

TWO weeks siya nag sumaliksik sa iba't ibang silid aklatan pinuntahan niya. Nanood din siya sa youtube o ilang movies para lang intindihin ang relasyon na mayro'n si Arche.

At sa mga oras na iyon ay nakabukas ang isang website para sa mga online fiction books. May nakausap siya sa library at ni-recommended nito na mag basa siya ng kahit isang kwento na may multiple partners.

"The female by Inviwright?"

Gulat niyang sinara ang website na pinagbabasahan. Ang bilis ng tibok ng puso niya na nilingon si Kale nakahawak sa likuran ng upuan niya habang nakatingin pa rin sa monitor.

Nasa isa siyang computer house malapit sa unibersidad nila at hindi niya inaasahan na biglang susulpot si Kale sa likuran niya.

"Anong ginagawa mo rito?" inis niyang tanong dito pero sa totoo lang talaga ay nahihiya siya dahil nahuli siya nito sa kaniyang binabasa.

"That's nice but I guess the story was fantasy. Am I right? Baka mas lalo ka mahirapan intindihin whatever you were searching for," may pag-uuyam na saad nito sa kaniya. Tinaasan pa siya nito ng kilay.

Namumula na iniwasan niya ito ng tingin. "The girl is a human," katwiran niya rito. And the relationship was like them?

She heard him chuckled then hummed. "How about you ask an expert?"

"Bakit? Are you an expert?" may pang-aasar niyang tanong dito. Mas nilapit nito ang mukha sa kaniya. Pinagtaasan siya ng balahibo nang dumampi kaunti ang labi nito sa pisngi niya hanggang marating nito ang tainga niya.

"Why don't you try it? I sure do have experience." Mabilis siyang umiwas dito at tumayo. Gulat na gulat siya sa inakto nito sa kaniya.

"Ah, hindi na. Imposible naman mangyari," kinakabahan niyang saad dito. Agad siyang lumapit sa counter at pina-stop ang ginamit niyang desktop.

Saglit siyang lumingon kay Kale. May maloko itong ngisi sa kaniya bago ito umupo sa kinauupuan niya kanina. Fuck. Akala pa naman niya ang mild lang nito dahil ang bait nito sa kaniya no'ng unang pagkikita nila.

Gano'n pala ay tinatago lang nito ang itim na budhi dahil kailangan nito upang mapalapit siya rito. Bakit hindi niya naisip 'yon agad?

TINULAK niya ang cart na may mga libro. Ibabalik niya ang mga ito sa tamang section nito na pinagkuhaan ng mga estudyante. Chi-ne-check niya rin sa list niya ang mga naibalik na. Kinukuha niya rin ang ibang libro nakalagay sa maling section nito.

Nang matapos siya sa paglalagay ay kinuha naman niya ang libro at notebook niya para mag review. Pumuwesto siya sa counter para kapag may manghiram o mag balik ng libro ay ma-asikaso niya agad.

Hindi lang naman siya ang nag a-assistant sa librarian. Medyo madami rin naman sila dahil sobrang laki rin talaga ng library sa school nila.

Busy siya sa pagsusulat nang may maglapag ng isang libro sa kaniyang harapan. Pag angat niya ng ulo ay bumungad sa kaniya si Heather. Wala itong sinabi sa kaniya. Busy ito sa pag nguya ng bubble gum sa bibig nito.

Kinuha niya ang libro. Chineck ang bawat angulo nito pagkatapos ay tinipa niya sa desktop ang title ng libro at kung sino ang author nito. Isa itong libro para sa nursing.

Inabot nito sa kaniya ang library card nito at ini-swap niya ito sa machine. Mag re-register na iyon sa computer. Bago niya ibigay ang libro ay kinuha niya muna ang catalog sa likod ng libro at inabot kay Heather para sulatin ang pangalan nito at date.

"Matagal ka na rito?" Hindi niya inaasahan na bigla ito mag tatanong sa kaniya. Tumango siya. "Simula first year pa."

"I see." Tinapos nito ang pagsusulat then inabot nito sa kaniya ang catalog. Binalik naman niya ito sa likod ng libro bago niya inabot ito kay Heather.

"Have a nice day."

"You, too, Cres." Kinaway nito sa kaniya ang library card bago ito tuluyan lumabas ng library. She let out a breath she didn't know she was holding.

KATULAD nang sinabi ni Arche Eury sa kaniya. Hindi siya nito ginulo. Hindi siya nito pinuntahan sa apartment niya. Walang text at walang tawag siyang natanggap dito.

Ito ang pinakamatagal na walang contact sila sa isa't isa. She missed him so much. She wanted to see him but she's still not ready. This is a lot for her. Kailangan niya maging sigurado sa mga desisyon na gagawin niya.

Kasalukuyan siya nag ga-grind ng kape sa expresso machine nang marinig ang isang familiar na boses. Hindi niya akalain na gano'n niya pala ito na-miss. Akala niya ay miss niya lang ito pero hindi niya alam, sobrang na-miss niya pala talaga ang binata.

Nanginginig ang kamay niya habang tina-tap ang coffee grounds. Mabuti na lang at naging maayos ito. Napantay niya ito. Nilagay niya ang portafilter sa espresso machine at pinindot ang button. Hinintay niya bumagsak ang likido sa maliit na baso.

Nang matapos ay binuhos niya ang espresso sa cup na may yelo at gatas. Tinakpan niya ito at nilagyan ng cup sleeve pagkatapos ay inabot ito sa kasamahan niya. Doon niya lang din nalingon si Arche.

Parang galing siya sa takbo sa sobrang bilis ng hampas ng puso niya. Nakatingin si Arche sa kaniya pero wala itong sinabi sa kaniya. She felt disappointed. She wanted him to say something. Kahit pangalan niya lang pero walang lumabas sa bibig nito maliban sa nag pasalamat ito sa kasamahan niya nasa counter.

Pinanood niya si Archer na lumabas ng coffee shop. Ang puso niya ay hindi mag maliw sa pag tibok. Mahigpit din ang kapit niya sa suot niyang apron pero hindi niya inalis ang tingin sa likuran ni Arche hanggang napagdesisyunan niyang sundan ito.

Hindi na niya nagawang hubarin ang apron nang makalabas siya ng café. Hindi naman malayo ang tinakbo niya pero hinihingal siya nang tawagin niya ang pangalan nito.

Parang slow motion na lumingon sa kaniya si Arche Eury. Mas bumilis din ang tibok ng kaniyang puso at sa tingin niya ay pwede na ito marinig ng binata.

She missed him and she loved him. Inilang hakbang niya ang pagitan nila ni Arche. Hinawakan niya ang pisngi nito at hinalikan ito sa labi. Napansin niyang nagulat ito. Kahit siya ay nagulat din sa ginawa pero handa na siya sa magiging pros and cons ng desisyon niya.

"C-cres?" hindi pa rin makapaniwalang tawag nito sa pangalan niya habang titig na titig ito sa kaniyang mga mata. Nakagat niya ang ibabang labi habang hinihingal.

"I f*cking love you, Arche Eury and I will stay with you," lakas loob niyang saad dito. Para siyang nahugutan ng tinik sa dibdib.

Lumawak ang ngiti ni Arche sa kaniya pagkatapos ay kinarga siya nito. Nahihiya naman siya na hinampas ito. Natatawa na binaba siya nito pagkatapos ay hinalikan ang kaniyang labi. Otomatiko na pumikit ang kaniyang mga mata at dinama ang bawat halik ng binata sa kaniya.

"I love you, too, Crescent," he said between their kisses na kina-giggled niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top