Chapter 4

INIWAN niya si Arche sa harap ng apartment niya. Pumasok siya na occupied ang utak. If she could afford na hindi pumasok. Gagawin niya ngunit kumuha siya ng ilang part time jobs para makapagtapos. Hindi niya sasayangin iyon dahil lang nasasaktan siya.

Walang tutulong sa kaniya mag paaral dahil hindi naman niya nakilala ang totoong magulang. Natatakot din siya pumunta sa orphanage na pinang-galingan niya at alamin ang buong detalye kung paano siya napadpad doon.

At kung bibiyan man siya ng pagkakataon. Baka mas pipiliin na lang niya na makita ang mga ito at hindi kausapin. Nasanay siya na wala ang mga ito. Kinaya naman niya at alam niyang kakayanin niya pa.

"Crescent." Nilingon niya ang binatang tumawag sa kaniyang pangalan. Nakatayo sa kaniyang likuran si Arche. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay.

"I don't want to talk to you."

"It's not like we're dating," bara nito sa kaniya. Pinanlisikan niya ito ng tingin. He was right. So, ano pinuputok ng butchi niya? Ah, right. She was in love. Fuck. Love.

"Fuck you. I hate you so much!" nanggagalaiti niyang sigaw dito bago ito tinalikuran at mabilis na nag lakad palayo rito.

She heard him cursed. Mas binilisan niya ang lakad palayo rito pero nabigo siya. Hinawakan nito ang braso niya at pinaharap siya nito.

"Ang kulit mo rin. Sinabi 'kong ayoko kita kausap. Hindi mo ba naiintindihan 'yon?"

"We need to talk."

"Ayoko nga sabi!" Inalis niya ang kamay nito sa braso niya. Kinuha naman nito ang kamay niya at niyakap siya nito nang mahigpit.

He was hugging her in front of their schoolmates in the corridor. He never did that. Hindi sila naguusap o nagkikita sa loob ng university. Ayaw na ayaw nito nagkakaroon sila ng connection kapag nasa loob sila unibersidad.

So, what happened to that?

PINANOOD niya ang ilang schoolmates nilang nagmamadaling pumasok sa bawat klase ng mga ito habang siya naman ay nasa loob ng sasakyan. Pinayagan niya magpaliwanag si Arche kung ano man ang gusto nito sabihin sa kaniya.

Alam niyang wala siyang karapatan but they had deals. Kahit ayon man lang ay respetuhin ng binata para sa kaniya.

"I'm sorry."

Nilingon niya ito. Hindi siya natutuwa. "Akala ko ba mag papaliwanag ka? Please, enough with your apologies. I need you to tell me why?"

Malalim na bumuntong hininga ito. Hinilamusan ang mukha at ginulo ang buhok. Nakarinig din siya ng ilang mura.

Ibang-ibang Arche ang nakikita niya sa mga oras na 'yon. Hindi ito 'yong Arche Eury na pala ngiti, mapang-asar at palaging lumalandi sa kaniya. Hindi niya tuloy mapigilan ang ma-curious. Ano ba talaga ang problema?

Hinawakan niya ang kamay nito. Gulat naman na lumingon ito sa kaniya pagkatapos ay pinatitigan ang kanilang kamay.

"Okay, take a deep breath and exhale," utos niya rito. Huminga siya ng malalim. Sinundan naman iyon ni Arche pagkatapos ay nag exhale siya kung saan ginaya rin ng binata. Ilang beses nila iyon ginawa habang nakatitig sa isa't isa bago marahan hinawakan ulit ang kamay nito.

"Go ahead. Papakinggan kita."

Binuka nito ang bibig pero agad din nito sinara. Ngumiti siya rito at tinanguhan para ipahiwatig ulit na makikinig siya.

"Cres, whatever I'm about to say. I want you to listen to me very carefully and I need you to tell me truthfully your opinion, afterwards."

Pinisil niya ng marahan ang kamay nito. Tumango siya ng paulit-ulit. "Yes, makikinig ako at magsasabi ako ng totoo."

"I like you." She froze. Mag sasalita sana siya nang unahan siya ni Arche. "I like you very much, Crescent."

May lungkot itong ngumiti sa kaniya. Naguguluhan naman siya. Kung gusto siya nito, bakit? Gano'n ang itsura nito? Natatakot ba itong na hindi nito katulad ang nararamdaman niya?

"I..."

"Please, let me finish first." Sumang-ayon siya rito. Hindi niya rin kasi alam kung paano sasagot dito at isa pa, gusto niya makinig sa sasabihin pa nito sa kaniya.

"But it's complicated," saad nito. Bumaba rin ang tingin nito sa kanilang kamay. Hinigpitan niya ang kapit dito na kina-angat ng ulo nito sa kaniya.

"I want to understand you. Explain it to me, please."

"Hindi dapat. Hindi dapat kita nilapitan no'ng gabing 'yon sa coffee shop." Nasaktan naman siya nang marinig ang sinabi nito pero tinatagan niya ang loob upang makinig ulit dito.

"It against the rules but I couldn't stop thinking about you. I disobeyed our rules for you. Hindi ko kayang iwan ka. So, I decided to hide you from them."

"Hindi kita maintindihan, Eury," naguguluhan niyang saad dito. What rules? Disobeyed? Hide? Saan? Kanino?

"I have a relationship with Heather and Kale." Kumunot ang noo niya. What? Wala siyang maintindihan. Arche was talking in puzzles.

Ginulo nito ang buhok. Tumingin ito sa kaniya. "Para mas maliwanagan ka. I'll let you meet them. No more hidings." Tumango siya rito kahit nalilito pa rin siya. Hindi niya alam kung tama ba ang hinala niya o mali.

Basta ang alam niya magkasintahan sina Kale at Heather. So, ano pinagsasabi ni Arche na may relasyon din ito kay Heather? At Kale?

MAHIGPIT na hinawakan ni Arche Eury ang kamay niya nang dalhin siya nito sa apartment na sobrang familiar sa kaniya.

"Bakit tayo nasa apartment ni Kale?"

"Dahil apartment ko rin 'to," sagot nito sa kaniya. Medyo nagulat siya. Hindi niya akalain na magkakilala pala talaga ang mga ito. Never siya nito dinala sa apartment nito. May mga bagay tuloy siyang naisip.

Does Kale know her already when they saw each other at park?

Hindi katulad dati. Iniwan siya ni Kale sa loob nang kunin nila si Scout. Bigla tuloy siya kinabahan. Tama ba 'tong pinasok niya? Tama ba na pumayag siyang kitain ang mga ito?

"Come on, baby, I'm right here with you." Nang marinig niya iyon kay Arche, parang natunaw ang kaniyang puso. Wala man siyang sabihin. Alam nitong kinakabahan siya.

Hawak kamay silang pumasok sa loob at nagulat siya nang biglang dinaluhan agad sila ni Scout. Hinawakan ito ni Arche at bi-ni-rush ang ulo nito. "Remember, Scout?"

"I do." Tumayo ulit si Arche at ngumiti sa kaniya. "He loves you," saad nito sa kaniya. Namula naman siya. Never siya nagkaroon ng pet, kaya hindi niya alam ang pakiramdam.

Pinanood siya ni Arche na i-pat ang ulo ni Scout. Natuwa naman 'yong aso sa kaniya. "Scout really likes you."

Bigla niya naalis ang kamay nang marinig ang boses na iyon. Inangat niya ang ulo at nakita niya si Kale nakangiting nakatingin sa kanila. Napansin niya pa na dumako ang mata nito sa kamay nilang magkahawak ni Arche.

"Kale," mahinang tawag niya rito at parang isang magic word. Dumating din si Heather. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. Humigpit tuloy ang kapit niya kay Arche.

"Heather, stop glaring at her!" Archer hissed. Umikot naman ang mata ni Heather sa kaniya. Ibang-iba ito no'ng nagkita sila sa parke. Ngayon, halata na rito ang pagkairita sa kaniya.

Pinulupot ni Kale ang braso sa baywang ni Heather. May binulong ito pagkatapos ay hinalikan ang sintido nito.

"Come on, let's talk," ani Heather sa kanilang lahat. Nauna itong tumalikod na sinundan ni Kale. Umakbay pa ito sa dalaga habang silang dalawa naman ni Arche ay tumigil saglit.

Pinatitigan siya nito sa mata. "You ready?" Tumango siya. Hinalikan siya nito sa noo. Pinisil nito ang kamay niya bago sila sumunod sa mga ito.

NOW everything made sense. Aware siyang fuck buddy lang sila ni Arche pero ang pagtatago nito sa kaniya ay parang may ginagawa silang masama. Hindi niya akalain na may ginagawa pala talaga itong hindi dapat.

At first she was confused. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bago sa kaniya ang mga terms naririnig niya at hindi niya akalain na may gano'n pala talagang relasyon.

Akala niya ay binabase iyon kung ano ang religion ng isang tao dahil parang narinig niya ata na may multiple partners ang ibang religion but she couldn't say anything dahil wala naman talaga siyang alam.

She would take note to herself to study about this relationship. Gusto niya maintindihan si Arche. At kung tatanungin ba siya kung galit siya o hindi sa binata? Hindi niya pa ito masagot. Gusto niya magalit but at the same time, gusto niya maintindihan ito.

Lalo na't sobrang big deal ang pinagtapat sa kaniya ng binata. The three of them had been in a relationship since their high school. Magkakaibigan ang mga ito hanggang nahulog sila sa isa't isa and decided to share.

One of their rules, kailangan sabihin sa other partners kung may kinikita ang isang partner na ibang tao. Which, hindi ginawa ni Arche. Naging selfish ito. Not her words but from Heather.

"Arche anong gusto mong mangyari?" tanong ni Heather dito. Nakaupo sila sa isang lounge sa study room ng mga ito. Aware din siya na mabigat ang atmosphere sa mga oras na iyon.

"I like Crescent so much but I can't lose you. I love you," Arche confessed to them. May kaunting kurot man nang marinig itong mahal si Heather ay marahan niya pa rin pinisil ang kamay nito. Alam niyang sobrang hirap nito sa binata.

Heather sighed. Tumayo ito at lumapit kay Arche. Aalisin niya sana ang kamay sa binata nang higpitan nito ang kapit sa kaniya. Tumingin saglit si Heather sa kaniya pagkatapos ay dinaluhan si Arche.

"I love you, too. Alam mo 'yon hindi 'ba?" Hinawakan ni Heather ang pisngi ni Arche. Sinubukan nito patinginin ang binata dito. Hindi niya mapigilan mag selos.

"But If you still choose Crescent. Isa rin siya sa mahihirapan. Ayoko nahihirapan ka, Arc. Hindi sanay si Crescent sa ganitong relasyon." Pinakinggan niya ang sinabi ni Heather. Medyo nainis siya dahil pinapangunahan siya nito pero hindi niya mapigilan sumang-ayon din.

This relationship wasn't for her. It involved a lot of people when she only wanted was Arche.

"Hindi kita pipilitin mag desisyon ngayon but you need to make up your mind as early as possible. Para din 'to sa ating lahat, Arche," huling saad ni Heather bago ito humalik sa noo ni Arche, tumayo at iwan sila sa silid na iyon.

Nakita niya pa na pinunasan ni Heather ang pisngi bago ito tuluyan lumabas ng silid. She sighed. Nasasaktan din siya. Kahit siya ay hindi alam ang gagawin.

"Crescent, you're welcome to have dinner with us." Tumayo si Kale sa pagkakaupo. Lumapit sa kaniya at ginulo ang buhok niya.

"Don't touch her," Arche growled. Halatang hindi ito natuwa sa inakto ni Kale. "She's not with us."

Ngumiti ng mapaglaro si Kale. "Yet."

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang sabihin iyon ni Kale. Nagawa pa nitong tumingin sa kaniya at kumindat. 

"'Wag ka mag salita nang tapos, Arc. At isa pa, hindi pa ako tapos sa 'yo. You hurt Heather. Hindi mo alam kung gaano siya nasaktan nang malaman ang tungkol sa inyo ni Crescent," baling ni Kale kay Arche.

Doon natahimik si Arche. Malungkot na pinatitigan niya ito. Gusto niya alisin ang kamay sa pagkakahawak dito pero ayaw siya nito bitawan. Para bang kapag bumitaw siya ay tuluyan na siya mawawala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top