Chapter 25

HUMINGI siya ng paumanhin kay Kenji. Nasira ang supposedly date nilang dalawa. Hindi naman niya akalain na isa pala iyon sa pakana ng kaniyang ama. Dapat no'ng una pa lang ay nag taka na siya.

Pinatitigan niya ang apartment sa labas ng bintana. Kanina pa nakahinto ang sasakyan ni Kenji sa tapat ng apartment pero ni-isa sa kanila ay walang nag lalakas ang loob na bumaba.

She sighed. Maraming pagkakataon na pwede siyang hanapin ng kaniyang ama. Kung panahon nag hahanp siya sa ulila ng isang magulang. Ngayong bente na siya. Kaya na niya ang sarili. Matagal na niya kinayanan.

Hindi niya kailangan ng ama na hindi man lang siya nagawang hanapin no'ng bata siya. Hindi niya tuloy mapigilan isipin kung nahanap siya nito dahil sa kaniyang ina.

Mahigpit na kumapit siya sa sling bag nasa kandungan niya. Nawala lang ang atensyon niya rito nang may pumatong sa kamay niya na isang kamay. Nilingon niya si Kale. Nakatingin ito sa kaniya.

Mapait siyang ngumiti rito. "Do you want to talk about it?" Mariin siyang umiling. Wala siyang oras para makipagusap tungkol sa walang hiya niyang ama.

"No, tara na." Bumitaw siya rito at binuksan ang pinto sa gilid niya.

Tahimik ang bahay nang makapasok siya sa loob. Kasunod niya si Kenji. Nagtataka man ay hindi na niya ito pinansin. She was so tired.

Binalingan niya si Kenji. Kinagat niya ang ibabang labi. Pinag-iisipan niya ba kung yayain niya ito matulog sa tabi niya o hindi pero sa huli, she chose the latter.

Lumapit na lang siya rito at mabilis itong hinalikan sa labi pagkatapos ay nag bid siya ng good bye rito. Bago pa makabalik sa pagkagulat si Kenji ay mabilis na siyang tumakbo sa silid niya.

Mabilis ang tibok ng puso niya na tumalikod siya sa likod ng pinto niya. Ngunit agad din iyon nawala nang maalala ang buong nangyari.

Sa gabing 'yon ay umiiyak siyang nakatulog.

KINABUKASAN nang umaga ay nagising siya dahil sa isang matinis na sigaw. Dahil sa gulat ay bumagsak siya sa kaniyang hinihigaan. Tumama ang pwetan niya sa sahig.

Napamura siya sa sakit. Hindi pa siya nakakabangon ay agad naman bumukas ang pinto ng silid niya. Bumungad sa kaniyang harapan si Heather.

"What the fuck is going on?!" sigaw niya rito. Hinimas niya pa ang pang-upo nang makatayo siya.

Mabilis na inabot sa kaniya ni Heather ang cellphone nito. Nagtataka naman na kinuha niya ito. Halata ang anticipation sa mukha nito.

Nang mabasa niya ang website ay agad niya binalik dito ang cellphone. Mas lalo siya nawalan ng sa mood.

"What the fuck, Crescent! Your father is Henry Tuazon?!"

Kinuha niya ang panali sa side table at tinali ang buhok niya into pony tail pagkatapos ay lumabas siya habang sinusundan siya ni Heather.

Hindi niya nagugustuhan kapag nagkakaganito si Heather sa kaniyang harapan. So, what kung tatay niya 'yong Henry na 'yon?! Wala naman iyon nagawa sa buhay niya.

Umikot ang mata niya nang makita ang tatlong lalaki may hawak din na cellphone habang nakaupo sa dining area.

Lumapit siya sa ref at kumuha ng gatas para inumin. Ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kaniyang likuran. Uminom muna siya ng gatas bago hinarap ang mga ito.

"Crescent," tawag ni Arche sa pangalan niya. Sinamaan naman niya ito ng tingin. Hindi siya natuwa sa tono nito.

"Nabasa mo ba 'yong nasa article? Someone leaked a photo of you with Kenji," ani Kale. Tinaasan niya ito ng kilay. "So? Hindi naman kita kung sino 'yong nasa picture. Bakit niyo ba pinag iinterasan 'yan?"

"They said your father is Henry Tuazon," mariin pang saad ni Kale. "Wala akong tatay," sagot niya rito.

Nagulat ang mga ito sa kaniyang sinabi. Kahit si Heather ay hindi nakapagsalita sa sinabi niya.

Mariin niyang pinikit ang mata at hinilot ang sintido. "Sorry, wala lang akong tulog. C-can we not talk about it?"

Pinatitigan niya ito isa-isa. Kale sighed. Tumayo si Arche at lumapit sa kaniya. Niyakap siya nito sa tagiliran at hinalikan ang buhok niya.

"We won't talk about it," ani Kenji. Tinago rin nito ang cellphone sa bulsa. Kinuha pa nito ang cellphone ni Kale.

Si Heather naman ay doon lang naka-hinga. "Ok, let's eat breakfast!" anito. Halatang wala ito sa sarili. Pare-parehas silang sumang-ayon dito.

DALAWANG araw na siya hindi tinitigilan ng apat sa paninitig sa kaniya. Alam niyang nag aalala lang ang mga ito sa kaniya pero ano ang magagawa niya? Hindi niya pa kaya pag-usapan ang nangyari.

Hindi pa nga siya ayos nang mawala ang ina niya tapos ito na naman. Hindi ba siya pwede mag pahinga kahit saglit lang?

Nakakapagod din umiyak. Nakakapagod din masaktan ng paulit-ulit. Simula bata pa siya ay puro sakit na lang ang nararamdaman niya. Nakakapagod din.

Nilapag niya ang isang bulto ng bulaklak sa gilid bato. Umupo siya sa damo at pinatitigan ang puntod ng ina.

Kahit ilang beses niya sabihin na ayaw na niyang umiyak ay nauuwi pa rin siya sa pag-iyak.

"Ma, hindi ko alam gagawin. Nadadamay na rin sina Eury sa problema ko. Buruin mo 'yon, bigla pa ako naging instant showbiz dahil sa leaked na photo na 'yon with Kenji,"

"Parang sira mga tao, ma, no? Parang hindi sila mabubuhay hangga't hindi sila nakakalaganap ng baho ng ibang tao. Makakatulong ba 'yon sa kanila, ma?"

"Sa tingin ko naman hindi pero kung oo, sana hindi masarap ulam nila." Natawa siya sa biglang sinabi pero agad din nalungkot. Pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi.

Nang mailabas niya lahat nang sama ng loob sa kaniyang ina ay tumayo na siya sa pagkakaupo. Medyo sumakit pa pwetan niya dahil ang tagal niya rin nakaupo ro'n.

It was hard.

But alam niyang darating talaga ang araw na kailangan niya kausapin ang ama niya kuno. 

Aalis na sana siya nang makita niya si Michael sa hindi kalayuan. Nakaupo lang ito sa isang bato habang nakatanaw sa kaniya na para bang kanina pa siya nito hinihintay.

"Did Eury calls you?"

"No," saad nito pero alam niyang nag sisinungaling 'to. Bumuntong hininga siya inakbayan ito. "Tara, kain tayo."

KUMAIN lang sila ni Michael sa burger king because he was craving for some burgers. Tahimik lang silang dalawa kumakain. Walang nag sasalita  pero alam niyang hindi matitiis ni Michael ang hindi mag tanong sa kaniya.

Ang kailangan niya lang gawin ay hintayin ito. Kumuha siya ng cheese balls at kinain habang saan-saan siya nakatanaw.

"I saw the article."

Ngumiti siya. "I knew it, Eury calls you. Kung sino man makakakita no'n ay hindi ako makikilala, Mike."

Tinaas nito ang kamay at binaba ang burger. "Still! You saw your father, ate."

Inikutan niya ito ng mata. Alam niyang hindi talaga ito tatahimik kahit anong tanggi niya.

"Oo na, I saw him. Hindi naman big deal 'yon."

"Your father is Henry— aray ko!" Tinaasan niya ito ng kilay. Sinubuan niya kasi ito ng cheese ball. Natamaan niya ata ngipin nito.

"Kaninong side ka ba? Sa tatay ko o sa 'kin? Parang sa walang hiyang tatay ko kasi, eh."

"Ate naman! Shempre sa 'yo ako pero kung may pera siyang ibibigay sa 'kin baka—" Huminto ito sa pag sasalita nang samaan niya ito ng tingin. "I'm just kidding!" katwiran nito.

"Whatever! Basta ayoko pagusapan."

He sighed. Kumain ulit ito ng burger. "By the way pala ate, may two tickets ako sa isang musical theater kaso hindi na ako makakapunta dahil—"

Hinintay niya ang sasabihin nito. Tinaasan niya pa ito ng kilay dahil nakikipagtitigan lang ito sa kaniya.

"Fine! Umayaw 'yong niyaya ko. Happy ka na?"

"Very," asar niya. Sinamaan siya nito ng tingin. Natawa naman siya. "Just kidding lang din— but baby bunso, kung ayaw niya. 'Wag mo pilitin. Hindi mo siya deserve, I mean, siya pala."

"Ate naman!" Tawa naman siya nang tawa sa kalokohan niya pero alam niya sa sarili. Kapag nakauwi na siya ay hindi na naman niya mapipigilan ang hindi umiyak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top