Chapter 24

ILANG beses niya binasa ang na-received na email. Sini-sigurado niya kung tama ba 'yong pagkakabasa niya. Sa huling pagkakataon ay binasa niya ulit ito at ayon pa rin ang paulit-ulit niyang nababasa.

It was an email from the orphanage where she came from. Hindi niya alam kung paano nila nakuha ang personal email niya but they did.

She was invited to their fifty years anniversary at may naka-attached na isang invitation. Nakalagay din na pwede siya mag dala ng plus-one.

At ang pinakakagulat ay sa sabado na ito ng gabi. Huwebes na ng gabi ngayon.

"What's wrong?" Nilingon niya si Arche. Nasa silid kasi siya nito nakikigamit ng laptop. Bumuntong hininga siya at inabot ito ang laptop.

Binasa naman ito ng binata. "Little Miracle Orphanage?" Umangat ang ulo ni Arche sa kaniya. Tumango-tango siya rito. Nanlaki ang mata nito nang mapagtanto kung ano ito.

"The Orphanage where you came from, babu?" tanong nito sa kaniya.

"Mismo!" Tinaas niya pa ang kamay dito. "Do you want to be my plus-one?" biglaan niyang tanong.

"I'd love to—"

"Great!" Nilapitan niya ito at niyakap. "But— hindi na lang ako 'yong pwede mong tanungin," anito. She pouted. That's true. Medyo nag a-adjust pa rin talaga siya sa relasyon mayro'n sila.

Mabuti na lang talaga at hindi siya pinapabayaan ng mga ito. She bit her lip then flashed her eyelashes to Arche. Nakaupo na kasi ang binata sa kama at naka kandong siya rito.

"How about you ask Kenji? Hm?"

She hummed. "Ok, I'll try."

Hinalikan siya ni Arche sa pisngi ng ilang beses. Nakikiliti naman siya dahil may kaunting stubbles ito sa chin. Kinawit niya ang forearm niya sa leeg nito and started straddle him.

"Are you seducing me? Para pigilan kita tanungin si Kenji?"

Maloko siyang ngumiti. Nilapit niya ang bibig sa tainga nito at bumulong. "Maybe." Humigpit naman ang kapit ni Arche sa balakang niya. She loved that whenever he does that.

Hinalikan niya ang gilid ng pisngi nito and she tried to rubbed herself to his crotch. Umungol ito. Bumaba ang halik niya rito sa leeg.

"Are you still contemplating?"

"Y-yeah," nahihirapan nitong ani. Mahinhin naman siyang tumawa pagkatapos ay bumitaw dito. Namumungay ang mata ni Arche nakatingin sa kaniya. Nginitian niya ito.

"Times up!" she said. Mabilis din siya umalis sa pagkakandong nito. Nang nasa bukana na siya ng pinto ay do'n lang nahimasmasan ang binata.

"What the fuck is that?!"

Tinawanan niya lang ito at patakbong lumabas ng silid. Alam niyang hahabulin siya nito pero hindi ito agad makakahabol sa kaniya.

Nakita niya si Kenji sa sala. Tinawag niya ang pangalan nito pero agad siyang hinablot ni Arche sa likuran niya.

"Gotcha." Hinalikan pa siya nito sa leeg. Pinanood niyang nakatingin sa kanila ang tatlo. Maloko siyang ngumiti sa mga ito.

"Anong nangyayari?" Heather asked.

"Nothing," Arched hissed. Mas lalo naman siya natawa. Para mas lalong inisin si Arche ay ginawa niya ang dapat gawin.

"I'm trying to ask Kenji on a date." Natigilan si Arche at bumitaw sa kaniya. "Fuck! Sino ba nag pasimuno ng ganitong relasyon?!" inis na saad ni Arche at nag walk out.

"Ano na naman ginawa mo do'n? Alam mo naman seloso 'yon. Muntik na nga ako sapakin no'ng nalaman hinalikan kita," sermon ni Kale sa kaniya. Bumusangot tuloy siya.

Lumapit sa kaniya si Kenji. Pinulupot nito ang bisig sa baywang niya. "I was just teasing him. Ang cute niya kasi."

"Tungkol saan ba 'yon?" Kenji soothed her. Sumabat naman si Kale. "Gago ka! Gusto mo lang ma-solo si Crescent! Alam mo na nga nag seselos 'yong isa."

Binigyan ni Kenji ng fuck you si Kale. Gagatungan sana ito ni Kale nang pigilan ito ni Heather pagkatapos ay ito na ulit ang nag tanong sa kaniya.

Sinabi niya sa mga ito ang tungkol sa anniversary ng orphanage pinaglakihan niya pati na rin 'yong sinabi ni Arche na si Kenji ang yayain niya.

After no'n ay pinuntahan niya si Arche. Niyakap niya ito sa likuran at hinalikan sa pisngi. Humingi rin siya ng paumanhin sa kalokohan na ginawa niya.

"It's okay. I'm sorry and you can ask Kenji."

"Are you sure?" nag aalala niyang tanong dito.

Nilingon siya nito. Ngumisi ito nang nakakaloka. "Yeah, I'm sure. At isa pa, mas lamang na ako sa kaniya. Ibigay na natin 'to sa kaniya." Mahinang nahampas niya ang braso nito dahil sa sinabi pagkatapos ay hinalikan ito sa pisngi. "Thanks, babu."

SOBRANG kinakabahan siya nang makarating sila sa location ng event. Isa itong art museum. Ang fifty anniversary ng orphanage ay ini-sponsor-an ng isang artist sa ngalan ni Henry Tuzon.

Magkakaroon ng isang auction sa art works nito. Ang fifty percent sa makukuha ay i-do-donate sa orphanage.

Kinawit niya ang kamay sa braso ni Kenji. Napansin nito kung gaano siyang kinakabahan. Hindi rin kasi siya sanay sa mga ganitong sitwasyon. Hindi naman kasi siya madalas na-i-imbitahan sa mga ganito.

"Ayos ka lang?" Kenji worriedly asked her. Humigpit ang kapit niya rito nang makalapit na sila sa entrance.

Mas lalo pa siya kinabahan nang mapansin na ang daming bisita. Ilang mas matatanda sa kaniya. Sigurado siya ay isa ang mga ito sa naunang batch ng orphanage.

"Ms. Crescent Euporie Diaz?" Umangat ang tingin ng babaeng receptionist sa kaniya. Pinatitigan siya nito mula ulo hanggang paanan kung maari.

Sumagot siya rito, "yes." Sinabi niya pa ang pangalan ni Kenji as her plus-one. May pinapirma sa kanila pagkatapos ay may lumapit na isang stuff dito na lalaki. Lumingon din ito sa kaniya.

"Is there something wrong?" Kenji politely asked them. Kahit siya ay nag tataka na rin sa mga inaakto ng mga ito.

"No, sir. You two can proceed." Tinuro nito ang malaking pinto. Nag pasalamat sila at nag patuloy na sa pagpasok sa loob.

"What's their problem?" mahahalata ang bahid na pagkainis ni Kenji sa tanong nito sa kaniya. "Hindi ko alam. Hayaan na lang natin," aniya.

MALAKI ang event hall. Marami rin siya nakitang mga batang magkakasama. Nakasuot ang mga ito ng pare-parehas na dress. Marami rin nag kalat na mga madre at pare sa paligid.

"May natatandaan kang sisters?" tanong ni Kenji.

"Mayro'n, si sister Carla. Nakita ko siya kanina kaso may kausap pa siya. Mamaya ay mangangamusta ako."

Nasa harapan sila ng isang artwork. Isa itong batang babae na tumatakbo sa hardin ng mga bulaklak.

Ito rin ang nag iisang painting na kakaiba sa iba. Halos lahat kasi ng painting ni Sir Henry Tuazon ay abstract na makukulay.

"What do you think is the meaning behind of that artwork?"

Parehas silang natigilan ni Kenji nang may magsalita sa gilid niya sa kaliwa. Paglingon niya rito ay may isang matandang lalaki. Katulad nila ay nakatingin din sa artwork.

Alinlangin siyang sumagot dito. Hindi kasi siya siguro kung siya ba talaga ang tinatanong nito. Saglit itong lumingon sa kaniya pagkatapos ay binalik ang tingin sa painting sa unahan.

Wala pang sa isang minuto niya natitigan ang mata nito pero parang nalunod siya sa lalim ng brown nitong mata.

She cleared her throat then binalik ang tingin sa painting. Pinagisipan niya ang sasabihin. Alam niyang hindi literal ang gusto nitong marinig.

For some reason, while looking at the painting. It made her sad. Napansin niya ang ilang rosas sa paligid. May mga tinik ito. Mas lalo siya nalungkot.

"Sa tingin ko po, the flowers represent her journey. I saw some roses din. May mga tinik ito at 'yong ibang bulaklak ay wala. Sa batang edad, naranasan na nito kung gaano ka-cruel ang mundo but despite everything, she's still trying to live like a child she is." Malungkot siyang ngumiti nang matapos siya mag salita.

Hindi niya alam kung tama ba pinagsasabi niya o sadyang nakikita niya ang sarili sa painting.

The old man hummed. "It's an apology letter for my child."

Mabilis siyang lumingon dito. Nakatingin na rin ito sa kaniya. Naramdaman niya na humawak sa kamay niya si Kenji. Napa-atras siya palayo rito.

No.

It's impossible.

"I.. I'm sorry. Mauuna na po kami." Hinila niya si Kenji. Napansin niya na may ilang nakatingin na sa kanila. Mas lalo siyang nakaramdam ng inis.

Mag papatuloy na sana sila sa paglalakad nang tumigil siya dahil sa tawag nito sa kaniya. Mas humigpit ang kapit niya kay Kenji.

"Anak," pag-uulit nito. Pinigilan niya ang umiyak. Hindi siya tinanggap nito dahil sa career nito. Hindi niya alam kung mapapatawad niya pa ito.

Hindi siya sumagot dito bagkus ay nag patuloy sila ni Kenji sa paglakad palayo sa kaniyang biological father. Kung pwede bang matawag itong kaniyang tunay na ama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top