Chapter 22

BUONG gabing iyon ay nagkulong siya sa silid niya. Wala siya ibang kinausap. Hindi niya rin kasi alam ang gagawin. Sobrang nalilito siya sa kaniyang nararamdaman.

Late na siya nakatulog dahil sa kakaisip pero naalimpungatan siya nang may narinig nabasag. Agad siyang bumangon at dahan-dahan na lumabas ng silid.

Madilim ang paligid. Bumalik siya sa loob ng kwarto para kunin ang cellphone para gamitin na flashlight. Napansin niya rin na alas tres pa lang ng umaga.

May isang oras pa lang siya nakakatulog. Mas lalo tuloy siya kinalibutan. Una niyang pinuntahan ay ang kusina. Malapit kasi ang silid niya ro'n.

Unti-unti siyang lumapit dito pero wala siyang nakita. Dumako ang paningin niya sa gilid, kung saan may sliding door papuntang backdoor. Naka bukas ito nang bahagya. Pumapasok sa loob ang malamig na simoy ng hangin.

Pinatay niya ang flashlight at lumapit siya rito. Kumuha rin siya sa gilid kanina ng walis. Baka kasi may magnanakaw nakapasok sa kanila. Nakahanda na rin ang cellphone niya para tumawag emergency.

Nang makalapit siya ay marahan niyang tuluyan binuksan ang sliding door. Bumungad sa kaniya ang isang anino. Mas hinigpitan niya tuloy sa hawak na walis. Sa pag dahan-dahan niya ay hindi niya napansin ang naapakan niya sa sahig.

Tumunog ang isang lata nang maapakan niya ito. Mabilis na lumingon sa kaniya ang anin— na si Heather pala.

"You scared the fuck out of me, Cres!" gulat nitong saad. "Anong ginagawa mo rito? Bakit gising ka pa?" sunod-sunod na tanong pa nito.

Napakamot tuloy siya sa batok niya. "I.. I heard, nakarinig ako nang nabasag."

Malalim na bumuntong hininga si Heather. Napansin niya rin na may hawak itong can of beer. Lumapit siya rito. Binitawan niya rin ang hawak na walis na kinailing lang ni Heather. Nilagay niya rin ang cellphone sa loob ng bulsa.

"Are you okay?" tanong niya. Lumingon ito sa kaniya pagkatapos ay tumungga ng alak. "Honestly? No."

Tumango-tango siya. Alam naman niya kung bakit. Masyado niyang nabibigyan ito ng perwisyo. "Sorry," paumanhin niya.

Tumingala si Heather sa kalangitan. Ginaya niya ito. Napangiti siya. Swerte ata nila dahil may kaunting bituin sa kalangitan. "Shit!" mura niya. Nanlalaki pa ang mata niya.

Narinig niyang mabining tumawa si Heather sa kaniyang tabi. Hindi niya ito pinansin at agad na pumikit. She just saw a fucking shooting star.

"Ano hiniling mo?" tanong ni Heather nang dumilat siya. Malokong umiling siya rito. "Secret," saad niya. Mas lalo ito natawa. Natawa na rin siya.

What did she wish?

She wished for everyone's happiness. Kahit hindi na siya.

"I want to ask. Do you like Kale and Kenji?" Bigla siya natigilan sa pagtawa. Sumeryoso bigla si Heather. Alam niyang mangyayari ito. Hindi lang siya nakapaghanda na pwedeng mangyari ito sa mga oras na 'yon.

"And please don't lie. I want an honest answer." Tumango siya. Huminga siya nang malalim pagkatapos ay nagpakawala ng buntong hininga.

She guessed. Halata naman na ang sagot kung paano siya kinakabahan ngayon. Sinong makakita sa kaniya. Malalaman talaga pero pinili niya pa rin sumagot. Heather deserved the truth and so herself.

"I like them both," nang masabi niya 'yon ay parang may nahugot na tinik sa kaniyang dibdib. "B-but, I'm not ready to say it to Eury. Natatakot ako."

Bumagsak ang paningin niya sa talampakan niya. She heard her hummed. Ramdam niya rin na uminom ulit ito ng alak. "I'm not trying to invalidate your feelings but I was like that, too. Natakot ako nang malaman ko sa sarili na parehas ko silang gusto. Natakot ako na baka masira 'yong pagkakaibigan na mayro'n kami dahil hindi ko kayang pumili sa kanilang dalawa. I want them both for myself."

Pinakinggan niya si Heather. Masaya siya nag o-open up na 'to sa kaniya. Si Heather kasi 'yong tipo na nakaka-intimidate dahil outside ang tapang ng dating nito in a good way but alam niyang inside, she was also battling something.

In an instinct. Hinawakan niya ang kamay nito. Marahan niya itong pinisil. Nang i-angat niya ang mata ay nag salubong ang mata nila sa isa't isa. Natigilan siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Sa kadiliman at tanging liwanag lang ng bituan at buwan ang nag bibigay sa kanila ay malinaw niyang napagmasdan ang mukha ni Heather. Nag tu-twinkle ang kulay brown nitong mata. Ang ganda rin ng mahabang curly eyelashes nito.

Unti-unti ay bumaba ang tingin niya sa labi nito. Mas bumilis ang tibok ng puso niya. Agad siyang umiwas dito at binitawan ang kamay nito. She heard her chuckled awkwardly.

"I guess, you need to tell Eury what you feel then, after that tell Kale and Kenji as well."

Binalik niya ulit ang tingin dito pero umiwas ulit siya. Hindi pa rin kasi tumitigil ang puso niya.

"I.. I'll try. Papalakas lang ako ng loob."

"Sa simula lang naman mahirap. Maguguluhan ka kung tama ba 'yong nararamdaman mo lalo na when the world was against with it but eventually, matatanggap mo rin. Mahirap magpigil." Natawa ito. "Masakit daw sa puson," dagdag pa ni Heather.

Napangiti siya. Parehas silang napangiti.

"Thank you, Heezie and I'm sorry for causing you any pain."

"Ano ka ba! Ayos lang. I'm happy you're with us. The more the merrier nga ang sabi but whatever your decision is, we'll always here to support you. Walang samaan ng loob," Heather said and laughed.

GUMAAN ang pakiramdam niya nang makausap niya si Heather. She always knows what to say talaga. May ngiti nakapaskil sa kaniyang labi nang lumabas siya ng silid pero agad din 'yon nawala nang masalubong niya si Arche.

Alanganin na ngumiti ito sa kaniya. "Morning," he greeted. "Morning," balik niyang bati pero para na silang sira dahil wala nang nag salita ni-isa sa kanila.

Tumango siya rito at lalagpasan na sana ito nang hawakan nito ang braso niya. Tumigil siya at lumingon dito. Bigla naman nito inalis ang kamay sa kaniya.

"I'm sorry, go ahead." Disappointed siyang tumalikod dito.

The whole weekend was awkward. Silang dalawa lang ni Heather ang naguusap. Dumalaw si Kenji pero saglit lang ito kinausap ni Heather habang siya naman ay hindi makatingin kala Kale at Kenji.

Ilang beses din siya ninanakawan ng tingin ng mga ito. Gustuhin man niya kausapin ang dalawa ay hindi pa siya handa. Gusto niya muna makausap si Arche bago kausapin sina Kale at Kenji.

Papasok na sana siya sa silid niya nang linggo ng gabing iyon nang tawagin siya ni Arche. Huminto siya at sumunod sa loob ng silid nito.

Nasa bukana lang siya ng pinto nito. Wala siyang balak mag stay sa loob ng silid nito. Kung mag-uusap sila. Usap lang talaga ang dapat nilang gawin.

Lumingon ito sa kaniya. Napansin nito na hindi siya umaalis sa pwesto niya. Bumuntong hininga ito bago umupo sa gilid ng kama nito.

Pinatitigan siya nito. Nakipagtitigan naman siya rito.

"I called you to apologize. I'm sorry, Crescent." Tumango siya rito pero wala siyang sinabi. Hinayaan niya ito mag salita pa. "If you like Kale and Kenji." Lumunok ito. Halatang nahihirapan ito. Malungkot niya ito pinanood. She was sorry.

"I'm fine with me. As long as you're happ—" Hindi niya ito pinatapos mag salita. Agad siyang lumapit dito at umupo sa tabi nito. Hinawakan niya ang kamay nito at pisngi.

"I don't want you to agree with me if it's hard for you. I want you to be happy, Eury. Ikaw ang priority ko, simula't sapul."

Marahan nito hinaplos ang kamay niyang nakahawak sa pisngi nito. "I know but I am truly fine. I'm okay to share you with them. I already talked to them. I have to see it for myself if they're really genuine towards you." Ngumiti ito sa kaniya. "They like you, Crescent. Who doesn't? You're beautiful inside and out."

Umiyak siya sa harapan nito. Pinunasan naman ni Arche ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi. "I'm always here with you. Always. Do you think you can do this?"

Tumango-tango siya. "L-let's do this." Hinalikan siya nito sa noo. Humingi rin siya ng sorry for giving him a pain.

"Always with you," saad niya rito. Ilang beses naman siya hinalikan nito sa noo at pisngi. "Always, my love."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top