Chapter 19

LUMIPAS ang isang buwan na nagpa-busy siya sa studies at part time jobs niya. Madalas niya rin nakakausap si Michael. Isang beses ay niyaya siya nito kumain. Sinamahan naman niya ito.

Marami man ang nangyari sa nakalipas na isang buwan pero ang puso niya ay hindi nag babago. Madalas niya dalawin ang puntod ng ina.

Palagi rin siyang ginagabi dahil hindi niya maiwan ito. Kinukwentuhan niya ito. Mga kwento na hindi niya nagawang sabihin.

Marahan niyang hinaplos ang batong na may ukit ng pangalan ng kaniyang ina. Pinagmasdan niya ang mga bulaklak na dinala niya rito. Maayos niya itong nilagay sa gilid. May ilang lanta na galing sa mga nakaraan araw niyang dalaw rito.

Kinuha niya ang cellphone sa bag nang marinig tumunog ito. Nakita niya ang pangalan ni Arche sa caller.

"Hm?" she hummed. "I'm here to pick you up," he said.

Binaba niya ang tawag. Nag pagpag dahil sa damong dumikit sa kaniyang suot na skirt pagkatapos sa huling pagkakataon sa araw na iyon ay pinatitigan niya ang puntod ng ina.

"Baka hindi muna po ako maka-bisita, ma but I promise babalik po ako," saad niya bago umalis.

Naabutan niya si Arche sa nakasandal sa sasakyan nito. Hawak nito ang cellphone. Bigla naman tumunog ang cellphone niya. Umangat ang ulo ni Arche sa kaniya. Kumaway ito sa kaniya at nilapitan siya.

"Gutom ka na? Tara kain muna tayo bago umuwi." Sumang-ayon siya rito at kinuha ang kamay. Hinalikan pa muna siya nito sa noo bago siya pumasok sa loob ng passenger seat at ito sa driver seat.

BUMILI na lang sila ng take-out. Balak sana nila mag dine-in kaso tumawag si Kale na bilhan din ito. Kaya, nag desisyon na lang sila mag take-out.

Sa apartment nina Arche sila tumuloy. Simula nang mawala ang ina niya ay madalas din siyang nakikitulog sa mga ito. She wanted to have someone with her.

Hindi naman nabigo sina Arche at palagi siya nito sinasamahan.

"Hi, Cres!" Lapit ni Kale sa kanila. Nagulat pa siya nang halikan siya nito sa pisngi. Wala naman sinabi si Arche bagkus ay inabot nito kay Kale ang paper bags na dala nila.

"Wow! Sushi!" sigaw ni Heather nang makita ang loob. Nilabas nito ang lalagyan at binuksan. Sumuot sa kanilang ilong ang mabangong amoy ng pagkain.

It was from tokyo-tokyo. Sabay silang kumain ng apat. Nag kwentuhan sa ginawa sa araw na iyon hanggang madako ang atensiyon sa kaniya.

"Maayos naman. Nalinis ko na 'yong puntod."

Heather scoffed. "Ikaw nag linis? Pwede mo naman ipalinis 'yon. Kinuhanan mo pa ng trabaho 'yong mga taga linis."

Inikutan niya ito ng mata. Yes, gano'n na sila ka-close. Nababara na niya ito. "I mean, sana pinalinis mo na lang para may kita sila," dagdag pa nito. Tumango siya rito. Kumuha ng sushi at kinain ito.

"Next time, kapag bumalik ako. Though, matatagalan pa 'yon. Kaya baka sina tito at Michael na muna ang mag palinis sa puntod ni mama."

"Hindi ka muna dadalaw?" tanong ni Arche. Sinundan pa ito ng bakit. Kumuha ulit siya ng sushi at kinain ito.

Umiling siya. "Hindi muna. I guess, I needed that," saad niya. Sumang-ayon naman ang mga ito sa kaniya.

"Sama ako next time kapag pupunta ka," ani Kale. Umoo siya rito pagkatapos ay naiba na ulit ang topic nilang apat.

Natapos sila kumain na hindi na bumalik ang topic sa kaniya. May ilang tawa siyang pinakawalan na sobrang pinapasalamatan niya sa mga ito.

KATULAD nang kadalasan niyang ginagawa kapag nandito siya sa apartment ng tatlo. Dumiretso siya sa kubeta para mag linis ng katawan.

Pinatitigan niya ang sarili sa salamin. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Nag babadya na naman tumulo ang luha niya.

At umaraw man o gabi ay hindi niya ito mapigilan. Umiyak siya ng ilang minuto bago nag asikaso ng sarili.

Nang makitang hindi na namumula ang ilong niya ay lumabas na siya ng kubeta. Umangat ang ulo ni Arche nang lumabas siya. Naka sandal ito sa head board ng kama habang may laptop nakapatong sa kandungan nito.

Pinalapit siya nito. "Come here."

Umupo siya sa gilid nito. Binaba nito ang laptop sa kama bago kinuha ang kamay niya at hinalikan ito. Ngumiti naman siya rito hanggang binuhat siya nito para kumandang dito.

Sinubsob nito ang mukha sa kaniyang leeg. Naramdaman niyang suminghot ito na kina-kiliti niya. Yumakap naman siya rito. Madalas nila itong gawin dahil Arche loves to cuddle.

At kadalasan sa cuddle time nila ay hindi mapigilan ni Arche na halikan ang leeg niya at paglaruan ang manggas at laylayan ng suot niyang damit.

Hinawakan niya ang kamay nito at nilagay sa kaniyang magkabilaan gilid. Umayos siya ng pagkakakandong pagkatapos ay pinatitigan ito sa mata. Maloko niya itong tinaasan ng kilay.

"Hm?" she hummed. "Akala ko ba may tinatapos ka? Bakit tumataas na kamay mo?"

Natawa ito pagkatapos ay bumitaw sa kaniya at hinaplos ang naka-exposed niyang binti.

"Ang lambot kasi ng balat mo, babu. Anong gamit mong lotion? Body wash? Tell me para bilhin ko rin."

Naiiling na tumawa siya rito. Nahampas niya pa ang braso nito nakinatigil niya dahil parang lumaki ata ang bicep nito?

Pinanood niyang lumaki ang nakakalokong ngiti ni Arche. Inikutan niya ito ng mata. Aalisin niya sana ang kamay dito nang pigilan siya nito.

"Gamit ko talaga body wash at lotion mo," mataray niyang saad. Palusot pa. "Hindi mo naamoy?" tanong niya pa rito. Hinawakan siya nito sa balakang at mas pinalapit siya rito pagkatapos ay sinubsob ulit ang ilong nito sa kaniyang leeg.

"Hm, naamoy ko na."

"Eury!" sita niya rito nang dilaan siya nito sa leeg. Binuhat naman siya nito at binaba pahiga sa kama.

"'Yong laptop mo, gagi ka!" Pilit niya inabot ito at inusog palayo sa kanila. Mas pumaibabaw naman si Arche sa kaniya.

"I want to kiss you."

"Then, kiss m—" Ang walang hiya, hindi na nakapaghintay sa kaniyang sasabihin nang halikan siya nito sa labi.

Pinikit niya ang mata nang sagutin niya ang bawat halik nito sa kaniyang labi. He kissed and bit her lips. Ang kamay din nito ay saan-saan lumalandas sa kaniyang katawan.

Mariin pa nitong pinisil ang binti niya na parang pinanggigilan siya. "Ang lambot ng balat mo, baby Cres."

"Bolero," asar niya rito. Kinawit niya rin ang kamay sa batok nito. "My doll," ganti nito sa kaniya. Umikot naman ang mata niya dahil ang landi nito.

Natatawa na hinalikan siya nito sa ilong at noo. "Live with me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top