Chapter 18

HINDI maalis ang tingin niya kay Kenji nang matapos siya kumain. Tahimik lang itong may sinusulat sa dala nitong notebook. Iniisip niya kung ano ang ginawa nito at bakit ang bait nito sa kaniya?

Malalim ang pag-iisip niya. Hindi niya namalayan na lumingon na pala ito sa kaniya. Hindi na siguro nito kineri ang pag titingin niya rito. Nakataas ang kilay nitong nakatingin sa kaniya.

"May dumi ba sa mukha ko?" Agad siyang umiling dito at nangulumbaba. She pouted at hindi pa rin inaalis ang tingin dito.

"Ok, what's wrong?" may pag-aalala na nitong tanong. Bumuntong hininga naman siya. "Bakit ka pumayag pumunta rito? Alam mo ba 'yong sitwasyon na mayro'n ako kala Heather at Arche? What's your goal in her—"

"Teka nga!" Ginulo nito ang buhok. Pinanood niyang nagulo ang magulo na nitong buhok. Ngayon niya lang din na-appreciate ang suot nitong salamin sa mata.

"Ayan mga iniisip mo habang tinitingnan ako?" Nabagsak niya ang kamay nakapalumbaba sa kaniya dahil sa gulat. Umayos tuloy siya nang upo.

"A-ang kapal naman ng mukha mo! H-hindi, no!" Umiwas siya ng tingin dito. She heard him chuckled. "Sus, ayaw pa umamin."

Inis na nilingon niya ito. "Ang yabang mo! F-feeling close ka!"

Mas lalo ito natawa sa kaniyang sinabi. Sobrang nainis naman siya. Hindi niya maintindihan kung ano ang nakakatawa sa mga sinabi niya. Kung sa tutuusin, mas nakakatawa ito!

"Ok, una. Bakit ako pumunta rito? I'm worried about you and yes, I know your situation with them. At wala akong goal kung bakit ako nandito. Like what I said, I was worried."

Inikutan niya ito ng mata. Ang dami kasi nitong sinasabi. "Isa lang ang tama mo, feeling close nga ako sa 'yo." Titig na titig nitong saad sa kaniya. Natigilan siya. What the fuck? Bakit ang bilis ng tibok ng puso niya? May sakit na ba siya? Kailangan na rin ba niya mag pagamot?

"E-ewan ko sa 'yo!" Tatayo na sana siya dahil ayaw na niya ito makausap pa. Nagloloko kasi ang tibok ng puso niya. Ngunit mabilis siya nito nadaluhan. Hinawakan nito ang kamay niya.

Mas lalo siya kinabahan. What the fuck is wrong with her?

"Crescent," he called. Fuck. Bagsak na bumalik siya sa pagkakaupo. Pinag-crossed niya ang bisig sa harap ng dibdib.

"Bakit namamaga ang mata mo kanina?" Gulat na nilingon niya ito. Kitang-kita niya ang pag-aalala nito. Bumuntong hininga siya at hindi na niya pinilit takasan ito.

"Nakausap ko si Sir Berlin. Asawa ni mama." Huminto siya saglit. Hindi niya alam kung mag o-open up ba siya rito? Pinatitigan niya ito. Hinihintay nito ang sunod niyang sasabihin.

"Ang sabi niya, sino naman siya para hindi ako tanggapin sa kanilang pamilya." Hindi niya sinabi rito ang nalaman. Pilit na ngumiti siya rito. Ang seryosong mukha ni Kenji ay napalitan ng magandang ngiti.

"I'm happy for you. Sana ikaw din para sa sarili mo. You're the most person who deserved it."

Pinunasan nito ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi. Hindi niya napansin na umiiyak na naman pala siya. Hindi niya rin maintindihan kung bakit nagagalak ang kaniyang damdamin nang marinig ang sinabi ni Kenji sa kaniya.

"I'm always—" Hindi nito natapos ang sasabihin nang parehas silang lumingon kay Michael. Hindi niya napansin nandito pala ito sa hospital. Ang alam niya kasi ay pinauwi ito ni Sir Berlin.

"Ate," naka ngiti nitong tawag sa kaniya. Mabilis siyang tumayo at dinaluhan ito. "Gising na si mama."

NAGPAIWAN sina Kenji at Michael sa labas ng silid. Hindi dapat sila papayagan dahil lagpas na ang oras ng visiting hours. Mabuti na lang ay napagkausapan nila ang doctor.

Binigyan siya nito ng limang minuto pagkatapos no'n ay bukas na ulit ito pwedeng kausapin.

Nakatalikod si Sir Berlin sa kama ng kaniyang ina. Nanginginig na lumapit siya rito. Punong-puno ng emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

"S-sir," tawag niya. Lumingon ito sa kaniya naka-ngiti. Hinalikan nito ang noo ng ina niya bago siya nito tinapik sa balikat.

Nakapikit ang mata niya sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya pa ito magawang matitigan. Nag exhaled at inhaled muna siya bago tuluyan minulat ang mata. Nag tama ang kanilang mga mata.

Tumutulo ang luha nito sa mata. Hindi na rin niya napigilan ang sarili at naki-isa na rin sa pag-iyak.

Inabot nito ang kamay niya. Malugod na tinanggap niya ito. Umupo siya sa gilid ng kama nito at hindi niya inalis ang mata rito. Totoo nga. She look like her a lot.

"A-anak," namamaos nitong tawag sa kaniya. Mas lalo siya umiyak nang marinig na ang boses nito. Marahan niyang pinikit ang mata at dinala ang kamay nito sa kaniyang pisngi.

"Ayos lang po kahit hindi muna kayo mag salita. We have more time tomorrow." Binuksan niya ulit ang mata. Parehas silang umiiyak nito.

"Y-you are beautiful." Tumango-tango siya. Hinalikan niya ang palad nito. "Mama is s-sorry."

"H-hindi mo po kasalanan, ma. Biktima ka lang din po. Alam ko pong hindi mo po 'yon ginusto. Naiintindihan ko po." Mariin niyang kinagat ang ibabang labi.

"I'm sorry, anak. Wala nagawa si m-mama."

Ang kwento sa kaniya kanina ni Sir Berlin. Nabuntis ang ina niya at the young age. Her supposed to be father? Hindi ito pinagutan ang kaniyang ina dahil mas pinili nito ang career. Mas matanda raw ito ng ilang taon sa kaniyang ina pero hindi sinabi sa kaniya ni Sir Berlin kung sino ang kaniyang ama.

Hindi rin naman siya nag tanong pa. Para saan pa? Sa una pa lang, ayaw na nito sa kaniya.

Binuhay siya ng kaniyang ina. Dinala siya nito ng siyam na buwan. Lumipas ang isang taon. Pinagsabay ng kaniyang ina ang pag-aaral at ang pagtatrabaho para may maibigay sa kaniyang pangangailangan.

Ngunit, isang araw nang umuwi ang ina niya galing sa isang night shift. Hindi na siya nito naabutan. Ayon pala ay dinala siya ng magulang ng kaniyang ina sa isang ampunan.

Hinanap siya ng ina pero hindi siya nito natagpuan. Hindi rin kasi sinabi rito kung saang ampunan siya pinagdala. Nang marinig niya iyon ay naawa siya sa ina.

Hindi niya inalis ang tingin dito. "Mahal na mahal ka ni mama." Nang marinig ang matagal na niyang gustong marinig galing sa ina ay hindi na mag maliw ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

Iyak sila nang iyak. "Mahal din po kita, ma. Pinapatawad na po kita," saad niya pagkatapos ay mahigpit itong niyakap.

"Salamat, anak," bulong nito sa kaniya ngunit bigla siya natigilan. Rinig na rinig niya ang pag beep ng mahaba ang machine sa gilid niya.

Nanginginig na inangat niya ang ulo at tinitigan ito. Tuloy-tuloy ang straight na linya sa monitor. "M-ma? Ma!"

Sigaw siya nang sigaw dito hanggang may yumakap sa kaniyang likuran palabas ng silid. Hindi na niya napagtuonan ng pansin ang mga doctors at nurses na pumasok sa loob ng silid.

"Crescent, I'm here. I'm here." Mahigpit siyang niyakap ni Kenji. Umiyak siya sa bisig nito. Nakita niya pa na hindi makalakad nang ayos si Michael palapit sa kanila dahil sa gulat. Katulad niya ay umiiyak din ito.

Wala pang limang minuto. Bakit kinuha naman agad sa kaniya ang kaniyang ina?

SHE was exhausted. Sa isang linggo ay maraming nangyari. Pagod na pagod siya. One week pero parang sobrang tagal na nito.

Nagkaroon ng lamay. Sa unang mga araw ay iyak lang siya nang iyak. No'ng sumunod na mga araw ay parang wala na siyang maiiyak pa.

But throughout the week. Hindi siya iniwanan nina Arche, Kale, Heather at Kenji. They were there with her. Tumulong din ang mga ito. Sobrang nagpapasalamat siya na kasama niya ang mga ito at ang kapatid na si Michael.

Dahil kung hindi, baka tuluyan na siyang bumigay. Everything seemed fast but felt slower.

"I love you," paulit-ulit na saad ni Arche sa kaniya. Hindi siya binitawan nito no'ng nilibing ang kaniyang ina hanggang umalis ang mga taong naki-libing.

Pinatitigan niya si Arche sa mga mata. "Thank you for everything. I love you, too."

Hinalikan siya nito sa noo. "Always."

BAGO sila tuluyan umuwi ay dinaluhan sila ni Michael. Nagyakapan sila ng mahigpit sa isa't isa.

"Ate, bakit hindi ka na lang tumira sa 'min?" Natigilan siya sa sinabi nito. Bumitaw siya sa pagkakayap dito at mariin itong pinatitigan.

Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito sa kaniya. Agad din siyang ngumiti rito. "Thank you, Michael. Paki-sabi na rin kay tito Berlin but I'm sorry. I can't."

"Buo na talaga 'yong desisyon mo, no? Hindi na kita mapipilit pa?" Tumango siya rito. "Hindi na," saad niya.

"Kung gano'n. May isa akong hiling sa 'yo."

Kumunot ang noo niya. Nagtataka. "Ano 'yon, aber?"

"Always call me," seryoso nitong saad sa kaniya. Medyo natawa naman siya. Hinawakan nito ang balikat at ginulo ang buhok.

Nagalit pa ito dahil hindi na raw ito bata para guluhin ang buhok. Parehas silang natawa ni Arche pero agad niya rin naman hinalikan sa pisngi ang kapatid.

"Promise. Palagi kitang tatawagan."

Mahigpit ulit siya nitong niyakap. "Thank you, ate. Sana hindi ka na maging malungkot. Kuya Arche and I— actually, isama na natin 'yong iba mo pang kaibigan na hindi ka iniwan. Palagi kami nandito para sa 'yo."

Bago siya bumitaw dito. Pinunasan niya muna ang pisngi. "Ano ba 'yan, masyado mo akong pinapaiyak."

Natawa naman si Michael. "I love you, ate."

"Mahal ka rin ni ate, bunso."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top