Chapter 17
EVERY tapos ng studies niya at work niya sa library ay dumi-diretso siya sa hospital. Gano'n palagi ang ganap nila ni Michael. Madalas nilang dalhin sa hospital ang school works.
One time ay napagalitan sila ni Sir Berlin ang ama ni Michael. Kung gagawa raw sila ng school works ay dapat ginagawa talaga nila ito. Kung mag babantay sila ay dapat bantay talaga ang gagawin nila.
Alam niyang nasabi lang iyon sa kanila ni Sir Berlin para na rin sa kanila. Mahirap ipagsabay ang isang bagay but then again, buong buhay na niya ito ginagawa. Nag-aaral at nag ta-trabaho siya.
Easy na lang sa kaniya ang mag bantay. Sa gano'n pa man, naiintindihan niya si Sir Berlin. Ang pagkakakilala niya kay Michael ay isa itong mabait at sweet pero pasaway. May respeto at masunurin pero gagawin ang lahat kapag alam nitong nasa tama ito. Lalo na kung ikakabuti ng lahat.
"Ate!" Speaking of the little devil, Michael called her. Lumapit ito sa kaniya na may dalang plastic. Nakataas ang kilay niya na pinatitigan ito.
"Ano 'yan?" mataray niyang tanong dito. Sumagot naman ito. "Ice cream, duh!"
Kinuha nito ang maliit na cup ng ice cream. Tag-isa sila. Binigay nito sa kaniya ang vanilla flavor habang kinuha nito ang chocolate.
"Gusto ko ng chocolate," aniya. Tinaas nito ang kamay. "Hep! No, akin 'to." He even stuck his tongues out.
"Damot." Tawa lang ang naging sagot ni Michael sa kaniya.
HINDI siya iniwan nina Arche, Kale, Heather at Kenji. Madalas pumunta ang mga ito sa hospital para kumustahin siya pati na rin ang kaniyang ina.
Nakaraan pa nila ito hinihintay magising. Matapos nang atake nito. Akala nina Michael ay mawawala na ito sa kanila at akala niya ay hindi na niya ito makikita pa.
Nagpapasalamat siya dahil naagapan ito. Ngumiti siya kay Kale nang makita itong palapit sa kaniya. Nasa library siya. Duty niya sa mga oras na iyon. Nag hihintay na lang siya matapos ito bago siya dumiretso sa hospital.
Balak niya sana no'ng weekend na puntahan ang orphanage nag kupkop sa kaniya ngunit nawalan na siya ng oras pa. Mukhang hindi na rin naman niya kailangan dahil nahanap na niya ang ina. Nakikita na niya ito sa kaniyang harapan ngunit natutulog nga lang ito.
"Ayos ka lang?" tanong ni Kale nang makalapit ito sa kaniya. Bigla kasi bumusangot ang mukha niya nang maalala ang ina.
May pagkakataon pa kaya siya na makausap ito? Matanong ito kung bakit siya nito iniwan? Matatanggap niya kaya ang magiging rason nito? Matatakot ba siya kapag nagkaroon na ng pagkakataon na makausap ito?
Maraming tanong ang pumapasok sa kaniyang isipan. Umaga't gabi ay hindi mag tigil ang kaniyang pag-iisip. Pasalamat na lang siya dahil hindi siya iniiwan at pinapabayaan nina Arche.
Lalo na ngayon. Binalik niya ang tingin kay Kale. Unti-unti na rin nawawala ang pagiging awkward nila sa isa't isa. Kailangan kasi nila mawala iyon dahil madalas silang magkita nito at wala silang choice para hindi ipilit.
"Ako ang driver mo today," anito. Ngumiti siya, 'yong alam niyang genuine dahil alam niyang deserve iyon nila.
"Thank you, Kale. Sobra ko na a-appreciate 'yong efforts niyo. I promise I'll do the same with you guys," saad niya rito. May kahinaan din dahil nasa library pa rin naman sila.
"I told you. Hindi mo kailangan isipin kapag may ginawa kami para sa 'yo na kailangan mong ibalik 'yon. Hindi kami humihingi ng kapalit, Crescent. Ang gusto lang namin ay maging maayos ka."
Kinagat niya ang ibabang labi habang pinagmamasdan ito. Palaging alam ni Kale ang sinasabi kapag sa ganitong sitwasyon. Hindi rin nakaligta sa kaniya ang nararamdaman niyang kaba.
Bakit siya kinakabahan by just looking at Kale and listening to him said to those words?
SUMAPIT ang biyernes na same routine ang ginagawa nila. Kahit si Sir Berlin ay kilala na rin sina Arche, Kale at Heather. Hindi nakakapunta si Kenji sa hospital dahil medyo malayo ito sa kanila at busy rin ito sa studies. Nalaman niyang sa ibang university ito nag-aaral. Kung kaya't hindi niya ito nakikita.
"Ikaw lang ngayon?" Inangat niya ang tingin kay Sir Berlin. Nakikita niyang mahal nito ang kaniyang ina. Walang araw itong hindi dumadalaw para tingnan ang kalagayan ng asawa.
Nagpapasalamat siya na may taong nag aalaga rito at nag mamahal.
"Ah, yes, sir. Busy po sila sa studies." Binalik niya ang tingin sa librong binabasa niya. May reporting kasi siya bukas. Kailangan niya mag-aral.
"You can call me tito Berlin, kung gusto mo lang naman," anito. Natigilan naman siya. Binalik niya ang tingin dito. Pilit niya binabasa kung nag si-sinungaling lang ba ito o totoo ang sinasabi.
Wala naman siyang nakitang pagkukunwari. Hindi siya agad nakasagot dito kaya nag salita ulit ito.
"Salamat for accepting my son as your brother. Alam kong madaldal at makulit na bata si Michael. Hindi ko 'yon pagkakaila but that's what we love more about him. Sa pagiging madaldal niya, hindi kami nahirapan alamin kung ano ang nararamdaman niya nang malaman niyang may big sister siya."
Hindi nakaligta sa kaniyang pandinig ang sinabi nitong big sister. Wala itong step sa unahan. Parang may humaplos tuloy sa kaniyang puso.
"Ito pa 'yong mas eager na makilala ka. Palagi nito tinatanong si Phoebe kung kailan ka niya makikilala. Hindi naman kami nagalit dahil gusto rin namin magkaroon ng kapatid si Michael."
Pinakinggan niya ito mag kwento. Never siya nagkaroon ng father figure at marinig kung gaano nito kamahal sina Michael at ang ina niya ay hindi niya mapigilan mapangiti at maluha.
"Are you okay, Crescent?" Pinunasan niya ang pisngi at tumango rito.
"Yes, sir. I'm sorry. Overwhelm lang po ako dahil never po ako nagkaranas ng isang ama," pahina niyang saad dito. Gusto niya kaltukan ang sarili kung bakit niya iyon nasabi. Nakakahiya.
Inabutan siya nito ng panyo at marahan na tinapik ang balikat niya. Pinunasan naman niya ang luhang walang tigil sa pagtulo sa kaniyang mga mata.
"Hindi rin ako nakaranas na may anak na babae." Mabilis siyang lumingon dito. Hindi makapaniwala sa narinig. "I could say, Michael really likes you as his big sister. Sino naman ako para hindi ka tanggapin sa pamilya?"
Tuluyan nang bumuhos ang luha niya sa kaniyang mga mata.
INIWAN siya ni Sir Berlin sa kaniyang pwesto dahil kailangan nito sagutin ang tawag from his work. Nagpapasalamat siya rito at binigyan ito ng ngiti.
Namumula pa rin ang ilong niya sa kakaiyak pero bumalik siya sa pag-aaral kahit ina-absorb niya pa rin ang nalaman tungkol sa ina. Hindi siya makapaniwala. Mas lalo tuloy siya nasasaktan.
Makalipas ang kalahating minuto. Tumigil siya at nag-unat. Sumakit ang kaniyang likuran. Piga na rin ang utak niya.
"What happened to you?"
Inangat niya ang paningin at mas lalo kumunot ang noo niya kung sino ang nasa harapan niya. Kenji was worriedly looking at her.
"What are you doing here?" balik niyang tanong dito. Hindi niya ito sinagot.
"Hindi ba nila nasabi sa 'yo? I'm supposed to be with you tonight."
What?! No one told her that.
Nag mamadali na kinuha niya ang cellphone para tingnan kung may text ba sa kaniya ngunit wala siyang natagpuan patungkol sa pagpunta ni Kenji.
"I guess, they didn't tell you, ha?" Bumagsak ito sa kaniyang tabi. Doon niya lang napansin na may bitbit itong paper bag na may tatak ng food branch.
Kumalam tuloy ang tiyan niya sa gutom. Lumingon sa kaniya si Kenji. Paniguradong narinig siya nito. Tangina. Hindi nga niya ito gusto kausapin tapos ito ang binata sa kaniyang harapan.
Bumili pa ng pagkain para sa kaniya. Bumuntong hininga siya. Kailangan niya i-endure ang buong gabi na kasama ito. Sana talaga ay maging maayos.
"Yeah, they did not," saad niya. Nagulat pa siya nang babaan siya nito ng isang chicken breast with salad.
"Kumain ka. Ang ingay ng sikmura mo," saad pa nito. Sasabat sana siya nang abutan siya nito ng tinidor. "Eat."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top