Chapter 16

NAGUGULUHAN na pinatitigan niya ang mga ito. Nalilito siya. Hindi malaman kung ano ang nangyayari at nararamdaman. Natatakot siya.

"Guys! Come on!" Rinig niyang sigaw ni Kenji galing sa labas. Hindi niya namalayan itong lumabas at binuksan ang makina ng sasakyan.

Hinawakan ni Arche ang kamay niya at inalayan siya makatayo. "You're with us," paulit-ulit na saad ni Arche sa kaniya habang nag lalakad sila palabas ng apartment. Sumakay sila ni Arche sa backseat ng sasakyan ni Kenji.

"Sunod kami sa inyo!" ani Kale. Tinapik pa nito ang sasakyan at tumango sa kaniya. Mahigpit naman na hinawakan ni Arche ang kamay niya.

Binigay ni Michael ang hospital address at sa buong biyahe ay hawak lang ni Arche ang kamay niya. Minu-minuto rin siyang tinatanong ni Kenji kung kumusta siya at tanging sagot niya lang dito ay ayos lang kahit alam nilang tatlo na hindi totoo ang sinasabi niya.

Hindi man niya gano'n kinakausap si Kenji ay nag papasalamat siya sa presensiya nito. At alam niyang he was trying his best.

Hindi niya mapigilan maalala ang kabataan niya. Bata pa lang siya ay pilit na niya ginagawa kung ano ang kaya niya. Simula bata pa siya ay maaga niyang natutunan na mas galingan sa lahat ng kaniyang ginagawa.

Para sa kaniya, kung magaling siya kumanta. Magaling siya sumulat. Magaling siya magbasa. Magaling siya sumayaw. Kahit ang pag ngiti ay ilang beses niya rin tinuruan ang sarili kung ano ang tama. Mas malaking ngiti. Mas maganda. Mas may taong magkakagusto sa kaniya.

Pamilyang gugustuhin na ampunin siya. Para magkaroon ng bagong magulang na matatawag niyang bagong pamilya. Biglang isa-isang bumalik sa kaniya ang mga alaala nang nakaraan.

Ilang beses niya sinasabi na hindi siya galit sa magulang niya pero kung tutuusin. Malaki pala talaga ang sugat natamo niya galing sa mga ito.

Natigil siya sa pag-iisip nang huminto ang sasakyan. Bumaba sila sa harapan ng hospital. Kasunod nila sa kanilang likuran ay ang sasakyan ni Kale. Bumaba ito kasama si Heather.

"Sinabi ni Michael kung anong room?" Tumango siya kay Arche pagkatapos ay inabot dito ang cellphone. She doesn't want to see it.

May ilang pinindot si Arche sa cellphone niya hanggang namalayan na lang nila na may tinatawagan ito.

"Michael, kuya Arche mo 'to. Nandito na kami sa lobby ng hospital. We already know the room but we were wondering if you could come get us?" Rinig niyang saad ni Arche sa step-brother niya.

"Yeah, she's with me. Don't worry—"

Hindi na siya nag tuon ng atensiyon dito. Binalik niya ang tingin sa loob ng hospital. Kahit gabi na ay sobrang busy pa rin ng mga tao.

"Do you need anything?" Heather asked her. Umiling siya rito. "Ok, but Kale and I will get some drinks for us." Tumango siya rito.

"Balik din kami," ani pa nito. Pinisil nito ang kamay niya bago umalis ito kasama si Kale. Naiwan sila nina Arche at Kenji.

Hindi rin nagtagal ay natanaw niya si Michael sa hindi kalayuan. Nang makita siya nito ay kumaway ito sa kaniya pagkatapos ay patakbong yumakap sa kaniya.

"I'm glad you're here, ate," bulong nito sa kaniya. Niyakap niya rin ito pabalik. Doon niya lang napansin nanginginig pala ito hanggang tuluyan na itong umiyak sa kaniyang bisig.

Marahan niyang tinapik ang likuran nito. Kahit siya ay may tumutulo na rin luha pero diretso lang ang kaniyang tingin sa unahan. Kenji and Arche gave them space to comfort each other.

SIMULA kanina pa. Hindi na nawala ang namumula niyang mata at ilong. Kanina pa siya umiiyak. Hindi niya alam kung bakit siya umiiyak sa totoo lang pero nasasaktan ang kaniyang puso.

Nagpaiwan siya sa harap ng silid ng ina. Nakasilip siya sa malaking bintana sa kaniyang harapan. Mahimbing natutulog ang kaniyang ina sa kama sa loob.

Five years ago ay nabalitaan nina Michael ang sakit ng kaniyang ina. May sakit ito sa puso.

Tahimik niya tinitigan ang ina. Marami ulit ang pumapasok sa kaniyang isipan sa mga oras na 'yon. Pinagsisihan niya na hindi ito kitain agad nang tumawag sa kaniya si Michael.

Kung sana hindi lang siya natakot— takot na baka hindi siya tanggapin. Hindi na imposible 'yon mangyari lalo na kung nagawa na nitong iwan siya no'ng sanggol pa lang siya.

"Crescent Euporie Diaz? You're Crescent, right?"

Mabilis siyang lumingon sa gilid niya. Nakita niya ang isang lalaki. Sa tingin niya ay mas matanda ito ng kaunti sa kaniyang ina. Nanlalaki ang mata niya nang mapagtanto kung sino ang nasa unahan niya.

Kamukha nito si Michael. "Ah, y-yes po, sir." Umiwas siya ng tingin dito. Bumagsak ang paningin niya sa kaniyang paanan.

"Totoo nga. You look like your mom. Alam mo ba? Your mom loves talking about you. Palagi niya kinukwento kung gaano kagana ka kumain no'ng bata. Even ang pag-ngiti mo—" Tumigil ito. Parang may inaalala.

"Mahal na mahal ka ng iyong ina."

Pinunasan niya ang luhang tumutulo na naman sa kaniyang pisngi.

"She was sorry for everything she've done to you." Hinawakan nito ang balikat niya at marahan tinapik siya.

SA gabing iyon ay hindi na naman siya nakatulog nang maayos. Nanatili siya sa hospital kasama sina Michael at Arche. Sinabihan niya sina Heather, Kale at Kenji na bumalik na lang sila dahil tapos na rin naman ang visiting hours.

Nasa cafeteria silang tatlo. Walang nag sasalita maliban sa ilang beses nilang pagbuntong hininga ng malalim ni Michael.

"Sigurado kayo na hindi kakain?" nag aalala na tanong ni Arche sa kanila. Kanina pa kasi may pagkain sa kanilang harapan pero hindi man lang nila ito ginagalaw.

Nalilito siya. Hindi niya alam ang gagawin. Oo, iniwan siya ng magulang. Nasaktan at hanggang ngayon ang pagkatao niya ay hindi pa rin buo. Simula nang iwan siya ay parang may nawala rin sa kaniya.

"Nakausap ko siya."

Inangat ni Michael ang tingin sa kaniya. "Ha?"

"Ok, walang sumagot sa tanong ko," reklamo ni Arche pero parehas sila ni Michael nasa iba ang atensyon.

"Your dad. Nakausap ko siya kamo," saad niya. Nanlaki ang mga mata nito at mabilis na hinawakan ang kamay niya.

"Anong sinabi niya?"

"Wala naman. Sinabi niya lang kung ganoon ako kinu-kwento ni mama sa inyo."

Tumango si Michael at ngumiti sa kaniya.

"Bata pa lang ako. Naku-kwento na sakin, samin ni dad na may anak si mama. Wala pa akong gaanong alam no'n kaya hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin. Nang tumanda ako. Nakalimutan ko lahat nang iyon. Siguro, kung hindi ko nakita 'yong mga papeles no'ng araw na 'yon. Hindi kita matatandaan."

Ngumiti siya sa sinabi nito. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

"Thanks for being with her, Mike."

Dalawang kamay na ang pinang-hawak ni Michael sa kaniya. "We can do that, ate. Kapag gumaling na si mama." Parehas silang ngumiting dalawa.

"We can do that," saad niya. But at the same time, pilit niya pinapaniwala sa sarili niya na magagawa nila 'yon.

Kung hindi pa huli ang lahat. Handa na siya makausap ito. Kung pag bibigyan siya nang pagkakataon.

MAAGANG dumalaw sina Heather at Kale kinabukasan sa hospital. May bitbit ang mga ito na prutas at pagkain.

"Nasaan step-brother mo? Mag almusal muna siya. Panigurado nag rereklamo na 'yon sa lasa ng pagkain sa hospital," saad ni Heather. Medyo natawa naman siya. Bumaling pa si Heather kay Arche.

"Umuwi ka muna. Get some sleep and shower. Kami muna bahala rito kay Cres."

Bumaling si Arche sa kaniya. "Are you sure?" Tumango siya rito. "I'm fine, Eury. Go get some rest."

"Babalikan kita mamaya. Mag dadala na rin ako ng damit mo. May gusto ka bang pabili na pagkain?" Hinawakan niya ang braso nito at umiling-iling.

"Eury, stop worrying about me. Kaya ko at isa pa," nilingon niya sina Heather at Kale. "They're with me," saad niya.

"Ok." Niyakap siya nito at hinalikan ang noo. "I'll be back."

"Take your time! I'll be here."

Binalik niya ang tingin kala Heather at Kale nang tuluyan nang makaalis si Arche.

"Let's eat?" yaya niya sa mga ito. Kinuha niya ang isang hawak na paper bag ni Kale at nag tungo sila sa cafeteria. Hindi rin nag tagal ay dinaluhan sila ni Michael at sabay silang kumain na apat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top