Chapter 13
HINAYAAN siya ni Arche makapagisip. Lumipas ang isang linggo kung saan hindi siya tinantanan i-text ng sinasabing step-brother niyang si Michael.
Kahit hindi niya ito replyan ay patuloy pa rin ito nag a-update sa kaniya. Alam na rin niya kung ano ang paborito nitong pagkain at inumin. Maski ang paborito nitong sport ay sinabi sa kaniya.
Madalas din ito mag rant sa kaniya tungkol sa studies nito. Hinahayaan na lang niya dahil kahit ipagkaila niya sa sarili ay hindi pa rin mag babago natutuwa siya sa presensiya nito.
At ngayon niya lang din naranasan mag kapatid kuno.
Walang alinlangan na sinagot niya ang tawag ni Michael. "Ate—" Hindi niya agad ito pinatapos dahil siningitan niya ito agad.
"Sige, makikipagkita ako sa 'yo." She heard a gasped on the other line then said, "totoo ba, ate?"
"Maniniwala ka o hindi ko 'to itutuloy?" Mabilis naman sumagot si Michael nag loloko lang ito at excited na ito na makita siya. Binaba niya ang cellphone na do'n niya lang napansin na may nakapaskil na ngiti sa kaniyang labi.
BINUKSAN niya ang glass door ng isang cat café. Dito naisipan makipagkita ni Michael sa kaniya. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Sobra siyang kinakabahan. Nawala siya sa pag-iisip ng kung ano-ano nang maramdaman ang kamay na humawak sa kaniya.
Nilingon niya si Arche na may ngiti sa labi. Sa takot niya makipagkita ay nagpasama siya kay Arche. Sobrang thankful siya rito dahil suportado at hindi siya nito iniwan. Isa na 'yong maaga ito pumunta sa apartment niya.
"It's okay, I'm here." Tumango siya at nag pasalamat dito.
Nang makapasok sila sa cat café ay lumapit sila sa counter. May suot itong cute na apron na may imprint na cats. Medyo malaki rin kasi ang café at paloob ito.
Umorder sila ng inumin dito at treats for cats. Para kapag may pumuntang pusa sa kanila ay mabigyan nila ito. Bago sila tuluyan umalis sa counter ay tinanong niya muna kung may nag bigay ba ng pangalang Michael para sa kaniya.
"Yes, ma'am. Meron po. Ang bilin po ni sir nasa play area siya," naka-ngiti nitong saad sa kanila. Nag pasalamat siya rito at dumiretso sa loob.
Sa unahan pa lang ng café ay may mga pusa na. May ilang customers ang nakikipaglaro sa mga ito. Nag patuloy sila ni Arche dumiretso sa play area.
Hindi niya makilos ang mga paa nang mapansin na may nakatalikod na lalaki nakikipaglaro sa puting pusa. Hinawakan siya ni Arche sa baywang pagkatapos ay sabay silang nag lakad palapit dito.
Huminga muna siya ng malalim bago tinawag ang pangalan nito. "Michael."
Lumingon sa kanila ang lalaking nakatalikod. Nanlalaki ang mata nito nakatingin sa kaniya pero agad din napalitan ng masayang ngiti. Nag mamadali rin itong tumayo at niyakap siya ng mahigpit.
Nabitawan siya ni Arche at natigilan siya sa kaniyang kinakatayuan. Mas humigpit ang yakap nito sa kaniya.
"Finally, ate. Nagkita rin tayo." Bumitaw ito sa kaniya at pinatitigan siya. Para bang pinag-aaralan siya nito. Nahiya naman siya.
"Kamukha mo talaga si mama."
"T-talaga?" nahihiya niya pa rin saad. Tumango-tango naman ito at kinuha ang cellphone. May pinag pipindot ito pagkatapos ay inabot sa kaniya.
"Look!" Pinagmasdan niya ang babae sa litrato. Isa itong family picture. Sinilip niya saglit si Michael. Naka-ngiti pa rin ito. Binalik niya ang tingin sa cellphone.
May hawak na mabalahibong itim na pusa si Michael. May naka-paskil din na malawak na ngiti sa mga labi nito habang sa magkabilaan nito ay ang sinasabi nitong ina niya at sa kabila ay ang isang lalaki na may katandaan. Sa tingin niya, ito ang ama ni Michael.
May konting kirot na pinatitigan niya ito. Never siya nag karoon ng family picture. Kahit ama ay wala siya.
Binalik niya kay Michael ang cellphone nito. Mukhang may masayang pamilya ang mga ito. Nalungkot siya nang isipin iyon. Naramdaman niya ulit ang kamay ni Arche sa kaniya. Nag papasalamat talaga siya na kasama niya ito. Hindi niya alam ang mangyayari kung hindi niya ito kasama.
At totoo nga. Kamukha niya ang ina. Sa mata at labi. Nakikita niya ang sarili dito na mas lalong kina-lungkot niya.
"Pwede tayo mag pa-picture nang ganito ulit tapos kasama ka na," saad ni Michael. Medyo nagulat siya sa sinabi nito pero parang may humamplos sa kaniyang puso nang marinig ang turan nito.
Ngunit hindi rin 'yon nag tagal dahil hindi siya sigurado kung mag papakita siya sa ina. Pumayag siyang makipagkita kay Michael pero hindi ibig sabihin no'n ay handa na siya makita ang ina.
"Boyfriend mo, 'te?"
Muntik na siya mabilaukan sa sinabi nito. Natawa pa si Michael nakatingin sa kanilang dalawa ni Arche.
Nilingon niya si Arche at ngumiti rito. "Oo, boyfriend ko. Si Arche Eury."
"My bro-in-law!" sabay yakap ni Michael dito. Parehas sila ni Arche na hindi inaasahan ang biglang yakap ni Michael sa binata. Dapat siguro kailangan na niya ihanda ang sarili dahil mukhang touchy at clingy ang step-brother niya.
"Nice to meet you rin, Michael," natatawang saad ni Arche rito. Bumaling sa kaniya si Michael at binigyan siya ng thumbs up. Naiiling na lang siya sa kakulitan nito.
That afternoon, marami silang napagusapan or more like, maraming nakwento si Michael sa kanila. Habang nakikipagkwentuhan din sila ay may ilang pusa ang lumalapit sa kanila.
Binigyan niya ito ng treats at brinush ang balahibo nito. Natutuwa siya dahil hindi siya nag karoon ng problema sa mga ito at gusto siya ng mga pusa.
Inasar pa siya ni Michael na baka cat of queen siya na nag babalat anyo. Nakurot niya tuloy ito sa tagiliran. Tawa lang sila nang tawa hanggang mauwi sa pag seseryoso ni Michael.
"You were wondering siguro kung paano kita nakilala. Matagal ka na kasi ate gusto makita ni mama. Nakita ko sa office niya 'yong mga papeles sa paghahanap niya sa 'yo. Kahit si papa ay tinutulungan si mama para mahanap ka."
"Hindi naman sila nabigo dahil nakita ka nila. Ngunit hindi ko alam kung bakit hindi tinuloy nila na puntahan ka," may lungkot na kwento ni Michael sa kaniya.
May pait na tumango at ngumiti siya rito. Marami na naman ang tumatakbo sa kaniyang isipan.
"Sa tingin ko dahil natakot si mama," nakayukong saad ni Michael pagkatapos ay inangat nito ang tingin sa kaniya. "Ate, mahal ka ni mama. Baka nga mas mahal ka pa no'n kaysa sa 'kin," natawa ito sa huling sinabi. Kahit siya tuloy ay natawa rin.
"Sana pag-isipan mo makipagkita sa kaniya. Lalo na ngayon." Yumuko ulit ang ulo ni Michael. Pansin niya rin nawala ang naka paskil na ngiti nito sa labi. Inabot naman niya ang kamay nito at pinisil.
Umangat ulit ang ulo ni Michael sa kaniya. Binigyan niya ito ng isang ngiti. This time, 'yong totoo na.
"I'll think about it and I'm always here whenever you need someone to talk to."
Bumalik ulit ang ngiti sa labi ni Michael. Natuwa naman siya. Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. "Salamat, ate Crescent! I love you." Hinaplos niya ang likuran nito at nag hummed.
"Thank you rin, Michael."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top