Chapter 12

BUMALIK sila sa dati. Mas lalong naging madalas ang pagkikita nila ni Arche. Hinahatid at sundo rin siya nito. Kahit sa tuwing part time job ay ay sinusundo siya nito. Nabalitaan kasi nito na marami na naman sa paligid ang nagloloko.

Para sa pagiging safe niya at hindi mag-alala ang binata ay sinusundo talaga siya nito. Minsan ay hindi siya pumapayag dito dahil busy din ito sa studies at ayaw niya sumingit sa oras nito.

Ngunit palagi siya nito pinagsasabihin. He said, hindi naman siya ang nag request dito. Nag kusa itong sunduin siya. Wala na siyang nagawa rito lalo na't ginatungan ito nina Heather at Kale.

Last time ay kinausap siya ni Kale. Humingi ito ng tawad sa ginawa nitong inappropriate sa kanilang dalawa ni Arche. He also assured her na hindi na ito mauulit pa at mas lalong mag iingat na sa susunod.

Simula rin na makilala niya si Kenji. Sa tuwing nakikita niya ito ay hindi niya ito kinakausap. Napag desisyunan niya na 'wag nang mapalapit dito. Katulad sa nangyari sa kanila kala Kale at Heather.

Baka mas lalo kasi siyang mahirapan pa. She couldn't afford to lose Arche.

Kasalukuyan siyang nakahiga sa kaniyang kama. Nakatingin sa kisame. Masyado nang gabi pero hindi siya makatulog na naman.

Kumunot ang noo niya. Sinilip niya ang orasan sa dingding. Alas dos na ng madaling araw. Sino naman ang tatawag sa kaniya sa ganitong oras? Arche?

Kinuha niya ang cellphone sa side table. Mas lalo siya nag taka nang makitang unregistered number ang nasa screen. Who could it be?

"Hello?" tawag niya. Nakarinig siya ng malalim na paghinga sa kabilang linya. Kinalibutan tuloy siya bigla. Para kasing lalaki ito.

Papatayin na sana niya ang tawag nang mag salita ito. "Ate? Ate Crescent?" Ate?

"Sino 'to?" tanong niya rito. Hindi niya ito sinagot. Mahirap na at baka kung sino ito. Marami pa naman ang nagloloko ngayon.

Hindi ulit ito sumagot agad sa kaniya. Pinagloloko ba siya nito?

"Kung nambibiro ka lang. I'll end this cal—"

"No!" sigaw nito sa kabilang linya. Nalayo niya tuloy ang cellphone sa tainga. Sino ba 'to?

"Sino ka?" tanong niya ulit dito ngunit huminto ang mundo niya sa kaniyang narinig. Pinagloloko ba talaga siya nito?

"Hindi ka nakakatuwa!" sigaw niya rito pagkatapos ay pinatayan ito ng tawag. Nag ring naman ulit ang cellphone niya. Tumatawag ulit ito sa kaniya. Binalewala niya ito.

Paulit-ulit niyang narinig ang huling sinabi nito sa kaniya.

"I'm your step-brother Michael. I called you dahil may sakit si mama at alam 'kong gusto ka niya makilala."

That's impossible. Paano siya nahanap ng step-brother kuno niya kung hindi naman siya kilala ng ina niya? Imposible 'yon mangyari. Ngunit paulit-ulit na naman niya naririnig ang boses nito. Hindi pa nakakatulong ang pursigido nitong pagtawag sa kaniya.

Sa sobrang inis niya ay sinagot niya ulit ang tawag.

"Nag loloko ka lang," mariin niyang saad dito at hindi siya mag papaloko dito. Never.

"I was telling the truth and I can prove you that! Just.. Just meet me, ate."Humina ang boses nito nang sabihin nito ang huling mga salita. Para bang nawalan ito ng pag-asa.

"No. Kung nag sasabi ka man nang totoo. Hindi pa rin ako makikipagkita. I don't need to see her."

"Ate—" hindi na niya ito pinatapos pa. Tuluyan na niya pinatay ang tawag. In-off niya rin ang cellphone dahil baka hindi siya nito tantanan.

Based kasi sa boses at determinadong tunog nito ay hindi ito papayag na mawala sa lahat ang pinaghirapan nito hangga't hindi siya nito napapayag.

At dahil kay Michael ay mas lalo siyang hindi nakatulog nang maayos.

HINDI man niya gustong may makaalam ay sinabi niya pa rin kay Arche na may tumawag sa kaniya at sinabing step-brother niya ito. Natuwa si Arche sa nalaman at gusto nito makipagkita siya ngunit nang sabihin niyang ayaw niya ay sinuportahan siya nito.

"I never tried to find her dahil alam 'kong hindi naman na kailangan. Lumaki ako na walang magulang. Kinaya ko mag-isa at alam 'kong kakayanin ko pa."

Hinawakan ni Arche ang kamay niya at pinisil ito nang marahan. Nasa isa silang ice cream parlor. Malungkot kasi siya at sa tuwing nalulungkot siya ay kumakain siya ng matamis.

Bagong bukas ang ice cream parlor. Kaya, niyaya siya ni Arche rito pumunta.

"I know at alam mong proud na proud ako sa 'yo." Ngumiti pa ito ng matamis sa kaniya. Ngumiti naman siya pero naluluha rin. "But Crescent sometimes it's okay to let it out. Sa tingin mo ba may mawawala sa 'yo kapag nakipagkita ka sa step-brother mo?"

"What if, he's not my real step-brother? What if, hindi naman pala siya ang totoo 'kong ina? Aasa na naman ba ako? Masasaktan. Dalawang beses na ako nawalan ng ina, Eury. Ayoko na ulit maramdaman 'yon. Maayos na ako."

"But are you really okay?" Natigilan siya. That was the question, she doesn't want to answer.

"I don't want to meet him," pag mamatigas niya rito. "Especially her, Eury. I don't want to see her. I don't need her," saad niya pero hindi niya mapigilan ang umiyak.

Tinakpan niya ang mukha at umiyak nang umiyak. Wala na siyang pakealam kung nakikita ba siya ng ilang customers sa ice cream parlor.

Naramdaman niya na nilapitan siya ni Arche at niyakap nang mahigpit. "I'm here," paulit-ulit nitong bulong sa kaniya. Mas lalo siya umiyak. Nasasaktan siya.

Gabi-gabi niya tinanong sa sarili kung anong mali sa kaniya kung bakit siya iniwan ng magulang niya sa ampunan at hindi man lang siya hinanap nito.

Mas lalong hindi siya nakatulog kagabi dahil sa kakaisip na may sariling pamilya ang ina niya habang siya ay nangungulila sa magulang.

Kung gusto man siya nito makilala o mahanap. Sana noon pa! Noon pa no'ng bata siya na umiiyak siya tuwing gabi dahil tinatanong niya ang sarili kung bakit siya iniwan ng magulang niya.

Nalulungkot siya sa tuwing nakakakita ng pamilya na kumpleto dahil hindi niya iyon naranasan. Maswerte na lang siya dahil may nag kupkop sa kaniya na tinuring siya na tunay na anak.

"Ang sabi pa ni Michael. May sakit daw si mama. I.. I don't know what to do. Natatakot ako."

"I know, babu, I know," saad nito. Ilang beses pa siya nito hinalikan sa sintido niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top