Prologue

Paano kong malaman mo isang araw na ang inaakala mong ikaw, ay hindi pala? Paano mo kaya matatanggap kung ang matagal mo nang kinasusuklaman at itinuturing na kaaway ay kadugo at kapamilya mo pala? At ang matagal mo nang kinakasama na itinuturing mong pamilya at kaibigan ay ang dapat mo pa lang ituring na kaaway?

Alin ang mas pipiliin mo? Ang mga Kaibigan mo? o Ang Pamilya mo?

Gagawin mo ba ang tama, kahit alam mong mali ito? o Gagawin mo ang mali, dahil ito ang tama?

Napakagulo ng mundo. Hindi mo inaasahan na mangyayari ang hindi mo inaakalang mangyayari at ang inaakala mong mangyayari ay hindi naman mangyayari ng di mo inaasahan.

Pagtitiwalaan ang kakampi na dapat ay hindi pala? At pagtitiwalaan ang kaaway kung saan pala ay dapat, ngunit hindi rin?

Paano mo paniniwalaan ang katotohanang akala mo ay isang kasinungalingan? At paano mo hindi paniniwalaan ang kasinungalingang sa simula palang ay matagal ng isang katotohanan?    

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top