Chapter 3 - Kalanggoy
"Ano po ba ang nangyayari?" lumingon ang naka jacket sa akin at nagsalita.
"Nasa digmaan tayo ngayon ng Langit at Kadiliman." sabi niya.
"A-ano? Digmaan? Langit? Kadiliman?" hindi kaya ay niloloko lang ako nito?
"Weeeh??" narinig kong sinabi ni Moly. Nabigla ako at napalingon sa kanya. Akala ko ba umiiyak 'to? Ibang klase rin itong si moly kanina lang mangiyak-ngiyak siya dahil sinugod siya ng mga zombie kanina, ngayon kung maka react ay parang normal lang siya. Hindi man lang niya naisip na niligtas siya ng lalakeng yan kani-kanina lang. Ewan ko sa bestfriend kong ito hindi ko nga rin minsan maintindihan ang ugali nito.
"T-teka? Bakit ka nga ba nandito?" tanong ko sa kanya.
"Manghihiram sana ako ng libro mo sa science kaso..." lumingon siya sa tatlong kasama ko nang biglang...
Bagsh!
Bagsh!
Bagsh!
Bigla kaming nakarinig ng malalakas na kalabog sa lupa.
"A-ANO YUN?!?" nakatingalang si Moly na may tinuturo sa itaas. Nang lumingon ako sa tinuturo niya ay may nakita akong puno na lumilipad... teka hindi lumilipad kundi, nahuhulog papunta sa kinaroroonan namin!
"Ilag!" tinulak kaming dalawa ni moly ng babae at bumagsak ang puno kung saan kami nakatayo kanina.
"Anong nangyari?! Saan galing ang punong yan!" gulat na tanong ni moly.
Bagsh!
Bagsh!
Bagsh!
Naririnig na naman namin ang malalakas na kalabog sa lupa. Ngayon ay parang malapit na ito sa amin.
"Isang Exercitus! Seline! Umalis na kayo dalhin mo sila." sabi ng naka jacket sa babae.
"Ayos! Mukhang may malakas na magpapakita ngayon." nakangiting sabi ng kalbo.
"Takbo!" utos ng babae sa amin.
Tumayo na kami sa pagkakatumba nang itulak kami ng babae kanina at nagsimula ng tumakbo.
BAAAGSSH!!!
Napatigil kami dahil may isang malaking puno ang nahulog sa harapan namin.
"AAAAAAHH!!! Maco! Ano ba ang nangyayari?!?" takot na sigaw ni moly.
"Wag kayong tumigil sa pagtakbo!" sigaw ng babae sa likod namin.
Iniwasan namin ang punong nakaharang at nagpatuloy sa pagtakbo.
BAAAGSSH!!!
May bumagsak na namang puno malapit lang sa tabi namin. Bakit ba may bumabagsak na puno!? Saan ba galing ang mga punong ito?!?
"AAAAAAAAAH! Macoooo! Ano ba 'tong gulong pinasok mo?!?" sigaw ni Moly sa tabi ko habang tumatakbo.
"Wag ako ang tanungin mo! Pareho lang tayo! Hindi ko alam! Ngayon ko nga lang din nakita ang tatlong yan!" sigaw ko sa kanya.
"Mamaya na kayo mag tsismisan dyan! Bilisan nyo ang pagtakbo dahil maabutan na tayo!" Sigaw ni Seline sa likod naming dalawa.
"Aaaaaaaaahh!!! Baka pina-prank niyo lang kami?!? Hindi nakakatuwa 'tong biro niyo! Pakiusap itigil niyo nato parang awa niyo naaaaaa!" sigaw ni moly.
"MAG INGAT KAYO!!!" narinig naming sigaw ni kalbo mula sa may likuran sa di kalayuan.
BAAAAAAAAAGSSSSSHHH!!!!!
Isang malakas na pagyanig ang naramdaman namin ng makarinig kami ng parang nahulog na isang napakalaking bagay sa lupa sa harapan namin.
Napahinto kami dahil sa nangyari. Nabalot ang buong paligid ng alikabok sa binagsakan ng hindi namin matukoy kung ano.
"Hindi ito maganda." parang kinakabahan na sabi ni Seline.
Unti-unting nawala ang alikabok sa paligid at tumambad sa harapan namin ang napakalaking... KALABAW? Pero ibang klaseng kalabaw ito dahil ulo lang nito ang may anyo ng kalabaw at may katawan ito ng unggoy. Malaki ito at lagpas sampung metro ang taas.
"A-a-anong k-laseng k-ka-kalabaw yan?!?" nauutal na tanong ni moly dahil sa takot. Namumutla ito.
"H-hindi k-ko a-alam?" ang tanging nasabi ko na nangangatog ang mga tuhod. Bakit ba ang daming kung anu-anong nagpapakita ngayong gabi?! Ano ba talaga itong mga nangyayari?
Hindi kami makakilos dahil sa matinding takot at kaba na aming nararamdaman.
Nakatingin ito ng masama sa amin. Nanaliksik ang mga pulang mata nito habang umuusok ang may hikaw nitong ilong.
"Isa yang mataas na uri ng Exercitus!" narinig kong sabi ni Seline sa may likuran.
Kanina pa yang Exercitus na yan! Ano ba kasi talaga ibig sabihin ng Exercitus na yan!
"Kailangan na nating umalis!" ang sabi ng babae pero parang mga bato lang kami ni moly na nakatayo sa harapan nito.
Biglang tumalon ng napakataas ang Kalanggoy(Kalabaw + Unggoy.. yun yung gustong itawag ko eh xP) ng mahigit dalampung metro ang taas. At nang babagsak na ito ay kinuyom nito ang kanang kamay at aakmang itatama sa direksyon namin.
"ANO PA ANG GINAGAWA NIYO! UMALIS NA KAYO DYAN!" bigla akong natauhan sa sigaw ni Seline. Pero huli na ang lahat dahil malapit na itong bumagsak sa aming dalawa ni Moly.
BAAAAAAGGG!!!
Isang malakas na kalabog ang narinig ko at nakita kong may tumama na malaking maso sa pisngi ng Kalanggoy. Hindi ito natuloy sa direksyon namin dahil tumilapon ito at bumagsak sa lupa ng ilang metro mula sa kinaroroonan namin.
"BULL'S EYE!!! haha ang galing ko talaga!" narinig kong tawa ng kalbo sa may likuran ng di kalayuan sa amin.
Napalingon kaming dalawa ni moly sa likuran at nakita naming dumating sina Oero at Flake.
"Bilib kayo sa akin noh?" pagyayabang ng kalbo pagdating.
"Wag kang pakampante. Hindi natatalo ang ganung klase ng Exercitus sa simpleng pagbato mo lang ng martilyo mo sa kanya." mahinahong sabi ni Flake. Kahit kailan ang hinahon lang talaga niya kahit kanina pa kami hinahabol ng Kalanggoy(Exercitus) ay kalmado parin siya.
"Anong sinabi mo?!?" nagagalit na sabi ng kalbo kay Flake.
"P-pwedeng mamaya na k-kayo mag away dyan?" pagputol ni Moly habang may tinuturo.
Napatingin kaming lahat sa tinitignan niya. Nakita namin ang Kalanggoy na ngayon ay nakatayo na at galit na galit na nakatingin sa amin.
"GRWAAAAAARRRR!!!"
malakas na ungol nito habang nakaharap sa amin ang malaking bunganga nito. May lumabas na malakas na hangin sa bibig nito dahilan para mapapipikit kaming lahat at parang masuka dahil sa amoy nito na napakabaho. May tumalsik pang mga laway sa amin. Nakakadiri! Ilang taon na kaya nung huling nag tootbrush ang nilalang na'to? Mukhang hindi naman ito nagto-tootbrush kahit kailan. Parang amoy ng nalalantang langaw!
"AAAAAAAAAAHHH!!!" napadilat kaming lahat dahil sa biglang pagtili ni Moly at nakita naming hahampasin na pala kami ng malaking kamay ng halimaw.
Agad na pumwesto si Seline sa harapan namin at hinarang ng kanyang suntok ang malaking kamay ng Kalaban. Nagkaroon ulit ng malakas na hangin at pagyanig dahil sa malakas na impact nang sumalubong ang kamao ni Seline sa malaking kamay ng halimaw.
"ALIS! NGAYON NA!" agad na tumakbo kami ni moly papalayo.
"Aahrrg... masyadong malakas ang isang ito! Flake! Oero!" tawag niya sa dalawa.
KSSSSSHHHGGJJSSSHH!!!
Nakarinig ako ng parang tunog ng kuryente mula sa itaas. Napatingin ako ganun rin si Moly. Nakita namin si Flake na nasa itaas na pala at habang nasa ere ay tinutok niya ang baril sa ibaba kung saan ang kinaroroonan ng halimaw. Sa dulo ng baril niya ay may parang umiilaw na bola ng kuryente na humihigop sa mga kidlat mula sa ulap.
"Seline!" sigaw niya sa babae. Napalingon naman ito sa itaas at sa reaksyon ng mukha nito ay parang alam na ang gagawin ng lalake. Tumalon ito ng malakas paatras ng ilang metro ang layo sa halimaw.
"Ngayon na! Flake!" sigaw ng babae.
BAAAGSSSSHHZZZZSHAAAGSSZZSSHHZZZHHZZAAASH!!!
Isang napakalas na boltahe ng kidlat ang tumama sa Kalanggoy mula sa itaas. Tumagal ito nang limang segundo at nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag sa buong palagid dahil sa nangyari.
Umikot ng isang beses ang lalake at lumapag sa lupa nang nakaluhod ang isang paa at hinipan ang butas ng baril sa dulo nito.
"Woahh??" ang tanging lumabas sa bibig namin ni moly. Ang galing niya at ang cool pa niya! Paano niya nagagawa yun!
"Hindi pa yun sapat kalbo. Ipapaubaya ko na sayo ang huling tira." sabi nito.
Anong ibig niyang sabihin?
Nang tingnan ko ang sunog na halimaw ay gumagalaw pa ito ng konti. Parang itong naparalisa. Seryoso?! Buhay parin ang Kalanggoy na yan?!? kahit sa lakas ng tinamo nito sa atake ni Flake ay nakakatayo parin ito at nakakagalaw ng konti? Ang tigas rin pala ng badbreath na 'to.
"Alam ko! Hindi mo na kailangan sabihin yan!" sigaw ni Oero na ngayon ay tumatakbo sa direksyon ng haliwaw.
Biglang may lumabas na naman na isang napakalaking maso sa mga kamay nito nang idikit niya ito. Ngunit, ngayon ay apat na beses na ang inilaki nito kaysa kanina at halos sinlaki na ito ng isang bahay. Naisip ko lang, paano niya kaya nabubuhat ang ganyan kalaking bagay? Ang lakas rin pala kahit papano ng kalbong ito.
Nang papalapit na siya sa halimaw ay iniwasiwas niya ang hawak niya ng buong lakas at inihampas sa katawan ng kalaban. Isang malakas na kalabog ang narinig ko nang tinamaan ito. Tumilapon ang halimaw ng napakalakas at napakalayo. Tumatagos ito sa mga bawat punong nadadaanan. At bumagsak ng halos isandaang metro ang layo mula kay Oero.
"WOOOOOOOH!! OSAWM!" masayang sigaw nito.
Kaso bobo. Ginawa pang "OSAWM" ang "AWESOME".
Binagsak niya sa lupa ang hawak niyang maso at mabilis itong naglaho na parang nasusunog at naging abo.
"Hindi pa tayo ligtas. Baka mamaya lang ay may biglang susugod na naman sa ating kalaban lalo na't may kasama tayong isang hinirang." sabi ni Flake.
Ano daw? hinirang? Ano naman yun? Paweird ng paweird na talaga ang mga nangyayari ngayong gabi. Kung anu-ano nalang ang lumalabas at nagpapakita tapos kung anu-ano pa ang sinasabi ng mga ito. Sana talaga nananaginip lang ako.
"Aaaaaaaaaaahhh!!! Tulong!!!"
Isang sigaw sa malayo ang umagaw ng aming pansin. Nang lumingon ako sa direksyon ng sigaw ay napagtanto kong nanggaling yon sa bahay namin. T-TEKA?????!! May bigla akong naalala.
"SI TITA!!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top