XX
"Maliit man kami sa iyong paningin, huwag kang makapante dahil maari kang mapuwing." -Vladimir
IKA-DALAWAMPUNG PAKIKIPAGSAPALARAN
{Ang Masamang Reyna}
x-----o-----x
Napapangiti ang binata habang nakatanaw sa magandang mukha ng dalagang nasa kanyang harapan. Napakahimbing pa rin ng pagtulog nito. Payapa ang mukha na hindi mababakasan ng problema.
Hindi niya alam kung ilang minuto niya na nga ba itong tinititigan, ngunit nasisigurado niyang hindi nakakasawa ang maamo nitong mukha.
Maya-maya'y napansin niya ang bahagyang paggalaw ng dalaga, at pagdilat ng mga mata nito. Nanlalaki ang mga iyon. Maging siya ay nataranta ng mataranta ito.
"Asawa ko! Nasaan tayo? Ito na bang ang bahay natin? Wah! Bakit ang pangit naman? Bakit nakahubad ka? Hahalikan mo ako? Halikan mo na ko. Halikan mo ko!" Napamaang na lamang ang bunganga ni Vladimir sa sinabi nito. "Wow! Pusit ba ako? Bakit may buntot ako?"
Sunod-sunod ang naging tanong ni Dale. Hindi na alam ni Vladimir ang sasabihin niya dahil sa inaasta nito ngayon. Para itong bata habang nilalaruan ang buntot nito.
"Wew! Gusto kong lumipad! Lilipad ako!" Napangiti na lang siya. Maaring ito ang naging epekto ng paggamit nito ng sobrang mahika.
"Hindi iyan pakpak. Buntot iyan," nakangiting pahayag ni Vladimir.
"Anong ginagawa ng buntot ng aso dito sa paa ko?"
Nasapo niya ang kanyang noo. Akala niya ay pagiging isip bata lang ang mangyayari dito. Parang nagkaroon din pala ito ng amnesia na animo'y kakapangak lang ngayon.
"Buntot iyan ng sirena."
"Vlad!" Hindi niya na kailangang lumingon pa. Nasisigurado niyang sila Juke iyon.
"Mga kampon ni Redep! Nilulusob tayo ng palaka, asawa ko!" Nagulat siya sa biglaang pagyakap ni Dale sa kanya. "Huwag mo akong ibibigay sa mga hipopotamos na iyan!"
"Anong nangyari, dyan?" Takang tanong ni Juke.
"Pre, ayos na sa akin 'yung palaka. Huwag lang hipopotamos," nakasimangot na wika ni Jirou.
"Wow! Pwede kayong maging modelo mga kuya. Ang kikisig ninyo. Pwedeng pahawak ng pandesal?" Namula ng husto ang mukha ni Juke ng hawakan ni Dale ang kanyang dibdib. "Ay!" Biglaang hinampas ni Dale ang kanyang kamay. "Makasalanang kamay! Pinaparusahan kita sa ngalan ng kapangyarihan ng buwan!" Hinampas-hampas nito ang sariling kamay. Tapos umiyak, at pinagalitan ang sarili.
"Ito na yata iyong sinasabi ni Dale na magbabago sa kanya." Seryosong pahayag ni Vladimir sa kanilang dalawa habang napapailing.
"Asawa ko!" Nagitla nanaman siya sa biglaang paghila sa kanya ni Dale at paghalik sa kanyang labi. Nanlalaki din ang mga mata nila Jirou at Juke habang pumapalakpak pa si Dale matapos bumitaw doon. Napaka-cute nito habang pumapalakpak pa. "Oh? Bakit kayo nakatingin sa akin? Gusto niyo 'to?" Sabay turo niya sa nguso niya.
"Dale!" Suway ni Vladimir. Hinihila kase ng dalaga si Jirou at ito naman ang balak halikan.
"Bakit asawa ko?" Takang tanong ni Dale. "Gusto daw ni mamang sorbetero nito." Tinuro nanaman ni Dale ang kanyang nguso.
Parehong nakasimangot ang mukha ni Juke at Jirou. Napansin nilang lahat na ata ng salita ay kayang maitawag sa kanila ni Dale habang si Vladimir ay walang pinagbago. Asawa lang. Wala ng iba.
"Gusto kong maghubad! Naiinggit ako sa inyo eh!"
"Hoy!" Agad na pinigilan ito ni Vladimir. "Hindi ka pwedeng maghubad dito!"
"Bakit naman? Bakit kayo nakahubad? Ako bawal..." Gusto ng maiyak ni Dale dahil sa biglaang pagtaas ng boses ni Vladimir sa kanya. "Hindi mo na ako mahal asawa ko? Drakula, hindi niya na ako mahal. Ikaw na lang mahal ko!" Sabay lingkis nito sa braso ni Juke. "Ikaw na lang mamahalin ko bente-uno. Sapat na. Walang titibag. Panghabang-buhay na ito." Pinaharap ni Dale si Juke sa kanya. "Mangako ka sa akin." Seryoso ang mukha ni Dale. "Mangako ka, bentesingko na ako lang. Wala ng iba."
"Ha?" Nagtataka si Juke. Ano nga naman ang ipapangako niya.
"Ipangako mong bibilangin mo ang buhok ni Kruk-kruk inamers!" Sabay turo niya kay Jirou.
"What the heck!" Halos manakit ang tiyan ni Juke at Vlad sa kakatawa dahil sa ekspresyon ng mukhang hindi maipinta ni Jirou. "Marami pa tayong kailangang gawin. Kailangan pa nating puntahan si Ursula."
"Ursula? 'Yung nanay mo?" Sabay turo ni Dale kay Juke. "Hala! Ayokong makapangasawa ako ng buntanding na pugita!" Agad siyang lumayo kay Juke at kumapit nanamang muli kay Vlad.
"Pasensya na asawa ko. Hindi na ako magtataksil sayo. Pangako!" Sabay taas nito ng kaliwang kamay.
"Mukhang nagsisinungaling ka." Naiiling na wika ni Vladimir. Dapat kase kanan ang itinaas nito at hindi kaliwa.
"Masisiraan ako ng bait sa taong iyan." Nakasimangot na pahayag ni Juke. "Tara na."
Agad na bumaba sa katubigan si Juke at maging si Vlad. Si Jirou lamang kase ang hindi umahon at nakalubog lang doon kanina pa...
"Alam ko na!" Biglaang sigaw ni Dale. Nag-eco sa buong kweba ang boses nito. "Kabit ba ni Poseidon si Ursula?"
"What?!"
"Ha-ha Dale halikana. Nakakabaliw kang kausap," natatawang wika ni Vladimir. Mahaba ang nagiging pasensya niya dito sapagkat nakikita niya ang dating sarili sa dalaga.
Agad namang ngumuso ang dalaga.
"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ni Vladimir.
"Shabi mo halikyana." Wika nito habang nakanguso kaya nahihirapang magsalita. Magkasalikop pa ang dalawang kamay nito at nakapikit ang mata na animo'y hinihintay talaga ang paghalik niya.
"Hindi pwedeng maghalikan ang dalawang isda. Mabubuntis."
"Talaga? Ayoko pang mabuntis!" Agad na gumapang si Dale upang makababa din sa tubig. Hindi lubos maisip ni Vladimir kung saan niya nga ba napulot ang sinabi niya. Mabuti na lamang at napaniwala niya ang dalaga.
x------o------x
Naging mahaba ang paglalakbay ng apat na magkakaibigan. Malapit na sila sa kailaliman ng dagat kung saan naroon ang reyna ng pinakamasamang nilalang sa katubigan na si Ursula.
Unti-unti na rin silang nasanay sa presenya ni Dale na tuloy-tuloy lang sa pagsasalita, at animo'y hindi nauubusan ng lakas. Pinapanalangin rin nila na sana'y may makita din silang lunas sa tama nito sa utak ngayon.
Bahagya silang napahinto sa nakakagimbal ng itsura ng kaharian ni Ursula.
Ang mga nakakakuryenteng kidlat ang siyang nagsisilbing ilaw sa lugar na iyon mula sa itaas. Habang ang baba naman at napapalibutan ng itim na tinta.
"Kailangan nating maging maingat sa pagpasok sa loob. Maaring maraming patibong ang naghihintay sa atin." Pahayag ni Juke.
"Bakit naman kase natin ipagsasapalaran ang buhay natin sa harapan, kung pwede namang likod tayo dumaan?"
"Siyam na raan. Isa. Tatlumpu't apat. Pitong-pito. Pito. Walo. Lima—"
"Dale, mamaya ka na lang magbilang." Suway ni Jirou kaya huminto si Dale sa pagbibilang ng hindi tugma-tugmang numero.
Agad namang lumingon sa likod si Dale na animo'y naghahanap ng nilalang.
"Asawa ko? Baliw na ba ang isdang iyan? May kinakausap siya likod ko." Takang tanong ng dalaga at muling nagbilang. "Isa. Sumpa. Dalawampu't anim. Limampu't lima. Siyamna—"
"Dale, huwag ka munang magsalita. Kailangang nating pumasok sa loob nang tahimik." Muling lumingon si Dale sa kanyang likuran.
"Asawa ko, pinagpalit mo na rin ba ako sa iba?" Malapit na itong maiyak. "Sino ba 'yung Dale na iyon? Ipapalapa ko sa piranha ang aagaw sayo! Isinusumpa ko iyan sa ngalan ng kapangyarihan ng mga tal—"
"Shh!" Agad na tinakpan ni Vladimir ang bunganga ni Dale. Wala siyang ibang pagpipilian. Kailangan niyang gawin ito. Ginaya pa siya ng akto ni Dale. "A-asawa ko?" Nauutal niyang tawag kay Dale. Kung wala lang sila sa ilalim ng dagat, nakakasigurado siyang may pawis ng tumutulo sa kanya.
"Bakit?" Nakangiti nitong tanong sa kanya.
"Mamaya ka na lang magbilang. Kailangan nating tumahimik. Nagtatagu-taguan kase tayo. Matataya tayo kapag nakita tayo ni Ursula."
Agad namang nagkubli ang dalaga sa likod ng bahay ng mga isda, at tumango-tango sa kanya. Umakto pa itong nagsasaway sa kanilang huwag maingay.
Ramdam ni Vlad na napabuntong-hininga ang dalawang binata sa kanyang gilid.
Muli nilang ikinampay ang kanilang mga buntot at nagsimulang magtungo sa likod ng kaharian ni Ursula.
Lahat ng pag-iingat ay ginawa nila upang hindi makaagaw pansin.
Madali naman silang nakapasok sa likod. Ang problema na lang nila ay kung papaano mahahanap ang lugar na pinagtataguan nito ng mga spell upang makita nila ang tamang potion sa anak ng hari.
Napagdesisyunan nilang maghiwa-hiwalay na lamang upang madaling makita ang hinahanap. Kaya naman nagpunta sa kaliwang pasilyo sila Jirou at Juke habang nasa kanan naman ang dalawa.
"May kapangyarihan ng bituin doon!" Turo ni Dale sa mga makikinang na hiyas. Hindi iyon naintindihan ni Vlad ngunit ng lumapit sila sa gitna ng trono ay saka lamang iyon nakuha ni Vlad.
Dali-daling sumisid ang dalawa na puno ng pag-iingat. Agad namang naging abala si Vladimir sa paghahanap ng spell, kaya't hindi nito napansin na iniinom naman ni Dale ang mga potion na nasa bote.
Nakalimang bote na ang dalaga ng mapansin iyon ni Vlad matapos nitong dumighay ng ubod nang lakas.
"Oh!" Sabay bigay ni Dale kay Vladimir ng isang boteng umiilaw ng kulay rosas. "Hinahanap mo iyan. Nararamdaman ko, sa ngalan ni Berting! Kay—"
Hindi naituloy ni Dale ang kanyang sasabihin sapagkat may isang bagay na biglaang pumulupot sa kanyang leeg.
Nagulat pa silang dalawa sa biglaang pagsigaw ng isang nilalang.
"Mga pangahas! Ang lakas ng loob niyong pumasok sa aking kaharian! Nararapat kayong maparusahan!" Hindi rin nakapalag si Vlad ng may pumulupot din sa kanyang leeg. Napakahigpit niyon. Ngunit ang mas ikinakabahala niya ay ang paglitaw ng isang nilalang na may katawan ng tao, at may galamay ng pugita mula sa dilim. Nakakapanindig ng balahibo ang itsura nito.
"Vlad!" Akmang susuntok naman si Juke ngunit agad na naipulupot ni Ursula ang galamay sa dalawang kamay ng binata at maging sa mga paa.
Sa kanilang apat ay si Juke ang may pinakamaraming nakapulupot sapagkat alam nilang napakalakas nito.
"Nasisigurado kong pagsisihan niyo ang pagpasok niyo sa aking kaharian, mga pangahas!" Dumagundong ang boses nito sa buong pasilyong iyon. Umalon ang tubig dahil sa makapangyarihang pagsigaw nito. Bahagya namang nagbitak ang pader sa kaliwang bahagi.
"We?" Sagot naman ni Dale. Pinanlakihan nila ng mata ang dalaga na senyales upang tumahimik ito. "Di nga ho?"
"Hangal! Maari ko kayong tirisin kung iyon ang nanaisin ko!" Humigpit lalo ang pagkakasakal sa dalaga. Galit na galit ito. Kung nakakamatay lang ang tingin, nasisigurado nilang tumumba na si Dale.
"Maliit man kami sa iyong paningin... huwag kang makapante dahil maari kang mapuwing..." Ngingise-ngiseng pahayag ni Vladimir. Nasisigurado niyang may mangyayaring nakakatuwa ngayon.
-------o
Sabaw ba? Awtsu haha siguro nag-enjoy lang ako sa tabi ng dagat. Yes malapit lang kami sa tabi ng dagat kaso tamad akong lumabas. Dito ako nag-type malapit kaya naman nawawala ako sa sarili XD
Yow! Hello nga pala sa mga readers na sumusuporta ng patuloy. Love you, guys! Kilala niyo kung sino kayo. I hate mentioning names. Mahiyain ako lol.
xoxo, CJ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top