XV
"Kung magiging kaanib siya; kapagyarihan ang kanyang ganti sa kung sino man. Ngunit ang sino mang tumutol... kamatayan ang kapalit."-Dale
IKALABING LIMANG PAKIKIPAGSAPALARAN
{Estrangherang Dalaga}
x-----o-----x
Ramdam nila ang tubig na pumaligo sa kanilang mga balat.
"Ngayon na!" Hudyat ni Vladimir. Agad silang lumangoy at lumutang sa katubigan. Ang basilisk naman ay sumunod din.
Sa pagtama ng mga mata nito sa katubigan at pagkakita sa sariling repleksyon sa tulong ng buwan, ay siya namang pagwawala nito sapagkat naninigas na ang mga kalamnan.
Unti-unting lumulukob sa katawan nito ang animo'y sementong sumpa na siya rin naman mismo ang may gawa sa sarili. Sa isang iglap lang ay sumabog ang katawan nito. Nagkapira-piraso ang laman na naging bato.
"Tapos na!" Nakangiting wika ni Juke.
"Anak ng!" Nanlalaki ang mata ni Vlad ng may umahon mula sa katubigan. "Diwata?" Agad niyang tinanggal ang jacket na suot-suot at ibinalot sa hubad na katawan nito.
Ramdam niya ang mainit na pakiramdam kahit na napakalamig ng tubig. Siguradong namumula rin ang kanyang mukha.
Napansin niya rin ang pag-ahon ni Jirou, katulad niya at ni Juke ay nagulat din ito. Nag-iinit ang pakiramdam ni Vlad, habang si Juke naman ay normal lang ang reaksiyon ngunit at umiwas ng tingin sa babae.
Mas nasilayan nila ang kagandahan ng babae sa tulong ng liwanag ng buwan.
Maputi ang babae, may magandang mapupungay na mata, ang labi ay maliliit habang bagay na bagay dito ang animo'y pusong hininulmang mukha.
Isinuot ng maayos ni Vladimir ang jacket dito. Ang babae naman ay nakatulala pa rin. Nagkatinginan sila. Walang nagsasalita kahit isa.
Segundo ang lumipas...
Hanggang sa ngumiti ang babae...
"Nagulat ko ba kayo?" Napakamot ang babae. "Pasensya na, kahit ako nagulat din sa pagbabago ng anyo ko..." Nakatulala pa rin ang tatlong magkakaibigan. Hindi sila makapaniwala sa biglaang pagsulpot nito.
"S-sino..." nauutal na wika ni Vlad.
"Yung mga kaibigan niyo... kailangan niyo silang dalhin dito..."
"Sino ka?" Pormal na tanong ni Juke ng makabawi sa pagkabigla. Hindi sumagot ang babae ngunit parang nahipnotismo sila sa sinabi nito at tumalima rin kilaunan.
Isa-isa nilang binuhat ang mga katawan ng kaibigan. Puno iyon ng pag-iingat. Natatakot silang mabasag.
Matagal din ang inaksaya nilang oras sa pagbubuhat sa mga ito sapagkat dalawang tao sa isang katawan ang ginawa nila upang madala ang mga iyon doon ng ligtas.
"Ilusong niyo sila sa katubigan, at paliguan." Ayon kaagad ang inutos nito matapos nilang hanapin ang mga katawan ng kaibigan.
"Alam kong isang buwan na kaming hindi nakakatikim ng sabon, pero hindi pa naman kami mabaho at nililibag ng ganoon katin—"
"Basta, ilubog niyo sila!" Pagkasabi nito ng salitang iyon ay nagsimulang umahon sa lawa ang estrangherang babae, at tinanggal ang jacket na itinabing ni Vlad sa katawang hubad nito. Hindi nila ito maaninag sapagkat nakakasilaw ang sinag ng buwan. Ngunit ng matanaw ang kurba ng katawan nito ay sapat na upang mapanganga sila.
Nagtaka sila kung bakit ito naghubad roon.
Muling napako ang mga paningin nilang magkakaibigan sa estranghera.
"Hoy!" Sabay-sabay na pinagdadagukan ni Cash ang mga magkakaibigan.
Ganon na lang ang panlalaki ng mata nila ng hindi namalayang nagbalik ang mga ito sa pagiging tao.
Napadako din ang paningin ni Jimmy sa tinatanaw ng mga ito. Ganon na lamang pagkamanghang makikita sa mukha nito.
"Hoy!" Ginaya din ni Vlad ang ginawa ni Cash at dinagukan din si Jimmy.
"Ano?!" Galit na tanong ni Jimmy.
"Where is Raphael?" Tanong ni Cash.
Nagkatinginan ang magkakaibigan, at sabay-sabay na napatakbo sa lugar kung saan naging bato at nakapira-piraso si Raphael.
Hindi nila lubos maisip kung bakit nakalimutan nila ito. Walang nagtakang kumibo. Mababakas ang pagkalungkot sa mga mata nila. Nagsimula namang pagpupulutin ni Juke ang mga batong nanggaling sa katawan ni Raphael. Nararamdaman ni Jonas na sa isang iglap lang ay may tutulong luha sa mga mata niya ngunit pinipigilan iyon.
Napatingin si Jonas sa kalangitan.
"P-para n-naman kayong mga n-namatayan." Untag niya upang mabasag ang katahimikan. "M-may pag-asa pa. Tiwala lang." Pinipilit ni Jonas na maging malakas ngunit halata ang panginginig ng kanyang boses.
"Ka-kasalanan ko ito!" Nagsimula ng tumulo ang mga luha ni Juke. Pinagsusuntok niya ang sarili dahil sa nararamdamang pighati. Kung maari ay ayaw niyang magpakita ng emosyon sa mga kaibigan, ngunit hindi niya na kinaya.
"Wala kang kasalanan! Kahit sino mang narito ay ganyan din ang gagawin sa ginawa ni Raphael..." malungkot na wika ni Jirou. "Ililigtas at ililigtas niya tayo... kayo kahit ikapahamak niya pa."
"Hindi... ako ang may kasalanan! Kung hindi ko itinuro ang lawa. Hindi ito mangyayari!" Sagot naman ni Jonas.
"Patay na siya..." Tiim-bagang na wika ni Summer, at pinipilit na maging malakas.
"Patay? Ulitin mo nga ang sinabi mo?!" Galit na wika ni Juke. Tumayo ito at ambang susuntukin si Summer ngunit agad na pinagitnaan at inawat nilang magkakaibigan.
"Ano ba kayo?! Bakit niyo sinisise ang mga sarili niyo?! Tang*na naman oh! Sa tingin niyo ba matutuwa si Raphael kung maririnig niya kayong nagkakaganyan ha?!" Sagot naman ni Jimmy. Isang sapak kay Juke at Summer ang ibinigay niya. "Kalmahin niyo nga ang sarili niyo!"
"Kalma? Paano ako kakalma? Pinatay ko siya!" Halos lumabas na ang mga ugat sa leeg ni Juke dahil sa patuloy na pagsigaw.
"Tama si Jimmy... may pag-asa pa..." napalingon sila sa direksyon ng nagsalita—ang estrangherang babae.
Nagsisimula itong maglakad papunta sa kanilang direksyon at tumabi kay Vladimir. Ibinalik nito ang jacket ng binata at pasimpleng ngumiti.
"Ano ang dapat naming gawin?" Tanong ni Jirou.
"Mali. Hindi ano. Mas maganda kung sino, sino ang dapat niyong hanapin."
"Sino ang dapat hanapin?" Desperadong tanong ni Juke ng walang paligoy-ligoy.
"Sirena. Luha ng isang sirena."
"Sirena?!" Sabay-sabay nilang tanong maliban kay Cash na kaswal lang ang kilos.
"Kamusta na sila?" Tanong ni Cash.
"Patuloy ang kanilang panghihina. Ganon na lamang ang galit ni Haring Zeus nang magsakrepisyong muli ng lakas si Reyna Athena upang mapapunta ako dito. Nagtitiwala siya sa inyo," muling ngumiti ang estranghera. "Ngunit ang lahat ay galit pa rin. Kabilang na ang iyong ama. Naniniwala silang ninakaw ninyo ang mga kakayahan at kapangyarihan nila."
"Vladimir, magsimula ngayon ay huwag mong ihihiwalay si Dale sa iyong tabi. Nagkakaintindihan ba tayo?" Seryosong wika ni Cash. "Kaya masanay ka na sa presensya niya."
Ganon na lamang ang pagkakakunot ng noo ni Vladimir sa sinabi ni Cash.
Nahihiyang napapangiti naman si Dale dahil sa kaseryosohan ni Cash. "Pasensya nga pala kung nautusan ko kayo kanina. Ang mahiwagang tubig sa lawang iyon lang kase ang tanging paraan upang makabalik sila sa dating anyo. Maliban kay Raphael..."
"Wala bang ibang sinabi sayo ang angkan ko?" Kaswal na tanong ni Cash.
"Maraming nakahandang sorpresa si Typhon. Kung magiging kaanib siya; kapagyarihan ang kanyang ganti sa kung sino man. Ngunit ang sino mang tumutol... kamatayan ang kapalit," iba ang naging sagot nito sa tanong ni Cash. Nararamdaman ni Dale na malapit na siyang himatayin, at magbago ang kanyang pag-uugali.
"Sino ka?" Naasiwang tanong ni Vladimir. Naka-kapit kase sa kanyang braso ang estrangherang babae. Nakakailang. Ngunit ayaw niya itong mabastos.
"May naalala ka bang kwagong kumapit sayo?" Sumimangot si Vlad bilang sagot. "Ako iyon. Sanay akong nasa tabi ng Dyosang si Athena sa tuwina. Hindi ako maaring lumayo sa kanya sapagkat manghihina ako. Ganon din ang mararamdaman ko kung sakaling lalayo ako sayo ngayon..."
"Hanep! Charging station ka na pala ngayon, Vladimir!"
Hindi nila pinansin ang pagbibiro ni Jimmy sapagkat iniisip pa rin nila si Raphael.
"Ganito ang plano. Hahatiin natin sa dalawa ang ating grupo. Hindi natin maaring pagsamahin si Juke at si Summer. Baka magpatayan pa iyan." Nagkatinginan nang kay talim ang dalawa at animo'y may boltahe ng kuryenteng tumawid sa matatalim na mga mata. "Si Juke, Vladimir, ako, at si Dale sa unang grupo. Kami na ang maghahanap ng sirena. Jonas, Summer, at Cash, hanapin niyo ang mga gamit nating nawawala. Maasahan ko ba kayo?" Tanong ni Jirou. Ito ang pangalawang beses na nagsalita ito nang kay haba kaya naman napatunganga silang magkakaibigan.
"Nice decision, then... we will take care of the broken sculpture of Raphael. Tuwing hapon ay mag-aabang kami dito," wika ni Cash.
"Eh ako? Saan ako?" Protesta naman ni Jimmy. Nagkibit-balikat lang si Cash.
"Ang liit mo kase. Hindi ka tuloy nakita. Nakakaiyak 'no?" Pambubuska ni Vladimir.
"Bakit kayo ganyan? Kung sino pa ang gwapo siya pa ang kinakalimutan... iniiwanan... at sinasaktan..."
"Kingtado!" Isang batok ang ibinigay ni Jonas kay Jimmy sapagkat naging madrama nanaman ito.
Ngumiti nang kay tamis si Jimmy. "Sige pala... susulat na lang ako, Cash. Mamimiss kita..." Bumaling ito sa estrangherang katabi ni Vladimir. "Dale, ako nga pala si Jim—aray!" Hinila ni Cash ang tainga ni Jimmy kaya napaigtad ang binata dahil sa gulat.
"You will be with us." Pinagdiinan nito ang huling salita. "After all, he don't have a choice. Right Jirou?"
Napangise lang si Jirou at nagsimulang sumunod sa mga kaibigan, ngunit rinig niya pa rin ang pagpoprotesta ni Jimmy. Imbis na maawa ay natatawa na lang siya sa kaibigan.
"Alam mo? Napakabrutal mong babae ka!" Kahit hindi siya nakaharap ay alam niyang irap lang ang ibibigay ni Cash sa kaibigan niya.
"Pwede ba, huwag kang maingay, Jimmy! Kalalaki mong tao, putak ka ng putak. Tinalo mo pa ang pwet ng manok. Just swag, dude." Kahit hindi siya nakaharap, alam niya ring sumalampak nanaman ng higa si Summer upang matulog. Kahit nagkakagulo na ang lahat ay alam niyang napaka kalmante pa rin nito sapagkat tinatamad.
Si Summer ang uri ng taong hindi mapagtanim ng galit kaya kahit nasapak na ito ay wala lang. Normal pa rin dito ang lahat.
Hindi niya napansin ang tubig na unti-unting lumalalim dahil ayon ang direksyon na tinatahak nila. Nagbalik lamang ang ulirat ni Jirou noong tapikin ni Vlad.
Lumulusong sila sa lawa.
"Hoy! Anak naman ng tukneneng! Bumunot ka daw ng isang buhok mo!" Tumalima naman si Jirou sa sinabi Vladimir, at iniabot na lang kay Dale ang buhok niya.
Kinuha ni Dale ang tatlong buhok at napansin nilang pinagbuklod iyon ng estranghera.
"Pagkatapos ng araw na ito... ibang ako na ang makikita ninyo. Patawad..." Ngumiti muna si Dale at hinalikan ang labi ni Vladimir. Ganon na lamang ang pagkagulat ng binata. Hindi ito nakagalaw sa kinatatayuan. Animo'y nanigas. Pakiramdam niya ay nasumpa siya ng Basilisk.
Hindi rin nakapagsalita si Juke sa natunghayan, ngunit hindi pa man nakakabawi sa pagkabigla ay napasinghap din ang binata. Isang halik din ang ibinigay ni Dale dito. Sa labi din iyon.
Nanlaki rin ang mata ni Jirou. "What the—heck?" Ang tangi lang nasabi ni jirou sapagkat hinalikan din siya ng estranghera katulad ng ibang kaibigan.
Hindi nila alam kung anong ibig sabihin ng ginawa nito. Ngunit kakaiba. Animo'y isang panganib ang dala ng halik na iyon.
"Patawad ulit..." Sa isang iglap lang ng paghingi nitong muli ng patawad ay lumagpak sa katubigan ang mga katawan ng tatlong binata at nawalan ng ulirat...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top