XIV


"Ang bawat pagsusumikap ay may ganting-palang tagumpay. Ang hindi nararapat na mabuhay ay kinakailangang mamatay..."  -Death Note

IKALABING APAT NA PAKIKIPAGSAPALARAN

{Tapos na nga ba?}

x-----o-----x

Aktong lalabas na si Summer sa kanyang pinagtataguan upang hanapin ang bagay na nakapagpatumba sa baboy ramo ngunit iniharang agad ni Raphael ang kamay upang hindi ito makalabas.

"Hindi tayo pwedeng sumugod ng basta-basta lalo na't hindi natin napag-aaralan kung sino ang ating bagong kalaban. Kailangan nating mag-isip ng takteka," wika ng pinunong si Raphael.

Sa paghihintay nila ay sabay-sabay na nanlaki ang kanilang mga mata sapagkat naging bato ang baboy ramong iyon.

"Ano ng plano?" Puno ng pagkainip na tanong ni Summer.

Biglaang lumabas ang Death Note ni Juke at bumuklat ito sa bagong pahina, "Ang bawat pagsusumikap ay may gatingpalang tagumpay. Ang hindi nararapat na mabuhay ay kinakailangang mamatay..." nangunot ang noo ni Juke sa kanyang nabasa.

"Ha?" Napakunot din ang kanilang mga noo sa sinabi nito.

Nagkibit-balikat si Jimmy. "Baka may makasama tayong tutulong din sa atin tapos... mamatay 'yung halimaw!"

Hindi nila pinansin si Jimmy at nanahimik lamang.

Maya-maya pa ay umupo sa gitna ng kwebang iyon si Cash habang magkasalikop ang mga paa, at nakapikit. Itinaas nito ang kamay, isinarado ang palad habang bumubuo ng isang pagsipol sa paraang pakanta.

"Anong ginagawa niya?" Tanong ni Jonas.

"Tinatawag niya ang mga ibon sa kagubatan. Nanghihingi siya ng tulong sa mga ito," sagot ni Juke habang nakatingin din kay Cash.

Narinig nila ang mga pagkampay ng iba't ibang uri ng ibon. Naroon ang iba sa ere, ang iba naman ay nasa mayayabong na sanga habang nagsisipag-awitan ang mga ito.

Matapos ang ilang segundo ay may mga ibong bumaba sa matutulis at matatayog na batuhan. Habang iba naman ay nagpapanaog mismo sa masusukal na damuhan.

"Y-yung mga ibon..." malungkot na wika ni Jonas matapos makita ang mga itong nasa lapag na, nagsitumbahan, at naging bato rin.

"May mga pagkakataon na kailangan nating magsakrepisyo upang may mapatunayan at malaman, Jonas..." wika ni Juke.

"Ay anak ng kuwago!" Nabasag ang matinding katahimikan ng may biglang pumasok na kuwago sa pinagkukublihan nila at agad na dumapo sa balikat ni Vladimir.

"Anak ng ulit! Nakita na tayo ng kalaban!" Nanlalaki ang kanilang mga mata. "Labas!"

Agad na nagsiplusan sila papalabas at nagsipagkublihan sa mga nagtataasang puno ngunit hindi na nagawa pang makapagtago ni Jimmy sapagkat isang ahas ang kumagat sa kanyang paanan. Nahinto siya sa gitnang bukana ng kweba at napatingin sa nilalang na unti-unting lumalaki.

Maya-maya pa'y naramdaman niya ang pagtigas ng kanyang mga kalamnan. Hindi siya makagalaw kaya napadako siya kanyang paanan at nanghihilakbot sa takot sapagkat unti-unti siyang nagiging bato.

"Jimmy!" Sigaw ni Summer na nasa kanang bahagi ng matitibay na puno.

Dahil sa kanyang pagsigaw ay napansin siya ng nilalang na patuloy sa paglaki. Napadako ang mga mata ni Summer sa mata rin nito at naramdaman niya rin ang pagtigas ng kanyang mga laman hanggang sa naging bato rin kalaunan katulad ni Jimmy.

Dahil magkatabi si Cash at Vladimir ay nakapag-usap sila ng dapat gawin.

"We can't escape because idiot Jimmy, and Summer is already petrified..." Pumulot ng bato si Cash at nagsimula silang magplano ni Vladimir. "Here's the goal. First we need to find the weakness of that monster. Second, we need to know what is the bullsh*t thing that we can do to kill that!"

"Parang malabo iyang plano mo. Unang-una, para malaman natin kung papaano mapapatay ang hilamaw na iyan... kailangan nanaman nating magsakrepisyo!" Tumingin si Vlad ng seryoso kay Cash. "Hindi ako papayag na may magsakrepisyo sa gagawin natin."

"Then... I'll do it!" Buong loob na sagot ni Cash. "I have a better plan. But I cannot assure my safety..."

Agad na inilabas ni Cash ang espada at nagsimulang makipagtaguan sa halimaw.

Hindi ito pinigilan ni Vladimir sapagkat alam niyang hindi ito papaawat sa nais gawin. Unti-unti niyang naiintindihan ang takteka nito ngunit kailangan niya si Juke upang masigurado kung tama ang naiisip niya.

Agad na hinanap ng mga mata niya kung nasaan si Juke. Masyadon itong malayo. Kailan niyang maghintay ng pagkakataon...

Nahagip ng mata niya ang mapangahas na pagsugod ni Cash. Ginagamit nito ang espada upang titigan kung nasaan banda ang patuloy sa paglaking halimaw.

Dahil sa kaseryosohan ay hindi niya ay hindi niya napansin ang paglapit ni Jonas.

"Ang halimaw na iyan ay may haganan din. Aabot lamang siya ng limampung talampakan ang haba kaya huwag kang mabahala, at hanggang diyan na lamang siya."

"Kanina ka pa diyan?"

"Hindi, kararating ko lang. Nagtulog pa ako sa ilalim ng batis at nagfree-fall sa sibol!" Sarkastiko nitong sagot ngunit sumeryoso ding muli. "Tama ang ginagawang estratehiya ni Cash."

"Ha?"

"Alam mo, Vlad? Minsan nandyan pa rin iyang pagiging tanga mo!" Binatukan siya ni Jonas. "Umayos ka nga!"

"Halimaw na may kakayahang gawing bato ang kahit na anong nilalang na matitigan nito... walang kakayahan ang katulad natin na natitigan siya..." nag-iisip na wika ni Vladimir.

"Basilisk ang tawag sa kanila. Akala ko... hanggang sa Harry Potter book ko lamang ito makikita at mailalarawan sa aking isipan." Pumikit si Jonas at niremenesa ang mga letrang nakasulat doon. "It doesn't have to be a basilisk fang. It has to be something so destructive that the Horcrux can't repair itself. Basilisk venom only has one antidote, and it's incredibly rare —"

Nanlaki ang mata ni Vladimir sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya akalaing may ganon itong abilidad. Yung hindi na nakuha sa iba, at hindi nanggaling sa sinumang diyoso at diyosa. Wala siyang alam sa librong Harry Potter ngunit pinapaniwalaan niya ang sinabi nito. May tiwala siya dito.

Nag-isip muli si Vladimir, "Kung hindi natin siya kayang patayin gamit ang ating armas o lakas... makakaya natin siyang patumbahin gamit ang sarili niya..."

"Ganon na nga," pagsang-ayon ni Jonas.

Nagtaka si Jonas ng tumayo si Vladimir mula sa pagkakakubli nila.

"Cash! Alam ko na ang gagawin! Alam ko na! Alam ko na!" Nagtatalong wika ni Vladimir. Nawala sa konsentrasyon si Cash at napadako sa nagtatalong lalaki na animo'y binigyan ng isang balot na kendi. Sa muling paglingon ni Cash ay naderekta ang mga mata niya sa pagtitig sa Basilisk. Naramdaman niya ang paninigas ng buong katawan. Alam niya na ang sunod na mangyayari sa kanya—isang bato.

"Cash!" Sabay na tawag ni Vladimir at Jonas habang mabilis na nagtago sa likod ng mga puno. Sapo ni Vladimir ang noo dahil sa katangahang pinairal.

"Ang galing mo talaga, Vlad..." sarkastiko namang wika ni Jonas.

"You're welcome." Nakasimangot na sagot ni Vlad. "Pwede na rin iyon. Di ba? For better and for worst, tell death do their part! Atlis magkasama na si Jimmy at Cash sa kalangitan habang bata pa... sa damuhan naghahabulan... nagtatampisaw sa ulan—aray! Ano ba, Jonas?!" Paangil niyang tanong.

"G*go! T*r*ntado! Lumalala ka nanaman! Endorser ka ba ng pigrolac ngayon? Tanga! Kakakasuhan ka, binago mo pa yung kanta." Sapo ni Jonas ang noo dahil sa kunsomisyon. "Anak naman ng tinolang barbeque oh! Sa dinami-dami ng makakasama... bakit siya pa? Siya pa..." Wagas na wika ni Jonas.

"Patawarin niyo po siya mga santo at santa... sapagkat hindi niya po alam ang kanyang ginagawa... kayo na po ang umunawa sa kanya... dahil nawawala ang brief niya..." nakasimangot na wika ni Vladimir at nagseryosong muli. Kung maari ay hindi na sila pwedeng mabawasan pa sapagkat kapag nangyari iyon ay wala ng magsasalba sa kanila mula sa pagkakakulong sa bato. Alam niyang may sulosyon upang maibalik sa dating anyo sina Jimmy ngunit hindi pa nila alam kung papaano.

Maari nilang maibalik ang mga kaibigan kung hindi mababasag ang batong katawan ng mga ito at mananatili sa ganoong porma. Ngunit kung sakaling mabasag ang mga iyon... ay wala ng pag-asa...

Nagwawala na ang Basilisk sapagkat hindi sila makita. Naroon pa rin sa pwesto sila Jirou, Raphael at Juke. Hindi naghiwa-hiwalay ang mga ito.

"Anong plano?" Umaasang tanong ni Jonas.

"Kailangan natin ng bagay na may repleksyon, Jonas."

"Malabo iyan. Wala tayong kagamit-gamit. Isa pa, malalim na ang gabi."

"Maliwanag naman ang buwan." Nag-isip muli si Vladimir. "Ilog! Tubig!"

"Vlad, malabo nanaman iyan. Hindi natin kayang dalhin ang halimaw sa kahit na anong tubig."

"Tayo hindi... ngunit si Juke ay maaari..." Nanlaki ang mata ni Jonas, naintindihan niya ang gustong ipakahulugan ni Vladimir ngunit katulad ng larong baraha ay kailangan nilang sumugal upang manalo.

"Dapa!" Isang puno ang bumagsak sa kanilang kinaroroonan. Nagkaroon sila ng pagkakataong tumakbo habang patuloy sa pagwawala ang Basilisk.

"Iyang kuwago na iyan! Wala bang balak umalis sa balikat mo?!" Reklamo ni Jonas habang patuloy sila sa pagtakbo.

Ilang beses ng may tumumbang puno na naiilagan naman nila. Yumanig din ang lupa dahil sa kabigatan ng Basilisk.

Lihim silang nagtago sa daan-daang tipak na bato sa may di kalayuan ng Basilisk upang pag-usapan ang kanilang plano.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Vladimir.

"Juke, kaya mo bang dalhin sa ilog, lawa o kahit saang may tubig ang halimaw na iyan?" Kanina pa siya naasiwa sa kuwagong nakakapit sa kanyang balikat.

"May napansin akong lawa kanina," sabi ni Jonas. "Sa bandang hilagang kanluran ngunit malayo."

"Ganito ang dapat mong gawin. Tumakbo ka lang ng tumakbo, Juke. Huwag kang hihinto hanggat hindi siya nadadala doon. Lumusong ka sa lawa, at hintayin mong sumunod doon ang Basilisk. Kapag naroon na siya ay sumisid ka."

Tumango lamang si Juke at nagsimulang tumakbo. Wala siyang pag-aalinlangan sa gagawin sapagkat may tiwala siya sa mga kaibigan.

Nagkasenyasan naman sina Jirou na naroon pa rin sa pagkukubli. Gagawin nilang lahat upang hindi tamaan ng sumpa si Juke.

Napansin ng Basilisk ang nilalang na tumatakbo. Hinabol niya iyon.

x-----o-----x

Takbo rin ng takbo si Juke. Hindi niya makita ang sinasabing lawa. Kalahating oras na siyang naghahanap. Namumulikat na ang paa niya ngunit hindi siya maaring huminto. Hindi siya maaring tumingin sa kanyang likuran. Alam niyang maabutan na siya ng Basilisk.

Lumiliit na ang Basilisk ngunit bumibilis ito.

Unti-unti na siyang nanghihina ngunit hindi pa rin sumusuko hanggang sa matanaw niya na ang lawang sinasabi ni Jonas. Labis ang kanyang pagkagalak.

Ngunit sa kanyang pagtakbo ay nanigas ang kanyang paa. Naipitan siya ng ugat.

Hindi niya napigilang huwag lumingon, ngunit agarang iniharang ni Raphael ang katawan upang hindi siya maging bato.

Dahil sa ginawa nito ay lalong nagalit ang Basilisk. Agad namang dumamba kay Juke sina Jirou at Vladimir at sabay-sabay silang nahulog sa lawa. Lalong nagalit ang Basilisk at hinabol sila ngunit sa di inaasahang-pangyayari ay nasagi at natapakan nito ang naging batong katawan ni Raphael at nabasag iyon...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top