XIII




  "Hindi ko nga rin maintindihan ang nangyayari sa akin. Maraming pumapasok sa isip ko na pati mismong kinabukasan ko ay naiisip ko na rin." -Vladimir

IKA-LABINTATLONG PAKIKIPAGSAPALARAN

{Ang Bagong Kalaban}

x-----o-----x


"Ano ang matagal mo ng inililihim sa amin, Cash?" Tanong ni Jonas.

Huminga nang kay lalim ni Cash at hindi alam kung saan magsisimula.

"Siguro mas maganda kung maghahanap muna tayo ng masisilungan at matutulugan ngayong lumalim na ang gabi... mukhang hindi na ligtas dito..." pasulyap-sulyap sa buong paligid si Raphael. "Doon mo na lamang ituloy ang sasabihin mo, Cash."

"Yung mga gamit natin, hindi pa rin nakikita," pagpapaalala ni Summer. "Nandoon 'yung unan ko—aray! Inaano kita, Vlad?!"

"Para naman kaseng nabawasan ng isang parte ang buhay mo!"

"Alam niyo? Kung papapiliin ako ng ililigtas, hindi na ako magdadalawang-isip pa at isasalba ko ang unan ko kaysa sa inyong dalawa na walang tigil sa kakadada!" Hinipan ni Summer ang buhok na bumagsak sa noo.

"Wow... nagsalita ang tahimik." Pabulong sa hangin ni Vlad.

"Unan lang iyon kung ikukumpara sa mga brief kong nandoon," nakasimangot na wika ni Jimmy.

"What?! You're so—"

"Honey, huwag ka ng magsalita." Tinakpan ni Jimmy ang bibig nito. "Mahalaga iyon sa akin iyon bilang lalaki." Tinanggal ni Jimmy ang pagkakatakip sa bibig ni Cash at humakbang sa malaking bato.

Nagsisimula na silang maghanap ngayon ng masisilungan...

"What do you point out? That they are not straight?!" Pagak na natawa si Cash ng itinuloy ang sasabihin.

"Ikaw ang may sabi niyan..." kita ni Jimmy ang matalim na pagkakatitig ng mga kaibigan sa kanya.

"Pwede na ang kwebang iyon!" itinuro ni Juke ang isang kwebang natatakpan ng mga halaman.

Nagmadali silang pumunta doon.

"Hay..." Inilapag ni Jirou ang mga sangang napulot sa kanilang dinaraanan, pagkatapos ay uminat. Ramdam nila ang matinding pagod kanina sa pagharap sa mga golem.

Nagsimula naman si Raphael na palingasin ang mga sangang napulot.

"Kailan kaya ulit ako makakain ng fried chicken?" Biglaang tanong ni Vlad.

"Hindi pa ako nakakain niyan," sabat naman ni Jirou.

"Kapag nabuhay tayo dito... lahat ng gusto niyong kainin ay ibibigay ko! Ililibre ko kayo!" Pangako ni Juke. "Pero ngayon... tiis-tiis muna tayo sa dagang gubat na ito."

"Dagang ano?!" Halos mandiri si Summer sa bagay na itinaas ni Juke.

"Dagang pabebe, Summer. Yung katulad mo! Tsk. Langya, masarap naman iyan." Napasimangot si Juke. "Ang hirap kayang hulihin niyan."

Ang dagang gubat na sinasabi ni Juke ay hindi pangkaraniwang sapagkat may palikpik ito ng isda, may musang ng pusa at may buntot ng isang lion.

Nagsimula ng sumiklab ang apoy na pinalingas ni Raphael kaya pumalibot sila iisa-isa doon upang makaramdam ng init. Napakalamig kase sa labas.

Ngumiti si Jimmy ng ilagay niya sa balikat ni Cash ang kanyang leather jacket. Nagkatinginan sila. Yung matagal. Animo'y binabasa ang nais ipahiwatig ng bawat-isa.

"Go get a room!" Napalingon silang lahat kay Vladimir na biglaang nag-english.

"Saan mo napulot iyan? Ha-ha tumatalino ka ata!" Inakbayan ito ni Jonas.

Napayuko si Vladimir. "Hindi ko rin alam eh. Hindi ko nga rin maintindihan ang nangyayari sa akin. Maraming pumapasok sa isip ko na pati mismong kinabukasan ko ay naiisip ko na rin." Lumingon si Vlad sa mga kasama. "Hindi naman ako dating ganito pero ngayon parang gulong-gulo na ako..." tumahimik ang bawat-isa at nagsimulang mag-isip.

Ilang minuto ang naging katahimikan hanggang sa basagin iyon ni Cash...

"Pinagduduhan niyo pa rin ba ako hanggang ngayon mula noong bigla akong sumulpot sa eksena niyo? Na biglaan kayong napunta sa lugar na ito?" Wala pa ring sumasagot. "What if I confess to all of you now that... I was a traitor? That I am here to sabotage your entire plan?"

Napabuntong-hininga si Vlad bago nagsalita. "Kung talagang traydor ka, dapat sa simula pa lang ay naghihirap na kami ngayon, at isa pa, kung totoo man iyan... hindi pa rin kami magagalit kase kaibigan na ang turing namin sa iyo."

Ngumise si Cash, "I was hired to kill you, guys." Nilingon niya ang mga ito.

Wala pa ring nagbabago ang ekspresyon maliban kay Juke.

"Bilis-bilisan mong magkwento. Kanina pa ako inis sa'yo. Baka magilitan na lang kita ng leeg dyan sa kinauupuan mo."

"I am the daughter of Hermes. The messenger of gods."

"Weh?!" Sabay na reaksyon ni Jimmy at Vlad.

"Nagpapatawa ka naman ba? Tatawa na ba ako?" Kunwaring natawa si Jimmy. "Ano? Nagpapatawa ka lang 'di ba?"

"Alam kong nagtataka kayo sa nangyayaring pagbabago sa inyo." Kiniskis ni Cash ang kanyang sapatos gamit ang kamay. "Hindi naman talaga ako marunong umakyat ng puno." Nanlaki ang mga mata nila ng makita kung papaano nagpaikot-ikot si Cash habang lumilipad sa ere. "Dahil sa pakpak lang naman ng sapatos ko." Bumaba si Cash at napakamot. Nahihirapan siyang simulan ang nais sabihin.

Kung kasinggaling lang sana niya ang amang si Hermes sa pagdedetalye, ay siguradong tapos na ang kanyang problema.

"Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa dito, Cash. Kung ano man ang gusto mong sabihin ay huwag mo ng patagalin. Lalo lang akong inaantok sa dami ng paliko-liko mong kwento." Nagsimulang humiga si Summer ngunit mulat pa rin ang mata.

"Lalimbamba, doon kayo nanggaling, at nagkila-kilala hindi ba? Ang lugar na iyon ay kinokontrol ng isang mangkukulam, ayon sa aking ama-amahang si Kamatayan."

"I-ikaw 'yung a-anak niya?!" Natakot bigla si Jimmy.

"Oo. Ay hindi!" Sinapok ni Vladimir si Jimmy. "Ilang drum na ba ng tutule iyang nasa tainga mo, Jimmy? Kakasabi niya pa lang dib a?"

"Si Kamat—oppss! Tito R is the one that taking care when they have a war between the Olympus and the Kingdom of evil. Until now I was playing hide and seek to my tito for the sake of my family. Saka na siguro ako magapakita sa kanya kapag nailigtas ko na ang aking ama't mga tiyuhin at tiyahin na nakakulong lahat sa Underworld."

"Lalo yatang gumulo," napakamot na lang ng ulo si Jonas dahil sa kunsomisyon.

"Magulo ba? Pasensya na, I am not that good in storytelling. By the way, Tito Zeus has a twin brother which is now the King of all evil... Typhon is the name by the way. Ang lahat ng nakakalaban natin ay ipinadala niya upang pabagsakin tayo. Hanggat maari... gagawin niya ang lahat huwag lang makawala ang mga tiga-Olympus upang siya na ang mamuno sa buong mundo."

"May kinalaman ba ang Lalimbamba sa mga nangyayari?" Tanong muli ni Jonas.

"Ang Lalimbamba ay hindi lang isang laboratoryo kundi kampo din ng kaaway ng mga tito at tita ko. Ang enerhiya nila ay sinisipsip, pinoproseso upang mapunta sa panibagong katawan. Ang sinasabi kong kapangyarihang iyon ay napunta sa inyo, sapagkat kayo ang gagawing kawal ni Typhon upang lusubin sana ang Olympus."

"Ano?!" Koro nilang wika.

"Yeah. Hindi ko na uulitin. Thanks to my brilliant Tito R at nakawala kayo. Masyado siyang matalino upang maniobrahin ang buhay ng iba."

"Bakit hindi ka makita ni Mr. R?" Tanong naman ni Vladimir.

"Hindi sakop ng kapangyarihan niya ang likod na rota patungong underworld kaya hindi niya ako mahanap. 'Yung tiktik ay ipinadala ni tito upang pabalikin niya na ako sa pinto ng underworld."

"Walanghiya. Kundi sana naakit itong si Jimmy ay wala kami dito." Iiling-iling na wika ni Jonas.

"Hindi rin. Kung hindi ako nakita ni Jimmy... maaring ngayon ay kawal na kayo ni Typhon."

"Well said." Komento ni Jirou. Napakalohikal nitong mag-isip.

"Nang dahil sa reyna na si Echidna ay nailipat sa inyon ng dahan-dahan ang kapangyarihan nila ng hindi nila nalalaman. Habang sila ay pahina nang pahina." Lumingon si Cash kay Jimmy. "Ang kakayahan ng Dyosong si Pan ay nakuha ni Jimmy kaya nagkaroon siya ng kapangyarihang manghipnotismo. Actually, hindi iyon tumatalab sa akin kaso kailangan kong magpanggap sa harapan niyo." Nagpalakad-lakad si Cash. "Kinakitaan ng kakaibang lakas si Juke, at ayon ay nagmula sa pinsan kong si Hercules. Siya lang ang tanging demigod na napasama sa nakulong sa underworld. Si Vlad na isa sa pinakamaswerte sapagkat sa kanya napunta ang kakaibang talino ng tita kong si Athena."

"Ayos 'yun ah!" Pumalakpak si Vlad.

"Kaso minsan hindi halata." Naiiling na wika ni Jimmy.

"Nitong mga nakaraang araw ay napansin ko ang pagiging makasining ni Jirou at kung hindi ko nagkakamali... sa kanya napunta ang kakayahan ni Apollo." Saglit na natahimik si Cash at huminga nang kay lalim. "Pinapapatay kayo ng aking mga kalahi sapagkat balakit kayo sa amin. Maaring isang araw ay mahigitan niyo na ang kanilang mga kapangyarihan, at maging kalaban kayo kaya habang maaga ay kailangan ko ng kumilos at tapusin kayo. Kailangang mapatunayan ko sa ama ko ang silbe ko na kayang-kaya kong resolbahin ang kanilang problema. Iyon ay kung mapapatay ko kayo..." Napayuko si Cash. "Ngunit hindi ko kaya... hindi ko kayang pumatay ng tao. Lalo na't nalaman ko kung gaano kabusilak ang inyong mga puso."

"Sus!" Pabirong hinampas ni Vladimir si Cash ngunit bahagyang napalakas iyon kaya natumba ito.

"Magdahan-dahan ka nga!" Angil ni Jimmy.

"Wala kaseng iyakan, Cash!" Umakbay naman si Jonas kay Cash ngunit napansin ni Jonas ang masamang tingin ni Jimmy kaya bumitaw din kaagad. "Kung ano man ang plano mo ay makakaasa ka sa tulong namin."

Hindi rin nagpaligoy-ligoy si Cash at sinabi ang kanyang problema. "Kailangan nating mailigtas ang aking mga ama't tiyuhin at tiyahin ngunit hindi ko kakayanin iyon ng mag-isa..."

"Edi tutulong kami!" Bumangon sa pagkakahiga si Summer.

"Weh? Ikaw tutulong? Iyang pagiging batugan mo? Malabo!" Ngayon lang nagsalita si Raphael sapagkat nais niyang pakinggan ang bawat-isa, at bilang pinuno ng kanilang miyembro ay kailangan niyang tantiyahin ang sasabihin.

"Tahimik..." Napalinga si Juke sa labas ng kweba. Tinabunan niya kaagad ng lupa ang apoy upang mamatay iyon.

"Mukhang may bisita tayo..." tahimik na komento ni Jirou. Hinawi nito ng bahagya ang mga halaman upang makapagmasid sa labas. Isang baboy ramo ang kanyang nakitang tumatakbo roon. Kaya naman nakahinga siya ng maluwag sapagkat hindi iyon kalaban. Ngunit sa paglingon niyang muli sa labas ay laking gulat niya sapagkat tumumba ang baboy ramong nanginginain sa damuhan.

"Maghanda kayo..."

Iyon lamang ang sinabi ni Raphael ngunit naiintindihan na nila. Nasisigurado nilang padala nanaman iyon ni Typhon... ang bagong kalaban na kanilang kakasagupain...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top